CHAPTER 13

2030 Words

Chapter 13   “Jusko, anak! Ano’ng nangyari sa ‘yo!?” iyon agad ang salubong ni mama nang makapasok kami ng bahay ni Dell. Maggagabi na nang ihatid niya ako sa amin. “Nasugatan po sa batuhan.” nag-aalalang tumingin si mama sa akin, sunod no’n ay tinapunan niya ng tingin ang aking paa na may benda.   “Hindi ka naman nag-iingat, anak!” paika-ika akong naglalakad, kung hindi pa ako tinutulungan ni Dell ay mahihirapan akong ilakad ang isa kong paa. Minsan ay kusang umaapak ang paa kong may sugat, kaya’t napwepwersa at nasasaktan ako. “Pasensiya na po, Tita.” nahihiyang pagpapasensiya ni Dell kay mama, hinawakan ko siya sa braso. “Hindi mo kailangang humingi ng pasensiya, Dell. Kasalanan ko kaya ako nagkaganito.” nagtiim akong tignan ang paa ko nang iupo niya ako sa kahoy naming upuan.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD