bc

Look Up At The Starry Sky

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
one-night stand
escape while being pregnant
age gap
pregnant
CEO
billionairess
heir/heiress
realistic earth
lies
secrets
like
intro-logo
Blurb

Georgina Matabor was assigned to look after her Madame's son that happens to be the person that took her v-card. It was also the sole reason why she left and now she have to work for herself.

Would their collision will repair something from the past or it will remain as it is before?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
Look Up At The Starry Sky "Ang kupad-kupad talaga! Wala na ba kayong ibibilis?!" Sigaw ng mayordoma ang unang bumungad sa akin pagtapak ko sa loob ng mansion. I'm lucky, sinama ako ng Madame sa pagbili ng mga kakailangin sa pagluto para sa selebrasyon mamaya, kundi isa ako sa mga hinahasikan ng laway ni mayor. Mayor ang tawag namin sa mayordoma dahil kung umasta, dinaig pa ang amo namin. Gumawi ang mata ni mayor sa amin ni madame na nanatiling nakatayo sa may bandang pinto. Ang lola niyo, biglang naging mala-anghel. Huminhin pa ang kilos nang lumakad hanggang sa harap namin. Kunti na lang, iisipin ko na may DID to, e. Sinilip ko ang reaksyon ni madame na mula sa dragon ay naging kambing itong si mayor. As usual, may malumanay lang siya na naka ngiti at iniling-iling ang ulo. "Madame, narito na pala kayo," bumaba ang mata ni mayor sa akin at matamis na nginitian pero makikita mo sa mata ang pagka-peke. "Ge," aniya sa palayaw ko. "Pahinga kana sa silid mo, alam kong napagod ka sa pamimili." Wala sa sariling napaismid ako. Parang 'di niya ako hinampas ng basahin no'ng nakaraan dahil daw panay ako reklamo na pagod na ako. Hays, what a life. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni madame dahil sa inasal ko, alam kasi niya na 'di ako plastic 'di gaya ng mayordoma niya. Hinaplos ni madame ang buhok ko at binigyan ako ng matamis na ngiti. "You can rest now, Georgina. Salamat sa pagsama sa akin." Aalis na dapat ako ng pigilan ako ni madame. Nagtataka naman akong bumaling sa kaniya. "Go to my room after you rest, okay? May sasabihin ako." I gave her a wide smile and a nodd. Bago ako tumalikod, tinirikan ko muna ng mata si mayor at nakita ko pa siyang nagngitngit pero agad ding napalitan ng ngiti nang harapin siya ni madame. Tumuloy ako sa kusina dahil hindi naman ako napagod sa pagtulak ng cart kanina. Mas napagod nga ako sa pagtingin ng presyo ng mukhang masasarap na pagkain. Nalula ako sa mahal. Si Aileen ang una kong nakita. Hinahanda niya ang mga gagamitin para sa hapag. "Ge, andito ka na pala." Aniya ng makalapit ako. "Hindi, guni-guni mo lang ako." Tinawanan lang niya ako na may kasamang pag-ikot ng mga mata. Bumaba ang mga mata ko sa mga plato na pinupunasan niya. Nahulaan niyang kukuha ako ng plato para punasan kaya agad niyang hinarang ang mga kamay sa kumpol ng mga 'yon. As if naman matatakpan niya ng buo. "Anong ginagawa mo?" "Bakit?" Aniko. "Magpupunas ng pinggan." Obvious ba? Iniling-iling niya ang ulo kasama ang dalawang kamay tsaka humalakipkip. "No, Georgina. Mag beauty rest ka, okay? Ayaw ko na para kang losyang mamaya." Ani Aileen sa maotoridad na tono. The heck? Kotongan ko kaya to. "Nakasinghot kaba ng katol sa kwarto? Anong pinagsasabi mo? Malapad siyang ngumiti at humawak sa magkabilang braso ko. Sabay tumalon-talon. "Ang balita ko, single at ready to mingle ang bunsong anak ni madame. At sobrang gwapo pa!" Kilig yarn? I pushed her I little, enough to untangle her arm from me. Ang gaga, nagtwinkle twinkle pa ang mata. Kala mo cartoons, e. "Ano naman ang gagawin ko sa gwapo?" Walang ganang aniko. Sinubukan ko kumuha ng plato habang nangangarap ng gising si Aileen pero pinalo