CHAPTER 1

1033 Words
CHAPTER 1 Claristine Berlie MAAGA akong nagising, ngayon kasi ang unang pasukan namin. Ngayon ay ganap na akong senior high school student,“ Claristine! Bumaba ka na anak!” sumilay agad ang aking ngiti nang marinig ko ang boses ni nanay,  “Opo,‘nay!” tumayo ako agad at mabilisang bumaba, mula sa pangalawang palapag ng aming bahay na kahoy lamang. “Bilisan mo, anak..” tumungo lamang ako, saka ko sinubo ang mainit na pandesal.  “Baka mamaya ay nariyan na si Dell at intayin ka nanaman.” ngumuso ako, lagi na lang si Dell ang inaala niya. “Nay, hindi naman po ako mali-late ngayon. Saka maaga pa naman,‘nay!” tingin ko mula sa orasan, halos hindi pa nga nag-aala-sais at ang oras ng pasok namin ay alas-otso. “Nako, hindi ka na nahiya! Ikaw na nga itong sinusundo ng iyong kaibigan ay ikaw pa ‘tong napakakupad ‘kung kumilos.” hindi ko na iyon pinansin nang kumain na lamang ako. “Maliligo na po ako, ‘nay!” kita ko ang pagtungo nito, agad na lang akong naligo. Hindi kami mayaman, tulad ng best friend ko. Ang bahay namin ay kahoy, dalawang palapag lamang ito. Kahoy sa ibaba at kahoy pa rin sa itaas, pero kahit kailan ay hindi ko binaba ang tingin ko sa sarili ko. Marami na ang humusga sa akin, kung bakit kasama ko lagi ang isa sa pinakamayaman sa school.  “Anak! Narito na si Dell! Pasok ka muna!” madali akong bumaba, hindi naman ako gano’n kakupad kung kumilos. “Nako, pasensiyahan mo na si Tine at napakatagal ‘kung kumilos..” “Ayos lang po, Tita! Sanay na po ako..” Rinig ko ang halakhak ni Dell, hindi ko pa man din siya nakikita ay umaalingasaw na ang ngiti ko, mula rito sa taas ng bahay namin. Ayon nga lang ay hindi niya ako makita tulad ng pagtingin ko sa kaniya. Hindi ko naman sinasabi sa kaniya ang nararamdaman ko, crush lang naman ito. “Senyora! Nakahanda na ang sasakyan..” pang-aasar ni Dell, nang makita niya akong bumaba mula sa hagdan, “Gano’n ba? Tara na ‘Mang Delion Levorn Villion, baka mahuli ako sa klase namin.” kita ko ang pagkunot-noo nito, saka ko humalpak ng tawa. “Got you!” tumawa ako,hanggang sa makuha ko ang aking bag na nakalagay sa sofa naming kahoy. “Hay nako, naman talaga itong si Tine..” umiling pa si nanay, saka niya ako hinalikan sa noo. “Mag-iingat kayo..” niyakap ni Dell si nanay at tumingin sa akin, “Aalis na po kami ni Berlie, ‘Ta..” kung kanina ay natatawa ako, dahil naasar ko siya. Ngayon naman ay siya na itong natatawa. “Oh, ‘wag mo ako tignan nang ganiyan! Ikaw ang nag-umpisa!” “Never mind..” wow, yabang! English! Nagsasalita na ng dolyar si Claristine Berlie! “Tara na po, Kuya Jacks.” mabilis na pinaandar ni kuya Jacks ang kotse, patungo sa aming paaralan. Nag-aaral kami sa private school ni Dell, kasama rin namin ang kaniyang kapatid. Ngunit ang panganay niyang kapatid ay mas matanda sa amin ng limang taon, ngayon ay graduating na siya at kami naman ay senior high pa lang. Speaking of kapatid niya. “What’s up, Berlie.” umagang-umaga ay bina-badtrip ako ng lalaking ito. “What’s up! Ivoro.” diin ko mula sa kaniyang pangalan, ang kaniyang ngiti na mapang-asar kanina ay napalitan ng inis.“ F*ck.” nasa harapan siya, katabi ng driver at kami naman ni Dell ay nasa likod, “You too.” mabilis kong sagot, lagi na lang kaming ganito pero ang pinagtataka ko ay bakit kasama namin siya ngayon? “Bakit narito ang kuya mo? ‘Di ba ay may sasakyan naman ‘yan?” bulong kong tanong kay Dell. “Nahuli daw ni Mommy na nakikipag-s*x si kuya sa kotse.” umawang ang aking labi sa narinig ko, “Gano’n na ba siya ka-addict sa s*x?” mahinang bulong ko pa rin sa kaniya, “Simula nang malaman niya na may fixed marriage siya ay naging ganiyan na siya..” ikakasal siya? For a Twenty one years old? Baka inaantay lang na maging Eighteen ang fiance niya? O hindi naman kaya ay Twenty-one? “’Totoo ba?” hindi pa rin ako makapaniwala.“Hindi ko pa alam, ang alam ko lang ay hindi pa pumapayag ang mga Buendia sa gusto ni Mommy..” Nakaramdam ako ng awa kay Pivo, para sa murang edad? Papakasalan niya ang babaeng hindi niya gusto? Kaya ba nagiging ganito siya? Noon ay mapang-asar lamang siya at ako lagi ang inaasar niya! Bitbit-bitbit ko ang aking libro, habang si Dell naman ay kasama ko maglakad patungong room. Lagi niya akong hinahatid, kahit hindi naman kami mag-classmate. “Sabi ko naman kasi sa ‘yo, ‘wag mo akong ihatid at nami-misinterpret iyon ng mga taga rito..” kilala ang mga Villion, bilang isa sa pinakamayaman dito sa Kalbohe, Samar. “Sabi ko naman sa ‘yo, ayaw lang sabihin ng babaeng iyan na sila..” iilan ang mga narinig ko, ngunit hindi ko na iyon pinansin. “Papasok na ako, mag-iingat ka ‘Mang Delion.” “T*ng*na mo, Berlie..” Humalakhak ako, tinignan ko lang ang kaniyang likod na papalayo mula sa aking gawi. Simula pa lamang ng elementary kami ay nagkagusto na ako sa kaniya, mabait kasi siya at hindi mapanghusga. Marami ang nagkakagusto sa kaniya, hindi ko naman sila masisi, dahil kung titignan mo si Dell ay napakagwapo ng mukha nito. Matangkad at malinis sa katawan, lubog ang dimples at mapuputi ang ngipin. Parang artistahin, gano’n talaga ata pag-anak mayaman. Ngumuso akong maisip na ang tingin niya lang naman sa akin ay best friend lang. Ngunit, kung hindi dahil sa pamilya niya ang hindi ako makakatungtong sa paaralan ito. Binigyan kasi ang ng scholarship ni Tita Belle, ang nanay ni Dell at Pivo. Hindi ko sasayangin ang binigay nila sa aking pagkakataon para makapag-aral sa ganitong kagarang paaralan. Mag-aaral ako ng mabuti, hanggang makamit ko ang aking pangarap na maging isang Architect.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD