XII.

2400 Words
May kung sinong tumatapik tapik sa akin para gisingin ako. Kinuha ko lang ang unan ko at binaon ang ulo ko. "Saph, tanga tumutunog na yung bell. Tayo na." Sabi ni Zia sa 'kin. Naginat lang ako tsaka na rin ako umupo at tumunganga. Nakita kong ginigising lang din ni Zia si Cali kaya tumayo na rin ito. "Paano natin gigisingin?" Turo ni Zia kay Trisha. Nag 'psh' lang ako and I stood up. Lumapit ako sa may bunk bed ni Trisha at inalog yon. "Time to wake up, you're not sleeping beauty." I said tsaka na ako lumapit sa mga gamit ko. It is 6 in the morning at 7 ang start ng breakfast kaya maya't mayang tumutunog ang bell for us to be aware and get ready. I just wore a sweatpants and a shirt that is a little bigger than my size because it's comfortable. Ganon din sina Zia dahil medyo malamig at baka kung anong activity ang ipagawa sa amin.  Lumabasa na kami at naglakad papunta sa dining hall para sa breakfast.  Papasok na sana ako nang makita ko si Zeke na nasa harap ng clinic and a girl is holding his injured wrist. Hindi ko siya kilala, ngayong ko lang siya nakita.  "She's the new girl."  Tumingin ako sa nagsalita. "Aiden." I said. Tinagilid lang niya ang ulo niya and he smiled at me. Ngumiti naman ako pabalik. He then chuckled at ginulo ang buhok ko.  "Gagi pangit na nga yung tao ginulo mo pa buhok." I slightly pushed him tsaka inis na inayos ang buhok ko. Tumawa siya and said, "Tao?" Gago 'to ah. Hindi ko na lang siya pinansin.  "Hindi ka ba kakain?" He asked.  "Syempre kakain."  "Edi tara na. Ano pang tinatayo tayo mo?" Sabi nito ang grabbed my hand tsaka ako hinila papasok ng dining hall.  Binigyan ko pa ng huling sulyap sina Zeke and he was just looking at our hands. Tsk, that bastard. Ang usapan ako ang sasama sa kanya. Whatever, matanda na siya.  Calista's POV "Pagkatapos ng breakfast meron tayong 30 minutes to get ready bago ang first activity ngayong araw." Sabi ni Eithan na nakasandal na sa upuan niya dahil tapos na siyang kumain. "30 minutes lang? Wala bang iglip?" Tanong naman ni Elijah.  "Tanga, hindi naman bakasyon 'to." Sabi ko sa kanya at sumubo na ulit ng kanin. Anong bang pinagsasabi niya? Edi sana hindi na siya sumama at nagboracay na lang siya.  "Para nagtanong lang ako." Sagot pa niya.  "Nga pala, where's Zeke?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang si Elijah.  "He's with Selene." Chase answered. Napakunot naman ang noo ko. "Selene Bianchi, the new girl. Ang alam ko she'll be a part of our activity. I'm not sure kung idadagdag siya sa team natin but I guess, hindi naman. Other teams are just composed of 8 members." Sagot ni Eithan. Mas lalong kumunot ang noo ko. Trisha is more than enough, dadagdagan pa ng isa? Ayaw ko nga. Si Trisha nga ang laking pabigat na e.  "E bakit ngayon lang siya?" Tanong naman ni Zia.  "Ang sabi kasi she's from Italy at kadarating lang niya kanina rito straight from the airport." Sagot naman ni Aiden. Grabe naman ang sources ng dalawang 'to, alam na alam ah. "If she's... the new girl, bakit magkakilala sila n-" hindi na natuloy ni Zia ang itatanong niya nang sumagot agad si Elijah. May lahing chismoso talaga 'tong hinayupak na 'to. "Ni Zeke. Because they've been in a relationship." Sabi niya sabay inom ng juice. Sabay sabay naman kaming napatingin sa kanya maliban kay Chase. May ex pala si gago. "Why did she came back though?" "Ewan ko. Bakit ba ako yung tinatanong mo? Edi itanong mo kay Selene." Sagot pa niya kaya siya binatukan ni Zia. "Joke lang! Hindi ko alam." Dagdag pa niya.  "What's her name again?" Tanong naman ni Saph. Aba, interesado. "Selene. Selene Bianchi." Sagot naman ni Chase. Napatagilid ng ulo si Saph na akala mo nagiisip e wala naman siya non. "Why? Does it ring a bell?" Aiden asked. "Yeah, kind of. Siguro narinig ko sa kung saan pero hindi ko lang maalala." Nang matapos kaming kumain at magayos ay nag ring na ang bell kaya pumunta na kami sa grounds. Pagdating namin doon ay may mga interlocking mats.  "Ay wrestlingan guys." Sabi naman ni Saph. "Attention students." Panimula ni Mr. Torres. "For this activity, we will be testing your physical strength and your natural reflexes. Bubunot kayo ng number dito, and that will be your team's opponent."  "Should I do it?" Tanong ni Saph bago makalapit si Mr. Torres na nagiikot para bumunot kami ng number.  "Go ahead." Sagot naman ni Eithan.  "Thirteen." Sabi naman ni Saph nang makita niya ang binunot niya.  Tinuro naman ni Aiden kung sino ang mga nasa cabin thirteen and the new girl is with them. Kasali rin yung isang alipores ni Trisha.  "I'll pick here." Sabi ko sa kanila.  "Sino?" Tanong ni Zia.  "Yung kaibigan ni Trisha. I don't trust that b***h. Baka siya pa ang maging dahilan ng pagkatalo natin."'  "Nasa sa'yo naman yun e." Sagot naman ni Saph. Wala talaga siyang kwentang kausap.  "I supposed that you already know the basics, so all you have to do is to defend yourselves. Pipito ako para alam niyo when to start and when the game is over." Sabi naman ni Mr. Torres. He then picked a number.  "Team 6. Anong number ang nabunot niyo?" He asked. Saph raised the number kaya tumango na lang siya. "Okay. Team 6, you will be the first one to pick." Pagtutuloy niya.  "You go ahead, Cali." Si Aiden. Tinanguan ko lang siya ang I stepped on the mats. "I will choose the girl with the ponytail." Pagtukoy ko sa kaibigan ni Trisha.  "What? No!" Trisha hissed at lumapit pa sa 'kin. Tinignan ko lang siya and Chase pulled her. No one can stop me, dumbass. The girl also stepped on the mats kaya tumayo ako ng maayos and I just looked at her.  "Trisha told me that you're always with Chase. Stop pestering him."  "Oh, Am I?" I acted shocked kahit wala naman akong pakealam.  "Are you mocking me?" She asked. Ang dami naman niyang satsat oh, oo.  "Am I?" Tanong ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.  She was about to say something again nang pumito si Mr. Torres hudyat para magsimula na kami.  Mabilis naman siyang nakabawi and she attempted to give me a straight punch.  I held her left hand and slightly moved aside and held her right hand dahil alam kong ipansusuntok din niya sa akin yon. Then I punched her face using my right hand.  "Not so fast." I said nang bitawan ko ang kamay niyang hawak ko sa kaliwang kamay ko. She held her face at galit siyang humarap sa akin dahil pinuntirya ko ang pagmumukha niyang mas makapal pa ang make up sa pagmumukha ni Saph.  "Bitch." She murmured and she gave me an high kick but I grabbed her foot and twisted it kaya nawalan siya ng balanse at tumumba padapa sa mats. Pumaibabaw ako sa kanya at kinuha ang isa niyang braso at inilagay sa likuran niya habang hawak ko siya sa batok para hindi siya makatayo.  