"Room 103" basa ko sa papel na ibinigay ng guidance office
Grabe naman. Ang taas hindi ko ma reach!
Sumakay ako sa elevator at pinindot ko sa 4th floor. Wala akong kasabay kaya naman sulit na sulit ko ang elevator.
Para akong maiihi dahil sa excitement na nararamdaman ko!
*ting
Lumabas ako sa elevator at hinanap ang numerong 103
Agad akong napangiti nang makita ko ito. Mabilis kong tinakbo iyun at tumatalon talon dahil sa hindi mapagilang excitement
"ehem! Ehem" aniya ko habang inaayos ang postura ko
Kumatok ako sa pinto pero agad itong bumukas at nadatnan ang lalaking nakasalamin at halatang pinagsakluban ng sama ng loob
"hi!" nakangiting bati ko
"HOY SINO YAN FINNICK! IKAW HA KABAGO BAGO PALANG NATIN MAY BABAE KANA !TINIK MO TALAGA!"sigaw ng lalaking na nasa loob
"Sira ulo mo! "Sigaw naman ni Finnick
Lumabas naman ang lalaking sumigaw at umakbay ito kay Finnick
Umuwang ang kaniyang labi para bang ngayon Lang siya nakakita ng bagong kasama
"Kala ko ba tatlo Lang tayo dito"bulong nito kay Finnick
Siniko naman ito ni Finnick "awwts"angil nito
"hi "pag uulit ko
"Hello! Ako nga pala si Dax ezra Sallow kita mo naman sa pangalan palang malaki na ang hinaharap at maraming gustong lumasap at ito naman na mukhang unggoy –awww!!! "Angil nito dahil siniko ito ni Finnick " at ito si Finnick Dawson, ang caretaker ng dorm na ito !" Tawang tawa aniya niya "Welcome sa bahay ni kuya! " dagdag Pa nito
Tawanan...
Tinulungan nila akong buhatin ang mga maleta ko at mukang hirap na hirap sila
"Grabe naman itong maleta na ito napaka bigat! Umamin ka nga samin, naglayas kaba? " nacu-curious na tanong ni ezra
"Hindi noh! "Aniya ko
"Akin na nga ang mga yan! Saan ba ang kwarto ko? "Tanong ko dito
"Ah, dalawa Lang kasi ang kwarto at sa dalawang kwarto nayun may dalawang kama, kaya kayong dalawa ang magsha-share ni Knox"
Knox?! Kala ko ba ka boarding mate ko si Gio
Maluha luha akong naglakad Papuntang kwarto at agad na sumalampak sa kama .
Knox? At Hindi Gio? Bakit ganun? Sobrang saya ko Pa naman dahil mag ka boardingmate kami ni Gio Hindi panga ako nakatulog dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko tapos! Tapos! Isang knox Lang ang sisira non!
Haytss masisiraan nako ng ulo!
Hindi naman pwedeng magpalit ng ka roommate —
Biglang nagkaroon ng bombilya ang ulo ko at agad na lumabas upang pumunta sa guidance office
"Hoy vro! Saan ka pupunta! "Sigaw na tanong ni Ezra
"Diyan Lang! "Sigaw na Sagot ko
Agad Kong tinakbo ang hallway at
Halos madapa dapa ako dahil sa excitement na nararamdaman.
"M-miss"habol na hininga Kong aniya
"Bakit? "Tanong nito
"M-miss nandiyan po ba si miss hellen? "Tanong ko
"Ah si mrs. Delacruz Lang ang nandito, mamayang alaskwatro Pa dadating si miss hellen dahil may pinaasikaso sa kaniya ang dean " sagot nito
Bagsak ang aking balikat at nanghihinang na paupo sa bleachers
"Ah sige, maghihintay na Lang ako, at pwede niyo po Ba akong i-update kapag parating na siya "aniya ko
Tumango lamang ito at Bumalik na ang babae sa kaniyang ginagawa at ako iniisip parin kung paano makakasama si Gio.
Gusto ko talaga siyang maging ka roommate ...
Gusto ko makilala Siya ng lubusan hindi puro rumors Lang ang ang alam ko.
Gusto ko maging kaklase ko siya at maging magkaibigan kami kung swe-swertehen man gusto Kong maging kami at mapangasawa siya
Bigla naman may naramdaman akong may umupo sa tabi ko kaya agad akong nilingon yun
Para akong na i-stun sa itsura niya pero agad akong naka recover at nag focus sa pagngatngat ng kuko
Sumisilay silay ako dito at tuwing titingin ako sa mata niya parang may pinahihiwatig ito .
Hindi ko alam bakit ako naawa sa kaniya at lalo Hindi ko alam bakit ako nakakaramdam ng lungkot .
Pero bakit ang gaan ang pakiramdam ko sa kaniya at mga mata nayan parang nakita ko nayan sa mall
"Stop staring at me "aniya nito
Napakurap kurap ako "Huh? "
"I said Stop —"
"Huhnapin mo ang pake ko"
Pinukulan ako nito ng masamang tingin at bumalik sa kaniyang
ginagawa .
Halah ka boses niya yung nasa mall na lalaki na siraulo!
Ay hindi malayo
Sira ang ulo yun ito naman masungit.
Tama
Tama
"Hayts pero nakaka hiya ang ginawa mo Taylor!
Sabi ko sisilay kalang!bakit napatitig ka na naman sa kaniya! " bulyaw ko sa aking sarili
"Mr. Valance, kanina kapa hinihintay ni Mrs. Delacruz, pumasok kana"aniya ni miss
Agad naman itong tumayo at napakamot sa batok "kala ko naman pila " mahinang bulong nito
Tumawa ako at nag bleh habang nakatalikod ito
Sungit porket gwapo!
Buti Pa si Gio, mabait na Handsome Pa saan ka Pa!
Mag a-alas singko na ngunit wala pa rin ang hinihintay Kong tao..
Para tuloy akong pinagsakluban ng langit at lupa.
Hindi ako kumain ng tanghalian dahil baka makita ko agad si miss hellen at isa Pa hindi rin naman ako nakakaramdam ng gutom ang nararamdaman ko ngayon Ay kabiguan
Hayts...
"Ah sir " tawag sa Akin ng babaeng hinihingaan ko ng update tungkol kay miss hellen
"Bakit po? " aniya ko
"Hindi makakarating si miss hellen "
Agad akong napatayo at hinawakan ang babae sa kaniyang braso na agad na ikinagulat nito
"Ah, pasensya na "aniya ko at binitawan ang kaniyang mga braso
Agad akong nagbaba ng tingin "sige babalik nalang ako bukas " mahinang aniya ko at tumalikod ako upang umalis
"Sandali" sigaw nito
Agad akong humarap at tumingin dito ng malungkot "bakit? "
"May number ako ni miss hellen, tawagan mo siya at mukha kasing importante iyan "aniya nito
Agad naman akong tumalon sa sobrang saya "yahooo"sigaw ko
Kinuha ko ang number ni miss hellen at agad ko itong tinawagan ito
"Ehem! Ehem! "Aniya ko
"Hello"aniya ni miss hellen sa kabilang linya
Kinakabahan ako , bakit ngayon Pa! Kakainis! Bala na
"Hello" pag uulit nito
Huminga ako ng malalim at nagsalita
"Hello po" aniya ko
"Oh, hi! Sino ito? " tanong nito
"Ako po si Tyler Riego, yung number niyo po ay hinigi ko po sa cashier ng guidance office.
gusto ko Lang po itanong Kung pwede Pa po bang magpalit ng ka roommate "Kinakabahan na tanong ko
"Actually, hindi na maari dahil kung ililipat kita sa iba... Maaring magkaroon ng gulo "aniya nito
Huminga ako ng malalim
"Naiintindihan ko po, maraming salamat " malungkot na aniya ko
"May problema ba sa ka roommate mo? "Tanong nito
"Wala naman po"aniya ko
"Kung ganun, bakit gusto mong lumipat "
"Kasi —"
"Miss hellen, magsisimula na ang meeting! Maghanda kana " boses ng babae sa kabilang linya
"Ah ibaba ko na ito! Pasensya kana kung Hindi kita mapagbibigyan"aniya nito at ibinaba ang linya
Tumingala ako at pumikit
Gusto Kong lumipat dahil may isang taong gusto kong makasama.
????????...