Chapter1
Mula sa ginagawa sa computer ay nag-angat ng muka si Amanda nang mapansin Ang pagdating Ng kanyang thirty yrs old na Tall,Dark and Handsome niyang boss na si Brent Tabuios Villaluz .
"Good Morning Sir Tab".
"Do I have an important appointment this morning ,Miss Reyes?"
Tanong Niya Kay Amanda pagkarating sa tapat Ng pinto Ng opisina Niya .then he grimaced.ng mapansin Ang suot Ng sekretarya ."what are you wearing?"sasagot na Sana si Amanda muli niyang dugtungan Ang tanong Niya."Didn't I tell you to wear a decent clothes?"
Umangat Ang kilay ni Amanda sa disaste na nasa muka nito."Alin sa mga suot ko sir Tab?...maayos naman ho Ang damit ko ..."
" Hindi kaba naiinitan?you wear a long sleeve at closed-neck pa ....are you comfortable?"
Dapat ay ma-offend Siya,pero sa loob loob ni Amanda ay natutuwa Siya .sa Araw-araw na pagpasok ni Amanda ay Hindi nakakaligtas Ang pagkadisgusto ni Tabuios sa pananamit niya .Lalo na't kung Hindi mainit Ang ulo nito ,kung Minsan pa ay sinasabihan Niya ito na magsuot Ng comfortable sa paningin Ng tao Lalo nat pagdadalo sa mga meetings . uncomfortable but her disguise served her well.
"I could use a cup of coffee,Amanda",Ani ni Tabuios ,at inilabas Ang ilang dokumento Mula sa briefcase at naupo sa executive chair nito.
"Mahigpit Ang bilin ni Lara na magreturn call ka pagdating na pagdating mo." Mula sa pagbabasa ay umangat Ng tingin si Tabuios at muling ibaling Ang tingin sa memo pad.
" Unahin mong tawagan kung sino ang mas importante , Amanda."
"pero sir hmmm...Inaasahan po ni Lara Ang tawag mo at mahigpit Po niyang ipinagbilin iton."nang damputin ni Tabuios Ang telepono ay agad siyang tumalikod upang bigyan Siya Ng Oras makausap Ang kasintahan na Modelo.Isang Modelo Mula sa Pilipinas at dahil magaling ito at at maganda ,Isang gandang makakaakit kahit sino ,supistikadang Ganda,kaya naman naging matagumpay Ang kanyiang career at sumikat abroad at talagang boto din Ang mga magulang ni Tabuios Lalo na Ang mama Niya .simula pa nang Bata Sila ay nakatakda na Silang ikasal dahil sa kasunduan Ng mga magulang nila .Si Lara ay anak Ng kaibigan Ng pamilya nila na Isa rin sa nagmamanage Ng Isa nilang kompanya na Villaluz Corp.at si Lara ay nakapagpundar Ng paupahan sa Rizal dahil sa pagmonodelo.
Si Tabuios naman Ang namamahala sa kumpanya nila na pinasa Ng kanyang ama na si Arnaldo villaluz.nagretiro na Ang kanyang ama upang makapagpahinga na raw Sila Ng kanyang Ina na Mula pa noon ay puro trabaho Ang inatupag kaya lumago Ang business nila .Maagang natrain si Tabuios kaya nman ay bihasa na Siya at siguradong kabisado na Ang Mundo Ng pagnenegosyo.
Mabigat Ang loob ni Amanda habang nagtitimpla Ng kape marahil ay nakakaramdam na naman ito ng pagkadismaya sa loob Ng Isang taong pagtratrabaho Niya Dito ay marahil ay nahulog na Ang loob Niya Kay Tabuios,na hindi dapat mangyari dahil baka sisantehin Siya Ng Wala sa oras.matagal niyang inalagaan at itinago Ang nararamdaman Niya Mula sa kanyang boss dahil ayaw niyang mapabilang sa mga naunang sekretarya ni Tabuios na wala pa sa probationary period ay nasesante na dahil sa nagpakita Ng pagkagusto at Hindi nagampanan ng maayos dahil lumilipad at di makapagconcentrate sa trabaho kaya ayun!nang bumalik Ang katinuan at ituun sa tasa Ang pansin .kaunting creamer at walang asukal at matapang Ang kape ni Tabuios .Hindi Malaman ni Amanda kung Anong lasa Ang kape ni Tabuios Tumango tango si Amanda ng matikman Ang kape "ah kaya Pala nagmana Pala sa kape tong mokong nato ..Hindi na nga sweet Ang tapang pa haha Ang sarap namang higupin ." Sabay halakhak si Amanda.
Bumalik na si Amanda Mula sa pagkuha Niya Ng kape Ng madatnan si Tabuios na nagmumura sabay pabagsak na ibinalik Ang telepono nito .nagtataka siyang napakadali Ng naging paguusap nilang magkasintahan kung dati ay umaabot Ng ilang Oras Ang kabilang paguusap dahil sa nalalapit nilang kasal,pero naisip niyang mas maganda Ng Hindi nagtagal Ang paguusap nila at baka mabadtrip lang at sumama Ang loob bagay na Hindi Niya dapat maramdaman dahil Wala siyang karapatan.
"Thanks ,Amanda".Ani nito nang ilapag Ang kape sa mesa at Mula nun ay itinuon nalang Niya Ang mata sa mga papel sa mesa na Hindi man lng nag-angat Ng ulo.napabuntung hininga at bagsak Ang balikat na naupo si Amanda ng maalala Ang nalalapit na kasal nila Tabuios .she wondered if she would continue working for him once he was married.she doesn't have problem with Tabuios dahil kabisado Niya Ang ugali ni Tab but she doesn't any assurance kung pakikitunguhan Siya Ng maayos Ng mapapangasawa Niya dahil sa ugali.
Maganda nga spoiled at matapobre naman,napakataas Ang tingin sa sarili na Akala mo nman ay Siya Ang pinakamanda at pinakamagaling .she make face thinking na maganda naman talaga ito.
Inikot ni Amanda Ang paningin Ng Makita Ang lahat may kanya kanyang gawain.gusto Niya Ang trabaho Niya at kasundo Niya Ang lahat Ng empleyado . sa loob Ng Isang taong panunungkulan bilang Isang executive secretary ,nirerespeto Siya Ng mga kasamahan bukod dun ay Siya lang Ang nagtagal na secretary ni Tab.
Bago Siya na-apply sa kompanya ay pinangako Niya sa sarili na hinding Hindi Siya magkakagusto sa maging boss Niya kung matanggap siya.peeo kinain Niya lahat Ng sinabi Niya Hindi alam Ng boss Niya Ang tungkul sa nararamdaman Niya and she couldn't even admit her folly to her best friend dahil baka pagtawanan lng Siya at baka matulad sa kaibigan na sumubok rin na magteabaho ngunit Wala pa sa limang buwan ay nasisante na Siya .napabuntung hininga Siya habang binabalikan sa isip Ang mga pangyayari sa nakalipas na Isang taon.