Bagsak ang aking mga balikat pabalik sa dorm namin.
Pagbukas ko ng pintuan nakita ko agad ang mga nakakalat na balat ng sitserya at mga nakakalat na boxer.
Tsk
"Oy, nandiyan kana pala!bro, Kumain kana ba? Ito popcorn " pag-aalok ni ezra
Umiling ako at tinignan silang dalawa na busy kaka nood ng Jackie Chan.
"Saan ka galing bro? "Paguusisa nito.
Luh chismoso rin pala 'to.
"Diyan Lang sa tabi tabi "sagot ko
Tumingin ito sa Akin at dahan dahang sinubo ang popcorn
"Bakit hindi tayo nagka salubong? Sa tabi tabi din naman ako pumunta? " pabirong sambit nito at sabay humalakhak
Kaya naman ay napatawa ako. samantala namang si Finnick tanging ngiti lang ang kaniyang ginagawa.
Nagtaka rin ako bakit nga hindi kami nagkasalubong? Eh sa tabi tabi rin naman siya pumunta? Siguro ibang tabi tabi yun.
Pumasok nako sa kwarto at nagulat ako dahil sa mga naka salansang na damit at brief ang nakita ko sa kama ko
Kaya naman agad ko itong sinipa at nandidiring kunin ito
Errr... Grabe naman pala si knox hindi alam ang salitang kalinisan pati yung dalawang nasa labas.
Hayts
Humiga muna ako ng Ilang oras at tumayo upang ayusin ang mga nakasalansang na damit
Inayos ko ang mga nakakalat na gamit at inilagay sa tamang lalagyan at ang mga pinagpalitang damit ay inilagay ko sa basket .
Yung dalawang nasa labas ay natulog na din at iniwan Lang ang mga pinagkainan nila.
Agad ko itong nilinis at tinapon sa tamang basurahan.
Napabuntuhininga na lamang ako.
Bumalik ako sa kwarto at nahiga.
Wala akong ganang kumain bala na magkaroon ng ulcer
Hayts!
siguro kailangan ko na talagang tanggapin na hindi ko magiging
ka-roommate ang isang conwey
Sana
Sana
Talaga magka klase kami sa isang subject
Sana
Kinabukasan..
Alas 7 na ng umaga ng bumangon ako.
Nakaramdam ako ng matinding gutom syempre ikaw pa naman hindi kumain ng tanghalian at hapunan talagang mananakit ang tiyan mo
Kakainis
Makapag luto nanga
Humikab ako at kumuha ng toothbrush sa aking gray na bag kinuha ko nadin ang wallet ko at inilagay sa bulsa ng pants ko.
Hayts hindi ko pa pala naayos itong mga damit ko... Mamaya na ngalang kailangan ko munang magluto!
Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa cr kaso ngalang naka lock ito kaya naman sa lababo na lang ako nag toothbrush.
Habang nag to-toothbrush ako at kumakanta ng "brush brush brush 3x a Day" biglang bumukas ang pintuan at niluwa ang isang anghel na may anim na pandesal
Wow!
Na stun ako at ganun din siya.
Hindi ako makapaniwala na si Sungit ay nandito.
Wala ba silang tubig at dito nakikiligo sa dorm namin hmp!
"tsk" asik nito
Ngumuso lang ako at inisip kong nadura ko ba ang tino-toothbrush ko
Lumaki ang aking mata at agad nag mumug ng tubig.
Halah!
Bakit ko nalunok?!!
Hindi lang ngipin ang nalinis kundi tiyan ko!
Gutom na talaga ako kaya hindi ko namamalayan pati toothpaste nakakain ko na
Nakanguso akong tumungo sa kwarto at napasigaw ako ng makita ang dapat hindi makita
"AHHHHHHHHHHHH" nakapikit na Sigaw ko habang dinuduro ang nasa pagitan ng legs
"f**k! lower your Voice!" sigaw nito at agad niyang tinakpan ang aking bibig
Magkalapit kami at ramdam ko ang kaniyang ari sa aking tiyan at nalalanghap ko ang kaniyang mabangong hininga
Mabilis pa sa segundo ay naghiwalay kami at agad akong tumalikod.
" May ahas "wala sa sarili kong aniya
Napa takip ako ng bibig.
Tsk lumabas na naman ang inner thought ko
" tsk" asik nito "para kang bading meron karin namang talong " aniya nito.
Biglang uminit ang aking pisngi at agad na humarap sa kaniya
Buti na lamang ay nakapag bihis na ito.
Hindi ko alam na ganun pala iyun kalaki
Ano ba!
Erase
Erase
Hindi ko nalang ito pinansin at tumungo na lamang ako sa aking bag at para ilagay yung toothpaste at toothbrush
Narinig ko nalamang ang pagsara ng pinto.
Ang aga naman niyang umalis eih bukas pa naman ang simula ng klase
Nyek
Lumabas ako at nakita ang dalawang nakabihis din
"good morning bro" aniya ni ezra
"morning" balik na bati ko rito
"mukhang bihis na bihis kayo ha, saan kayo pupunta" tanong ko dito
"sa mall lang, bibili kami ng gamit para sa school. Gusto mo sumama? Doon nadin kami mag aalmusal, wala naman kasing magaling magluto sa amin" sagot ni ezra
"ah... Diba 9 am pa ang bukas ng mall?" nagtatakang tanong ko
"Hahahaha, hindi mo na maiitatanong.
itong unggoy na ito" turo niya kay Finnick "ang nagmamay ari ng mall , magiging Future president ito ng mall" pagmamalaki nito
Siniko ito ni finnick at kinaltukan
Napangiti ako at biglang tumunog ang aking tiyan
"mukhang gutom kana, tara sumama kana samin!" yayang sambit Nito
Napakamot ako ng batok at tumango
"sige nanga, hintayin niyo ko magbibihis lang ako"
"wag kanang magbihis! Ayos nayan" aniya ni ezra sabay hila sa akin palabas!
"hoy!" sigaw ko
Pero si Finnick ay ni-lock agad ang pinto at inakbayan din ako
Napabigat ng dalawang ito!
"ang sakit! Bumitaw nga kayo!" aniya ko
Bumitaw sila at napanguso na lamang ako
Nagpara kami ng taxi at si finnick na ang nagbayad dahil si ezra ay napaka buraot
"utang mo ha!" aniya ni finnick
"oo, bro babayaran kita next year" natatawang aniya nito
"ulol imong mama mo next year! Pinangako mo rin yan sa akin eih" aniya ni finnick
Tumawa lamang si ezra at tinuro ako "eih paano naman si Tyler!"
Gulat akong napatingin sa kanila at Tinuro ko ang aking sarili
Halah kalako ba libre lang
Tumingin sa akin si Finnick at ngumisi "babayaran niya akong ng doble"
Napatingin ako kay Ezra na tawa lang ng tawa
"sabi naman sayo, kanina pa na huwag mong hintayin na bayaran ka ng isang dawson dahil doble ang ipapalit mo sa kaniya " natatawang litanya nito
Napairap na lamang ako at kinuha ang pera ko!
"oh ayan!" abot ko kay Finnick
"ang bilis mo magbayad ah, dapat hindi mo na binayaran" pangangaral ni ezra sabay kuha ng perang nasa kamay ni Finnick
At nag agawan nanga po sila sa pera.
Si manong ay nakikitawa na lamang at mukha enjoy na enjoy siya dalawang tukmol na ito
Alas 8 na nang makarating kami sa mall at dalawa ito ay hindi parin tapos magbangayan
"akin na kasi Dax!" wika ni finnick
"ayukoooo!" ngising ngisi aniya ni Ezra
"okay" aniya ni Finnick at nanguna sa pagpasok sa mall.
Nagtaka naman si Ezra sa biglang pagsuko ni Finnick at ako ay napapailing na lang
Pumasok ako sa mall at binati ako ng guard tanging ngiti lang ang aking sinagot
Nagtaka naman ako at nakatayo lamang si Finnick at ngisi ngising nakatingin sa pinto. Nagtaka ako at nakitingin nadin
"Hoy! FINNICK! PAPASUKIN MO KO KUNG HINDI—" sigaw ni Ezra
"Kung hindi ano?!"mayabang na sigaw na tanong ni Finnick
"KUNG HINDI —KO NA KUKUNIN YUNG PERA MO AT TRIPLE ANG BALIK YUN SAYO" sagot nito
"okay!" ngising wagi nito at lumapit kay ezra sabay lapag nito ng kamay na para bang hinihingi nito ang pera
"oh ito na, papasukin mo na ako! Napaka daya mo!" ngawngaw ni ezra.
Tumawa lang si Finnick at pinapasok si Ezra sa mall at ako naman ay napatawa na lamang dahil sa pagiging isip bata nitong dalawa.
"kain na tayo" wika ko habang nakahawak sa kumukulong tiyan
Sumang ayon naman ang dalawa at agad pumunta sa pinakamalapit na restaurant
Walang mga taong namimili at namamasyal tanging kaming tatlo lamang at mga sales lady chef at ibang staff
Umupo ako at saka umorder ng maraming pagkain.
Gutom gutom na talaga ako
Inakbayan ako ni ezra at ngumisi "kulang payan order mo, damihan mo dahil walang bayad ito" bulong nito sa akin
Ngumiti ako at tumingin kay Finnick na busy sa libro.
Book worm talaga tong si Finnick kahit saan may Libro.
Nag-focus ako sa pagngat ngat ng kuko hanggang sa tapikin nito ni Ezra
"ang baboy ha" pagsaway nito
Ngumuso na lamang ako at nakipag titigan sa lamesa
Buti na lamang ay agad na dumating ang pagkain kung hindi kakainin ko itong lamesa na mukhang cake
Nag tubig ang bagang ko at sinimulan kong lantakan ang mga nakahain.
Ang sarap.
Ito ang totoong buhay!
Alas 10 na nang matapos ang mahabang kainan , madami nading taong namimili at kumakain.
"tara na Guys! Punta na tayo sa Book store" aniya ni Finnick at nanguna sa pagtayo
Samantala naman si Ezra ay nagtitinga habang hawak hawak ang tiyan.
"why?" tanong nito
"tara na" aniya ni Finnick
"maya na" tamad na wika nito
Tumayo na ako at hinila si ezra palabas. Mukha kasing walang balak na umalis itong lalaking ito
"aishh!"
"bakit mo ko hinila?!
Tyler naman eih" panginginarte nito
Habang pinapadyak ang mga paa
Pinagtitinginan ito ng mga tao at halata sa mukha nila na cu-cutan sa kupal na ito at ang iba naman ay naka ngiwi
Bala ka diyan, hindi kita kilala
"ayan lang bibilhin mo?" nagtataka kong tanong kay Ezra
Tumingin naman ito sa akin at ngumiti "oo naman" sagot nito
Napangiwi ako sa binili niya.
Isang notebook na pang college at isang pen lamang ang kaniyang binili.
Pumila ito sa counter at kumikindat sa mga cashier.
May sira ba ito sa mata?..
Kaloka
Napatingin naman ako sa gawi ni Finnick kung saan kinuha na niya lahat ng gamit dito sa bookstore.
Tsk tsk.
"Malulugi ang bookstore dito dahil kay Finnick" natatawang aniya ko sa aking sarili.
"wala kabang bibilhin?" tanong ni Finnick
Napakamot ako ng batok "wala eih" sagot ko dito.
Tumango ito sa akin at pumunta sa Counter para ipabalot ang kaniyang gamit na binili.
Kala ko naman kapag may ari ka ng isang malaking mall ay libre lahat sayo.
Napangiti ako dahil sa ugaling pinapakita ng dalawa.
Kahit man mayayaman ito ay hindi ito nagmamayabang at hindi gumagamit ng kapangyarihan para lamang hindi malamangan ng iba pang tao.
"tara na" sabay akbay ni Ezra
Aish! Ang bigat ng kupal na ito! Sa bagay ay putok ang mga braso ganun din ang dibdib nito. Mapapa sana ol kanalang.
Dumaan kami sa Supermarket kaya napahinto ako sa paglakad. Ganun din si Ezra na hanggang ngayon ay naka-akbay
"Bakit?" naiiritang tanong nito
"mag grocery tayo!" excited na wika ko
Ngumiti naman ito at agad akong hinila papasok sa Grocery!
Sumunod agad si Finnick na hanggang ngayon ay nagbabasa ng libro.
"pag ito nadapa, lagapak toah" wika ko sa aking sarili
Sumunod ako kay ezra at kumuha ng dalawang malaking cart.
Agad itong tumungo sa Junk food at kumuha ng maraming sitserya. Sumunod naman ay sa Soda ito nag tungo.
Napakamot na lamang ako ng batok at kinaltukan siya
"awww" angil nito
"wag puro Junk food, maaga kang mamatay" aniya ko dito
Himas himas nito ang kaniyang ulo at Tumingin sa mga kinuha niyang sitserya "eih anong ibabalik ko? Masyadong masasarap ang mga ito at hindi mapigilang mag tubig ang bagang ko" sagot nito
"inaakit ka lang ng mga yan at habang inaakit ka ay unti unti ka niyang papatayin" pananakot ko dito
Lumaki naman ang kaniyang mata at agad ibinalik ang mga sitserya. Nakita ko si Finnick na humahalakhak habang sapo sapo ang tiyan nito.
"anong problema nito? Nabaliw na ba siya dahil sa kababasa?
Sabi ko nanga eih, nakakabaliw ang pagiging matalino eih..
hindi niyo gayahin ang mga average, chillax lang mag max ka muna" natatawang wika ko sa aking sarili
Iniwan ko na ang dalawang kupal sa Junk food section at pumunta ako sa meat section, Fruit & vegetable section at sa iba pa.
Namili ako ng mga pangluto ko dahil walang matinong pagkain sa ref tanging alak at tubig lang ang nandoon.
Sino naman kaya mabubuhay sa puro alak ang laman?
Pumunta nako sa counter upang bayaran itong pinamili ko.
At nakita ko ang dalawa na nagbabangayan.
"tsk naniwala ka naman! Kahit kailan uto uto ka!" sigaw ni Finnick
"Gusto mo ba mamatay ha!" sagot na tanong ni Ezra "mas okay na itong puro tinapay tayo! No Junk food allowed na tayo!" aniya nito sabay lapit sa akin na nakabusangot
Nakita ko naman ang kaniyang pinamili.
Puro tinapay na ibat iba ang klase at dalawang kahon ng yakult.
"Sure ka na ba diyan?" tanong ko dito
Tumingin ito sa akin at tumango
Huminga ako ng malalim at inakbayan siya "alam mo, Hindi naman masamang kumain ng sitserya pero dapat alam natin ang limitasyon." aniya ko dito "sige na ibalik mo ang ibang tinapay at kumuha ka ng sitserya at popcorn para may mangatngat tayo sa movie marathon, mamaya" dagdag ko pa rito
Umaliwalas naman ang kaniyang mukha at agad na tumakbo sa Junkfood section.
Napailing iling nalamang ako.
"Finnick, wala ka man lang pinamili?" tanong ko dito
"wala na. Libro lang ayos na sa akin" sagot nito at bumalik sa pagbabasa ng libro.
Palahim akong napanguso "mabubuhay ka ba sa libro?!" tanong ko sa aking sarili
Tumalikod nako kay Finnick at binayaran lahat ng pinamili ko at sinabay ko narin ang pinamili ni Ezra
"Da best ka talaga bro Tyler!" naka ngiting asong aniya nito
"Bitawan mo kong kupal ka! Napaka bigat mo" pag tabig ko sa mga braso niya
Tumawa lang ito at tinulungan akong mag buhat ng pinamili namin
????????...