Chapter 17 “Lola mo nagtanim nito?” gulat kong tanong sa kaniya, “Kakasabi ko lang, ‘di ba?” ulit naman niya sa akin. Hindi ko na pinansin ang kagaspangan ng kaniyang ugali at nag-focus na lamang sa sinabi niya sa akin. “Kung gano’n ay matagal na pala itong puno na ‘to?” inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng puno. “Alam mo ba kung bakit ito ang punong napili niya na itanim?” lumingon ako sa kaniya, ngunit hindi na siya sa akin nakatingin. Sa puno na siya nakatingin, nang pagmasdan ko siya. Kitang-kita ko ang kaniyang adams apple na kumakamusta sa akin. “Dahil mabilis lumaki ang punong ito.” nakatungkod ang kaniyang dalawang kamay sa damuhan. Habang ako naman ay magkahawak ang aking dalawang palad. “Sobrang tagal na pala nito.” hinawakan ko ang puno, tila dinamdam ang nakaraa

