Ellie Nasa pinakadulong bahagi ako ng library habang nakasalampak sa sahig at nagbabasa ng librong gagamitin ko para sa research namin sa isang subject. Ako lamang ang nasa lugar na ito. Karamihan sa mga kaklase ko ay mga nasa mesa at ang iba ay nasa unahang bahagi ng shelves. I was busy taking down notes when I notice someone is standing in front of me. Nang tumingala ako ay si Roscar iyon. Tumaas ang isang kilay ko. He’s smiling at me. I ignored him and continued writing on my notes. I heard him cleared his throat. Hindi ko pa rin siya pinansin, not until he sat beside me. Nilingon ko siya nang magkasalubong ang kilay. “I brought some books here. I think you might need this for your research.” He said to break the silence. Sinulyapan ko ang librong hawak niya bago lum

