"Try to guess it first," mapanlarong sagot nito. Napaungol naman ako sa pagkadismaya. "Ang pabebe naman, senyorito! Sabihin mo na lang!" Mahina akong napadaing nang bigla akong hampasin ni Franz sa braso. "Hoy, Rika, 'wag ka ngang kill joy d'yan!" bulong nito sa akin at hinarap si senyorito. "Game, senyorito! Basta may prize!" Mas lumawak naman ang ngiti niya at tumango-tango. Luh? Sinakyan pa ang paninipsip ni Franz ng suhol. Pwede namang wala nang kapalit, 'di ba? "Sure! I'll grant the wish of whoever will guess it right. Think now, I'll give you a chance to guess." "Thirty!" sagot ko kaagad dahil iyon ang hula ko simula pa noong una kaming magkita. Saka isa pa, CEO siya ng kompanya nila. Ibig sabihin nasa thirties na siya o mas matanda pa. Nanlaki naman ang mga mata ni senyorito

