Ellie Nakaupo ako sa kiosk malapit sa college building namin. Kasama ko si Roscar. We were patiently waiting for our next class. I kept myself busy by watching the students playing in the basketball court while Roscar was busy scrolling on his phone. Nakakaantok ang maghintay ng ganito. Ayaw ko rin namang mag-stay sa library dahil mas aantukin lang ako roon. I get my phone on my pocket to check if Lucas texted me pero wala akong natanggap. He told me this morning that he will be busy today para sa launching ng bagong patayo na condominium na paga-ari nila. Ipinatong ko ang cellphone sa lamesang nasa harap ko. Nakapalumbaba ako gamit ang dalawang kamay ko. Nakatukod ito sa aking magkabilang pisngi. Wala pang isang oras ang paghihintay namin at pakiramdam ko ay sobrang bagal ng t

