Lumipas ang ilang araw at naging maayos naman ang lahat. Bumalik sa office ang magkapatid at naging President nga si Vader habang si Wilder ay naging CEO na ng kumpanya. Nanatili pa ring partner namin si Reeve at ako naman ay bumalik sa pagiging secretary ng aking Kuya Wilder. Tuwang-tuwa ang dalawang kaibigan ko na bumalik ako. Masaya rin kaming lahat dahil parang natapos na ang gulo sa kumpanya. Ang secretary nga ni Kuya Vader sobrang worried at baka anytime masesante siya nang maalis si Vader sa pwesto. But it didn’t happen, masayang-masaya nga siya dahil parang tumaas na rin ang kanyang position sa pagiging President ng isa kong stepbrother. I am proud of them both dahil sa pagbabalik pa lang nila, ang dami na nilang ginagawa and I can’t keep up with them. Masaya na ako na nasa tabi