niya ang kamay ko. Umaray ako at tinaliman siya ng tingin. Hinawakan niyang muli ang magkabilang balikat ko at tinitigan ako sa mata na akala mo napaka-importante ng lalabas sa bibig niya. "Sinasabi ko sayo, Georgina, napashit ako nang nakita ko yong picture niya, sis! Bagay na bagay kayo!" Kusa siyang bumitaw bago ko pa siya pingutin at tumingala na parang nakikita ang hinaharap. "Hindi ako pwedeng magkamali," her eyes then gaze at me. "Siya ang para sa'yo, Georgina." Kumunot ang nuo ko. "Ang galing naman, naramdaman mo? Tas ako, hindi? Sure ka bang para sa'kin 'yon?" Seryoso ang ekspresyon na tumango siya, "oo, at magkakaroon kayo ng tatlong anak, lahat lalaki." Napatawa na ako. Sinabayan niya ako kaya tuloy nabura 'yong one percent na naniniwala na ako. Usap-usapan kasi na may lahi raw manghuhula ang pamilya nila ni Aileen. Kaso, imposible naman na pumatol sa akin ang anak ni madame. Ganda at talino lang naman ang meron ako. Sige, kasexyhan narin, pero bukod do'n, hindi naman ako nakatapos at katulong lang. Siguradong mataas standard no'n lalo na kung mataas ang pinag-aralan. "Hoy, 'wag mo akong tawanan. Totoo 'yong sinabi ko!" Pero siya ang namumula ang mukha kakatawa. "Sige, bigyan kita house and lot 'pag nagkatotoo 'yang hula mo." "Ayaw ko." Nahihiya kunong aniya. "E, ano?" "Pakilala mo na lang ako sa kaibigan niya." "Bwiset ka talaga." Sabay tawa ko ulit. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Dali na, Ge. Isa sa mga kaibigan niya ang magiging future husband ko, e. Ikaw ang magiging tulay namin." Hinaklit ko naman ang kamay ko. "Tse! Ginawa mo pa akong London bridge!" Sa huli, tumulong pa rin ako sa mga kailangan gawin. Lalo na nang matalsikan kami ng laway ni mayor dahil panay kami usap ni Aileen. Ayon, parang naging times two ang kilos namin. Kinagabihan, marami na ang bisita bago inanonsyo na parating na galing airport ang bunsong anak ni madame na hanggang ngayon, hindi ko man lang naitanong ang pangalan. 'De bali, ilang minuto lang, makikita ko na rin siya. Kasalanan to ni Aileen. Hindi na nawala sa isip ko ang sinabi niya, kapag talaga ako nabroken, ililibing ko ng buhay si Aileen. Nang narinig ko na ang ingay, hudyat na nariyan na ang bunsong anak ni madame, biglang dumilim ang paligid. Ay, sakin lang pala. Dinig ko ang boses ni Aileen habang tinatali ang panyo mata ko. "Ano na naman 'to, Aileen." Pagod na ako sa mga kalokohan niya. Tinulak niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang maglakad. Rule number one, 'wag makipagtalo kay Aileen para matapos agad mga kababalaghan niya. Naramdaman kong tumigil kami sa parteng maraming tao dahil sa ingay. "Handa kana bang makita ang future mo?" Bulong niya. Inikot ko ang mga mata sa likod ng tela. As if totoo. "Oo na lang." Ang gaga, kinilig pa sa sinabi ko. "Okay, in one, two---" Sa pagkainip, ako na mismo ang nagtanggal ng panyo. Nag-adjust pa ang mata ko sa ilaw at agad hinanap ang lalaki para matapos na. Pero lalo akong nanghina sa nakita ko. Napakapit ako kay Aileen ng maramdaman ang panginginig ng mga tuhod ko. Ang huling tao na gugustuhin kong makita, or kung pwede 'wag na, nandito sa teritoryo ko. Bakit ganon? Parang nangyayari 'yong scene sa mga drama. 'Yong, siya na lang ang nakikita ko kahit na hindi magkadaugaga ang mga bisita na batiin siya. Tapos 'yong puso ko, ang abnormal ng t***k. Love at first sight? Hindi naman 'to ang una kong sight sa kaniya! Nakita kong nilibot niya ang pangin kaya bago pa siya mapagawi sa dereksyon namin, tumakbo na ako pabalik sa loob. Shit talaga life. Joke ba ako sa'yo?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.5K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.0K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook