XIV.

2914 Words
Sapphire's POV "Bitawan mo na 'ko, wala ako sa mood makipag away sa inyo." Sabi ko sa taong humila sa akin. Hindi pa rin ako dumidilat dahil ayaw ko siyang makita at sigurado ang katapusan na ng points namin kung sakaling magsumbong sila.  Hindi ako kaagad nakasunod sa pagliko nina Cali kanina sa grounds ka naabutan ako netong gagong 'to. "Open your eyes, dumbass." Sabi nito. Dahan dahan ko namang binuksan ang mata ko at napatulak ako sa kanya.  "Z-Zeke."  "Ano? Kasali ka na naman sa gulo?" Tanong niya sa 'kin.  "Hindi mo na lang dapat ako hinila kung sesermonan mo lang ako." "Why wouldn't I? Kapag naabutan ka nila pwede tayong ma disqualified at sayang lahat ng pinaghirapan natin." He said.  "Okay, can you let me go now?" Sabi ko sa kanya dahil nakahawak pa rin siya sa kabilang braso ko.  Binitawan naman niya ako at nagpamulsa siya.  "At sa banyo mo pa talaga ako pinasok ah?" Sabi ko at may kung sino pang naliligo dahil naririnig ko ang shower.  "What? Galing ako rito nang makita kitang hinahabol ng mga yon, that's why we ended up here." Inismiran ko naman siya at akmang bubuksan na ang pinto ng hilain niya ulit ako at pumasok kami sa isang cubicle.  "What the hell, Zeke?! Lalabas na 'ko!" I said at medyo tinutulak ko siya dahil sobrang lapit niya sa 'kin. "Shut your mouth if you don't want to get in trouble." And after he said that the bathroom door opened.  "Ms. Smith naman, hindi mo naman sinabi sa amin na gusto mong makipag laro ng taguan." Sabi ng isang lalaki at kinakatok ang bawat pinto ng mga cubicles.  "Sapphire? Lumabas ka na. Let's play a game." Sabi ulit niya at kinatok ang katabing pinto ng cubicle kung nasaan kami ni Zeke.  "I don't really like playing games." Sabi ng taong nasa loob non and turned off the shower. "Lewis? S-sorry tol, may hinahanap lang." Sagot niya at kumatok na sa pinto namin. Zeke pulled me closer to him habang hawak pa ang bewang ko. "Ano b-" "I said shut your mouth." Inis na bulong niya sa 'kin at tinakpan pa ang bibig ko. "Pwede ka nang lumabas Sapphire, the game won't take long." Sabi ng nasa labas.  "So you're still after her." Sagot ni Zeke. "I wasn't informed na hindi ka rin marunong makinig." "A-ah, ano... Hinahanap kasi siya ng mga kaibigan niya."  "Oh, so you guys are close with them now."  "S-sige na Zeke, lalabas na kami." Tarantang sabi ng nasa labas.  "Dapat lang dahil lalabas na 'ko. Make sure na kapag lumabas ako rito our paths will never cross again." Zeke answered at natatarantang lumabas ang grupo.  Zeke then let go of me at lumabas na ng cubicle. Napa hinga ako ng malalim dahil balak yata akong patayin ni Zeke sa pagtatakip ng bibig ko.  "Hindi mo naman sinabi sa akin na gusto mo 'kong patayin. Nasuffocate ako sa ginawa mo hayop ka." I said habang palabas ng cubicle. Hindi naman niya ako pinansin hinawi lang niya ang buhok niya.  "Lalabas na 'ko." Sabi ko sa kanya. "Wala namang pumipigil sa 'yo. Atsaka, thank you ha? Salamat ng marami talaga." Sarcastic na sagot niya sa 'kin. "Ay. Edi thank you~" Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng pekeng ngiti. Suntukin ko mukha niya e.  "Saph."  Napalingon ako sa tumawag pero napaiwas din ako ng tingin kay Aiden na naka tapis lang ang twalya sa ibabang parte niya at kakalabas lang ng cubicle.  "H-huy... Aiden." Sabi ko at kabado bang ngumiti kahit hindi naman ako nakatingin sa kanya. I just heard him chuckled. "D-dapat na siguro akong lumabas, n-no? Yeah, right." Sabi ko pa habang nakaturo sa may pinto ng banyo. Nang magsimula na akong maglakad Aiden called me again. Tumigil ako pero hindi ko siya nilingon.  "Wait for me outside, ihahatid kita sa cabin niyo." "O-okay." Sabi ko na lang at lumabas na. Kaya ko namang bumalik magisa pero paano ba dapat? Hindi na ako makapag isip ng tama dahil naiilang ako kay Aiden. Mamaya biglang matanggal yung twalya niya himatayin ako sa nerbyos.  Napatayo pa ako ng maayos sa gulat nang lumabas sa banyo si Zeke.  "You should stop drinking coffee." He said.  "I don't drink coffee." Hindi naman niya ako pinansin kaya napatingin ako sa kamay niya. Napansin siguro niya na tinitignan ko 'to kaya iniwas niya at medyo itinago sa likod niya.  "H-hindi ko pa napapatingin." He said. Napakunot naman ang noo ko. E kahapon nga kulang na lang si Selene na gumamot sa kamay niya sa hawak nito sa kanya e.  "Why not?" I asked him.  "Because you said that you're coming with me." "But... Nevermind." I said at hinila ko siya paalis sa harap ng banyo at hindi naman siya nagreklamo. "Saan tayo pupunta?" "Clinic." I simply said. Lulusutan ko na lang sila kapag nagtanong sila kung bakit kami magkasama ng ganitong oras.  "Saph!" Aiden called me. Oo nga pala, I forgot about him. Nilingon ko siya and said, "I'll talk to you later Aiden, I can handle it! Thank you!" Atsaka ako nag wave sa kanya. Nag wave back naman siya kaya tumalikod na ako. Tahimik naman na nagpatianod sa akin si Zeke kaya hindi ko na lang din siya kinausap hanggang sa makarating na kami sa clinic. "Students, it's almost 3 in the morning. What happened? At bakit kayo magkasama?" The doctor asked. "A-ah... He contacted me and told me that he broke his wrist. I told him that we should go here para mapatignan... Yun lang naman po, hindi naman kami pumunta sa kung saan." Mahabang paliwanag ko. She just then said 'okay' at pinaupo si Zeke sa isang hospital bed. The clinic is actually quite big.  "He sprained his wrist maybe from  the impact, but it's not that severe so it can heal anytime soon. Namaga lang ng kaonti dahil hindi kaagad naagapan." The Doctor said after putting something on Zeke's wrist and wrapping it with a compression wrap.  Tumango tango naman ako habang nakatingin kay Zeke na tinitignan ang kamay niya.  "You, let me check your bruises." She said and pulled me kaya hindi na ako naka hindi.  Zeke looked at us habang binibigyan ng ointment ni Doktora ang pasa ko sa may malapit sa mata. I told her na okay naman na ako and she just smiled at me.  Nang matapos siya ay hinila niya pataas ang suot kong hoodie. Hindi na ako nakapalag dahil alam kong alam naman niya ang ginagawa niya.  Kumunot naman ang noo ni Zeke habang nakatingin sa amin. It's fine because I'm wearing a tank top but he's looking at my bruised shoulder. Doon kasi ako sinipa ng malakas ni Selene kahapon kaya napahiga ako.  "How is she?" Biglang tanong ni Zeke. Tinanong din ba niya yan kay Selene? "She's fine." Doctora said habang nilalagyan din ng kung ano ang pasa ko. "But she have to be careful na wag matamaan para hindi na lumala." Pinasuot naman na niya sa akin ng maayos ang hooodie ko nang matapos siya.  We thanked her at lumabas na kami ng clinic.  "You should've told me about that, para napagsabihan ko si Selene." He said, pagpapatukoy niya sa pasa ko. "Akala ko ba, you don't take sides? And I'm fine. Hindi ko naman kailangan mang abala ng ibang tao dahil lang nasaktan ako. And besides, that's a game. I can take failures and accept losing." I said and looked at him. "So Selene can live a happy life, you don't have to confront her." Sabi ko pa at ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng hoodie ko.  A long silence embraced us habang nakatingin lang ako sa langit before I took a deep breath and spoke.  "Papasok na 'ko. Alam kong mukhang walang pakealam sina Cali at Zia kung saan ako napunta but I know they're looking for me." I said at naglakad na ako paalis. Hindi ko naman kailangan ng sagot niya. Nagsabi lang ako kasi baka magsalita siya at wala na siyang kausap, edi nagmukha siyang tanga.  Calista's POV "Saan ka ba nagsususuot, ha? Ang kulit niyo kasi e. Ang usapan sa grounds lang may pasilip silip pa kayong ginawa sa cabin ng mga boys." Pagsermon ni Zia kay Saph.  "Ano ka ba Zia, okay naman e. Hindi ka ba nagenjoy? Hindi?" Sagot naman ni Saph habang inaayos ang gamit niya sa bag niya dahil aalis na kami.  We actually won this whole of of town activity at kami ang makakarecieve ng 2 day 5 star hotel staycation. But Mr. Torres told us that it will be for the next 2 months dahil kailangan muna naming mag take ng exams.  "Oo na, oo na. Ang mahalaga ay important." Sagot naman ni Zia.  "You must be very lucky, dahil makakasama ka na naman sa staycation." Biglang singit ni Trisha. Alam ko kung anong pinuputok ng butchi niya. It's because she's afraid that me and Chase would be close to each other. Stay afraid then, beyotch.  I looked at her habang hawak pa rin ang damit ko na ipapasok sana sa bag ko.  "Alam mo, pwede ka namang hindi sumama kung ayaw mo 'kong makita. Basta ako, I'll come and enjoy our victory. Besides, pwede ka naman talagang hindi sumama dahil ang ginawa mo lang naman para sa team ay maging muse." I told her and continued fixing my stuffs.  "Daming sinabi?" Sabi ni Saph kaya ko siya binato ng unan. "Pero may point ka." Dagdag pa niya tsaka nakakalokong ngumiti.  Wala naman nang sinabi si Trisha at lumabas na ng cabin dahil tapos na siya. Dapat lang 'no? Alangan namang sagutin pa niya ako para i defend ang sarili niya, e pabigat lang naman siya sa grupo. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi lumingkis kay Chase na wala namang pakealam sa kanya. Stupid.  "Ladies!"  "May asungot na naman." Sabi ni Saph at nag sign of the cross pa.  "Hoy gago. Bakit ka gumanon e demonyo ka." Sabi ko sa kanya.  "Oo nga no? Edi balik ko." Sabi pa niya tsaka niya inulit.  Bumukas naman ang pinto at isinilip ni Elijah ang ulo niya. "Can I come in?" Tanong niya.  "Oo naman. Basta kami lalabas na." Sabi ko at binitbit ang bag ko para lumabas na.   Pumasok naman siya at kumuha ng bag at binitbit. Inunahan siya ni Saph sa paglalakad at hinaplos pa niya ang mukha niya.  "Thank you ha?" Sabi niya tsaka ngumiti. Binitawan naman bigla ni Elijah yung bag ni Saph. "H-hoy! Yung bag mo oh. Akala ko kay Zia e." Sabi niya tsaka siya bumalik sa may mga higaan at kinuha ang bag ni Zia at lumabas na. Binangga pa niya sa balikat si Saph nang madaanan niya.  Kinuha naman ni Saph ang bag niya at hinabol si Elijah.  "Hoy! Sino ka para banggain ako?!" Sigaw niya habang palabas ng cabin.  "Sa tingin niyo ba..." Pagsasalita ko. "Gusto ako ni Elijah?" Panggagaya ko kanya. Tinignan naman ako ni Zia ng masama kaya ako pabiglang tumakbo palabas ng cabin bitbit ang mga gamit ko.  Nang makasakay na kami sa bus ay umupo lang ako sa dati kong pwesto and closed my eyes. Inaantok pa kasi ako dahil ang aga kaming ginising para iannounce ang winner at pinag ayos na kami para makauwi na.  Nung pagsakay ko nandon na rin sina Saph na naka shades pa at katabi si Aiden. Travelling pa tanga.  Naramdaman kong umandar naman na ang bus kaya umayos ako ng sandal habang nakapikit pa rin ang mga mata until I fall asleep.  Nalingat ako nang medyo biglang pumreno ang bus. May naramdaman pa akong nakapatong sa may bandang ulo ko kaya hindi muna ako agad gumalaw.  Nang makadilat na 'ko nang tuluyan ay pinagmasdan ko muna ang loob ng bus at nakita ko si Zeke sa may bandang harapan na tumatawang nanood sa phone kasama si Eithan.  Narealize ko lang na kay Chase ako nakasandal dahil si Zeke ang katabi ko nung papunta kami siya venue. Buti na lang ay nakatulog din siya dahil nakakahiya naman kung sumandal ako sa balikat niya sa sobrang antok ko.  Inalalayan ko muna ang ulo ni Chase na nakapatong sa may ulo ko bago ako umayos ng upo. Bigla naman siya gumalaw at tumagilid ng upo paharap sa 'kin kaya binitawan ko na siya.  Bakit ba siya rito nakaupo? Pinagmasdan ko lang siya na natutulog. Sakto lang ang kapal ng kilay niya na bagay sa kanya. He has long lashes and a straight shaped nose. Medyo kita rin ang noo niya dahil siguro nagulo ang buhok niya. He also has a mole sa may ilong na malapit sa mata niya at sa may kaliwang pisngi kaya mas nagiging angat ang features niya.  He's just ethereal na kahit na sino ay mag aattract sa kanya.  "Loving the view?" He suddenly asked kaya ako napa iwas ng tingin at napaayos ng upo. "I... I uhh..." Hindi ko alam anong sasabihin ko. Umayos na rin naman siya ng upo at dumilat and he just looked straight.  "Did you sleep well?" He asked again.  Tumango lang ako. Ayaw kong magsalita dahil baka hindi ko na naman makapa kung ano ba dapat ang sabihin.  Hindi naman na ulit siya nagsalita kaya tumingin na lang ako sa labas. I really wanted to ask him kung bakit dito sa naupo pero pinili ko na lang na wag itanong.  Malapit na rin pala kami sa school nang magising ako kaya ilang minuto lang nakarating na kami.  Chase stood up first pero hindi siya kaagad bumaba at hinintay niya ako makatayo at pinauna ako bago sumunod sa akin.  Nang makababa ako ng bus hinihintay ko lang sina Saph at Zia na makababa dahil sabay sabay kaming uuwi. Malamang. Nakatayo lang ako sa may school grounds nang lapitan ako ni Chase.  "Cali... Can we go home togeth-" "Chase! Can you take me home? Ayaw kasing umandar ng sasakyan ko e." Si Trisha.  "I didn't bring any car, Trisha. Just take a cab." He answered.  "But I don't want to. Baka kasi makatulog ako at kung anong mangyari sa 'kin." Ganda ka? Tinignan ako ulit ni Chase at huminga siya ng malalim bago ulit nagsalita. "I'll ask Zeke if he can take you home. May pupuntahan pa sana kasi kami ni Cal-" "Chase, please? Alam mo namang ayaw ni Zeke na dumidikit ako sa kanya e. Sumama ka na, hmm?" Pagpupumilit ni Trisha at lumingkis pa siya kay Chase. Hambalusin ko 'to ng bag ko tulog siya limang buwan.   "Go ahead, Chase. Wala rin naman akong dalang sasakyan because I'm going home with Saph and Zia." Pakikisali ko sa usapan nila dahil naiinis na ako ka Trisha sa kakulitan niya.  "Cali! Tara na?" Saph asked kasama si Zia na sa wakas ay nakababa na.  "Yeah." I said at binitbit na ng maayos ang mga gamit ko. Tinignan ko lang ulit sina Chase and started walking papunta sa parking lot.  "Anong meron at kinausap ka ni Chase?" Zia asked habang naglalakad kami.  "He was about to tell me na sabay daw kaming umuwi but then Trisha came at nagpapahatid dahil ayaw daw umandar ng sasakyan." "Ganon? Dapat sinampal mo." Sabi ni Saph bago iligay sa loob ng sasakyan ang mga gamit niya.  "Tanga. Hayaan mo na, alam naman nating lahat na kulang sa aruga yung babaeng yon. Atsaka, wala rin naman dalang sasakyan si Chase e, kaya paano yon?" Sagot ko naman habang nilalagay din ang mga gamit ko sa loob ng sasakyan niya.  "Malay mo naman kasi gusto niyang maglakad kayo. Holding hands while walking, ganon. Diba Zia?" "Kaya nga. Jojowain naman si Chase e, ayaw mo ba? E tinititigan mo nga siya kanina. Ikaw ah~" Sabi ni Zia tsaka pa siya parang kinikilig na sumakay sa passenger's seat. "Gunggong. Kung ano ano na naman mga naiisip ninyo." Sabi ko sa kanya pagsakay ko sa loob.  Pinaandar na ni Saph ang sasakyan at nagsimula na siyang magmaneho.  Nakita pa namin ang sasakyan ni Zeke na palabas na rin kaya pinantayan yon ni Saph. She opened her window kaya ganon din ang ginawa ni Zeke sa passenger's side. "Uy, ladies!" Sa naman ni Elijah na nakaupo pala sa tabi ni Zeke. "What?" Tanong naman ni Zeke.  "Where's Trisha? Tell her na may kakilala akong nagaayos ng sasakyan. She can bring her useless car there." Sagot naman ni Saph. Gago talaga. "Huy gago, ano bang inaano mo?" Kalabit ko sa kanya.  "Akong bahala. Leave it to the expert." Sagot pa niya sa 'kin bago humarap ulit kina Zeke. Binuksan naman ni Zeke ang bintana sa may likod kaya nakita ko sina Chase at Trisha na magkatabi. Ganon din ang ginawa ni Saph.  "Saph! Ano ba? Huy!" Pagpigil ko sa kanya at pinagpipindot din ang button sa pinto ko para sumara ulit ang bintana. But then Saph locked it kaya wala na akong nagawa.  Inayos ko na lang ang curtain bangs ko at umayos ng upo. Chase looked at me kaya tumingin na lang ako ng diretso. "You heared me, right?" Tanong ni Saph kay Trisha. "You can bring your useless car on one of my friend's auto shop, all for free. It's on Cali." She said and drove. "Sira ba ulo mo?" Sabi ni Zia sa kanya.  "Gagi, ganon inusltuhin ang kulang sa pansin. Tsaka, si Cali na bahala sa expenses. Diba Cali?" Tanong niya sa 'kin na natatawa pa akong tinignan sa rare view mirror. "Tanga bahala ka, wala akong pera." Sabi ko sa kanya at sumandal na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD