Ellie
Puyat man ay maaga pa rin akong gumising para tumulong kay lola sa paghahanda sa almusal. Habang nagpiprito ng ulam si lola ay hinuhugasan ko ang bigas sa lababo. Hindi pa rin matanggal sa isip ko kung sino ang nakausap ko kaninang madaling araw. Malalim akong nagi-isip ng ilang sandali lamang ay may binati si Ate Rita.
“Good morning, Sir Lucas.” Magiliw na bati ni Ate Rita sa bagong dating.
“Good morning, hijo. Magkape ka muna.” Bati naman ni lola sa kanya.
Humihikab akong napalingon sa aking likuran. Natigilan ako ng bumati pabalik ang lalaking nakita ko.
“Morning… Rita, coffee please.” Aniya.
Agad na tumalima si Ate Rita at nagtimpla ng kape.
Siya ‘yung lalaking nakita niya kaninang hatinggabi dito sa kusina! Nanlalaki ang mga mata kong bumaling muli sa lababo. Itinuon ko ang pansin sa paglilinis ng bigas. Nang matapos ako’y isinalang ko na iyon sa rice cooker. May fried rice namang niluto si lola kaya pwede nang kumain ang mga amo namin.
Nilingon niya si Lucas at bahagya siyang nagulat nang makita niyang nakatitig ito sa kanya. Iniwas niya ang tingin dito at kumuha ng platter para magsandok ng fried rice.
“You’re Ellie.” Aniya. Nakatingin pa rin sa akin.
“Y-yes, Sir.” Sagot ko.
“Kilala mo na pala ang apo ko, hijo.” Narinig kong sabi ni Lola.
“Yeah, nakita ko siya kaninang madaling araw.” Sagot niya at hinigop ang kanyang kape.
Lumingon si lola sa akin. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Agad akong tumalima.
“Lumabas ka kanina? Bakit?”
“Opo, nauhaw ako ‘la kaya lumabas ako kaninang ala una ng madaling araw.”
Tumango siya. “Maghanda ka na mamaya. Pagkaalis nila, pupunta tayo sa eskwelahan. Sasamahan kitang mag-enrol. Bibili na rin tayo ng mga gamit mo.”
Excited akong ngumiti at tumangu-tango kay lola. Ilang sandali pa’y bumaba na rin si Sir Alfie, nakagayak nang papasok sa trabaho. Sabay silang kumain ni Sir Lucas ng agahan. Nang matapos ay naglipit na ako sa dining area. Pabalik na ako sa kusina nang lumapit sa akin si Sir Lucas.
“How old are you?” he said. Heto na naman ang mga mata niyang kung makatingin ay parang hinahalukay ang kaloob-looban ko.
“16 po.” Tinapatan ko ang kanyang paninitig.
Ngumuso siya, tumangu-tango at walang sabi sabi’y umalis na siya sa aking harapan. Kumunot ang noo ko at dumiretso na sa kusina.
Matapos kong mag-enroll sa eskwelahan ay pumunta kami ni lola sa pamilihan upang bumili ng mga gagamitin ko sa darating na pasukan. Hinayaan niya akong pumili, tutal ay ako naman daw ang gagamit ng mga iyon. Pero siyempre, pinili ko pa rin ang mga gamit na pasok lamang sa budget namin.
Pagkauwi ay dumiretso ako sa aming kwarto para ayusin ang aming mga pinamili. Sa boutique ng school na bumili si Lola Celing ng aking uniporme. Isang linggo mula ngayon ay pasukan na sa eskwela. Excited na ako ngunit kinakabahan. Sa Isabela ay may mga naging kaibigan din ako. Dayo man ako sa bagong eskwelang papasukan ko ay siguradong makakahanap din ako ng mga magiging kaibigan ko.
Dumating ang araw ng pasukan. Maaga akong nagising para tumulong kila Lola at Ate Rita sa paghahain ng agahan. Nasanay na ako sa ganitong gawain. Pagkatapos maghain sa dining area ay mabilis akong gumayak. Inihanda ko ang aking susuotin. Pinili ko ang aking v-neck tshirt, dark maong pants, mga underwear at isang pares ng medyas. Ipapares ko na lamang ang aking lumang Chuck Taylor’s na sapatos. Pumasok ako sa banyo para maligo. Nang matapos akong maghanda ay kinuha ko na ang aking bag at dumiretso na sa kusina.
“Oh Ellie, kain ka na para makaalis ka rin ng maaga dito. Baka abutan ka ng traffic, ma-late ka pa.” Sabi ni Ate Rita sa akin.
Kumuha ako ng ulam at sumandok ng kanin. Umupo ako sa may high chair sa counter island. Mabilis kong tinapos ang agahan at akmang huhugasan na ang pinggan na ginamit ko nang agawin ito sa akin ni Ate Rita.
“Pasok ka na, ako na rito. Umalis si Manang Celing, maagang pumunta sa palengke kasama si Elias. Good luck sa first day of school!” Nakangiti niyang sabi.
“Salamat, Ate Rita. Maiwan na kita. Ba-bye!”
Nagmamadali akong lumabas ng gate. Nakita ako ni Kuya Sid kaya pinagbuksan nya ako ng gate.
“Ingat, Ellie! Tumawag ka lang sa amin ‘pag naligaw ka ah?” Sabay tawa niya.
“Hindi ako maliligaw! Tinuro na ni lola sa akin ang tamang daan! Ba-bye kuya!” Paalam ko.
Malayo ang mansyon sa main gate ng exclusive subdivision na ito. Lakad takbo ang ginawa ko. Ngunit napatalon ako sa gulat nang may bumusina mula sa likod ko.
“Ay, pating!” Bulalas ko. Kumunot ang noo ko dahil sa inis. Sino ba ito? Wala naman ako sa gitna ng kalsada pero kung bumusina ay akala mong pagmamay-ari niya ang kalsada. Nakita kong bumukas ang driver’s seat ng sasakyan at mula roon ay bumaba si Sir Lucas.
“Going to school?” tanong niya sa akin. Nalusaw ang pagkainis ko at napalitan ng hiya. Bigla akong nakaramdam ng pagkataranta.
“Opo, Sir.” Mabilis kong sagot sa kanya.
“Hop in. Ihahatid na kita.” Mabilis siyang pumasok sa loob kaya binilisan ko na rin ang kilos ko. Binuksan ko ang front seat ng sasakyan at inayos ko ang pagkakaupo ko.
Lumingon siya sa akin at itinaas ang isang kilay niya. Unti-unti siyang lumapit sa akin. Sa sobrang lapit ay naaamoy ko na ang kanyang mabangong hininga. Nanunuot sa aking ilong ang kanyang mamahaling pabango. Ipinikit ko ang aking mga mata nang maradaman kong lumayo na siya sa akin.
“Seatbelt.” Tipid niyang sabi.
Sinimulan niya nang maniobrahin ang kanyang sasakyan. Nang makarating kami ay nagpasalamat ako sa kanya. Akma akong bababa na nang bigla siyang magsalita.
“Ano’ng oras ng dismissal niyo sa hapon?”
“Alas singko po.”
Tumango siya. Naghintay ako sandali kung may sasabihin pa siya pero mukhang wala na kaya nagpaalam na ako. Isinara ko ang pintuan at mabilis na pumasok sa gate ng eskwela.
Masaya ang naging 1st day of classes. Sa una ay magpapakilala kami isa-isa sa harapan. Ipinakilala ko ang aking sarili sa klase.
“My name is Elliana Eloise Cuevas. I’m 16 years old. Isa po akong transferee.” Ani ko.
“Saang school ka galing?” Tanong nang teacher ko sa Math.
“Sa isang public school po sa Isabela.” Magalang kong sagot sa kanila.
“Eww. Probinsyana!” Narinig kong sinabi ng isang babae sa harapan. Sabay tawa nilang lahat. Yumuko ako sa hiyang naramdaman ko.
“Class! Quiet! Miss Cuevas, you may seat down.” Sabi ng teacher ko.
Bumalik ako sa aking upuan. Naramdaman kong may kumalabit sa kaliwang balikat ko. Nang lumingon ako ay nakangiti siya sa akin.
“I’m Carlo. Taga saan ka?” Pakilala niya sa akin. “By the way, what should I call you?”
“Ellie na lang, nakatira ako sa Highlands Village.” Nakangiting sagot ko sa kanya.
“Really? Doon din kami nakatira. Saan ka banda ron? Sabay na tayong umuwi mamayang hapon!” aniya.
“Sige.” Sagot ko. Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanya sa pag-uwi. Mainam na rin ito para may kakilala ako sa school na ito.
Nagsimula na ang klase. Nagbigay lamang ang teacher nang mga dapat aralin sa buong linggo na iyon. Ganoon din ang nangyari sa mga sumunod na subjects. Pakilala, bigay ng syllabus, at in-explain kung paano kino-compute ang grades namin.
Nang sumapit ang alas singko ay naghanda na ako sa pag-uwi nang lapitan ako ni Carlo.
“Tara na! Uwi na tayo.” Pagyaya niya sa akin. Nang makarating kami sa gate ay nakita kong hinihintay na siya ng kanyang driver.
Tinanggihan ko ang kanyang alok. “Ay Carlo, wag na. Akala ko, sasakay ka sa jeep kaya pumayag akong sumabay sa’yo. Hindi ko alam na may sundo ka pala.”
“Okay lang yon. I’ll just drop you off in your place. Don’t worry, I’m not a bad guy. You’re my friend.” Nakangiting sagot niya.
Pero determinado talaga akong tanggihan siya. Sa huli ay sumuko na siya sa pamimilit at tumango na lamang.
“Maybe, I can learn how to ride a jeep, too. Well, bye Ellie. See you tomorrow!” kumaway siya sa akin bago pumasok sa loob ng sasakyan.
Kumaway din ako bago umalis sa lugar na iyon. Tumawid ako sa kabilang kalsada at nag-abang ng jeep pauwing Highlands. Nakatayo ako sa may shed nang biglang may humintong itim na kotse sa harapan ko. Bumaba ang bintana sa front seat. Dinungaw ko kung sino ang nakasakay, si Sir Lucas!
“Get in the car, Ellie.” Mariin niyang sinabi sa akin. Agad akong sumakay sa kanyang sasakyan. Ikinabit ko ang seatbealt sa aking katawan at mabilis niyang pinasibad ito paalis sa lugar na iyon.