Hinahampas niya ang mat gamit ang kaliwang kamay niya, maybe because she's hurting kaya mas diniinan ko pa ang paghawak sa braso niya. I don't have plan on letting her go pero pumito na si Mr. Torres.  Bago ako tumayo, I leaned forward to reach her ear and whispered, "If you're planning to call me a b***h, be sure to add 'bad' before it, weakass." I said and stood up.  "Point for team number 6." Mr. Torres announced.  Bumalik na ako kung nasaan sina Saph at inapiran lang ako ng unggoy. I looked and Trisha with a smirked and she looks mad. As if I care. Sa amin naman ang point ano bang binubulldog ng pagmumukha niya? "Thirteen, it's your turn to pick your opponent from six."  A girl with a natural long caramel colored hair moved in front.  "I'll pick the short haired girl." She said. She picked Saph.  "Ako raw?" Tanong ni Saph na turo pa ang sarili niya. "Tanga, syempre. Alangan naman ako?" Sabi ni Zia at hinawakan pa ang mahaba niyang buhok. Kahit kailan talaga kunsumisyon 'tong si Saph kay Zia. Ako rin naman.  Nagkibit balikat na lang si Saph at pumunta na rin sa may mga mats. "She's Selene, right?" Tanong ko habang nakatingin sa babae. Bahala na sinong sumagot sa kanila.  "Yeah." Eithan said and held my waist. I stiffened. What the hell, Eithan? Parang wala naman yon sa kanya kaya hindi na lang ako kumibo at hinayaan na lang siya.  "Ladies, you know the rules. Well, actually, there is no rule. Defend yourself hanggang sa pumito ako ulit."  They stood straight at nagsusukatan ng tingin. Napatingin naman ako kay Zeke na nasa tabi ko na pala. Umayos siya ng tayo na parang interesadong interesado siya sa nangyayari.  Nang pumito na si Mr. Torres ay inatake agad ni Selene si Saph ng isang suntok. But Saph is attentive kaya she grabbed Selene's wrist at hinila iyon palapit sa kanya and then she took a step forward dahilan para mapunta siya sa bandang likuran ni Selene and kick the back of her knee kaya napaluhod si Selene.  Tumayo ulit ng tuwid si Saph at hinihintay na makatayo si Selene.  "Bakit pa niya hinihintay edi sana tapos na." Sabi ko kaya tinignan ako ni Zeke. Don't tell me nagaalala siya para kay Selene. Ew. "Wag kang magalit." Sabi ko pa sa kanya at tumingin na lang ulit siya kina Saph.  Nang makatayo si Selene ay lumapit siya ulit kay Saph at balak niya itong sipan sa may bandang paa but Saph blocked her feet gamit din ang paa niya.  Masyadong na focus si Saph sa paa nila kaya nakakuha ng tyempo si Selene at hinila ang kamay ni Saph gamit ang kaliwang kamay niya at sinikmuraan si Saph sa isa.  Napaluhod si Saph sa sakit at sinipa pa siya ni Selene kaya napahiga siya habang hawak pa rin ang sikmura niya.  Aiden took a step forward but Elijah stopped him and said, "As much as we want to, we can't." Bumalik naman si Aiden sa kaninang pwesto niya at tinignan na lang ulit si Saph na namimilipit sa sakit.  "Why isn't he whistling?" Nagaalalang tanong ni Zia.  "Because he's enjoying this." I said habang nakatingin pa rin kina Saph. Wala ba siyang balak tumayo? That is not the Sapphire we know.  Sa inis ko ay sinigawan ko siya.  "Rise the f**k up, Achlys Sapphire!" Nagmukha tuloy akong coach niya sa wrestling pero okay lang. Pwede rin.  Mukhang narinig naman niya ako at alam kong kumukuha na siya ng tyempo kaya nanahimik na 'ko Gamit ang dalawa niyang paa ay sinipa niya si Selene kaya napaatras ito sa pagkabigla. Saph then took that chance para tumayo.  Halatang nainis naman si Selene kaya mabilis din siyang nakabawi at sinugod siya ng mga suntok. They exchanged punches na minsan ay natatamaan silang dalawa but they literally know how to block each other.  Nang masuntok ulit si Saph ay napalayo siya at tumayo ulit ng diretso. She then ran towards Selene and jump kicked her kaya napahiga siya.  Sabi na nga ba, hindi dapat ginagalit ang mga unggoy e.  "Waahhh." Amazed na amazed naman si Elijah at nakanganga pa. Napatingin si Zia sa kanya at isinubo sa kanya yung schedule na hawak niya. Tinignan lang naman siya ng masama ni Elijah. Nilapitan ni Saph si Selene at inapakan pa ang kamay niya.  "Are you mad now?" Tanong pa ni Selene kay Saph at ngumiti pa ng nakakaloko. Halata namang diniinan ni Saph ang pagkakaapak sa kanya dahil napasigaw na si Selene.  "I don't get mad, I get even." Saph said atsaka na siya lumayo kay Selene at doon na rin pumito si Mr. Torres.  "Another point for team number si-"  Hindi na naituloy ni Mr. Torres ang sasabihin niya when Selene grabbed Saph's hair. Nagulat din si Saph kaya hindi siya kaagad nakakilos.  Nang makabawi si Saph ay yumuko siya at umikot papasok sa direksyon ni Selene kaya pumalipit ang kamay niya kaya nabitawan niya si Saph. Saph then kicked the  back of her knee again and kicked her at the back kaya sumubsob si Selene.  Yumuko pa si Saph and grabbed Selene's hair at inangat ito para makita niya ang mukha niya.  "Now, I'm f*****g mad." Saph said with gritted teeth.  "Yes, she is." Sabi naman ni Zia na nakatingin pa rin kina Saph.  Lalapit na sana si Mr. Torres na ngayon lang nakabawi sa bilis ng pangyayari but someone grabbed Saph's hand at marahas itong hinila patayo kaya medyo napaatras siya. That bastard, talagang kay Selene pa siya nagalala e mandurugas yon. Sampalin ko siya e.  Tinulungang tumayo ni Zeke si Selene at itinago pa niya ito sa likuran niya bago tinignan si Saph.  "You shoud know when to stop." Zeke told Saph. Hindi makapaniwalang tumawa si Saph.  "Hindi ba dapat sa babaeng pinoprotektahan mo ngayon sabihin yan? And, aren't we supposed to be  teammates?" "I don't take sides."  Sagot ni Zeke sa kanya.  "Oh, aren't you?" Saph replied at tinignan pa si Selene na nasa likod pa rin ni Zeke.  Zeke was about to take a step forward towards Saph nang sumingit si Aiden at tinulak siya. Bakit ba ang bibillis nila? Kanina lang  nandito sila sa may tabi namin. Sana all anak ni flash.  "We have boundaries here, Zeke." Aiden said and looked at Saph. "May masakit ba sa'yo?" Tanong nito. Saph just shook her head and said she's fine.  Lumapit na rin kami nina Zia sa kanila dahil baka ano pang maisipang gawin ni Saph e wala naman siya non.  "Ayos ba?" Tanong pa nito sa amin pagkalapit namin.  "Oo, pero ikaw hindi." Sabi ko sa kanya tsaka kami tumawa.  "I'll bring her to the clinic." Sabi ni Aiden sa amin kaya tumango lang kami. Alangan namang pigilan namin e mamaya mamatay pa siya kasalanan pa namin.  "I suggest you teach your girlfriend how to play fair." Sabi ko kay Zeke and walked away. Sinundan naman ako ni Zia at binulungan. "Gagi, anong fair?" "Tanga, joke lang yon para maniwala." Sagot ko kaya tumawa kami. Anong fair fair ba? We don't do that here madapakah. Mandurugas din kami hindi lang halata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD