Magsimula
♕ Olivia
“Oli, sama ka ba sa Company Outing?” tanong ni Jude during lunch break
“Hindi po eh… You know newbie not even done with my probationary period” sagot ko sa kanya… Narinig ko naman na ang usap usapan tungkol sa outing, nakita ko rin sa schedule ni Mrs. Aguila. Pero wala namang nagsabi sa akin na kasama ako, so ayokong mag assume as much as I wanted to have a break. It’s late summertime and I haven't taken a break since I came here… almost three months already. Nakaka uwi naman ako ng Hacienda every weekend, I always made sure of that. Dumadalaw din ako sa bahay sa Metro kapag lumuluwas sila Papa or sina Papi, discreetly syempre.
“Hala! Bakit hindi ka sasama, kasama lagi lahat ng EA ng mga Boss” paliwanag niya
“Nobody told me, even Mrs. Aguila but if that’s the case… I should ask her then”
“Yeah, better ask her the soonest so you can prepare your two piece” sabay tawa niya
“Is that so” sabay tawa ko na rin
“Naku may kalaban ka na sa pinaka sexy Jude, lalampaso ka niyan ni Oli” natatawang sabat ni Gia sa usapan namin
“Ay! Sh*t! Oo nga… Huwag ka na nga sumama” sabay tulak niya sa braso ko
“Talagang naniwala kang ikaw ang pinaka sexy ha!” sabi ni Gia, sabay batok sa kanya
“Aray! Bakit ka ba nana nakit!” asar na balik sa kanya ni Jude
“Para matauhan ka sa kahibangan mo” sungit sa kanya ni Gia
“Inggit ka lang sa kaseksihan ko” ayaw pa rin pa awat ni Jude…
Tawang tawa ako sa kalokohan nilang dalawa… naka swerte ako sa bagong mga ka opisina sa kanilang dalawa, sa maikling panahon naging close kami. At ease naman ako sa kanila… wala akong maramdaman na bad vibes.
Gia is secretly married to her long time boyfriend who is working abroad, siya pinakamatanda sa aming tatlo… kaya siya ang Ate. Siya din ang pinaka unang secretary ni Samuel kaya matagal na ang pinagsamahan nila, isa siya sa mga taong hindi takot sa Mr. CEO aura nito. Si Jude naman ay isang tagong baklita hindi dahil sa hindi siya tanggap ng pamilya kung hindi dahil ayaw niyang ma bully. Marami ang may gusto sa kanya sa opisina dahil sa taglay nitong kagwapuhan… kung si Samuel ay yung tipong “ruggedly handsome”, siya naman ang “boy next door”. As for me, what I’ve shared is… I am a former farm manager that was able to study MBA abroad and now trying the corporate world back in the country. It’s the truth anyway…
When I ask Mrs. Aguila about the outing… nagulat siyang hindi pa ako nasasabihan ng HR Department tungkol doon. Sinabi niyang hindi pwedeng hindi ako kasama, she needs me there. Buti nalang two weeks pa bago ang event makakapag paalam pa ako na hindi makakauwi ng weekend. As much as I hate to be away from family time during weekends, I can’t abandon my duties too.
~~~~~~~~~~
The Company Outing came so fast…
The two weeks before that went just like a blur. Ang dami kong kina-kailangan ihanda bago ang event… the papers to be presented in the exclusive resort where the event will happen is under the CFO. All the expenses for the event pass through Mam Samantha, for approval… transportation, accommodations, other amenities included in the packages availed by the Company. Dumagdag pa ang mga report na kailangan tapusin para kay Samuel dahil tatlong araw din ang Company Outing.
Last minute na kami naka pag shopping ni Jude for some summer wears, wala naman kasi akong mga ganun… this is the first time I’ll be with my corporate world colleagues in an outing setting, wala kami nun sa dati kung work. And ayoko naman ipahiya ang sarili ko syempre… I don’t think I can wear my shorts and t-shirts only. Kaloka ang baklita sa mga recommendations off-shoulder and butterfly sleeve maxi dress, a halter backless tent dress para daw sa dinner time, sana kayanin ko isuot ang mga pinamili namin.
