UNO

2771 Words
Hacienda Valmonte Third Person POV “Samuel! Teacher Ani is here already... get down here” tawag ng Nanay niya sa batang Samuel Nasa Hacienda Valmonte sila ngayon patapos na ang summer vacation kasi. Galing sila ng Hong Kong at Singapore bago sila umuwi dito. Nakaugalian na nila na sa Hacienda ginugugol ang mga huling araw ng bakasyon para mapa advance tutor ang bata para sa parating na pasukan. Pangatlong taon na nilang ginagawa yun, incoming Grade Five na si Samuel at malaki ang pasasalamat ng Nanay nito kay Teacher Ani, malaki ang naging improvement nito sa school. “Good Afternoon Teacher Ani” bati ng batang Samuel sa tutor niya, mailap ang mga mata nito… hanap nito ang kalarong si Olivia ang anak ng tutor niya. “Where’s Livi?” tanong niya sa dalawang nakakatandang kaharap… nagkatinginan at sabay na napangiti ang dalawa “She went to the loo” nakangiting sagot sa kanya ni Teacher Ani Napatango si Samuel saka napangiti... “Can I talk to her first before we do the lessons?” tanong niya… “Sure you can” sagot sa kanya ni Teacher Ani, he then looks at his Mom… asking for permission with his eyes “Go ahead, Teacher Ani and I will just be in the Library… follow us there” sabi ng Mommy niya Sa Library nag antay ang tutor na si Anita Robles, Nanay ni Olivia at Mrs. Samantha Valmonte Aguila, Mommy naman ni Samuel. Aliw na aliw si Samantha sa batang Olivia… babae talaga kasi ang gusto niya sanang anak. Pero si Samuel nga ang binigay sa kanila ng Diyos, and she’s very thankful… she always thought he’s the best thing ever happened to her after her husband Jaime. Jaime Aguila, the love of her life... He loves him to the bones. “Ani, our kids have become good friends already” kausap ni Samantha kay Anita “Yeah, Olivia is excited to see him today too” natatawa naman nitong kwento “I hope they remain friends kahit sa pagtanda nila” habol pa ni Anita “I hope so too” pagsang ayon naman ni Samantha I really hope so, my son’s life in the Metro is quite hectic with too many school activities. Dito lang siya sa Hacienda nakakaranas ng pagiging bata... Hindi pa naman kami madalas bumisita dahil kay Jaime… tuwing summer vacation lang talaga, - Bulong ng isip ni Samantha “How are you and Olivia coping” tanong nito kay Anita… She knows she’s a single mother and she’s taking tutor jobs for additional income. “We are coping well, Sam… hindi naman magastos dito sa probinsya.” tipid namang sagot ni Anita Iniiwasan talaga kasi nito pag usapan ang mga personal na bagay. “If you need anything, let me know… my way of thanking you for bearing with my son’s tantrums and stubbornness.” alok naman ni Samantha, alam niya kasing mahirap pakisamahan minsan ang anak niya pero mahaba ang pasensya dito ni Anita. “Samuel is not stubborn, he’s just misunderstood. Masyado siyang curious sa mga bagay bagay at pag hindi niya maintindihan or makuha ang gustong impormasyon… naiinis siya sa nagtuturo sa kanya or sa sarili niya. Kailangan lang ipaintindi sa kanya na hindi madali ang lahat, na dapat pinag aaralan ang mga bagay bagay. He’s a very intelligent kid and a very competitive one too, he wants to excel in everything.” mahabang paliwanag ni Teacher Ani - Alam kung napaka competitive ng anak ko, kaya ko nga siya pina pa advance tutor. Nakikita ko sa kanya na gusto niyang mag excel sa lahat ng bagay dahil sa Daddy niya, doon lang halos kasi siya na papansin nito kung may mga achievements siya. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganun ang trato ni Jaime sa anak namin, alam kung gusto niyang lumaki itong matapang at matatag kaya hindi niya ito binibeybi pero parang nasobrahan na yata. Isip isip ni Samantha “He is the complete opposite of Olivia, she’s never competitive… She knows she’s intelligent but she never has to prove it to anyone.” pahabol pang komento ni Teacher Ani “Really, then why does she competes with Samuel here” gulat na tanong naman ni Samantha… Ngayon lang kasi niya narinig ang bagay na yun tungkol kay Olivia. Lagi kasi itong nakiki pag paligsahan kay Samuel dito sa Hacienda, be it sa Lessons or sa paglalaro sa labas. “Oh well, he wants to annoy him sometimes, she wants to prove that girls can be better than boys. Ayaw niyang nasasabihan na hindi pwedeng gawin ang isang bagay dahil pang lalaki ito” paliwanag naman ni Anita “Oh! Wow… She’ll go places someday” sabi naman ni Samantha… I want my baby girl to be like that too… kung pagbibigyan pa kami ni God… bulong ulit ng utak niya - It's been years... they’ve been trying to conceive again but to no avail. Nagagalit rin lagi si Jaime kapag inuungkat ni Samantha ang tungkol doon, ayaw na ayaw nitong pinag-uusapan ang pagpapa check up para nga sana masiguradong ok sila pareho. Samantha always wanted a big family... gusto niya ng maraming anak, hindi man siya solong anak mag isang babae naman siya wala siyang kalaro at malungkot yun. Gusto niyang may makalaro si Samuel nakikita niya kasi na kapag pag nandito sila sa Hacienda sabik ito sa mga kalaro kaya nga din naging malapit ito kay Olivia, pati na rin sa mga anak ng magsasaka dito. Gusto niyang maranasan nito ang pagiging bata, yung naglalaro sa lupa, yung nadudungisan ba. Sa Metro kasi ang laro nito sa loob ng bahay... console games Nintendo, PlayStation, Xbox pati na mga online games. Buti na nga lang mahilig sa swimming si Samuel kaya may outdoor activity pa ito... pero parang ini-stress nito lagi ang sarili… gusto kasing laging "The Best". ~~~~~~~~~~ ♔ Samuel "Livi, you done yet there" sinundan ko si Olivia sa Powder room malapit sa Living area ng Mansion "Hey, why you follow me here?" singhal niya sa akin... parang hindi babae "I need to talk to you before the Lessons" sagot ko sa kanya "Can't you wait in the Living, you really have to follow me here" sungit niya sa akin... pagtanda talaga namin hahalikan ko ito sa kasungitan Hindi na ako umimik... rinig ko galing sa loob ang pagkilos niya, I think she poo. Pagbukas niya ng pinto gulat na gulat siyang nakasandig lang ako sa dingding katabi ng pinto, akala niya siguro umalis na ako. "Did you wash your hands, I can still smell your poo" asar ko sa kanya "I don't smell poo" sabay hampas niya sa akin sa braso "Hey, that hurts" "That's what you get for making fun of me" sabay walk out niya... Napahabol tuloy ako sa kanya... kakausapin ko nga siya kasi "Hey! I'm sorry, can we talk please" I held her by her wrist "Please..." pa cute ko sa kanya... with my sweetest smile "Ok, what about" nangiti na rin siya Isinama ko siya sa kwarto ko dito sa Mansion, nandito kasi ang mga pasalubong ko sa kanya galing sa HK and SG. Binili ko siya ng mug na Minnie Mouse partner ng Mickey Mouse na meron ako, may ref magnets din and a bracelet. From SG, I bought her books... we both love to read. "Here, hope you like my pasalubong for you... gamitin mo ha" ngayon lang ako bumuli para sa kanya... hindi na kasi sumama si Daddy sa HK kaya nakabili ako. Baka matanong pa ako kung para kanino... ang books from SG kasi alam niyang mahilig ako doon. "Oh Wow" tinitigan niya ako... ganda pa naman ng mata "Thank you Roman" nangingiti niyang sabi... "Thank you! Thank you! Thank you!" "Really Roman, bawiin ko nalang kaya mga yan" asar kong balik sa kanya, siya lang ang nangangahas na tawagin ako sa second name ko "Sowie... Thank you Samuel" nginusuan pa ako... "Your welcome, Olivia ko... wala bang kiss dyan" "Hooyyy! susumbong kita sa Mommy mo... ki bata bata mo pa alam mo na ang kiss" "Bakit ikaw hindi mo alam yun" nag blush siya... ki bata bata rin marunong ng mahiya... "Joke lang naman, ikaw talaga hindi ka na mabiro" pero pag tanda natin lagot ka sa akin "Tara na nga... nag hihintay na Lessons natin" Magkahawak kamay kaming lumabas ng kuwarto... I don't know what's with this girl... but I love her company, I love how she pesters me. She's so different from the girls from my school in the Metro she's innocently beautiful. She's the one who can put a smile on my face and annoys me at the same time. Walang siyang arte sa katawan, nakikipag habulan at harutan siya sa aming mga boys kahit na magka dungis dungis na siya. Every summer vacation I always look forward to this time when we go back to the Hacienda. Hindi lang dahil kay Olivia, dito lang rin kasi ako nagkakapaglaro sa labas. Dito ko naranasan maligo sa ilog, magpa gulong gulong sa damuhan, sumakay ng kalabaw at baka pati na rin sa kabayo. Pati na rin maghabol ng mga manok para sa tinola... manguha ng itlog. Paborito ko ang umakyat sa puno at manungkit ng mga bunga nito. I love to play outdoors... something I can't do in the Metro. Hindi dahil sa walang park or playground sa village kung hindi iniiwasan ko dahil ikinaiinis yun ni Daddy, ayaw na ayaw niyang amoy araw ako. Mahal na mahal ko ang Daddy ko, lahat ginagawa ko para sa kanya... alam ko kaya siya hindi malambing sa akin dahil ayaw niya akong maging mahina. Lagi niyang pinapa alala sa akin yun, nakaka inggit lang minsan ang mga magkayakap na mag ama na lagi kong nakikita sa mga pinsan ko. Pero sabi nga ni Mommy iba iba ang way ng mga tatay sa pagpapakita sa pagmamahal nila. I just hope I'm making him proud... both of them... ~~~~~~~~~~ Third Person POV "Olivia, can you please move faster... we will be late on our appointment in the Hacienda" pagtawag ni Anita sa anak niya "Ma, maka english ka naman, wala pa tayo sa Hacienda... pwede pa mag Tagalog" pang aasar namang balik nito sa kanya… Manang mana sa Tatay niya sa pagiging pilosopo at mapang asar tong anak ko. Isip isip ni Anita "Hey, bakit bawal mag practice... tsaka ikaw din kailangan mong maging fluent sa English" nangingiting sagot ni Anita sa anak niya "I can speak very well English, Mother" sagot nito sa kanya... with British accent pa "Very well, my lovely daughter" ginaya naman ni Anita ang British accent nito Tawang tawa silang pareho sa kalokohan nila... “Oh! Oliver Guevarra! How I wish you could see your daughter now, I know you'll be very proud of her. Hindi ko na alam kung saang lupalop ng mundo ang Tatay niya ngayon. When he left nine years ago, hindi ko pinaalam sa kanyang buntis ako. Ng matanggap siya sa Cambridge University, hindi ko kayang maging hadlang sa kanyang mga pangarap... hindi kaya ng konsensya ko. Pareho kaming malawak ang pangarap sa buhay... we both wanted to travel the world. Sana sa pagbabalik niya kilala niya pa ako kahit man lang para kay Olivia.” - Bulong ng utak ni Anita "Kamusta kaya si Samuel Ma... saan naman kaya sila galing ng Mommy niya" bulalas ni Olivia sa Nanay niya… Nalulungkot si Anita na hindi man lang niya maipasyal sa labas ng bansa ang anak... dahil kung nandito ang Tatay nito malamang well travelled din ang anak kagaya ni Samuel. "Gusto mo rin ba yung, pumasyal sa ibang bansa anak?" tanong ni Anita sa anak "Hindi naman importante yun... paglaki ko at may trabaho na ako magagawa ko rin yun" balik nito sa kanya "Huwag ka mag alala anak pag nagka Sale sa Airlines mag pa book din tayo" pag aalo niya dito "Ma, patawa ka... pagawa muna tayo ng Passport natin" sabay halakhak nito na ikinatawa na rin niya "Ay! nga naman" lagi kasing nakakaligtaan ni Anita yun, balak na talaga niyang magpagawa ng Passport nila... Nag bus sila papuntang Hacienda Valmonte, sa kabilang probinsiya pa kasi yun... Anita Robles has been tutoring the young Samuel for three years now... every summer. Pero kahit nasa Metro na siya tumatawag pa ang bata pag may kailangan itong tulong. Samuel is one genius kid, Teacher Ani can see that... he's curious too and he wants to know