Napabalikwas ako ng bangon once na nagising ako at tinawag ko pa ang pangalan ni Wilder. Doon ko na napagtanto nang makitang wala na ako sa penthouse. Sobrang sakit din ng buong katawan ko lalo na sa aking balikat. Napatingin ako roon ay may nakita akong bandage na may bahid ng dugo. Naalala ko na hiniwa ako rito ng aking stepfather. “Kuya Wilder!” tawag ko ulit. Napansin ko ang IV sa isa kong kamay at akma ko itong tatanggalin para hanapin siya nang bumukas ang pinto at madaling pumasok si Kuya Vader. Napigilan niya ako tapos ay agad niya akong niyakap. “Kuya! We need to help, Kuya Wilder! He’s losing a lot of blood!” nagpa-panic kong sabi sa kanya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinaplos-haplos ng kanyang thumb ang aking pisngi. “Poleena, sweetheart, calm down… It’s okay…

