Roscar Matapos kong ihatid si Ellie sa kanila ay dumaan na muna ako sa simbahan. I bought candles from the vendor at tahimik na pumasok sa loob. I sat on a pew. I rested my back. At tumingala lamang sa harap. Sa Kanya. Ellie thought me that if there’s something that bothers you, pumunta ka lang sa simbahan at kausapin Siya ng buong puso. I think of all the things that happened these past few days, especially with Ellie. I know from the start that she is not romantically interested at me, habang ako, kaya kong gawin ang lahat para sa kanya. Kaya kong magpanggap bilang isang kaibigan kahit higit pa roon ang gusto kong mangyari sa aming dalawa. Hindi kaila sa akin na nagkakagusto siya sa amo ng Lola niya. She never missed a chance to talk about Lucas. Kaya nang malaman kong sil

