Ellie Alas kwatro ng madaling araw ay naglalakad ako palabas sa Highlands Subdivision para makapag take ng neuropsycholigical exam sa academy. 6 AM ang call time and I can’t afford to be late. Tahimik ang kalsadang tinatahak ko at tanging ilaw lamang ng mga street lights ang nagbibigay sa akin ng liwanag. Nasabi ko na rin kay lola na nakapasa ako sa first at second screening. Nahirapan kasi akong magpaalam sa kanya dahil dapat ay maaga akong gumayak at bumyahe kung ayaw kong ma-late. Napagsabihan pa niya ako ng kaunti dahil hindi ko raw sinabi sa kanya ang totoong pinupuntahan ko pero I assured her that everything’s fine. Tutal ay sasabihin ko rin naman iyon sa kanya sa mga susunod na araw, minabuti kong sabihin na lamang iyon ng mas maaga. I put on my earphones habang naka