The bus is waiting along the sidewalk in front of our office building, everyone is encouraged to take it… unless you’re the top executives and I am taking it. Mr. and Mrs. Aguila is already in the resort where we are going.
“Good Morning Everyone!” nagulat ako sa nagsalita, The CEO is as early as everyone… Why is he here? Don’t tell me he’s taking the bus?
“Good Morning Sir!” inaantok na sagot ng mga nasa bus…
“Ms. Diaz, Mr. Tan and you Ms. Robles… you will ride with me” tawag niya sa amin nila Jude at Gia… What the heck! Hindi kami maka pag reklamo kasi andaming ibang tao sa bus. Tahimik lang na tumayo ang dalawa… ako naka upo pa.
Nangunot ang noo niya sa hindi ko pag galaw sa upuan ko… hinawakan niya ang likod ng upuan ko saka dumukwang sa akin, ang lapit na ng mukha sa harap ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya, buti na lang nasa first row ako sa likod ng driver kaya walang nakakakita sa ginawa niya.
“Ms. Robles would like me to carry you out of the bus” tiim bagang niyang sabi at lalo niyapang inilapit ang mukha niya… masyado na naman siyang at ease sa akin. Mula ng pumayag ako sa friendly civil treatment na yan maka asta naman siya close kami. - “Close naman talaga kayo… more than close pa nga” bulong na makulit kung utak
“Eto na nga po, tatayo na po” bulong kung sagot para siya lang makarinig
“And what are you wearing? F*ck!” bulong niyang tanong may pahabol pang mura… pakialam niya ba sa drawstring trousers at crop top t-shirt kung suot.
“What?”
“I can see your navel, Sh*t!” bulong pa rin niya saka tumayong direstso at bumaba ng bus… sumunod na ako baka may masabi pa siya. Apektado sa pa pusod ko… may oversized kimono cardigan naman ako.
Nagulat ako sa dala niyang sasakyan… yung Range Rover Evoque na gamit niya ng ma aksidente siya dati. We have too many memories in that car, Sh*t! Sh*t! Sh*t talaga. Parang gusto kong bumalik sa bus. Nakita niya ang pag aalangan kong sumakay… tinaasan niya ako ng kilay, ngumuso lang ako, saka pumikit at huminga ng malalim. I needed to control my emotions… my heart is beating erratically as always whenever he is near, it is now suffocating me. Tears are pooling the side of my eyes, he is so surprised with the emotions I’m showing, I look away from him and look at the car.
“Sh*t!’ he cursed, he got my silent message on why I am being emotional.
“I’m sorry” he mouthed… saka ako pinag buksan ng pinto para makasakay sa passenger seat, nasa third row si Jude at nasa isang second row seat naman si Gia. May driver si Samuel kaya siya ang na sa shotgun seat.
“Guys, this is Kuya Rey” pakilala niya sa Driver namin
“Good Morning po” bati ko sa kanya… yung dalawa kasi mukhang tulog.
“Good Morning Mam” balik niya sa akin
Nilingon niya ako sa likod, “You ok” sabi niyang walang boses… Tumango nalang ako, tipid naman siyang ngumiti.
“Let’s go, we’ll have breakfast on the way” hindi ko alam kung kanino niya sinasabi… Ok at Thank you na lang nasabi ko. Kita ko ang pagsilip niya sa akin mula sa side mirror kaya napatingin nalang ako sa labas… rinig ko ang pag buntong hininga niya.
The trip to the resort was quiet…
~~~~~~~
The Resort boasts of a 1.5-kilometer shoreline, that’s a huge treat for beach lovers. It is an exclusive sanctuary that’s just around 80 kilometers away from the city. It features a contemporary hotel with spacious rooms and amenities. The hotel stands around a lagoon that’s another unique feature of the resort. Nature lovers will enjoy roaming around its Nature Safari while traversing the Pico Trail and Santelmo Trail. Those who want some water adventures can take it easy on a paddle board or go fast on a jet ski.
Almost everyone is gathered at the Ballroom Area of the Resort where we will have the orientation, after that we will have our lunch in Pico Restaurant and Bar. During lunch the HR Team assigned for the room assignments are already distributing our room key cards. I’ll be sharing a room with Gia and Jude will have another employee as a roommate
“After lunch, will be free time for everyone” announce ng HR
“We will meet you all again at the Reef Bar for our Dinner and Karaoke Night… Don’t forget to dress well for the “Beach Party Theme” we will be awarding a King and Queen of the Night as well as a Prince and Princess too.” naghiyawan at palakpakan ang mga kasama namin, sabi kasi nila Jude at Gia malaki ang mga pa premyo sa mga pa contest sa Outing.
Nasa Lobby kami ng Hotel para magpunta sa mga rooms namin ng madaanan namin ang girlfriend ni Samuel. Nakita niya si Gia…
“Si Samuel?” taas kilay niyang tanong, apaka antipatika… kala mo kung sino, Wala man lang Good Morning or Good Afternoon
“I think he’s in the Restaurant” sabay turo nito sa daan papunta ng Resto… pero kasunod lang pala namin si Samuel
“Ms. Diaz, Ms. Robles” tawag niya, nagulat siya sa kausap namin
“Victoria! What are you doing here!” pasinghal na tanong dito ni Samuel
“Hi! Sweetheart… somebody told me you’ll be here so I thought I’ll surprise you so I came” pa sweet niya kay Samuel… nakapulupot na rin agad ang braso nito sa leeg ng isa.
“You’re not supposed to be here!” asik na naman ni Samuel sa kanya
“Why not, I’m your girlfriend” paawa naman nung isa
“Yeah! girlfriend not an employee” masungit pa rin si Samuel… napalingon yung babae sa amin, kung bakit naman kasi hindi pa kami umaalis.
“What are you looking at?” sungit niya sa amin, tinaasan lang siya ng kilay ni Gia
“Boss, You need anything?” tanong nito kay Samuel… mukhang nakalimutan na rin ng isa ang sasabihin ng maka salubong ang girlfriend
“Ahhh! Nothing you both go ahead” sabi niya sa amin
“Victoria! Let’s go” singhal niya ulit sa babae niya
“Antipatika!” bulong ni Gia pagka alis ng dalawa…
“Apaka walang modo talaga ng babaeng yan, di marunong mag Good Morning man lang… maka asta kala mo siya may ari ng kompanya. Kung hindi ko pa alam fling pa rin siya para kay Boss” mahaba niyang bulalas habang naglalakad kami papunta ng kwarto namin. Natawa nalang ako sa mga pinagsasabi niya.
We rested after we settled ourselves in our rooms. Napag usapan namin mag beach mamayang hapon bago ang Dinner at Karaoke.
Wore my new two piece, a halter top and high waisted bottoms covering it up with an oversized palm printed kimono.
“Oh my God!” tili ni Jude, pinuntahan niya kami sa room namin kasi.
“Ano Jude, sabi ko naman sayo tatalbugan ka ni Oli.” asar sa kanya ni Gia
“Ang sexy mo pala talaga!” inalog alog niya pa ako…
“Magiging lalaki na yata ako”
“Ewww!” sabay pa kami ni Gia
“Grabe kayo sa akin, may l*wit pa rin ako… tingin mo ba pag ganyan ka alindog maka salabong mo… hindi ka maapektuhan, aba may diperensya ang p*********i mo” paliwanag niya… na ikinatawa naming sabay sabay ng malakas
“Sabi ko na nga ba bagay yan sayo… Sexy and Hot but not slutty” sabi ni Jude sabay tawa
Nag pahatid kami sa shuttle pa baba sa beach… wala naman masyadong tao palibhasa late summer na. Ang saya naming nag swimming lumayo kami sa karamihan para makaiwas sa maraming mata.
~~~~~~~~~
The Dinner and Karaoke Night at the Reef Bar went well… mukhang nag enjoy ang lahat, overflowing foods and drinks. Everyone dressed well for the “Beach Party Team”, I wore my off shoulder ruffled sleeves maxi dress. Lokang loka si Jude sa porma ko, siya din kasi ang pumili sa suot ko.
“Grabe ka! Gurl!, pang Queen of the Night ka” bola niya sa akin
“Hindi ako kasali, kaya huwag ka na masyado umasa” balik ko sa kanya, I volunteered to be part of the judging committee for the Queen & King of the Night and it’s Prince and Princess.
“Bakit ka kasi nag volunteer, kainis to!” sabi niya… may pa hampas sa braso ko saka pumadyak padyak.
“Huwag mo kasing igaya si Oli sayo na pa Famous!” asar sa kanya ni Gia
“Siya naman talaga kasi ang pinaka maganda dito” asik niya sa amin
“I can see that, but unlike you that love to parade yourself for everyone to see… I think Oli prefers not to be in the limelight” paliwanag ni Gia
“Thanks Gia… Thank you din Jude pero tama si Gia I prefer to be invisible” sabi ko sa kanilang dalawa
“Haayy Naku! Kung ako may alindog na ganyan… aakitin ko si Boss para mawala na yung antipatikang lintang yun sa buhay niya” sabay halakhak niya
“Ang landi mo”
“What the hell Jude” halos sabay pa kami nag salita ni Gia… gusto kung mangilabot sa pinagsasabi niya, God! Ayoko ng gulo.
I was avoiding him all night because his girlfriend has been glaring at me and the man has been looking at me with fire and naughtiness in his eyes. Ng lumapit sila ni Tyron sa table namin puro pambobola na ang narinig ko sa kanila.
By around eleven, the HR announced that we have to call it a night as tomorrow we will have our Team Building Activities.
The next day I woke up early at dawn for a swim, sayang kasi ang magandang swimming pool nila. I wear my high neck low back classic one piece swimsuit, as I intend to swim like athletes do. The pool is deserted as I expected it to be… I have it for myself only. Happiness! I’m like a kid who got an early Christmas gift. The Siren in me is excited to swim her heart out. My first laps are peaceful and tranquil… the trickling sounds of water from the nearby water feature, the rustling gentle swishing sound from the trees around and some whistling and swooshing sound of the wind are the only sounds you can hear.
I closed my eyes and floated myself after my swim laps… God! This is so peaceful. This is always heaven for me. This is usually my workout, I used to do this in the Pool in the Hacienda either early morning or late at night. - We used to do this kami ni Samuel… malinaw ko pang naririnig ang tawanan namin, nararamdaman ko pa rin ang mga haplos at yakap niya. Nangiti nalang ako habang nakapikit pa rin sa napaka gandang alala.
“Were you thinking about us My Love, you’re smiling with your eyes closed” sabi ng isang boses… muntik na akong makainom ng tubig sa biglaan kung pag lubog dahil sa gulat ko. Sh*t!
Nagpalinga linga ako pagka ahon ko… Samuel is standing at the coping of the pool, smiling at me.
“I thought I’d find you here” sabi niya
“Care to share the pool with me” habol niya pa… lalo akong walang nasabi ng maghubad na siya ng T-shirt at board shorts, natira ang Speedo Fastskin suit niya… tiningnan niya ulit ako saka natawa sabay dive sa pool. - Mukha akong tanga natulala lang sa ginawa niya.
Halos napatalon ako ng maramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko… nasa likod ko siya
“So were you thinking about us” bulong niya sa tenga ko, nag tayuan ang balahibo ko… malamang kulay kamatis na mukha ko.
“Is it a happy one, you’re smiling” gusto ko na lang sumandal at magpayakap sa kanya… buti na lang mas malakas ang matino kung utak… humakbang ako para makawala sa hawak niya, buti hinayaan niya naman ako.
“You can have the pool by yourself” aahon na dapat ako ng pigilan niya ako
"Please don't leave" nagmamakaawa ang tono ng pananalita niya
Bakit nga ba naman ako aalis… apektado ka sa presence niya Ateng.