CHAPTER 50

2180 Words

Chapter 50     “Tita Belle!” hindi ko inaasahang narito siya agad sa pagbaba naming dalawa ni Pivo. Kinabahan agad ako nang makita ko siyang mabilis na papalapit sa amin. Inaantay ko ang kaniyang sampal sa aking mukha, ngunit isang yakap ang naramdaman ko. “Tita..” tawag ko sa kaniya, “Tine! Mabuti na lamang at sumama ka sa kaniya! May babae ba ang anak ko?” tumingin siya sa aking likod, naroon si Pivo, kunot ang noo nitong sumalubong sa amin.   “Bakit ka narito?” irita niyang tanong sa kaniyang ina, “Pivo.” banta ko, huminga lamang siya ng malalim at tumingin sa akin nang tila ba pagod. “What is it, Mom?”     “Ito naman, masama ba’ng puntahan si Tine?” hinawakan niya ang aking buhok sa pinakadulo at agad naman iyong inilagay sa harapan. “Parang ang blooming mo ngayon? Collagen?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD