bc

The Ceo's Desire

book_age18+
49.6K
FOLLOW
465.4K
READ
possessive
sex
playboy
badboy
CEO
boss
billionairess
bxg
office/work place
seductive
like
intro-logo
Blurb

WARNING! [R-18]

Nagawang pumasok ni Claristine Berlie Zerfa sa Villion Corp, bilang secretary ng nag-iisang Pierson Ivoro ‘Pivo’ Villion. Kahit wala naman sa desisyon niya ang pumasok sa Villion Corp, ay wala siyang nagawa nang humingi ng tulong sa kaniya ang ina ng kaniyang kababatang si Delion Levorn ‘Dell’ Villion. Magtatrabaho siya bilang secretary ng panganay nitong anak na si Pivo na ubod ng babaero, sa kadahilanan na lahat na lang ng nagiging sekretarya nito ay kaniyang inaangkin.

 

Ang tingin ni Pivo kay Claristine ay parang bunsong kapatid lamang, tulad ng kaniyang bunsong kapatid na si Dell. Ang tingin naman ni Claristine kay Pivo ay masamang lalaki na laging pinaglalaruan lamang ang mga damdamin ng babae. Magagawa kaya ni Claristine ang trabaho niya? Na hindi mahulog sa panganay na Villion? Ang unang sekretaryang hindi magpapaangkin kay Pivo?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Claristine Berlie “C’mon! Tine! Minsan lang naman, ‘di ba?” masama kong binigyan si Dell ng tingin, siya naman itong nakangiti pa rin. Mukhang hindi na talaga magbabago ang kaniyang isip, ano ba mapapala sa bar na iyan? “Alam mo naman na hindi ko talaga gusto ang mag-bar, hindi ‘ba?” ngumuso ito, panigurado akong alam niya iyon. Sa tagal na naming magkaibigan ay imposibleng hindi niya pa rin iyon alam. “Oo na, ito! Napaka mo talaga..” tinarayan ko siya, hanggang ngayon pa rin kasi ay pinipilit niya ako na mag-bar. Hindi naman kasi ako katulad niya na mahilig sa party at inuman, alam kong high class naman iyon, ngunit hindi pa rin ako sanay. Isa pa, malalagot ako sa nanay ko kapag nalaman niyang gumagano’n ako. “Duwag mo talaga, ilang taon ka na! Feeling bata ka pa rin ba?” nanunuya niyang tanong, palibhasa ay hinahayaan lang siya ni tita na gawin ang gusto niya. “Kilala mo naman si nanay, Dell..” ngayon ay naririto kami sa labas ng bahay nila, nakaupo sa kanilang swing mula sa garden. “Saka, hindi pa ako natatawagan ng kumpanyang binigyan ko ng resume ko..” rinig ko ang kaniyang buntonghininga, “Sinabi ko naman kasi sa ‘yo na sabihin na lang natin kay Mommy, matutulungan ka naman niya..” umiling ako, ayokong samantalahin ang kabaitan ni tita Belle. “Ayoko, nahihiya na ako..” binigyan na nila ako ng scholarship sa isang paaralang napakaganda at napakamahal. Ayokong pati trabaho ay sila pa rin ang magbibigay sa akin. “Ang dami mo talagang poblema sa buhay..” saka mabilis na tinulak ni Dell ang aking likod, kaya’t umabante ang swing ng kaunti. “Hayaan mo na akong makahanap sa sarili ‘kong sikap, Dell..” “Oo na, may magagawa pa ba ako?” “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, sayang rin iyon..” hindi na ako nagsalita pa, naramdaman ko kasi ang pag-ring ng aking telepono, “Nay..” sagot ko, “Pauwi ka na ‘ba, anak?” sumilip sa akin si Dell, tila inaalam kung sino ang kausap ko. “Si Nanay..” mahina kong bulong sa kaniya, tumungo naman ito at umupo sa tabi kong duyan. Nanonood lang sa akin, habang kausap ko si nanay. “Pauwi na rin po ako, ‘Nay..” tinignan ko si Dell. “Narito po ako sa bahay nina Dell, pauwi na rin po ako..” saka ko binaba ang tawag. “Pinapauwi ka na?” tanong nito sa akin, nakataas pa ang kaniyang kilay. “Hinahanap lang ako ni Nanay.” “Hahatid na kita,” ayoko, mabilis akong umiling. “’Wag na Dell, baka mamaya ay ma-misinterpret nanaman tayo ni Jevir..” patago akong tumaray, “Huh? Inaway ka nanaman ba n’ya?” ngumuso ako, girl friend mo? Hindi mo alam ugali? “Hindi..” sarcastic kong sagot, “Parang hindi mo naman alam ang ugali ng girl friend mo, Dell.” aminado akong may bitter ang pagkakasabi ko no’n. Paano naman kasi, masyadong selosa ang girl friend niya, best friend lang ako, hello! “Hayaan mo na si Jevir, alam naman niya na kaibigan lang naman kita..” ouch, tago lang akong tumaray pero naninikip na ang aking dibdib sa kaniya. Ang tagal kong naging kaibigan niya, nahulog na ako lahat-lahat sa kaniya, pero siya ay nahulog lang sa iba! “Syempre! Ano ‘ba ko? Kapatid mo?” maldita kong sagot. Napatingin na lamang ako sa iba nilang kasambahay na ngayon ay natakbo patungo sa gate nila. Speaking of kapatid.. “Ayan na ang kuya mong siraulo..” bulong ko kay Dell, kumunot-noo lamang siya at parehas ko ay tinitignan lamang na papasok ang kotse ng kaniyang kapatid. “Ang init lagi ng dugo mo kay kuya..” paanong hindi iinit ang dugo ko d’yan, napakalaki ng ulo niya! Mayabang, masungit at higit sa lahat ay mapangasar! “Mabuti nga at hindi ka kagaya ng kuya mong babaero.” loyal kasi siya kay Jevir, kahit nakakainis mang aminin ay dalawang taon na silang mag-girl friend, boy friend, samantalang ako ay tamang abang lang na maghiwalay silang dalawa! “Hay nako, ‘wag mo na masyadong isipin ang hobbies ng kuya ko. Baka isipin ‘kong may gusto ka na sa kaniya..” umawang ang aking bibig, nagulat sa kaniyang sinabi. “Kahit kailan ay hindi ako magkakagusto sa kuy-” “Oh, naririto pala kayo!” sumilay ang ngiti nito, lumubog ang kaniyang dimple saka niluwagan niya ang kaniyang tie mula sa leeg nito. “Kumusta, Berlie..” kumuyon ang aking kamao, hindi ko talaga gusto ang tinatawag ako sa pangalawa kong pangalan. “Maayos lang naman ako, Ivoro..” kumunot ang kaniyang noo, hindi niya gusto na tinatawag siya sa pangalawa niyang pangalan. “Pivo! Dell! Tine! Pumasok na kayo rito sa loob!” “Ihatid mo na itong si Berlie, Dell..” “Pivo! Hayaan mong kumain muna rito si Tine!” Hinampas ni tita Belle ang panganay na anak nito na si Pivo, “Tss..” mahina nitong asik, habang ang kaniyang kamay ay nakapasok sa magkabilaan niyang bulsa. “Kumain ka muna, Tine. Bago ka umuwi, hayaan mo na itong si Pivo..” hinawakan ni tita Belle ang aking likod, nahihiya ako nang nilahadan ako ng pinggan nang makaupo ako. “Kumain na muna kayo, ikaw Pivo! Kumain ka muna, bago ka umakya-” dabog na umupo si Pivo sa aking harapan, masama niya akong tinignan at marahin na tinarayan. Bakla! Hindi ko rin alam kung bakit mainit ang ulo nito sa akin. “Bakit nakabusangot nanaman si Ivoro?” umupo na rin si tito Pidel. “Bakit nakabusangot ang mukha mo? May nangyari ba sa kumpanya?” nag-aalalang tanong ni tito Pidel, habang ako ay nagsasandok ng kanin. Hindi ako makatingin sa kanila, ayokong makisawsaw sa