chapter 1
Ricca POV
Pabagsak kong sinara ang pinto ng kotse niya ng makababa ako, nandito na kami sa labas ng bahay.
tanging mga kasambahay at helper lang sa farm ang mga nandito
dahil ang mga magulang niya ay nasa canada rin Kasama ng mga magulang ko
hindi nila sinasabi sakin kung ano ba ang totoong rason kung bakit ako nandito at kung bakit sila magkakasama habang ako nandito pinipilit na pakisamahan ang masungit at strikto na lalaking ito.
“have you eaten your dinner?” umirap muna ako bago humarap sakanya.
“tapos na po KUYA” I really emphasize the kuya word naiinis ako sakanya‚ palagi nalang siyang kontrabida sa buhay ko Isang buwan na akong nandito.
even my studies ginawa niyang homeschool‚ gusto ko pa naman na mag aral sa mga university dito sa probinsya.
“are you mad?” he softly asked.
“sinong hindi magagalit” naiinis na sabi ko sakanya
“sinabi ko naman kasi sayo na hindi ka pwedeng lumabas ng bahay pag hindi ko alam” kalmadong sabi nito.
“bakit ba, ginawa ko naman ang inutos mo‚ sinabi mo na ayusin ko yung garden ginawa ko, bunutin ang mga damo ginawa ko‚ diligan ang mga tanim ginawa ko‚ sabi mo maging masunurin lang ako, naging masunurin naman ako hindi ba?” reklamo ko sakanya‚ kahit na nga na wala akong alam sa mga gawain sa farm ay pinipilit kong gawin lahat.
“i’m just–”
“just what kuya Tim?” pag ulit ko sa sinabi niya.
“i’m just following about what Tito said” napapikit ito matapos niyang sabihin yon.
“really?” ayaw na ayaw nga ni Dad na nahihirapan ako tapos ngayon, oh God this is insane.
“Oo sinabi niya na turuan kita ng mga gawain dito especially sa farm” tanging sagot nito habang naka tingin ng deritso sa mga mata ko.
“huh!” tanging nasambit ko, I just can't believe, iniwan na nga nila ako dito tapos ganito pa ang gagawin sakin.
“it’s getting late pumasok kana may gawain kapa sa farm bukas” tanging sambit nito.
“ayoko hindi ako papasok, gusto kong maka usap si Dad” inirapan ko ito bago ko siya talikuran.
“tsk‚ what a spoiled brat” rinig kong bulong nito‚ hindi ko na siya pinansin pa at mabilis na nag lakad papasok ng bahay.
RiccaPOV
“Miss ricca, miss ricca” nagising ako dahil sa pagyogyog at boses na naririnig ko.
“hmmm?” tanging sambit ko‚ my eyes is still half close.
“Miss ricca bumangon na po kayo dyan kanina pa naghihintay si Sir jacob sainyo sa farm”
sinabi kona sakanya na hindi ako papasok ngayon sa farm tapos hinihintay niya Ako.
“ ate tin naman‚ paki sabi sakanya ayokong pumasok ngayon” inaantok na sambit ko.
Si ate tin ang unang naka sundo ko dito simula ng dumating ako‚ matanda lang siya sakin ng limang taon.
Ang ibang kasambahay ay para bang ayaw sakin‚ hindi ko nalang sila pinapansin dahil ayokong pumatol sa mga katulad nila.
“pero Miss ricca‚ magagalit na naman yon sa inyo alam niyo naman na ayaw na ayaw niyang hindi nasusunod ang gusto niya” pilit akong bumangon kahit inaantok pa‚ knowing him talaga mukhang umu-usok na naman ang ilong non‚ ayoko naman na mapagalitan din si ate tin dahil lang sakin.
“sige na ate tin pakisabi sakanya pupunta nalang ako don‚pagkatapos kong mag ayos” sambit ko Kay ate tin‚ tumayo na ako sa kama ko at inayos ang hinigaan ko.
“sige lalabas na ako”paalam nito kaya napatango nalang ako.
Pagkatapos kong ayusin ang kama ko ay pumasok na ako sa bathroom to do my morning routine.
Nang matapos ay bumaba na ako‚ naabutan kong nag bubulungan ang ibang Kasambahay na inlove kay kuya jacob‚ siguro hindi nila napapansin ang presensya ko dahil sa pag Chi-Chismisan nila
“grabi‚ pa importante talaga siya kanina pa siya hinihintay ni Sir jacob” rinig kong bulong ni martha mukhang hindi naman bulong ang ginawa niya dahil narinig ko.
“Oo nga simula ng dumating siya dito palagi nalang mainitin ang ulo ni sir” pag sang-ayon naman ni tasha‚ siguro matanda lang sila sakin ng dalawang taon‚ bakit ba kasi ang mga kasambahay dito ay mga dalaga pa.
“ehem” tikhim ko habang naka cross arms.
Natigil naman sila sa pag uusap at pilit ang ngiti na tumingin sakin.
“Paki handa nga ng almusal ko” mataray na utos ko sa kanila‚ akala niyo ha sinusubukan niyo talaga ako
“sige po Miss ricca” sambit ni martha at peke itong ngumiti sakin.
Bago umalis ang dalawa sa harap ko ay umirap pa ito narinig kopa ang huling sinabi ni martha.
“makapag-utos kala mo siya ang boss‚ palamunin lang siya dito” she whispered‚ inirapan ko din ito kahit hindi niya ako nakikita‚ konting tiis pa sa sunod hindi ko na palalagpasin ang ginagawa nila.