Nang matapos ang klase ko ay palabas na ako ng classroom para puntahan sina Saph sa may malapit na coffee shop dahil nandoon raw sila at maaga silang lumabas.
Someone grabbed me by my wrist at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko nang mahila ako.
"Are you hurt?" Chase asked while checking me.
"What? Of course not. Ano bang sinasabi mo?"
"I heard what Trisha did to you. Are you okay?"
"I'm fine, Chase." Sabi ko kaya binitawan naman na niya ako. He just then again lean back on the wall beside the door.
"Did you came here para itanong lang yun sa akin?"
"Uh... Yeah. And maybe ask you to grab some coffee?"
"I was about to meet Saph and Zia." I answered.
"Oh... Okay. Maybe some other time."
"You can come, though." I said.
"Really?" His mood lightened and he stood straight. "I mean, I can?"
"Of course. There's nothing wrong about it because obviously, Saph likes you being around dahil palagi niyang tinatanong kay Elijah kailan ka raw ba lalabas ng bahay at bisitahin kami sa amin. As if you're friends with her. Atsaka, babawi ako sa 'yo because you gave me a ride." I said.
"Should I order two coffees then?" Tanong niya at kumunot naman ang noo ko. "Because I'll drive you home as well." He said. I just chuckled and started walking kaya sumunod naman siya.
Zia waved at us nang makita niya kaming nasa may pintuan na ng coffee shop at pinuntahan na namin sila.
"Chase! Anong meron?" Tanong naman ni Saph paglapit namin. Nagkibit balikat lang si Chase at ngumiti kaya nagtinginan sila ni Zia na alam na alam kong issue na naman.
Umupo naman na kami ni Chase at umorder na. Nag k'kwentuhan lang kami ng may umupo sa tabi ni Zia.
"May coffee date pala kayong plano hindi niyo man lang ako inaya? Ganyan ba ang kaibigan, Chase?" Tanong ni Elijah na nakatingin pa kay Chase.
"Nandito ka na rin naman e, ano pang kinakatampo mo? Tsaka hindi mo bagay, so shut up." Chase answered.
"Paano mo ba nalamang nandito kami?" Tanong ko naman.
"Zia." He simply said and sipped at Zia's drink. Kami naman ang nagkatinginan ni Saph nang makahulugan bago sabay na sumipsip sa mga inumin namin.
"Hindi niyo naman sinabi na double coffee date pala 'to, edi sana hindi ako naging fifth wheel." Saph said nang matapos siyang uminom kaya nasamid ako and Chase hand me a tissue.
"Do you want me to call Zeke then?" Elijah asked her.
"Thanks, but no thanks, Elijah. Mas gusto ko pang samahan si Eithan sa office nila at mapagalitan ako kaysa sa makasama ko yung mokong na yon." Masungit na sabi niya at uminom ulit.
"Teka, oo nga. Kaninang 3 p.m ka pa dapat nandon, Saph. It's already five." Sabi ni Zia. Nagkibit balikat lang naman si Saph na parang walang pakealam. "Ano ka ba? Hindi porket kilala natin si Eithan hindi mo na siya susundin. Alam mo namang may ginawa ka kaya ka niya pinapapunta sa office." Sabi ulit ni Zia.
"Zia, hindi ko naman sinabing hindi ako pupunta. Ma l'late lang ako."
"Hanep na late yan ah, wag ka na nga lang pupunta." Singit naman ni Elijah.
"Elijah? Hindi ka kasali. Hanggang dito lang oh." Sagot naman ni Saph at nag draw pa ng imaginary line.
"Pumunta ka na. Saglit lang naman siguro yon. Zia and I will come with you." Sabi ko naman sa kanya.
"Me too." Chase said kaya napatingin naman ako sa kanya. Hindi siguro niya ako napansin dahil kinuha lang niya ang inumin niya at uminom.
"Me three." Sabi naman ni Elijah na hindi na lang namin pinansin dahil mangungulit lang siya kapag hindi kami pumayag.
Nang matapos kami ay bumalik kami sa school para samahan si Saph. Nandito pa rin naman ang mga sasakyan nila dahil naglakad lang kami papunta sa shop because it was just near the school.
Naguusap lang kami nina Saph habang naglalakad sa grounds nang may naka bangga sa kanya. It was Selene na biglang tumalikod kay Zeke na kausap niya. Nagaaway siguro sila. Who cares?