poblema nila sa kanilang business. “Why don’t you ask Mom, Dad..” “Inalis mo nanaman ba sa trabaho ang sekretarya niya? Belle?” hindi mataas ang tono ni tito, ngunit mapapansin mong may pagkairita iyon. “Paiba-iba na ang sekretarya ng anak mo..” doon lamang ako nakakuha ng tingin sa kanila, “Bakit hindi mo tanungin ang anak mo? ‘Kung bakit tinatanggal ko ang mga iyon.” sumilip ako kay Pivo, pinaglalaruan niya lamang ang kaniyang pagkain gamit ang tinidor. Si Dell naman ay nakayuko lamang, patuloy na kumakain. “It was just a plain s*x, Mom!” “For god sake! Pierson Ivoro! ‘Wag mo akong umpisahan sa harapan ng hapagkainan!” Paano kaya ako makakain nito, napalunok na lamang ako at sinulyapan ko ng tingin si Pivo. Gulat na lamang ako nang makita kong nakatingin ito sa akin, tila may itim ang kaniyang pagtingin sa akin. “Tss..” isinubo ko ang pagkain, “Where are you going? Pivo!” mabilis na umalis si Pivo mula sa kaniyang upuan. “Ang batang iyon talaga!” patuloy lamang ako sa pagkain. “Pasensiya ka na Tine..” umiling ako, “Mom, ano ‘ba tingin mo kay Tine? Lagi naman niyang nakikitang gano’n kayo ni Kuya..” uminom ito ng tubig, hinilot ang kaniyang sentido. “Hayaan mo na ang anak mo, Belle..” sambit ni tito, ngunit binigyan lamang ito ng masamang tingin ni tita Belle. “Anong hayaan ang pinagsasabi mo? Hindi magandang nakikipag-s*x ang anak mo sa ‘kung sino-sino, lalo’t alam mo naman na pumayag na ang Buendia sa fixed marriage!” “Pero hindi pumayag ang anak mo..” sabat muli ni tito, “Kaya naging ganiyan ang anak mo, dahil sa kakapilit mo..” tumaray lamang si tita Belle. “Oy, bilisan mo na kumain, anong oras na..” sanggi ni Dell sa aking braso, napatalon naman ako ng kaunti at tumungo. Hindi ko na pinansin ang pagtatalo nina tito at tita, “Hindi mo hanapan ng matanda ‘yang anak mo para hindi niya magalaw.” muntikan ko nang mabuga ang aking pagkain nang sabihin iyon ni tito, “Alam mong hindi pwede sa kumpanya natin ang uugod-ugod, Pidel! Napakaraming gawain sa kumpanya, ang kailangan natin ay flexible!” hindi na nakipagtalo si tito Pidel kay tita. “Kumain na lang tayo..” iyon ang huling salita ni tito, ilang saglit pa nang magsalita muli si tita Belle, “Maiba ang usapan, Tine! Balita ko ay hindi ka pa tinatawagan ng inaplayan mo.” inilapag ko ang kutrasa at tinidor, pinunsan ko ang aking labi. “Ah, opo..” nahihiya kong sagot, naningkit ang kaniyang mga matang tignan ako. “Uhhmm.. sagutin mo nga ang mga itatanong ko sa ‘yo, Tine..” napatingin ako kay Dell, tila kinakapa ko kung ano ang sinasabi ni tita Belle. “Ano’ng tingin mo kay Pivo?” inimon niya ang tubig nito, ang kaniyang tingin ay nasa akin pa rin. Si Dell naman ay tila natatawa, habang tinitignan ako at si tito Pidel naman ay patuloy lamang na kumakain. “Si Pivo po?” tumungo-tungo ito sa aking tanong. “Uhhmm, para sa akin ay matangkad siya..” at demonyo! Siraulo, babaero, manyakol, walanghiya, bwesit sa buhay ko. “Ayon lang? I mean, ano ang nakikita mo sa kaniya? Do you find him attractive?” “Pftt..” hinampas ko si Dell, tila hindi niya na mapigilan ang pagpipigil nito ng tawa. “Dell, bakit ka natatawa?” tanong ng kaniyang ina, “Mom, hindi niyo alam 'kung paano kamuhian ni Claristine si Kuya..” saka siya tumawa, “Really? 'Totoo ba ‘yon? Tine?” paano ko ba sasabihin sa nanay niya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na siraulo ang anak niyo, kaya ayoko sa kaniya. Anak niya pa rin naman si Pivo, “P-pasensiya na po kayo, Tita Belle..” nakagat ko ang aking labi. “Pasensiya na po ‘kung minsa-lagi po pala ko siyang minumura sa isip ko..” biglang ngumiti si tita Belle, “Bakit naman?” mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti na ibinigay sa akin, “Kasi po, lagi niya akong inaasar. Saka nakakabwesit po siya, naalala ko pa po ‘nung high-school ako. Sinabi niya sa crush ko noon na tumatae daw ako sa panty ko! At lagi niya akong pinapahiya sa mga kaibigan namin ni Dell!” sunod-sunod kong salita, “Minsan, ay hindi po pala! Sa tuwing nakikita ko siya ay gusto ko na siyang suntukin! Kahit ngayong kakatapos ko lang ng college ay inaasar niya pa rin ako! Napaka-siraulo ng anak niyo, Tita Belle!” saka ko natakpan ang aking bunganga nang maisip ko ang aking mga pinagsasabi. Nakatulala lamang si tita Belle at si tito Pidel sa akin. Si Dell naman ay nakangisi at pinipigilang matawa sa aking mga pinagsasabi, hindi man lang niya ako pinigilan! “H-hindi ko alam na gano’n pala ka-siraulo ang anak ko..” mahinang sambit ni tito Pidel, ngunit agad akong napatingin kay tita Belle nang bahagya itong pumalakpak. “Oh my god! Claristine Berlie!” palakpak pa rin niyang sambit sa aking buong pangalan, “I want you in my company!” kunot-noo ko siyang tignan, ano ang ibig sabihin niya doon? “I want you to be Pivo’s secretary..” umiling ako, hindi ako papayag! Ni hindi ko nga gustong makita si Pivo, tapos gusto niyo pa akong maging secretary niya! Araw-araw ko pa siyang makikita! No way! “Pag hindi mo tinggap ang offer ko ay magtatampo talaga ako sa ‘yo, Tine..” ngumuso pa niyang sabi at tila nalungkot, napatingin ako kay Dell. Kumunot rin ang kaniyang noo, “Mom, find another job na suit kay Tine..” “Why? Hindi ‘ba siya pwedeng maging secretary?” “Bakit mo ‘ba pinipilit na maging secretary siya ni Kuya?” “Because..” tumingin ito sa akin, binigyan niya ako ng ngiti, “Because, I know na hindi magagawang patulan ni Pivo si Tine at hindi magagawang patulan ni Tine si Pivo..” napalunok ako bigla, “T-tita..” gusto kong tumutol, ayoko po! “No buts!” mabilis niyang sambit, napahinto naman ako. “Dodoblehin ko ang salary mo.. I’m sure, Aling Belinda will be happy!” nakagat ko ang aking labi, sobrang laki na nang natulong as akin ng mga Villion, ngayon ay tutulungan nanaman nila ako sa trabaho. “At hindi ako natanggap ng sagot na ‘hindi..” “Tomorrow, pumunta ka rito ng alas-otso ng umaga..” ano na ang gagawin ko, mukhang hindi talaga ako makakahindi! “Tomorrow is your first day in Villion Corp.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.0K
bc

One Last Cry for a Mafia Boss (Tagalog Story)

read
579.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.4K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
284.8K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
759.9K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
236.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook