“what took you so long? ‚ I’ve waited you for almost one hour” inis na tanong nito ng maka rating ako sa farm.
sobrang lawak ng farm nila‚ may vegetables garden‚ may flower garden‚ may fruits garden any kind of fruits ay nandito na.
higit sa lahat may palayan‚ kaya marami ang tauhan niya dito at dinagdag niya pa ako.
Siguro Pinadala lang ako dito ni daddy para maging helper sa malawak na farm niya
“nag ayos pa kasi ako kuya jacob” naka ngiting sambit ko sakanya pero kinakabahan na ako dahil sa istura ng awra niya‚ naka salubong na naman ang dalawa nitong kilay.
“Tsk! Next time gumising ka ng maaga‚ sumunod ka sakin” malamig na sabi nito‚ at nauna ng tumalikod habang naka lagay ang dalawa niyang kamay sa likod‚ sumunod naman ako sakanya.
“WHAT?!” sigaw ko matapos sabihin nitong sabihin at ipaliwanag ang gagawin ko‚ natigil naman ang mga tauhan niya sa ginagawa nila‚ kaya ngumiti ako sa kanila at nag peace sign.
Dinala niya lang naman kasi ako dito sa malawak niyang palayan‚ at gusto niya na ako ang mag araro.
“Kuya jacob i don't know how to do that” reklamo ko sakanya habang tinignan ang putik at ang kalabaw na naka tali.
“that’s your consequences for disobeying my rules‚ and for making me wait” seryusong sabi nito.
“kuya jacob naman eh”tinignan ko ito nang nagmamakaawang expression.
“Stop that hindi yan tatabla sakin” pag pigil nito kaya napa nguso nalang ako‚ hindi nga ako marunong humawak ng kalabaw pag araro pa kaya.
“mag aararo ako dyan eh ang init-init‚ tapos ganito pa ang suot ko” maarteng sambit ko‚ madudumihan at iitim ang makinis at Maputi kong kutis dahil sa sobrang tirik ng araw.
“sino ba kasing nag sabi na mag suot ka ng short at croptop?‚ remember your here in the farm wala ka sa manila para mag suot ng ganyan” pinasadahan ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa dahil sa suot ko‚ naka nguso naman akong naka tingin sakanya.
“uwi lang ako saglit sa mansion tapos bibihis ako” paalam ko sakanya.
“No kailangan mo nang mag simula anong oras kana naman makakabalik” pagpigil nito.
“pero kuya jacob” pag protesta ko
“No more buts Ricca jane‚ kung gusto mong maka alis na dito sa probinsya kailangan mong sundin lahat ng sasabihin ko” naantig naman ang tainga ko dahil sa sinabi niya.
“talaga makaka balik na ako sa manila pag sinunod ko lahat ng iuutos mo?” naka ngiting tanong ko sakanya‚ napatango tango naman ito.
“Yes!” masayang sambit ko.
“kaya simulan mo nang mag araro” naka ngising sambit nito‚ at mabilis na tumalikod at nag lakad papalayo sa pwesto ko.
haystt grabi naman ang consequences ko‚ how can i do this.
lihim akong napapa ngiti habang pinagmamasdan siyang hirap na hirap na humawak ng araro at kalabaw‚ sinabihan ko ang mga tauhan ko na wag siyang tutulungan‚ Her Dad requested na ipagawa sakanya ang mga dapat na gawin dito sa farm‚ mapa lalaking mga gawain ay dapat na ituro sakanya‚ hindi ko rin alam kung ano ang rason ni Tito kung bakit nila pinadala dito ang anak niya‚ basta ang sabi niya mas safe dito si ricca, sinabi niya rin na wala dapat maka alam na isa siyang Wilson kailangan rin na matuto ito sa lahat ng gawain‚ hindi na ako nag tanong pa dahil parents knows best for their children kagaya nalang din ng mga magulang ko‚ mas pinili nilang manirahan sa canada para mapa lago lalo ang kompanya‚ ang farm na ito ay para talaga sa’min ni ricca ipinundar ito ng mga magulang namin‚ pero mas gusto ni Tito romualdo na ako ang mamahala at turuan ang anak niya.
“AHH!” malakas na sigaw ni jane ng matumba ito. nandito ako sa may malaking puno para hindi niya ako makita‚ naiinis itong tumayo at pinahid ang putik sa likod niya‚ humawak ito sa mukha niya dahil natatakpan ito ng buhok niya.
“pftt!” pigil tawa ko dahil naputikan ang mukha nito.
“KUYA JACOB NAKAKA INIS KA” galit na sigaw nito na ikinatawa ng mga trabahador‚ sobrang putik na ng damit na suot niya natatakpan na rin ang Maputi nitong kutis‚ that’s her consequences for disobeying my rules bilin na bilin ni Tito na wag siyang palalabasin ng mansion o papa puntuhin sa bar but she really disobey me‚ she's a spoiled brat kailangan lahat ng gusto at maisipan niya ay gagawin niya o kaya dapat masunod‚ ngayon tignan ko nalang kung masunod pa ang gusto niya.
Hinawakan ulit nito ang tali ng kalabaw‚ hirap na hirap ito habang hawak ang araro dahil mabigat ito‚ kita ko sa mukha niya ang inis at the same time pagod.
“Aray!” sigaw ulit nito ng matumba siya.
Mas lalo akong napatawa ng tumakbo ang kalabaw dahil sa lakas ng sigaw niya.
“Miss ricca okay lang po ba kayo?” napataas ang kilay ko ng lumapit sakanya ang isang trabahador na si kuya patrick at tinulungan itong tumayo.
“Oo kuya okay lang ako‚ sandali yung kalabaw” tumakbo ito at hinabol nito ang kalabaw‚ ng mahabol nito ang kalabaw ay sakto naman na huminto ito‚ napa ngiti itong lumapit sa kalabaw pero bigla ulit tumakbo ang kalabaw‚ napa hawak nalang ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.