"Watch where you're going." Masungit na sabi niya. Gago ba siya? Siya nga 'tong bigla biglang tumatalikod e.
Hindi naman agad naka sagot si Saph dahil alam kong nasaktan ang balikat niya sa pagkakabangga.
"Selene!" Sigaw naman ni Zeke na ngayon ay naka kunot na ang noo na kananing nakatayo lang na walang ekspresyon.
"What?"
"Can't you just say sorry? Ikaw ang naka bangga diba?"
"Why? You're siding with her now?" Inis na tanong i Selene.
"Just say sorry." Nauubos na pasensyang sabi ni Zeke. Saph is just holding her shoulder at tinatanong siya nina Elijah kung okay lang siya. Nandon pa kasi ang pasa niya kaya siguro nasaktan siya.
"Selene! I said, f*****g apologize!" Sigaw ni Zeke na naiinis na. He also have this deep voice kaya medyo nakakagulat ang sigaw niya. Sumu zombie apologize ka ah.
"It's fine. You know that I don't accept apologies anyways." Saph answered.
Zeke took a deep breath habang minamasahe ang sentido niya and suddenly grabbed Saph's right hand and dragged her with him.
"Zeke! Where the hell are you going?!" Sigaw ni Selene kay Zeke na patuloy pa rin sa paghila kay Saph na hinihila naman ang kamay pabalik. "Zeke!" Pahabol pa ni Selene.
"I'm taking her to the clinic."
"Para lang don? Nasaktan din naman ako Zeke." She said. Hindi naman siya pinansin ni Zeke hanggang mawala na sila sa paningin namin.
"Edi pumunta ka rin ng clinic." Selene then looked at me. I looked at her with a mocking smile on my face.
"We'll get going." I said and started walking pero binangga ko siya ng konti.
We get even, sabi nga ni Saph.
Sapphire's POV
"I said I can handle it, Zeke." Inis na sabi ko kay Zeke habang hinihila niya ako sa may hallway papunta sa clinic.
"Just stay still, Saph. Wag ka nang makulit." Napahinga na lang ako ng malalim dahil nauubusan na ako ng pasensya.
I'm fine. Medyo masakit lang nung nagkabungguan kami ni Selene but I can handle it.
"Kailangan ko pang pumunta sa Student Council Office, Zeke, so let me go." I said. He stopped walking and looked at me without letting me go.
"Are you in trouble again?"
"Even if I'm in trouble or not, wala ka na ron. So let me go, because I can handle it."
"When I'm the one who's dragging you, you can always handle it. But when it comes to that Aiden hindi ka man lang magdadalawing isip na sumama."
"Ano ban-"
"Fine, then go."
Hindi ako makapaniwalang tinignan siya. "You're unbelievable." I said and just looked at him na nakatingin sa malayo habang nakapamulsa.
"I said, go." He said nang tignan niya ako ulit.
"I really can't understand you, Zeke." Naiiling na sabi ko.
"What's wrong, Saph?" Napatingin kami kay Aiden na nasa gilid na namin.
"Take her to the clinic." Zeke coldly said and walked away.
Tinignan lang naman ako ni Aiden and I told him that I'm fine kaya hindi na lang niya ako kinulit. I just told him that I need to go to Eithan.
"I'm going there as well." He said kaya sabay na kaming pumunta.
Nandoon na sina Cali nang makarating kami. Chase even asked where Zeke is and I just told him na hindi ko maintindihan ang kaibigan niya kaya ngumiti na lang siya and nodded.
Nang matapos akong tanungin ni Eithan sa nangyari kanina at inilista na naman ang panagalan ko sa record ay lumabas na kami. Hindi ko nga alam kun g'graduate pa ako sa mga pangalan kong naka lista sa record niya e. Well at least, I have my reasons at hindi sa guidance ang bagsak ko.
"I'll drive you home." Aiden said nang makalabas na kami.
"I'm fine with it but I have my car, so yeah." I said.
"We'll drive them home." Chase said and looked at me. "Sumabay ka na lang sa amin para hindi ka na mag drive at baka lumala pa yang nasa balikat mo. The devil won't like it." He said and smiled. I didn't get the last thing he said pero hinayaan ko na lang.
"You guys live close to them?" Tanong ni Aiden.
"Yeah. Actually, beside us."
"Oh, now I'm envious." He jokingly said.
"Don't be, Aiden. Hindi naman sila namimigay ng ulam." Sangit ni Elijah.
"Bakit ka naman namin bibigyan ng ulam? E sa ilang buwang nakatira niyo sa tabing bahay namin wala kang ibang ginawa kung hindi ang tumambay sa amin at maki kain." Zia hissed.
"Ako?"
"Ay hindi, siya." Sagot ni Zia at tinuro pa si Aiden na natatawa na lang sa kanila.
"Just bring them home." Natatawang sabi ni Aiden at nagpaalam na kami sa kanya. He said that he will just wait for EIthan.
Nang makarating kami sa parking Elijah told me na siya na lang daw ang mag d'drive ng sasakyan ko because he didn't brought any car dahil naki sabay na naman siya kay Zia kanina.
"Ayusin mo pag d'drive mo Elijah. Sinasabi ko talaga sayo." I told him na nagaalangan pang ibigay ang susi sa kanya.
"Oo, akin na." He said at hinihila ang susi sa kamay ko.
"Basta ah, Elijah." Pagbabanta ko pa rin sa kanya habang hawak pa rin ang susi kong pilit na niyang kinukuha.
"Oo nga, Saph. I'll pay for the expenses kapag nasira."
"I'm telling you, Elijah Blaise Evans."
"Oo na, oo na. Damn it, Saph, just give me your key." Sabi niya na hinihila pa rin ang susi.
"Elijah, not my R8. Sinasabi ko talaga sayo." I said at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa susi.
"I'll just replace it with my Cadillac if ever." Pangiinis pa niya kaya inilayo ko ulit ang susi ko sa kanya.
"That's not fair." I said.
"Fine. AMG GT."
"Elijah!"
"Fine, fine. Aayusin ko, ibigay mo na kasi yung susi." He said at ginamit niya ang isa niyang kamay para ibuka ang kamay ko nakakapit ng mahigpit sa susi ko. Wala naman na akong nagawa nang makuha niya yon dahil mas ma pwersa siya sa akin.
"Elijah ah." Pagmamakaawa ko sa kanya katapos niyang pindutin ang susi ko and even said 'dang~' nang tumunog ito.
Hinila naman na ako ni Cali sa dulo ng blazer ko gamit lang ang hintuturo at hinlalaki niya. Wow ah, para namang ang dumi dumi ko niyan, Cali.
Bago pa man ako maka sakay sa sasakyan ni Chase ay pinaharurot na ni Elijah ang sasakyan ko kaya napakamot na lang ako. I will really kill him kapag nagkaroon ng gasgas yon.
Nang maka sakay na kami ay nagsimula nang mag drive si Chase.
"Makakapag drive naman ako e. Edi sana hindi na naman ako third wheel dito." Pagmamaktol ko habang naka upo sa likod ng sasakyan ni Chase.
"Wag kang nagagalit. Makikita mo naman mamaya yung sasakyan mo. Just pray to God na maayos siyang makakauwi." Pangaasar ni Cali sa akin.
"Wow, Cali. Laking tulong non ah." Sabi ko at sumandal na lang at tumawa lang sila.
"I like your car though, Chase." Sabi ko habang hinahapolos ang pinto nito.
"Sure, you do." He said kaya napasilip ako sa kanya. "Cali told me that you're into racing. We'll watch you some other time."
"Talaga? Cali ah! May naiaambag ka naman pala sa buhay ko e." Sabi ko sa kanya tsaka pa siya hinampas.
"Oo naman, ikaw lang ang wala." Sagot niya kaya tinanggal ko na lang ang ulo kong nakasilip sa pagitan ng upuan nila.
"Won't you ask us saan namin galing ang mga pinambili namin sa mga yon?" I asked Chase. Baka lang naman kasi curious sila.
"Hmm... You guys have a lot of vehicle dealership branches and a company that is founded by your parents, Cali's and Zia's as well."
Nagulat naman kami sa sinagot ni Chase.
"Damn, he's a stalker, isn't he?" I asked Cali.
"Hindi naman. I just know because my dad had multiple of business contract with them." Chase answered. Tumango na lang kami at nanahimik hanggang sa makarating na kami sa tapat ng bahay.
Agad akong bumaba at nilapitan ang sasakyan ko na sinasandalan pa ni Elijah ang hood.
"Get off, bastard." I said tsaka ko naman inagaw ang susi sa kanya.
"Ay. Thank you, Saph, ah? Kasi naiuwi ko ng maayos yung sasakyan mo."
"Welcome. Now get off." I said at sumakay na ako sa sasakyan ko para ipasok na sa loob.
Nasa loob na rin sa Zia dahil nakita kong naka park na ang isa niyang sasakyan. Pagbaba ko ng kotse ay lumapit ako sa may gate and called Cali.
"Cali! Wag kang tumi teenager diyan ah! Pumasok ka na maya maya nagugutom na 'ko." I said kaya lumapit na siya sa may gate at binatukan ako.
"Hindi ka ba magpapaalam?" Tanong ko sa kanya.
"Ikaw na lang kung gusto mo." She said tsaka na naglakad papasok.
"Bye Chase!" Sabi ko kaya kumaway na lang siya.
"Anong ula-" Tinakpan ko ang pagmumukha niya para hindi na niya matutuloy ang sasabihin niya.
"Wala. Umuwi ka na sa inyo, gabi na." Sabi ko kay Elijah na akmang papasok pa sa gate.
"Tinatanong ko lang, Saph. Mas masarap ulam namin si Zeke ang nagluto." Pagyayabang niya.
"Ganon? Edi mas masarap ulam namin. Pinagmamayabang mo si Zeke e basta basta na nga lang
niyang hinahalo yung kawali ng walang laman."
"Totoo ba?"
"Mukha ba akong sinungaling?"
"Oo." Sagot niya tsaka na siya tumakbo pauwi sa kanila. Bukas ako babawi hayop siya.
I checked my cars kung maayos ba sila and if they're clean bago ako pantalon talong lumakad papasok sa front door. Nang makapasok ako I removed my shoes and put them on the shoe rock and wore my sleepers.
"Eyoo leyrieess!~ Anong kakainin natin?" I said habang naglalakad ako papunta sa sala habang tinatanggal ang vest ko dahil tinanggal ko na kanina yung blazer ko.
"s**t. Live porn." Sabi ni Cali na kakababa lang sa hagdan kaya napatigil ako sa pagtaas ng vest ko at tinignan siya.
"Anong live p**n tanga? Tayo tayo lang naman hindi ka na nasanay." At tinuloy ko nang hubarin ang vest ko.
"Hindi mo sure~" Sabi niya and pouted at the couch. Napatingin ako sa nginuso niya kaya napa atras ako at niyakap ang sarili ko while still holding my vest.
"Manyak!" I said.
"Mind you, basta basta ka na lang nagtatanggal ng damit sa harapan ko without me asking for it." Zeke answered.
"Alangan naman ako ang mag adjust para sayo, e bahay namin 'to." Sabi ko and just adjust my tie.
Tumayo naman si Zeke at may inabot na plastic bag sa akin.
"Ano 'to?"
"Check it. You won't know kung hindi mo titignan, stupid."
"Nagtanong lang ako na stupid pa 'ko." Sabi ko at binitawan ko yung plastic bag sa lamesa.
"Be sure to use that. Mauuna na 'ko." He said and then walked papunta sa kusina. "Cali, Zia, I'll go ahead." He said then he left.
Nang maka alis na si Zeke bigla namang lumabas yung dalawa galing sa kusina.
"Grabe naman pala yung delivery man mo, kailangan hinihintay ka talaga." Sabi ni Zia.
"Kanina pa ba yon dito?" I asked.
"Oo. Kaninang paguwi ko dahil nauna ako sa inyo nasa labas na siya ng gate and he's looking for you."
"Ang alam ko short hair ka pero bakit parang naaapakan ko." Sabi ni Cali na iniiwasan pa kunware yung imaginary long hair ko.
"Wag kayong gaanong makampante. Mamaya bomba 'to edi patay tayong lahat." Sabi ko tsaka na ako naglakad para umakyat.
"I don't think so." Sabi ni Cali.
"Bumaba ka agad ah, kakain na tayo." Pahabol ni Zia.
Nang maka akyat ako ay kumuha ako ng damit at naligo sa may banyo sa taas. Oo naliligo kami guys. Minsan.
After I finished taking a bath bumalik muna ako sa kwarto habang nagpapatayo ng buhok sa twalya.
I saw the plastic bag that Zeke gave me on the top of my study table na iniwan ko kanina bago maligo.
Binuksan ko yon and inside it is a pain relief ointment. Hindi ko talaga maintindihan yung taong yon. Parang kanina lang he's being moody at hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip niya, kung meron man siya non.
So he has this caring side? Kung care man talaga. That's unbelievable pero I'll take it.
I applied it before going downstairs to eat with the two monkeys.