Ellie Wala pang tatlumpung minuto ay narating na namin ang Tagaytay City. Nakakamangha ang tanawin. Natatanaw ko na rin ang Taal Volcano. Nakikita ko lamang ito sa mga libro at picture pero mas nakakamangha pala kapag sa personal nasilayan. Progresibo rin ang lugar dahil may mga naglalakihang gusali rin ang nadaanan namin. “You want to eat first? We can take our early lunch before we stroll somewhere.” Bumagal ang patakbo niya sa sasakyan, mukhang naghahanap na siya ng pwedeng makainan. “Sige. Hindi pa kasi ako nagbe-breakfast eh. Gatas lang ang ininom ko kanina bago ako umalis.” He tsked. “You should always eat your breakfast. That’s the most important meal of the day.” I chuckled. “Oo na. Alam ko namang hindi ka rin nag-breakfast dahil wala pang nagluluto sa bahay kanina no’ng umali