everything. Sa two weeks na pag tutor nito sa bata, halos pati pang high school naituturo na niya dito para lang ma satisfy ang curiosity ng estudyante niya. Lagi niyang sinasama si Olivia, dahil mas na cha-challenge si Samuel kapag isinasama niya ito sa mga ginagawa nila. “Ani, our kids have become good friends already” kausap sa kanya Samantha Valmonte-Aguila... tama naman ito magkaibigan na nga ang dalawa... “Yeah, Olivia is excited to see him today too” natatawang sabi ni Anita... Lagot ako kay Olivia sa sinabi ko, isip isip niya “I hope they remain friends kahit sa pagtanda nila” habol pa ni Anita… Kahit na may agam agam siya sa pakikipagkaibigan ng anak sa isang mayaman... nakikita namang niyang mabait na bata si Samuel. Sana hanggang sa pagtanda nila ganun pa rin siya, dasal ni Anita. “I hope so too” pagsang ayon naman ni Samantha... Sana nga... sana nga, bulong pa rin ng utak niya Kung nandito lang ang Tatay ng anak ko, malamang magka level naman sila ni Samuel. I know he would give my Olivia the best education money can buy... exclusive school for girls, international schools etc. Hindi naman sa hindi niya nakukuha ang best ngayon, kahit public school ang pinapasukan ng anak ko... isa ito sa may pinakamataas na ranking sa buong bansa kahit nasa probinsya kami. - Kausap ni Anita sa sarili niya… Sabi nga nila wala sa school yan nasa mga students yan... hindi kailangan ang mataas na grades lagi mas importante na mabuting tao, maayos nakisama at may pagkilala sa Diyos ang mga kabataan... And I'm one proud Teacher na ganoong klaseng estudyante ang lumalabas sa eskwelahan namin. - Dagdag pa ng utak niya ~~~~~~~~~~ ♕ Olivia "Ma, look what Sammy gave me" pakita ko sa mga pasalubong ni Samuel sa akin... alam kung maasar na naman si Samuel Roman Valmonte Aguila sa akin sa pagtawag ko sa kanyang "Sammy" "Olivia! stop calling me that" singhal niya sa akin "Sorry Samuel" sabay peace sign ko sa kanya... sarap asarin "Enough you two, let's get to the Lessons" saway sa amin ni Mama "I have something for you too, Teacher Ani" inabot niya kay Mama ang sets of ballpens, markers and notepads galing din sa Disney. "Oh... Thank you Samuel, so thoughtful of you" ginulo pa niya ang buhok ni Samuel "You're welcome Teacher, please tell me if Livi will not use the mug I gave her" pagpapakampi niya kay Mama... Nginusuan ko lang siya... As we get to our Lessons for the Day, can't help to look at Samuel. He has change a lot this year, he is taller and already starting to develop some muscles... nag mature masyado ang features niya para na siyang binata. He is just turning ten for God sake! Kung dati cute na cute siya ngayon gwapo na siya. - Hala ka Olivia nag kaka crush ka na eight ka palang... lagot ka sa Mama mo - Hindi ah... bata pa kami, cute at gwapo lang talaga siya. Si Charles din naman na schoolmate ko ganun ko tingnan. Yes, he's a special friend... I love annoying him but I love his laughs too. I love how he talks fluently in English, sometimes with British accent, which I always tease him. I love how competitive he is kahit sa mga laro namin dito sa probinsya... palagi siyang nagpapaturo sa amin tapos tatalunin niya kami. Luksong baka, holen, patintero, tumbang preso at kahit na sa pag akyat sa mga puno. He is so generous too, sa mga anak ng magsasaka dito... pinapalaro niya ang mga to sa PlayStation niya. Kaya lagi kaming riot sa Hacienda kasama rin mga pinsan niya. He such a sweet boy, I hope he would not grow up too soon. This is the first time he gave me pasalubong from his Trips... dati kwento at mga pictures niya ang lagi niyang sini-share sa akin. Nagulat nga ako sa mga binigay niya at talagang partner mugs pa binili niya for us. I'm so happy he consider me as a special friend too. I hope we can be friends forever...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD