CHAPTER 3

1595 Words
Ellie   Mabilis naming narating ang mansyon. Walang umiimik sa aming dalawa simula sa byahe hanggang sa nakarating kami rito. Kinalas ko ang seatbelt at nilingon siya para magpasalamat pero nang makita ko siya’y nakakunot lamang ang kanyang noo.   “Thank you, Sir. Baba na po ako.” Sabi ko.   Tumango lamang siya. Iniwan ko na siya roon sa loob ng sasakyan at dumiretso sa kusina. Nakita ko si lola na nagluluto. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kanyang kanang kamay para magmano.   “Oh, Nakauwi ka na pala. Kumusta ang unang araw sa eskwela?” Tanong niya habang hinahalo ang sabaw ng sinigang sa kaldero.   “Okay lang po. Magpapalit lang ako ‘la.” Paalam ko sa kanya.   Tumango siya at muling bumaling sa akin. “Sige, magpahinga ka muna. Mamaya tulungan mo akong maghain ah? Day off ni Citas. Si Rita naman, tinamaan ng trangkaso. Kailangan ko ng makakasama mamaya dito sa kusina.” Sabi niya.   “Opo ‘la.” Sagot ko at tinungo na ang aming kwarto.   Pagpasok ko sa kwarto ay inilapag ko ang mga gamit ko sa upuan at binagsak ang aking katawan sa kama. Nakakapagod, inalala ko lahat ang mga nangyari ngayong araw. Hindi ko man makakapalagayan ng loob ang ilang mga kaklase ko, atleast meron si Carlo na nakakausap ko. Isang taon na lang naman ang tatapusin ko sa school na iyon. Kapag nagkolehiyo na ako’y hihilingin ko kay lola na ako ang pipili sa eskwelahan na gusto kong pasukan.   Ilang minuto rin akong nakahiga nang magpasyang bumangon na para maligo. Pagkatapos kong mag-ayos ng aking sarili ay lumabas na ako sa kwarto at tumulong kay lola sa paghahain. Nang inihatid ko ang huling putahe ay nadatnan ko ang tatlong magkakapatid, kasama ang isang babae. Maamo ang kanyang mukha at maputi ang kanyang kutis. Katabi niya si Sir Martin sa hapag.   Maingat kong inilapag ang ulam na may sabaw sa lamesa. Nang umalis ako ay naulinigan kong nagu-usap ang magkakapatid. Tahimik lamang na nakikinig ang babae sa kanila habang abala itong inuubos ang pagkain niya.   Pagkatapos nilang maghapunan ay nagligpit ako ulit ng pinakainan habang si Lola naman ang naghuhugas ng mga ginamit. Matapos kong magligpit ay sinabihan ako ni lola na magpahinga na.   Naging ganoon ang takbo ng buhay ko sa mga nagdaan na buwan. Bago ang 4th periodical test, nag-announce ang teacher namin na magkakaroon kami ng graded recitation sa Mathematics. Sa Filipino naman ay ang gumawa ng buod sa nobelang El Filibusterismo, at sa Science naman ay isang investigatory project na ipe-present namin sa klase bago mag-exam.   Partner ko si Carlo sa aming project. Isang araw ng Huwebes, bago ang uwian, ay lumapit siya sa akin.   “Ellie, kailangan na natin i-finalize yung project sa Science. Tayo na ang magpe-present sa Monday. Holiday naman bukas kaya gawin na natin.” Sabi niya sa akin.   Marahan ako tumango. “Sige, pero magpapaalam muna ako sa lola ko. Ite-text kita kapag pumayag siya.” Nilabas ko ang aking cellphone para kunin ang kanyang numero.   “Yown! Kailangan pang magkasama tayo sa project para makuha ko ang number mo.” Nakangiti siya sa akin. Natawa naman ako sa sinabi niya.   “Pwede mo naman kunin ang number ko, ah? Yun nga lang hindi kita mare-replyan madalas dahil busy ako sa bahay.” Ani ko.   Tumawa siya. Nang marating namin ang gate may kinuha siya sa bag niya. “Sandali, Ellie. May ibibigay ako sa’yo.” Inilabas niya ang isang maliit na hugis puso ng chocolate. Iniabot niya sa akin iyon. “Para sa’yo.”   “Para saan yan?” Takang tanong ko. Wala naman akong alam na okasyon kaya bakit niya ako bibigyan ng chocolate?   “Para sa’yo. Noong Valentine’s kasi, hindi kita nabigyan. Noong prom naman, hindi ka sumali. Sorry, medyo late na.” Nakahawak na siya sa kanyang batok. Halatang nahihiya sa kanyang sinabi.   Tumaas ang aking kilay at diretsahan siyang tinanong. “May gusto ka ba sa akin?”   Nagulat siya sa aking tanong. Umiwas siya ng tingin sa akin at dahan-dahang tumango. “Matagal na Ellie, simula noong nakita kita, gusto na kita. Gusto mo rin ba ako?” Balik tanong niya sa akin.   Umiling ako. “Carlo…” Wala akong masabi. Mukhang na-misinterpret niya ang pagtugon ko sa atensyong ibinibigay niya sa akin.   Bahagya siyang tumawa. “Tanggapin mo na, Ellie. Wala naman akong masamang intensyon eh. Hindi rin naman kita pipilitin na sagutin ako ngayon. Sinabi ko lamang ang aking nararamdaman.”   Bumuntong hinga ako at kinuha na ang regalo niya sakin. Maluwang ang kanyang ngiti nang makita niya kung paaano ko tanggapin iyon. “Salamat ah? Sige, alis na ako. Ingat ka sa biyahe.” Wika ko sa kanya. Nang makatawid ako para pumara ng jeep ay may huminto na namang sasakyan sa harap ko. Bumaba si Sir Lucas, madilim ang kanyang mga tingin sa akin at mabilis akong nilapitan.   “Sakay.”Mariin niyang sinabi sa akin. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Agad akong sumakay sa loob ng kotse at ikinabit ang seatbelt. Nakapasok na si Sir Lucas nang maipirmi ko ang aking sarili sa pagkakaupo. Mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakayan. Kitang-kita ko ang galit na lumandas sa kanyang mukha nang makita niya ang hawak kong chocolate na nasa kandungan ko na ngayon.   He scoffed. “Who gave that to you? That boy?” May diin ang mga boses niya sa bawat salitang binibitawan niya.   “S-sir Lucas…” kabado kong tugon.   “What? Nagpapaligaw ka ba don?” angil niya. Nainis ako sa sinabi niya. Ano? Porket tumanggap lang ng regalo, nagpapaligaw na agad?   “Hindi po siya nanliligaw sa akin.” Sobrang inis ko sa mga sinabi niya sa akin, na parang gusto ko siyang gantihan. Kaya kumambyo ako. “Saka ano naman po kung manligaw nga?” Pero gusto kong magsisi ng makita ko ang reaksyon niya sa sinabi ko. Itinabi niya sa gilid ng kalsada ang sasakyan, hinampas ang manibela at galit siyang lumingon sa akin.   “Hindi ka magpapaligaw. Not with that boy. Not with anyone.” Sabi niya. “Kung ayaw mong malaman ng lola mo ito.”   Nanlaki ang aking mga mata! “Sir, hindi nga siya nanliligaw sa akin! Walang nanliligaw sa akin. Hindi po ako nagpapaligaw kahit kanino!” Naiiyak kong sagot sa kanya. Nakaramdam ako ng takot sa kanyang sinabi. Kapag malaman ng lola ko ito ay pagagalitan niya ako.   Tinitigan niya ako na parang naninigurado sa mga isinagot ko. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago magsalita. “Why did you give him your number? Or is it you who get his?” Nakita niya iyon? Ibig sabihin bago ka kami lumabas ni Carlo sa gate ay nandoon na siya?   Hindi ko napigilan ang pagbagsak ng luha ko. Naiiyak na ako sa kaba at takot.   “M-may project kasi kami, S-sir. Siya ang partner ko. Niyayaya niya akong gawin iyon sa kanila pero hindi pa ako nakapagpaalam kay lola. Kaya ko kinuha ang numero niya para mai-text ko siya kung papayagan ako o hindi.”  Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagbagsak. Kahit pinipigilan ko ang sarili ko’y hindi nagpapapigil ang mga ito.   “Do it in the mansion. Kapag hindi pumayag ang lalaking iyan, huwag kang sasama sa kanya. Inform him now.” Tunog demanding ang kanyang mga salita. Agad kong kinuha mula sa aking bag ang cellphone at tinipa ko ang numero ni Carlo. Tinawagan ko siya. Nakakadalawang ring pa lamang ito ng sumagot siya.   “Hi Ellie! Nakapagpaalam ka na?” Ramdam ko ang sigla ng kanyang boses.   Nilingon ko si Sir Lucas bago ako tumikhim at sumagot sa kausap. “Carlo, sa amin na lang tayo gumawa ng project. H-hindi kasi ako pinayagan lumabas ng bahay.” Palusot ko.   “Oh. That’s fine, pero mas okay sana sa bahay namin dahil may Internet kami. Kumpleto din kami sa mga gamit na kailangan natin para sa project.”   Kinagat ko ang aking labi. “D-dalhin mo na lang sa amin yung mga kailangan natin. Hindi talaga ako papayagan eh.”   “Hmm… okay. I’ll text you tomorrow.” Sagot niya.   “Salamat. Bye.” Pinatay ko agad ang tawag. Nang nilingon ko si Sir Lucas ay nadatnan ko itong nakanguso, parang nagpipigil ng ngiti. Agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at dahan-dahan itong umandar papasok sa subdivision.   Kinabukasan nga ay dumating si Carlo sa bahay. Inabangan ko siya sa gate. Maghapon naming ginawa ang project. Nagliligpit na kami ng mga ginamit namin nang tanungin niya ako.   “Dito ka pala nakatira. Are they your relatives?” Tinignan niya ako. Inabot ko sa kanya ang envelope na naglalaman ng mga ginamit namin para sa project.   “Hindi, dito nagtatrabaho ang lola ko.” Tipid kong sagot sa kanya. “Bakit? Kilala mo ba sila?”   “I know the Villanuevas. They are known in the business industry. Si Kuya Lucas ay ka-batch ng Kuya Jackson ko noong college. Playboy yan, maraming na-link sa kanya.” He casually said. Nandito na kami sa gate ngayon. “Sige Ellie, it’s getting late. Uwi na ako.”   Tumango ako. “Salamat! Ingat sa pag-uwi.” Kumaway ako.   Papasok na ako sa loob ng mansyon ng makita ko si Sir Lucas na nakatayo sa may pintuan, nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pintuan at mataman akong tinitignan. Yumuko lamang ako at nang malampasan siya ay dali-dali akong pumunta sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD