chapter 10

787 Words
saglit akong umupo sa kama para pakalmahin ang sarili ko‚ kahit sinabi niya na wala siyang kinakampihan halata naman na mas naniniwala siya sa Alice na yon‚ well sino ba naman ako‚ compared sa matagal nang nandito eh Ako Isang buwan palang tapos puro lang away at gulo ang binibigay ko sakanya. Matapos kong pakalmahin ang sarili ko ay pumasok ako sa bathroom para maligo i want to drink to forget all of my problems‚ tatakas ako mamaya para pumunta sa bar sana lang talaga hindi niya malaman na nasa bar ako. Nang matapos ay nag suot ako ng black fitted back less dress‚ kadalasang suot ko tuwing mag b-bar ako sa Manila‚ pinarisan ko lang ito ng silver sandal at black hand bag. Nag lagay lang ako ng light make-up at inayos ang buhok kong medyo kulot nilagyan ko lang ito ng maliit na hair clip para hindi sumagi sa mukha ko. Lumabas ako sa kwarto at tumingin sa kaliwa’t kanan kung may tao ba‚ tinignan ko ang pinto ng kwarto ni kuya jacob na katabi lang ng kwarto ko mabuti nalang at nakasarado ito. Hinubad ko muna ang suot kong sandal para hindi maglikha ng ingay sa buong bahay habang pababa ako ng hagdan. Dahan dahan akong bumaba ng hagdan habang nagpapalinga linga kung may tao ba‚ mabuti nalang at walang tao bandang alas otso na rin kasi ng gabi sigurado akong nagpapahinga na sila. Nang makarating sa pinto ay dahan-dahan ko rin itong binuksan to prevent noise. Nag pakawala ako ng isang malalim na paghinga ng tuluyan na akong nakalabas ng bahay‚ isa nalang ang problema ko kung paano ako makakalabas sa gate‚sigurado akong may guard pa since ten pm ang out niya saan kaya ako pwedeng dumaan. Nagtago muna ako sa may malaking halaman at sinilip ang guard house tama nga ako may bantay pa‚ tumayo ito at lumabas sa guard house‚ napa ngiti nalang ako ng umalis ito kaya mabilis akong pumunta sa gate at binuksan ito para lumabas sakto naman na pagkalabas ko ay ang pag dating ng taxi kaya kaagad ko itong pinara habang bitbit parin ang sandal ko. Nang makapasok ako sa taxi ay sinuot kona ang sandal ko. “hay mabuti nalang naka takas ako” mahinang sambit ko. This is it gusto kong mag enjoy. Nang makababa ako sa taxi ay pumasok na kaagad ako sa bar pagpasok ko palang ay bumungad kaagad sakin ang nakaka. binging dancefloor. habang amoy ko na rin ang sigarilyo at alak nagsisigawan at hiyawan ang mga tao na nagsasayaw sa dancefloor. Nilapag ako ang handbag na dala ko sa counter ng bar. “one hard drink please” saad ko sa bartender. “copy ma’am” hinanda na nito ang baso habang pinagmamasdan ko lang siya sa Ginagawa niya. “here’s your drink ma'am enjoy ” naka ngiti nitong nilapag sa harap ko ang inumin na in-order ko. Kinuha ko ito at mabilis na ininom‚gusto kong maglasing para mawala ang inis na nararamdaman ko i used to do this ever pa galitan ako ng mga magulang ko. TIM POV “Sir jacob?, nandyan po ba kayo sa loob?” rinig kong pagkatok ni ate tin sa labas ng pinto ng kwarto ko sakto naman na katatapos ko lang maligo at kasalukuyang nagpapa tuyo ng buhok. “Sir jacob?” pag ulit na pagkatok at tawag nito. Tumayo ako lumapit sa pinto at kaagad itong binuksan hawak ko parin ang tuwalya at pinupunasan ang basa kong buhok. “bakit ate tin ?” tanong ko sakanya ng mabuksan ko ang pinto‚ bumaba ang tingin ko sa hawak ning tray na may laman na pagkain at gatas. “ate tin kumain na ako ng dinner diba bakit dinalhan mo pa ako” mahinahon na saad ko sakanya. “ah- eh” huminto ito saglit at para bang natatakot sa sunod na sasabihin niya. “eh?” pag ulit na sambit ko. “kasi po” “kasi ano ate tin? just spill it ano ba ang gusto mong sabihin” pati ako ay kinakabahan na rin sa tono nang pananalita niya. “dadalhin ko Po sana ito kay miss ricca dahil hindi siya bumaba kanina” inangat nito ang tray na hawak niya habang hinihintay ko naman ang sunod nitong sasabihin “ tapos wala Po siya sa kwarto niya” dugtong nito. “paanong wala ate tin? hindi siya bumaba kanina tapos sabi niya sakin maaga siyang mag papahinga baka nasa loob lang ng closet niya ate tin” pag kumbinsi ko sakanya. “wala sir nilibot ko na ang buong kwarto niya”tarantang sagot nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD