CHAPTER 1

1448 Words
Ellie   “Siya po ang aking apo, Senyor Simon. Ako na lamang po ang kanyang natitirang malapit na pamilya. Kaya sana po ay mapagbigyan niyo ang aking pakiusap na rito na siya tumuloy. Masipag po ang aking apo. Marami po siyang maitutulong dito sa trabaho sa mansyon.” Nakayukong sabi ni Lola Celing.   Ngumiti ang Senyor at bumaling sa akin. “Ano’ng pangalan mo, hija?”   Tinignan ko siya, ngumiti ako bago mabilis na sumagot, “Ellie po, Senyor Simon!”   Ngumisi siya at tumango.   “Walang problema sa akin kung dito siya titira, Celing. Pero, paano ang kanyang paga-aral?” Baling ng matandang senyor sa aking lola.   “Dito na po siya maga-aral, Senyor. Ieenrol ko siya sa darating na pasukan. Graduating na po sa hayskul si Ellie. Ako rin po ang magpapa-aral sa kanya.” Ani lola.   Bumuntong hininga si Senyor Simon.   “Ako na ang magpapaaral sa kanya, Celing. At hindi siya magtatrabaho. Tutuloy siya rito hanggang sa makatapos siya. Hindi ka na iba sa amin.” Tumingin siya sa kanyang relong pambisig. “Bueno, aalis na ako. I have flight to catch.” Nakangiting tugon niya sa amin bago siya umalis at tinungo ang pintuan kung saan naghihintay ang sasakyang maghahatid sa kanya sa airport.   Iginiya ako ni lola sa magiging kwarto namin. Bitbit ang aking maleta, tinungo namin ang kusina at nilandas ang pasilyo papunta sa maid’s quarter. Binuksan ni lola ang dulong kwarto at nagpatiunang pumasok roon.   “Ito ang magiging kwarto natin, Ellie. Ayusin na natin ang mga gamit mo at pagkatapos ay kakain na tayo.” Ani lola.   “Lola, diba sabi mo, may mga anak ang senyor?” tanong ko.   “Oo, tatlong lalaki. Si Sir Alfie, Sir Martin, at si Sir Lucas. Si Sir Alfie ay dito nakatira. Iyong dalawa ay may kanya-kanya na ring tinutuluyan pero minsan ay umuuwi pa rin dito sa mansyon. Si Senyor ay sa America na nakabase, may sarili nang pamilya sa pangalawang asawa. Umuwi lamang siya dahil may inasikaso sa negosyo.” Esplika niya. Isa-isa niyang nilalabas ang mga baon naming damit galing sa byahe.   “Talaga bang paga-aralin niya ako lola?” Excited kong tanong sa kanya.  “Oo apo, kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo ah? Huwag mong sayangin ang pagkakataong ito. Ngayong wala na si Gaston, ako na ang tatayong magulang mo. Pasasaan ba’t makakatapos ka rin.” Hinarap niya ako, nanubig ang kanyang mga mata, nagbabadya na iiyak.   Nagi-isang anak niya si Tatay Gaston. Sundalo ang ama ko na nadestino sa Mindanao. Nang makarating sa kanya ang balitang namatay si tatay sa bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ng mga rebelde ay agad siyang umuwi dito sa probinsya namin sa Isabela. Pagkatapos ng libing ay agad kaming lumuwas ng Maynila. At ngayon ay heto na nga kami sa mansyon ng kanyang amo.   Nang matapos kami sa pagliligpit ng mga gamit, tinungo namin ang kusina. Ipinakilala ako ni lola sa kanyang mga kasama.   “Apo, ito si Ate Rita mo. Siya ang cook dito. Si Kuya Domeng mo naman ang hardinero. Ito naman si Kuya Elias mo, ang driver dito. Si Ate Citas at Ate Lorna mo ang mga taga-linis, at iyong dalawang lalaki sa gate ay mga gwardya, si Kuya Magno at Kuya Sid mo. Ang iba sa kanila ay mga bodyguards. Makikilala mo rin sila. Ituring mo silang mga ate at kuya mo ah?” Ngumiti ako sa kanilang lahat. “Oh siya, kumain ka na.”   “Naku, Manang Celing, maganda itong apo mo. Morena. Lamang ay hindi niya nakuha ang tangkad mo.” Bahagyang nangiti si Ate Rita. “Baka matiputahan ng magkakapatid na Villanueva!” at tuluyan na siyang humalakhak habang sapo ang kanyang bibig.   “Tumigil ka nga diyan Rita! Bata pa ang itong apo ko. Huwag mong sinusulsulan ng kung anu-ano.”   “Bakit, ate? Mga palikero ba?” tanong ko sa kanya.   “Naku, sinabi mo pa! Magagandang lalaki rin naman kasi sila, maraming babae ang naghahabol sa mga iyon kaya hindi mo masisisi.” Aniya. “Pero sa kanilang tatlo, si Sir Lucas ang pinakagusto ko. Mas madali kasi siyang kausapin kaysa sa dalawang kuya niya. Sobrang pogi pa! Pero sa kanilang lahat, siya ang pinaka-playboy!” sabay subo niya sa tupig na pasalubong namin sa kanila.   Napuno nang kuryosidad ang isip ko. Ano bang itsura ng magkakapatid na iyon at ganoon na lamang ang ang puri ni Ate Rita sa kanila? Tinapos ko ang aking hapunan at nagpresintang maghugas ng pinagkaininan.   Nasagot ang aking mga tanong nang dumating si Sir Alfie. Natanaw ko siyang papasok sa mansyon, may kausap sa cellphone. Iniabot niya ang bag niya kay Ate Citas at dinala sa isang silid, pagkatapos ay niluwagan niya ang kanyang neck tie.   “Yes, I understand. I’ll visit the site tomorrow.” Ibinaba niya ang cellphone at bumaling sa akin. Ngunit lumampas ang tingin niya sa aking likod. Nilingon ko na rin ang likuran ko at nakitang papalapit si Lola Celing sa kanya. “Good evening, Sir Alfie. Maghahain na ba ako ng hapunan mo?” Bati ni lola sa kanya.   “Yes, manang. I’ll just change.” At lumingon ulit sa akin.   Napansin ni Lola ang tingin nito sa akin. “Ah, Sir. Siya ang apo ko, si Ellie. Ellie, halika. Magpakilala ka kay Sir Alfie mo.” Tawag ni lola sa akin.   Mabilis akong lumapit sa kanila at binati ko ang lalaking kausap ni lola.   “Good evening, Sir! Ako po Ellie.” bati ko sa kanya.   He smirked. Ang tangkad niya. Hindi nga nagkamali si Ate Rita sa pag-describe sa kanya.   “I’m Alfie.” Nilingon niya si Lola Celing. “Nabanggit na ni Papa ang tungkol dito manang. I’ll take care of everything here, including her school fees and allowances. Also, enroll her in the nearest university para hindi na siya mahirapan.”   “Pero, sir, private school po ang pinakamalapit—“   “It’s okay. I’ll take of everything.” Putol niya.   “Sir, okay lang naman na kahit sa public school—“   Hinawakan ni Sir Alfie ang kanang balikat ni lola. “It’s okay, manang. Matagal ka na sa amin. Hindi ka na iba. I’ll go upstairs. Pakihanda na lang ang hapunan.”   “Sige po, Sir.”   Tinulungan ko si lola sa paghahanda ng hapunan. Alam kong hindi ako inoobligang magtrabaho dito pero ito na lamang ang pwede kong gawin para mapasalamatan sila sa kabutihan na ibinigay nila sa akin. Tahimik at mabilis na tinapos ni Sir Alfie ang kanyang pagkain. Nagpresinta ulit akong magligpit. Nang matapos ay dumiretso na ako sa aming kwarto.   Pabaling-baling ako sa aking kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Maga-ala una na ng madaling araw. Namamahay yata ako. Nilingon ko si  lola ngunit mahimbing na itong natutulog. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina. Kumuha ako ng baso sa cupboard at inilabas ang pitsel sa refrigerator. Madilim, pero tanaw ko ang kabuuan ng kusina dahil tumatagos sa bintana ang liwanag na galing sa labas ng mansyon. Tahimik akong nagsalin ng tubig sa baso at uminom. Nang matapos ay isinara ko ang refrigerator pero parang hihiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa gulat nang may makita akong bulto ng isang tao sa aking harapan! Muntik ko pang mabitawan ang basong ginamit ko.   “Who are you?” tanong nito sa akin. Boses lalaki.   “A-apo po ako ni L-lola Celing.” Nanginginig ang boses kong sumagot sa kanya. Naaamoy ko ang alak sa kanyang hininga.   “Really? I didn’t know she has a grandchild. Nagsasabi ka ba ng totoo? What’s your name?” Lumapit siya sa akin. Kahit madilim ay alam kong nakatitig siya sa akin.   “E-Ellie po.” Kabang-kaba na ako. Gusto ko nang tumakbo pero hindi ko magawa. Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.   Matagal siyang hindi nagsalita. Nakatayo lamang siya doon. Akma na akong magpapaalam nang bigla siyang magsalita.   “Go back to your room.” Utos niya, madiin ang kanyang pagkakasabi.   Agad kong ibinaba ang baso sa counter island at mabilis na tumakbo pabalik sa aming kwarto!   Pagkapasok ko ay tinignan ko si lola. Tulog pa rin siya kahit na medyo napalakas ko ang pagsara ng pintuan. Dahan-dahan akong gumapang sa aking kama at nagtalukbong ng kumot. Damang-dama ko pa rin ang mabilis na pintig ng puso ko. Para akong nakipaghabulan. Kinalma ko ang aking sarili hanggang sa hindi ko namalayang bumabagsak na ang mga talukap ng aking mga mata at tuluyan na nga akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD