"Grabe naman kuya, kailangan ba talaga maglakad ako na naka bukaka?" naiiritang tanong ko kay kuya
Tinuturuan niya kasi ako paano kumilos ang isang lalaki. At ngayon Tinuturuan niya ako paano maglakad
"Ganito ba?" tanong ko habang ginagaya ang mga sigang lalaki
"Parang naghahamon ka ng suntukan ha" natatawang aniya ni kuya
"Shoulders squared and slightly back" aniya ni kuya
Ginaya ko ang ginawa niya at ang sinabi niya
"chest out,
stomach in" dagdag pa niya
Sinunod ko ang sinabi niya
"a man should walk placing one foot in front of the other, toes pointing directly forward, as if walking upon the four-inch side of a two-by-four plank." pangangaral nito
Nakanguso akong sumunod sa kaniya
"Stop pouting!" saway ni kuya
Lalo tuloy humaba ang nguso ko at hinila iyun ni kuya
"ahhh" sakit naman peste
"i said stop pouting!" aniya nito
"eih kuya" tawag ko dito
"what?"
"kuya kailangan ko bang baguhin yung pananalita ko?" tanong ko dito.
Baka kasi mahirapan akong ipractice yung boses ko.
"Ayos na yan. Your voice is soften exactly to your face." wika ni kuya habang ginugulo ang buhok ko
Tinabig ko ang kaniyang kamay at ngumuso.
"wag mong guluhin ang buhok ko! Kakaayos ko lang yan" aniya ko
Tumawa naman ito "para ka nang lalaki. Karamihan sa mga boys ay ayaw guluhin ang kanilang buhok, naiirita sila doon Hahahaha"
Ngumuso ako at pumunta sa kusina para paghandaan si kuya ng mochi cake. gaya ng pinagkasunduan namin na tuturuan niya ako paano ang gestures ng mga lalaki at ang kapalit nun ang cake na gagawin ko.
Na practice na namin kung paano umupo ang lalaki, tumayo at maglakad.
Kunti nalang talaga at magkikita na kami ni Gio
Isang buwan ng nakalipas ng turuan ako ni kuya kung paano maglakad, tumayo at umupo ang isang lalaki
"hindi na masama. Para kanang tunay na lalaki na walang lawit" natatawang wika nito
Inambahan ko ito ng suntok at ngumuso.
"I said stop pouting!" saway nito sa akin
"Hindi ko maiwasan eih" sagot ko
"aish! Puputulin ko nayang nguso mo!" pananakot ni kuya
Kahit kailan talaga napaka brutal nito ni kuya.
"ah by the way" aniya ni kuya habang nakalagay ang kamay sa baba na para bang nagiisip ito
"oh" sagot ko
"ako na magiimpake ng mga gamit mo" aniya nito na ikina-ngiti ko
"okay" masaya kong aniya.
Yahooo!
Hindi na ko mahihirapan mag impake yesss!!!
"ah kuya,kung iimpake mo yung mga gamit ko pakiusap huwag mong kalimutan yung strawberry shampoo ko at yung pabango ko din kung hindi uupakan talaga kita" sigaw ko dito
"oo na! oo na! " aniya nito habang nakataas ang mga kamay na para ba itong sumusuko .
"hindi ko iyun makakalimutan dahil FAVOURITE lang naman yun ni Gio" ngisi ngisi nito
Dahil sa sobrang kilig na nararamdaman na hampas ko ang kaniyang likod
"arekuppp!!" angil nito
"aytt sorry brother huwaahhh" nakokosensya kong aniya habang hinahawakan ang kaniyang likod na na hampas ko
"Grabe ka! Napaka amazona mo naman" pabirong aniya ni kuya
Ngumuso lang ako "eih kasi ikaw —"
"sinabi ko lang naman na kaya gusto mo nang strawberry dahil favourite ito ni Gio" naka ngisi nitong wika
"HINDI NAMAN AH !" pasigaw na aniya ko na ikinagulat niya
Pero agad itong naka recover
Tumawa lang ito
"Hindi naman talaga eih! naging favourite ko na din ang strawberry dahil ang sarap at ang bango nito" pagdadahilan ko
"asus! Lumusot pa" pangangasar nito
"mag-impake kana, hinatayin na lang kita sa sala" paguutos ko dito
Ngumiti lang si kuya at sumaludo.
Tch.
Wala akong tiwala sa ngiting niyan
Umirap ako at pumuntang sala para ayusin ang iba pang papeles na kakailanganin ko sa school.
Hindi nako mahihirapan na gayahin si kuya dahil magkapatid kami. Kabisado ko na ang pasikot sikot ng kaniyang bituka.
Hmm...
Ano kaya una kong gagawin sa mga ka boarding mate ko
"Hi! Ako pala si tyler!" ay hindi masyadong hyper naman yun
"hi, im tyler" ayt masyado naman akong cold dapat simple lang
"hello! Ako nga po pala si tyler!" aish ang panget! Bala na nga kingamang yan
Narinig ko nalang ang mga yabag ni kuya papunta sa pwesto ko
"hindi ko makita ang mga hygiene mo" aniya nito.
Ayt.
Nakalimutan kong sabihin sa kaniya na naimpake ko na iyun sa isa pang bag.
Ayuko kasing ilagay iyun sa maleta at ihalo sa mga damit errr
"ah kuya nasa bag ko na iyun. Dont worry" aniya ko habang busy kakatingin sa mga papeles
"im done!" sigaw ko sa aking sarili
"lets Go! Ihahatid na kita sa boarding house mo" wika nito habang dinadala ang maleta ko sa kotse ni kuya.
Inayos ko ang mga papel at iniligay ko sa Gray kong bag at sumunod kay kuya.
Habang nag da drive si kuya ay puro payo na lamang ang kaniyang sinasabi
"nakikinig kaba?" naiiritang tanong nito
"ou nga!" aniya ko
"sinabi ko sayo ulit ito at sasabihing paulit ulit na kapag maliligo ka ay huwag sumabay sa mga lalaki! Lagi mong ilock ang pinto!
Kapag may problema tawagan mo ako agad!
Huwag kang magpapahawak sa mga lalaki at —taylor! Huwag mo ngang kalikutin niyang ilong mo! " inis na wika nito
Ngumuso naman ako at napakamot na lamang sa buhok
" pasaway"mahinang wika nito pero naririnig ko naman
"kuya! Susundin ko lahat ang sinasabi mo! Promise" wika ko habang nakataas ang left hand
"eih bakit left hand yan diba dapat Right hand" nakataas ang kilay ni kuya
"eih kasi pang kulangot ko yung right hand" hehehe pagdadahilan ko
"palusot. Com" wika nito
Ngumiti lang ako at niyakap ang braso niya habang nagdada drive ito.
Ma mimiss ko si kuya at ngayon maglalambing muna ako
"nandito na tayo" aniya nito
Napabitaw ako sa pagkakayakap ng braso ni kuya at tumingin sa labas.
Woahh. Ang daming tao at halatang mayayaman ito dahil sa posturang maglakad
Nakaka excite! Makikita ko na si Gio yohooooo!!!
Bumaba ako sa kotse at kumaway kay kuya
"ba-bye!"
Ngumiti si kuya at pinitik ang noo ko "yung paalala ko sayo ha! Taylor!" aniya nito
"awww!!! ou na nga" aniya ko at umalis sa pagkakadungaw ng bintana ni kuya
"wag pasaway!" pahabol na aniya nito
Tinaas ko ang aking kamay at kinaway ko dito sabay takbo paloob ng school
Im here babe Gio!
Magkikita na tayo at handa nakong pasukin ang mundo mo kahit man ang kapalit nito ang sakit
????????...