chapter4

819 Words
“ricca” tipid na pakilala ko sakanya. “what a cute name‚ ayaw kasing sabihin ni–” hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng tumikhim si kuya jacob. “ ricca pumasok kana sa loob at mag linis ng katawan mo look at yourself” malamig na sabi nito at inalis ang kamay kong hawak parin pala ni kent. “tin paki samahan si ricca‚ ipahanda niyo na rin siya ng makakain im sure gutom na yan” utos nito kay ate tin na mabilis nitong ikinatango. Hinawakan ni ate tin ang kamay ko at nag lakad na ito. “ano yun pre? Haha trabahador na may special treatment?” rinig kong sabi ng kaibigan niya habang tumatawa. So isa pala akong trabahador dito. “tsk! She's – ” hindi ko na narinig ang huling sinabi ni kuya jacob dahil mabilis na akong hinatak ni ate Sally. “ano kayang nakain ni kuya jacob bakit parang mabait?” tila nag iisip na sambit ko. “oo nga pansin ko rin” pag sang-ayon naman ni ate tin. “ah nandyan kasi ang kaibigan niya baka nahihiya na makita ang masungit niyang ugali” patango tangong sambit ko. “baka nga” patango tangong pag sang ayon ulit ni ate tin. “hay ewan‚ akyat muna ako ate tin maliligo lang ako saglit like eww ang dumi-dumi kona tapos ang itim itim” maarteng wika ko habang tinitignan ang paa‚ legs at braso ko isama na rin ang kamay na nagkaroon ng kalyo dahil sa pag hawak sa mabigat na araro. “kawawa ka naman Miss ricca” tila na aawang sabi sakin ni ate tin. “Oo nga ate tin‚ look oh!” Pinakita ko sakanya ang kamay ko. “ay kawawa ka naman talaga” malungkot na sabi nito ng makita ang kamay ko. ”sige na mag linis kana ng sarili mo at ipapahanda kona ang pagkain mo” naka ngiti ng sabi nito kaya napangiti na rin ako. “salamat ate tin the best ka talaga” nag thumbs up ako kaya napa tawa naman ito. “syempre tayo lang ang magkakampi dito” naka ngiting tugon nito. “sige akyat muna ako” paalam ko sa kanya‚ sobrang swerte ko naman dahil nakilala ko sa ate tin siya lang ang tanging kakampi ko dito lalo na pag nagagalit si Kuya jacob‚ kahit na may pagka ma Arte ako ay na hahandle niya yon she really understand me‚ para ko na siyang nakaka tandang kapatid. Umakyat na nga ako at mabilis na pumasok sa bathroom para maligo at mag linis ng sarili. RICCA JANE POV Nang matapos ay bumaba na ako naabutan ko si ate tin na hinahanda na ang pagkain. “oh Miss ricca nadyan kana pala hali ka na umupo kana‚ alam kong gutom kana” usal ni ate tin ng Makita niya akong papalapit sa pwesto niya. Inayos nito ang upuan kaya umupo na rin ako. “ikaw ate tin kumain kana ba? Sabayan mo ako” saad ko habang nag sasandok ng kanin. “tapos na ako Miss ricca ikaw nalang talaga ang hindi pa kumakain” sagot nito habang naka harap sakin. “bakit anong oras na ba?” tanong ko sakanya habang hindi siya tinatapunan ng tingin. Dahil nag sasandok na rin ako ng ulam. “alas dos na ng hapon Miss ricca” nanlaki ang mata kong naka tingin sakanya hapon na? Kaya pala kanina pa kumakalam ang sikmura ko. “pambihira ate tin‚ kaya pala kanina pa sumasakit sikmura ko dahil hapon na‚ ni hindi ako pinadalhan ni kuya jacob ng meryenda at tanghalian kanina kung hindi pa ako umuwi dito hayysttt ”pag sumbong ko sakanya. “hay nako Miss ricca'. hayaan mona ngayon kumain kana” “humanda siya sakin” mahinang usal ko habang nang gi- gigil na tinutusok ang karne ng tinidor. Balak niya pa yata akong patayin dahil sa gutom‚ grabi na nga yung pinagawa niya sakin. Nang matapos akong kumain ay niligpit ko na rin ang pinag kainan ko. “oh bakit ang itim mo na?” biglang usal ni martha at inabangan ako nito‚ paakyat na sana ako ng hagdan ng bigla itong sumulpot. “ano namang paki alam mo?” naka taas kilay na sagot ko sakanya. “ikaw ba naman pag araruhin tapos mag habol ng kalabaw hindi ka iitim?” sulpot naman ni tasha‚ itong dalawa talagang ito sinusubukan ang pasenya ko. sabay naman na nag si tawanan ang dalawa. “yan kasi ang napapala ng isang maarte at spoiled brat na katulad mo” naka ngising sambit ni martha. “dapat lang na pag habulin ka ng kalabaw haha” natatawang sambit naman ni karina “are you two done?” seryusong tanong ko sa kanila. Napataas naman ang mga kilay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD