Ellie Maaga akong nagtungo sa kwarto para magpahinga. Hindi muna ako pinatulong ni Lola sa kusina, katwiran niya’y kakailanganin ko ng lakas para bukas. Nakahiga na ako sa kama, pagod ang aking katawan pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi na nagparamdam si Lucas sa akin pagkatapos ng tawag na iyon. Hindi pa rin siya nakakauwi. Tanging sila Sir Alfie at Sir Martin lamang ang nandito sa mansyon ngayon. Kinuha ko ang cellphone ko. I turned on my mobile data and opened my i********: account. Bumungad agad sa akin ang isang litrato kung saan naka-tag si Lucas. I read its caption. Chillin’ with the hottest bachelor in the city! Nice to see you again, Lucas! Sinuri kong mabuti ang picture. Beside him is a very gorgeous woman, wearing a black sleeveless body con dress na

