Ellie
Nakahiga na ako sa aking kama pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina sa hardin.
Inabot niya sa akin ang parihabang asul na kahita. Binati niya ako. Nang tanggapin ko ang kanyang regalo ay umalis rin siya agad. Iniwan niya akong nakatulala.
Umupo akong muli sa bench at binuksan ang kahita. Isa itong bracelet na kulay rose gold. Sa gitna nito ay may nakaukit na salita. Binasa ko ito.
“Elliana.”
Ibinalik ko ulit ito sa kahon at pumasok na sa loob. Pinipigilan ko ang mangiti pero sa kaloob-looban ko’y nagdiriwang na ang aking damdamin. Kinikilig ako sa tuwing iniisip ko siya. Hindi ko maalis sa isipan ko ang mga ngiti niya sa akin.
Lumipas ang ilang araw, bumalik sa normal na takbo ang buhay ko. Gigising ng maaga, tutulong sa kusina, tutulong sa paglilinis sa mansyon o kaya ay tutulong kay Mang Domeng na maglinis sa hardin malapit sa fountain. Kapag oras ng siesta ay dito ako tumatambay dahil presko ang hangin at nakaka-relax sa pakiramdam.
Nandito ako ngayon sa duyan, nagi-isip kung paano ko sasabihin kay lola na gusto kong kumuha ng Criminology sa college. Kahit sa isang state university na lamang ako mag-aral para allowance ko na lamang ang iisipin namin.
Nasa malalim akong pagi-isip ng biglang may humaplos sa aking likod. Tumingala ako at nakita ko si lola, nakangiti siya sa akin. Naupo siya sa bench, hindi kalayuan sa pwesto ko.
“Nandito ka lang pala apo, kanina pa kita hinahanap. Magpapabunot sana ako ng uban sa’yo eh.” Magiliw niyang sabi sa akin.
“Akin na po ang pambunot ‘la. Pero piso po sa isang uban ah?” Biro ko sa kanya.
Humalakhak siya. Umupo ako sa bakal na arm rest ng bench at bahagyang inihilig ko ang ulo ni lola sa bandang tuhod ko. Nagsimula akong maghanap ng uban. Nakakailang bunot na ako nang magsalita ako.
“Lola, gusto ko pong kumuha ng Criminology sa college.”
Nilingon niya ako. “Maigi yan apo, kahit ano’ng kunin mong kurso basta kaya natin.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
“Mukhang susundan mo ang yapak ng iyong ama, ah?” tanong niya sa akin.
“Gusto ko talaga ito ‘la.” Ani ko.
“Kung yan ang gusto mo, susuportahan kita.” Ika niya.
Dumaan ang maraming buwan. 1st year college na ako sa isang state university dito sa Maynila. Pinili ko na dito mag-aral kahit may kalayuan mula sa Highlands Subdivision.
In-offer na sa akin ni Sir Alfie ang umupa ng matutuluyan para hindi na ako mahirapan sa pagko-commute pero tumanggi ako. Katwiran ko ay hindi ko maiwan si lola sa mansyon at kakailangin niya pa rin ang tulong ko sa ilang mga gawain sa bahay.
Pero may mas malalim pa akong rason kung bakit ayaw kong tanggapin ang kanyang alok.
Ang pagtingin ko sa kanya na nagsimulang umusbong sa noong isang taon ay lumalim. I did not mind it kung may patutunguhan ba itong ilusyon ko sa kanya pero iisa lang ang natitiyak ko.
I am in love with him. I am in love with Lucas.
Sa bawat pagkakataon na nakakausap ko siya at sa mga nakaw na sulyap ko sa kanya, buung-buo na ang araw ko.
Isang hapon, tumawag ako kay Ate Rita para magpaalam na male-late ako ng uwi sa mansyon dahil kailangan naming mag-practice para sa Annual Tactical Inspection sa ROTC.
“Sige, sasabihin ko sa lola mo. Mag-ingat ka sa pag-uwi, Ellie. Tawagan mo ako kung sakaling wala kang masakyan. Ipapakiusap ko na lang kay Elias na sunduin ka kung sakali.” Ani Ate Rita.
“Salamat, Ate.” I ended the call. I am tired already. Maghapon na kaming nasa field, pine-perfect lahat ng drills para sa Lunes. I sit in one of the benches near the barracks when suddenly, Roscar appeared in front of me.
“Pagod na ako, ano’ng oras ba tayo matatapos?” Tinungga niya ang tumbler ko na may lamang tubig.
“Santiago! Magtira ka, sarado na ang mess hall! Wala na akong pagkukuhanan ng tubig!” Saway ko sa kanya. Inagaw ko ang tumbler ko at inilayo sa kanya. Pagsilip ko rito, pang isang lagukan na lang ang itinira niya sa akin.
“Lakas mong lumagok ng tubig, malatuba ka naman sa training!” Sabi kong habang natatawa sa kanya. Ngumisi pa ang loko, sabay iling.
“Pareho lang tayong kadete, Cuevas. Alam kong pareho lang tayo ng sentimyento.” Pagu-udyok niya sa akin.
“Oo, pareho tayong kadete pero hindi ako reklamador tulad mo!” Humalakhak ako sa sinabi ko. Kitang – kita ang bakas ng asar sa mukha niya. “Dibale, makakapagpahinga rin tayo pagkatapos nito. Malapit lapit na rin naman ang graduation natin.”
“Itutuloy mo pa rin ba after graduation?” Tanong niya.
Napanguso ako. Nag-isip sandali. “Siguro. Baka, depende. Hindi ko alam.”
He tsked. “Malala ka na.”
“Formation! Formation!” Malakas na sigaw ng mga opisyal sa amin. Dali-dali kaming nag-form sa field at nag-practice pa ng 2 rounds bago kami dinismiss.
Pagod, antok, gutom, at uhaw ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko nang magpahinga. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking body bag habang nagpupunas ng pawis. It’s 11:30 in the evening. May mga jeep pa namang dumadaan pauwi sa subdivision.
Biglang nag-ring ang cellphone ko, pagtingin ko ay si Ate Rita ang tumatawag. I answered it immediately.
“’te. Bakit?”
“Ellie, lasing si Elias. Hindi ka niya masusundo—“
“Okay lang ate, magji-jeep na lang ako.” Sagot ko sa kanya.
“Hintayin mo si Sir Lucas dahil papunta na siya diyan para sunduin ka. Abangan mo na lang. Ibinigay ko na rin ang number mo para ma-contact ka niya. Oh siya, ingat kayo.”
Bigla akong naexcite. Susunduin ako ni Sir? Naglaho ang pagod ko at nabuhayan ng dugo! Na-conscious ako bigla. Inamoy ko ang aking sarili pero napangiwi ako. Amoy pawis. Tinignan ko kung may extrang tshirt ako pero nagamit ko na pala lahat. Saktong nakita ko si Roscar sa kanyang locker, naga-ayos ng kanyang gamit. Nilapitan ko siya.
“Ros, may extrang t-shirt ka ba? Pahiram muna oh. Ibabalik ko bukas!”
“Meron. Teka, ito. Pero may pangalan ko eh. Okay lang ba? Hoy ibalik mo sa’kin ng malinis yan ah! Ayokong mahawa sa anghit mo!” Inabot niya sa akin ang malinis at preskong t-shirt. Hinablot ko agad iyon sa kanya.
“Maitim ako pero wala akong anghit! Thank you!” Ipinatong ko ang body bag ko sa upuan. Tumalikod ako kay Roscar at walang sabi-sabing hinubad ang basang t-shirt ko. I don’t mind. Kaming dalawa na lang naman ang natira dito sa locker room, naka sports bra rin ako kaya hindi na ako nahiyang magpalit. Isa pa, wala naman siyang makikita sa akin. Isinuot ko ang t-shirt na pinahiram niya sa akin, may nakasulat na ‘Santiago, Roscar P.’ sa upper left ng t-shirt.
“Umayos ka nga! Baka may makakita sa’tin dito. Ma-issue pa tayo.” Inis na sabi niya sa akin.
“Sensitive mo naman pogi, hindi naman kita type. Hmmp!” Tiniklop ko ang gamit na t-shirt ko. “Ano? Sabay na ba tayo? O mauuna na ako?” tanong ko sa kanya.
He immediately locked his locker at sumabay na sa akin sa paglabas sa barracks. Hawak ko ang cellphone ko dahil baka biglang tumawag sa akin si Sir Lucas.
“Magji-jeep ka ba?” Tinignan niya ang kanyang relo. “May jeep pa ba?”
“May sundo ako. Yung jowa ko.” I said jokingly. I smiled widely at him habang taas baba naman ang kilay ko.
Tumawa siya. “Ilusyonada.” Hinatak niya ako sa may mamihan at naupo kami sa bangko. “Dito na natin hintayin ang jowa mo, uuwi ako ‘pag nakarating na siya.” Sabi niya sa akin. Um-order kami ng dalawang mami.
Malaki ang pinagbago ko simula noong tumuntong ako sa kolehiyo. My actions were reserved before. Ngayon, nagagawa ko nang makihalubilo sa iba’t ibang tao. Nakakapagbiro na rin ako sa mga kasama ko. I think it’s a good thing, I was able to put myself outside of my comfort zone.
Umiinom na ako ng tubig nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Hindi registered ang number sa phonebook ko. Tumikhim ako bago ko sinagot ang tawag.
“Hello—“
“Where. Are. You?” Madiin ang pagkakabigkas sa bawat salitang binitawan niya. Is he angry?
“Uh, nasa mamihan, Sir. Saan ka na po?” magalang kong tanong sa kanya. Dumukot ako ng pera sa pantalon ko. Tumayo na ako at kinalabit si Roscar. Inabot ko ang bente sa kanya. Ramdam niya ang pagmamadali sa mga kilos ko kaya binilisan niya ang pag-inom ng tubig at nagbayad na sa tindera.
“Nasa gate. Make it fast, it’s already late.” He ended the call. Nagmadali na akong umalis sa mamihan.
“Bilisan mo, Ros.” Patakbo ko nang tinungo ang gate.
Pagdating ko ay nakatayo siya sa gilid ng kanyang sasakyan. Nakapamulsa siya. He’s wearing a sweatshirt and maong pants. Kahit gabi na ay fresh na fresh pa rin siyang tignan. Biglang nilukob ng kaba ang dibdib ko habang papalapit na kami sa kanya.
“Siya na ba ‘yan?” Tanong sa akin ni Ros. Nilingon ko siya at tumango.
“Halika, ipapakilala kita sa bebe ko.” sabay kindat ko sa kanya. Palihim niya akong kinurot sa braso.
Nang mapansin kami ni Sir Lucas na papalapit sa kanya ay tumuwid siya sa pagkakatayo. Pero napansin ko ang pagkakakunot ng kanyang noo nang malipat ang kanyang tingin kay Roscar. Kung hindi ako nagkakamali ng tingin ay nagtiim-bagang pa siya.
“S-sir Lucas…” Bigla akong nawalan nang sasabihin. He cleared his throat.
“Sir, si Roscar po, kaklase ko. Ros, Si Sir Lucas, amo ko.” Pakilala ko sa kanya.
Roscar extended his arm for a hand shake. Tinignan muna ni Sir Lucas ang kamay ni Roscar bago tinanggap ito. The veins in his arms suddenly protruded. I saw Ros’ facial expression. His lips formed in a thin line. Binitawan niya na rin ang kamay ni Sir Lucas.
“Mauna na ako, Cuevas. Ingat kayo sa pag-uwi.” Hah? Cuevas? Bago yun ah? Tinawag niya akong Cuevas sa harap ng ibang tao.
“Ingat ka rin sa pagmamaneho.”
Tumango ito. Lumingon ako kay Sir Lucas, pero laking gulat ko nang nadatnan ko siyang nakatitig sa kaliwang bahagi ng t-shirt ko. Nakahalukipkip na siya ngayon, nakataas ang isang kilay. Dahan-dahan kong tinakpan ng strap ng body bag ko ang pangalan na nakaprint doon.
“What was that?” Suplado niyang tanong sa akin.
“Ano’ng ‘what’, Sir?” Mapang-asar na tanong ko sa kanya.
Umalis siya sa harap ko at tinungo ang driver’s seat. Binuksan ko na rin ang passenger’s seat at nagmamadali na akong sumakay.