XV.

2578 Words
"Elijah! Ano ba?! Bilisan mo na kasi dahil natatae na 'ko! Bakit ka ba  kasi sa amin nakikitae e, wala ba kayong banyo?!" Sigaw ko kay Elijah na nasa banyo namin na sampong oras na yatang nasa loob. "Teka nga lang kasi!" Sabi niya at bumukas na rin ang pinto sa wakas. "Ang laki ng bahay niyo pero isa lang banyo niyo?" Tanong pa nito. "Meron sa taas pero naliligo na si Saph. Tabi!" Sabi ko sa kanya at pumasok na sa loob. Tatlong araw na ang lumipas simula nung makauwi kami at itong si Elijah akala mo kasali sa nagbabayad ng tubig at kuryente namin. Wala siyang ibang ginawa kung hindi ang bulabugin kami.  "Tapos na ba kayo? Ma l'late na tayo." Dinig kong sabi ni Zia sa labas. Ayan na naman siya sa pa late late niya e ang aga pa.  Nang matapos ako ay lumabas na ako at inayos ang necktie ng uniform ko sa harapan ng salamin. We have this white long sleeves and anchor shade necktie na pinapatungan ng ash shade vest and a lighter shade of gray blazer na may black lines malapit sa dulo ng sleeves, lapel at bulsa and a above the knee pleated skirt na kakulay ng tie. Sa may bulsa naman ng blazer may naka engraved na M.A which stands for Moirai Academy with the school's logo. "Sasabay ak-" "Kanya kanya tayo ngayon diba? Hindi tayo mag kakaklase sa unang sub." Putol ni Zia kay Elijah na alam kong makikisabay na naman sa amin.  "Hindi ba may sasakyan ka? Bakit hindi mo gamitin at nang hindi mabulok." Sabi ko sa kanya katapos kong inayos ang uniform ko.  "Bawal bang sumabay sa inyo?" "Pwede, pero ayaw namin. Zia, mauna na 'ko." Sabi ko sa kanya at kinuha ang bag ko at hinampas pa sa may tiyan si Elijah bago ko siya lagpasan. "Saph! Mauuna na 'ko!" Sigaw ko dahil nasa taas pa siya Nang makalabas ako ay tumunganga pa ako sa labas habang nakatingin sa mga sasakyan namin. Parang grounds din kasi ang harapan ng bahay namin dahil sa mga sasakyan ni Saph na kinababaliwan niya.  "Can't choose what to use?"  Napatingin ako sa taong nasa labas ng bahay at nakasilip sa may gate na gwapong gwapo sa school uniform niya.  What the hell? Sinabi ko yon? Bakit ba, e sa totoo naman.  "Chase." Sabi ko naman at lumapit sa may gate para pagbuksan siya. Pangit ugali ko, oo, pero marunong naman akong makisama.  "What's with the supercars?" He asked again nang maka pasok.  "Others are Saph's. Those are one of her price possessions. Yung iba ay sa amin dahil ang sabi niya maganda raw nung pumipili kami ng bibilhin kaya naniwala naman kami sa kanya." I said and he chuckled at naglakad para tignan ang mga sasakyan.  "So I supposed this one is yours." Sabi niya habang tinitignan ang white Porsche 911 Carrera 4s. "Manghuhula ka pala?" Sabi ko.  "Not really. I just saw the snow flake." Sabi niya sabay turo sa snow flake na nasa may tabi ng plate number ko.  "How did you know?" I curiously asked.  "A-ah... Wala naman. Narinig ko lang si Elijah nung magkausap kayo." Sagot naman niya kaya tumango na lang ako.  "So the white ones are yours?" He asked again. Tumango lang din ako ulit. Para tuloy kaming nasa isang auto shop at pumipili siya ng bibilhin niya. "We have the same car color." He said at naalala ko yung sasakyan niya noon.  "Yeah. Your Maserati?"  "You know a lot about cars, don't you?"  "Not really. Mahilig lang talaga si Saph and she always shares her knowledge about cars that's why. She's into racing. You guys should watch her some other time." I said.  Magugustuhan yon ng unggoy na yon dahil kami na lang daw palagi ang nanonood sa kanya. Ano pa bang gusto niya? Buti nga pinapanood pa siya e.  Tumango tango naman ni Chase and said, "We will then."  "Can we go to school together?" He asked again kaya napatingin ako sa kanya. "I uhh... Para kasing hindi ka makapili ng gagamitin mo, so I'll give you a ride."  Natawa naman ako at tumango na lang. "Sure. Wala rin naman ako sa mood mag drive." I said.  Lumabas na kami sa labas ng bahay at pinapasok niya ako sa bahay nila and told me to wait for him kasi kukuhanin niya ang susi niya.  Malaki rin ang mula ng bahay nila na may mga halaman at bulaklak din na halata namang hindi sila ang nagdidilig.  "Naligaw ka yata?" Tanong ni Zeke na may hawak na naman na canned coke palabas sa front door nila.  "Hindi naman. Hinihintay nga kita e kasi hihiram sana ako ng pamasahe sa 'yo dahil gipit ako." I lied.  "Ganon? Just choose what you want, I'll let you borrow it." Turo niya sa mga mamahalin nilang sasakyan. Anak nga siguro siya ng sindikato. "Akala ko you'll let me have it." "Abuso naman yata yon." Sabi niya at lumapit sa M8 niya. "I'll go ahead, then. Halata namang hindi ako ang hinihintay mo." He said and opened his car door and entered inside and drove.  Nang malapit na siya sa gate ay tumigil siya and opened his window. "Cali! Pabukas naman yung gate oh." Sabi niya at ngumiti pa ng pang gago. Pinagbigyan ko naman siya at lumapit sa gate para buksan yon.  "Tangina netong lalaking 'to e. Ang ganda ng sasakyan pero hindi automatic yung gate?" Sabi ko sa sarili ko habang binubuksan yon. "Nagagalit ka ba?" Tanong niya habang naka labas ang ulo niya sa bintana. "Sige na, wag na." Sabi niya. "Gago ka ba? Nabuksan na tanga." Sabi ko at tumabi na sa daraanan niya para maka alis na siya at baka masapak ko pa siya. Bago naman siya makalabas ay binusinahan pa niya ako kaya nagulat ako at napakapit sa gate. Narinig ko naman siyang tumawa kaya tinaas ko ang kamao ko sa ere dahil alam kong tinitignan niya ako sa side mirror.  "Why did you opened it?" Tanong ni Chase na nakalabas na pala. "H-ha? Pinasuyo kasi ni Zeke."  "Bakit? Maayos na ang gate namin. We have our gate keys." He said, confused.  "So you mean, automatic na yung gate niyo and he asked me to open it for him? Gago yon ah." I said at nagpamewang pa. Lagot sa akin yang Zeke na yan.  Chase just chuckled.  "Let's go? Baka ma late ka sa klase mo." He said at iginaya ako papunta sa sasakyan niya at sumunod naman ako.  I was about to open the door nang maunahan niya ako. We weren't used on guys being gentleman. Nasanay kami nina Saph na gawin ang lahat for ourselves because we can do it anyways. Who needs a man kung kaya mo rin namang gawin ang isang bagay para sa sarili mo? I'm not saying that we can do everything, but if you know that you can do it just by yourself, then might as well do it on your own. Ang dami kong sinabi diba? Napatingin ako sa kanya and he just smiled at umatras ako ng konti para mabuksan niya ng maayos ang pinto.  "Thanks." I said.  "Always welcome." Naglakad naman siya papunta sa kabilang direksyon para sumakay sa driver's seat. I don't know why is he acting like this way. Parang kailan lang halos pagbantaan na namin ang isa't isa. And he didn't even talked to me nung activity, except when he answered my question about Zeke.  Tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makarating na kami sa Academy. Bumaba na kami ng sasakyan and we were about to walk when someone called him.  "We're running late, Trisha. We'll go ahead." He said and held my hand at nagsimula na siyang maglakad. Na pako naman ako sa kinatatayuan ko kaya nilingon niya 'ko. "What's wrong?" "A-ah... Wala. Let's go." I said at tinignan muna si Trisha na halatang bwisit sa buhay niya.  Nang makarating kami sa harapan ng classroom ko ay binuksan niya ang pinto habang hawak pa rin ako kamay ko. I don't know why I let him hold my hand, but when he did, it actually felt familiar.  I saw Zeke na nasa pwesto na niya and Eithan na nakatingin sa kamay naming magkahawak ni Chase.  Napahila naman ako bigla sa kamay ko pabalik kaya binitawan na rin ako ni Chase.  "I'll go ahead." He said and gave me a charming smile. Napaiwas muna ako ng tingin because of the smile that he gave. My heart raced and I don't know why.  "S-sure. Thank you for the ride." I said at tuluyan nang pumasok sa loob.  Nginitian naman ako ni Eithan nang daanan ko siya and I did the same.  "Seat beside me, Cali." Sabi naman ni Zeke na akala mo sinuswelduhan ako.  Sinabit ko ang bag ko sa gilid ng lamesa ko. "Oo. Uupo ako talaga sa tabi mong hayop ka." I said at pinatong ang isa kong tuhod sa upuan at sinakal ko siya habang inaalog ko.  "Ang kapal ng mukha mong ipabukas sa 'kin ang gate niyo, e pwede naman pa lang ikaw ang mag bukas, gago ka." I said habang sinasakal pa rin siya.  "T-teka... Pwede na siyang automatic?" He asked kaya napatigil ako sa pagsakal sa kanya.  "Hindi mo alam?" "Hindi. Kaya ko nga pinabuksan sa 'yo e." Sabi niya habang nakatagilid pa ang ulo na parang litong lito. Binitawan ko na siya at umupo na ako ng maayos. "Ang sabi ni Chase okay na. Atsaka paglabas namin kanina pinindot lang niya ang gate key niya kaya sumara na." I said. "Totoo ba? Loko yon ah. Ilang linggo na akong nagbubukas sara ng pesteng gate na yon tapos pwede na pala?" Sabi niya at pinatong pa ang baba sa kamay niyang nakapatong sa mesa.  "Tapos gusto nila kaibigan." Sabi pa niya na parang buong buhay niya niloko siya nina Chase. Napa iling na lang ako at hindi siya pinansin.  Nang matapos ang klase namin ay nagpaalam na ako kay Zeke at lumabas na ng classroom.  I was peacefully walking at the hallway on the way to the cafeteria dahil nandoon na raw sina Saph, when someone pulled my mid length chocolate brown hair at tinapunan ako ng kape. Great.  Napapikit ako at huminga ng malalim before opening my eyes again. Tinaasan ako ng isang kilay ni Trisha and as if challenging me. "That's what you get when you keep on getting close to Chase." I looked at her with my head held high. May mga estudyante ring tumigil at naki chismis sa nangyayari.  "I am not informed that Ms. It Girl can feel jealousy." I look messy, but I don't care. I can be messy but still look beautiful than this b***h in front of me. "Why? Are you envious because I can get close to Chase without me even trying?" I continued.  Mukha namang nainsulto siya at wala akong pakealam. I always fix my uniform to look presentable, tapos bubuhusan niya ng kape? Screw her.  She was about to slap me when someone grabbed her hand at marahas itong binitawan. "You should be aware that you're the one who started this Ms. Andino. Kaya kung nainsulto ka man sa sinabi niya, you're still the one to blame." Seryosong sabi ni Eithan habang nakatingin sa 'kin. He then looked at Trisha. "E-Eithan... I-I..." "I'm warning you, Ms. Trisha Andino. Don't ever lay a hand on her. I'm saying this not only as a student council president, but also as Eithan. So, watch your back, and I'll see you in our office at 3 p.m." He said and checked me habang nakatingin lang ako sa kanya. "Move." He said at hinila ako paalis doon. Sumama naman ako sa kanya dahil gusto ko na ring magpalit ng damit dahil ang lagkit na sa pakiramdam ng kapeng ibinuhos sa 'kin.  "Do you have an extra?" He asked me nang nasa tapat na kami ng locker room ng girls.  "I'll check." I said at pumasok na sa loob ng tanguan niya ako.  I opened my locker door and there's nothing in there but my other books and stuffs. Nakalimutan kong hindi pa pala na laundry ang iba pa naming damit at sa makalawa pa ang p.e.  At least I have my sneakers. Mamaya wala rin at mukha akong tangang naka p.e uniform habang naka black shoes tulad nung high school days namin at pagtripan na naman ako ni Saph. "Nothing?" Eithan asked habang naka silip ang ulo niya sa pinto ng locker room. I just shook my head.  "I'll check mine, come with me." Sabi niya kaya sumunod naman ako. I don't have a choice dahil ayaw ko namang pumasok sa mga susunod na subjects ng ganito. I was just following him and expecting him to stop at the boy's locker room when he entered the basketball court. "I don't use my locker sa boy's locker room. Dito ko na iniiwan ang gamit ko." Eithan said na parang nabasa ang nasa isip ko. Wala ka non gaga.  Binuksan niya ang pinto ng locker room na para sa mga basketball players ng school.  "I don't know that you're a varsity player." I said. Hindi ko naman kasi talaga kilala ang mga player sa school. Simply because, I don't care.  "Now, you do." He said and smiled at iniabot sa akin ang p.e uniform niya. Tinanggap ko naman 'to at itinuro niya sa akin ang wash room nila. He checked first kung may tao sa loob bago niya ako pinapasok and told me that he'll guard the door for me.  Nang pumasok ako sa loob ay hindi ko mapigilang mailang. It is a huge continues bathroom na wala man lang cubicles. We'll, sila naman ang naliligo rito hindi naman ako.  I wore his dark gray jogging pants. Medyo malaki sa akin but I just adjust it dahil may tali naman. Sinuot ko rin and plain white shirt niya and his p.e jacket na dark gray ang ibabang parte at puti ang sa may bandang balikat, while the collar is also dark gray at may logo ng school sa kaliwang parte. Nang matapos ako ay lumabas na ako at umayos ng tayo si Eithan na naka sandal sa pader na tabi ng pinto. "Medyo malaki sa 'yo, but it's fine. You look cute though." Pang aasar niya. I just smiled at him at lumabas na kami ng locker nila.  Habang naglalakad sa hallway ay nakasalubong namin sina Saph na may kinakain pang saging. Unggoy talaga ampota. "Hindi niyo naman kami sinabihan na may date kayo para naman sana hindi ka namin hinintay sa cafeteria." Reklamo ni Saph. "Inggit ka lang kasi wala kang ka date." "Ah, edi inamin mo nga na nag date kayo?" Tanong naman ni Zia.  "Hindi. Sinasabi ko lang na wala kayong ka date." Sagot ko naman kaya inismiran niya ako. "Anong meron don?" Tanong ni Eithan habang nakatingin mga nakakumpol na estudyante sa hindi kalayuan.  "There? Wala naman. She pushed Trisha." Bored na sagot ni Zia.  "Saph?" Si Eithan. "What? We get even, Eithan. Atsaka, hindi ko naman sinasadya, e sa paharang harang siya." Sagot naman ni Saph at kinagat ang saging niya.  "Well, I guess, I'll see you at 3 p.m as well." Eithan said and smiled at her.  "Eithan!" "It is what it is, Saph." Sabi niya at tinap pa ang balikat ni Saph and started walking.  "Saging pa tanga." Sabi ko sa kanya at sumunod na kami ni Zia kay Eithan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD