VEINTE

3007 Words
Magkatrabaho ♕ Olivia “So, How’s work?” pag kamusta sa akin ni Papa… masaya ako sa trabaho ko, I’m learning the hoops and loops of the Business World in the country. Mrs. Aguila or SVA sa karamihan (Samantha Valmonte Aguila) is easy to work with. What’s making my job a little bit complicated is the CEO’s reports, transcripts, compte rendu, procès-verbal etc. masyado ko yata kasing ginalingan ngayon mukhang dalawa na Boss ko. “Work is fine, Papa… I am happy and learning well” kilala naman niya kasi ang kompanyang pinasukan ko… both an investment company but Papa’s company has an International affiliations. At pagkakaalam ko, hindi sila nag kalaban sa mga investors. Nagsisimula palang si Papa sa Metro kasi but I think his company has the potential to be bigger than Valmonte's. Papa is too careful in his expansion na wala siyang tinatapakan na iba, he is not greedy… maybe ruthless in some ways you have to be or the system will eat you alive and he knows that. “That’s good to hear and I am happy you are enjoying yourself” sabi niya… “Thanks Papa for letting me work outside” pasasalamat ko “You’re welcome, Baby Girl… syempre kung ano gusto mo yun ang masusunod, ayoko namang buruhin na kita agad sa kompanya. Spread your wings my lovely daughter, find yourself a boyfriend, attend parties but behave yourself… We both know your Papi is watching. Nalaman na niya kasi ang shadow guard ko… alam ko naman kung sino and natutuwa akong siya ang kinuha ni Papi. “Papa, pag nagkita tayo sa mga Business Meetings or Summits… alam mo na.” sabi ko kasi ituring lang niya akong colleagues ba… dadating din kami sa point na ipapakilala niya ako sa Business World as his daughter but not now. “I know Baby Girl, don’t worry I won’t squeeze you there” sabay tawa niya… saka niya ako niyakap “Dito na lang sa bahay… walang nakakakilala sa prim and proper Ms. Robles” tawang tawa pa rin siya… Pinagtatawanan niya kasi lagi ang porma ko masyado daw akong goody-goody, samantalang sa bahay boyish farm girl pa rin ako. “Papa talaga” busangot ko sa kanya “Bakit… totoo naman naka “Power Suit” ka lagi pag pumapasok, buti hindi na intimidate mga katrabaho mo” biro niya sabay pingot sa ilong ko “Kailangan po kasi, baka apihin nila ako kung Farm Girl aura pa rin ako. You know how cutthroat and heartless business people are, you can’t let them see your weakness or else they will use it against you.” mahaba kung paliwanag “Baby Girl, I know that… and you just don’t know how overjoyed I am seeing you like that. I can’t believe the changes in you in the three years you’ve been out of the country. All the schooling and training paid off and I am one proud Papa” hinalikan niya ang noo ko “Sometimes I still can’t believe you’re my daughter… after all my faults, I might have done something good to be called your father.” nag drama pa, lagi lagi niya kasing hinihingi ng tawad na lumaki akong hindi siya kasama. “Haayyy! naku po Oliver Guevarra, nag da drama ka na naman” sabat ni Mama, nakikinig pala sa usapan namin, nasa pang isahan siyang upuan kaharap ang laptop niya… kami nasa sofa. “Misis Guevarra, it’s not drama… and I can’t Thank you enough for this wonderful daughter. I love you Misis ko” landi niya kay Mama, inirapan lang siya sabay tawa nito “Misis ko… I love you” ulit ni Papa “I love you too, Mr. Guevarra” hindi kasi yan titigil si Papa pag hindi siya sinagot ni Mama “Papa, let's not dwell too much in the past… we can't change that, but we have a humongous future ahead” yumakap na rin ako sa kanya… talking to him like this is rare, that's why I always cherish moments like this. “Tama ka dyan anak, mas marami pa ang mga taon na darating” sabat ulit ni Mama “Thanks Ma, love you” balik ko sa kanya The last three years have really brought so many changes in me… on myself, on my relationship with Papa, on how I handle things, changes that I know are good for me. I know it is, as I can see it in the way “that man” looked at me now… on how he treats me. It feels good to hear that he’s liking what he is seeing now kahit na hindi naman siya “lang” ang dahilan kung bakit kinailangan kong upgrade ang sarili ko. It is more for my family really… Speaking of “that man”, He has been mischievous and naughty playful whenever we are alone, not that it happened a lot of times but God! He’s such a flirt, ang landi ng mama. Kung hindi mo siya kilala na ganun talaga siya baka madala ka sa mga kalokohan niya. Lucky for me I know better... After the Company Outing and his break up with his dear girlfriend parang umaliwalas din ang mukha niya, siguro nga toxic na rin ang relasyon nila. Ang busy na kasi sa trabaho pati na Law School nag girlfriend pa… talagang ma i-stress siya, lalo na ganun pa ugali ng karelasyon niya. Mukha pa namang walang alam sa trabaho niya yung babae lalo na siguro sa pag aaral niya. ~~~~~~~~~~ Palapit na ang pag tatapos ng probationary period ko… at maayos naman ang pakikitungo ng lahat sa akin. Hindi nalang sila Gia, Jude at Mrs. Angeles ang kilala ko. I have settled well in the office and as I’ve said SVA is not a difficult Boss it’s her son who has been so demanding at times. “Ms. Robles, pinapatawag ka ni Boss” sabi ni Gia ng tawagan ako, it is almost the weekend naging ugali na niyang papuntahin ako ng opisina niya ng Friday night… mangungulit lang naman. “Bakit na naman daw Gia, alam mo ba?” balik ko sa kanya “Ewan ko dito kanina pa aligaga, hindi naman masungit hindi lang maka usap ng matino… punta ka na dito para tumino na to” sabay tawa niya Natawa na rin ako “Nak ng tinapa!, may sapi na naman yang amo mo” “Kaya bilisan mo na” natatawa pa rin niyang sabi saka binaba ang tawag Ano na naman kaya problema ng lalaking to… mang lalandi na naman yan. Bwisit! Nag paalam na ako kay SVA, tapos na rin naman talaga ang office hours kaya lang nga yang CEO makulit, magsusungit yan pag hindi mo pinuntahan… parang bata. Ng sinabi kung pinapatawag ako ni Samuel… “Olivia, please bear with my son… alam kung makulit at masungit yun, stress na rin kasi masyado sa Law school niya. Kaya nga pinahiram ko na si Mrs. Angeles sa kanya… pero pag isipan mo na rin ang inaalok kung sa kanya ka na mag EA. Alam ko kayang kaya mo naman yun, lampas kalahati na ng report niya ikaw ng gumagawa.” kausap niya sa akin… nalaman na rin kasi niya ang pag tulong ko kay Mrs. Angeles para kay Samuel. “Pag iisipan ko po” balik ko sa kanya… kahit mas matimbang na ayoko talaga “I know you have a past with him but I can see you both look past that already and now working together effectively.” pangungumbinsi niya pa rin sa akin… napa tango nalang ako saka nag paalam ulit para mapuntahan na si Samuel, baka maging monster na naman yung isa sa tagal ko. Isang floor lang naman ang pagitan ng mga opisina nila, nasa pinaka taas ng building si Samuel at sa sumunod na floor sa baba naman ang iba pang executive kasama na ang Nanay at Tatay niya. I used the stairs to go to his office... Si Gia na lang ang nasa labas ng opisina ni Samuel… nakauwi na siguro si Jude at Mrs. Angeles. “Diretso ka na sa loob” baling sa akin ni Gia ng makalapit ako sa table niya Kumatok ako, saka pumasok sa loob ng opisina niya “Good Evening Mr. Aguila, you asked for me?” bati ko sa kanya… nasa sofa siya nakahiga habang nagbabasa sa iPad niya. Wala ng necktie naka bukas na rin ang unang dalawang butones ng kanyang powder blue long sleeves, na hindi na rin maayos ang pag ka tuck-in sa kanyang black pants. Messy sexy… tempting and inviting gugustuhin mong tabihan ang gwapong mama… “Landi mo na Olivia” anas ng utak ko… “Kasi naman mapang akit” Sh*t! “What took you so long?” tanong nito habang naka tutok pa rin sa iPad niya… gusto kung bumuntong hininga ng malakas… Sungit! “Your Mom talk to me when I told her you’re asking for me again” walang buhay kung sabi "What did she say?" tanong niya na hindi pa rin ako tinitingnan, sarap kaltukan kung hindi lang Boss "To bear with you" maikli kung sagot "What do you want or need Sir?" habol kung tanong… hahaba pa kasi usapan, ang ending may kailangan lang naman pagawa or papatulong siya sa gagawin "Come here" saka tinapik ang space sa sofa na hindi na ookupa ng katawan niya… sabi na nga ba magmamalandi na naman isang to eh Hindi ako umupo sa sofa, sa one seater lounge chair ako naupo na katabi nito… tiningnan niya ako sabay ngisi… "You afraid to sit beside me?" "No, it's just inappropriate Sir" asik ko sa kanya "Your no fun" bulong niyang narinig ko naman "Anyway… Please help me with my review, I have a very important exam tomorrow." may paawa effect pa ang pagkakasabi niya. Minsan gusto ko na talagang sungitan ang Mamang to, pati ba naman ang pag aaral niya dinadamay pa ako. "Wala akong alam sa Law School, Mr. Aguila" "Mr. Aguila" ginaya pa niya pagkasabi ko… naka nguso pa, na parang bata "Call me Samuel or Roman, how many times do I have to ask you that!" bumangon siya sa pagkakahiga at umupo sa dulo ng sofa malapit sa kinauupuan ko, saka nilapit ang mukha sa akin, hindi ko naman nilayo ang mukha ko… gawain na niya kasi yan pag gusto niya akong ma intimidate "Can we please do what we need to do Mr. Agui… ay Samuel pala" napangiti naman siya “Kiss muna” sabay umang sa akin ng nguso niya… tinulak ko ng kamay ko ang mukha niya palayo, hinawakan niya naman yun saka inilapat sa labi niya at hinalikan. Pagkatapos inilapat niya sa mukha niya… “I just wanted some tender loving care, today was so exhausting and tough.” kita sa mukha niya ang stress, nakakaawa din talaga minsan... binitawan niya ang kamay ko saka inabot ang iPad sa akin… “Read the questions for me, Please and check if my answers are correct… it’s all there” saka siya nahiga ulit, ginawa talaga akong reviewer niya… Inalis ko ang ankle boots kung suot para maipahinga ang paa ko, mukhang magtatagal kami dito. Dati mga reports lang ngayon pati ang Law School niya dinamay na ako. Mukhang mas mabuti pa talagang mag EA nalang sa kanya, kesa ngayon dalawa ang amo ko. Nak ng tokwa mukhang madaling araw na naman ako makaka biyahe pauwi nito. Tumikhim ako saka nag simula magbasa… ~~~~~~~~ When I ended my probationary period, I asked Papa for some advice if I should take the EA for the CEO and he told me it is a much better position but more demanding and difficult. Hindi ko masabi sa kanya na I am doing half the work now. Pero ang pagiging aligaga at pag susungit ni Samuel talaga ang nakapag pa desisyon sa akin na tanggapin ang alok ni Mam Samantha. Hindi ko alam kung may idea ba si Samuel sa gustong mangyari ng Nanay niya. Six months in his presence nakayanan ko naman na yun… iiwas na lang sa pagmamalandi niya, hindi naman madalas kaya alam kung kaya naman. Sila Jude at Gia ang unang unang natuwa ng malaman ang paglipat ko, si Mrs. Angeles naman nakahinga ng maluwag… “Hayy! Salamat naman sa Diyos pumayag ka ng maging EA ni SRA… hindi na ako mahihirapan pa” sabi ni Mrs. Angeles, nasa cafeteria kaming apat ng ibalita kung pumayag na ako sa gusto ni SVA. “Yeah, Thank God… somebody talk some sense out of you, you are literally working for two right now. But by agreeing to work with the Boss… you’ll only work for him” si Jude naman “That’s what really what got me thinking, working for two or just one but the more difficult one” sabi ko sa kanila “He may be difficult at times, but you have your own way around him… kung hindi ko alam na six months ago lang kayo nagkakilala, iisipin kung matagal na kayong magkakilala” sabi ni Gia, nagulat ako sa observation niya… pero hindi ko siya masisi sa akin lang din kasi makulit pa minsan minsan si Samuel at nakikita nila yun. “Maybe, I just know my way around men… I’ve worked with them in my previous employment.” totoo naman halos lahat lalaki ang naka trabaho ko… sa SG, sa Europe at kahit noong nasa Farm pa ako. “And it is paying off now, kung may mahirap makatrabaho isa na doon si Boss, he is obsessive compulsive at times kaya lalo siya na i-stress. Hindi madali sa kanya ang mag delegate ng trabaho pero sayo parang nagtitiwala siya sa mga gawa mong report.” paliwanag ni Gia “Haayy! Sana nga sana nga… para naman hindi tayo lahat ma stress sa kasungitan niya minsan” natatawa kung sabi sa kanila “Hindi ka naman sinu sungitan ni SRA, pa sweet nga yun sayo minsan” biro ni Mrs. Angeles “Oo nga, type ka yata… kung sabagay sino pa hindi magkaka gusto sayo, ako nga naaakit sayo siya pa kayang straight” sabi ni Jude sabay halakhak nito… pagtitinginan tuloy kami Na pitik tuloy siya ni Gia sa noo… Napansin ko na rin ang pagiging OC ni Samuel sa mga bagay bagay, ganun din naman ako minsan kaya siguro hindi na ako nahirapan pa. Sa mga report naman naging maganda siguro ang feedback kaya nagtitiwala siya sa mga gawa ko, nag papaturo pa ako minsan kay Papa ayoko din kasing mapahiya si Samuel sa mga ginagawa ko para sa kanya, mahirap na mapulaan. Nakakagulat lang na pati pala si Mrs. Angeles napapansin ang sweet gestures ng CEO, kaloka… Minsan kasi ang mama hindi makapag pigil kahit may ibang tao sweet pa rin, sana lang hindi nila bigyan ng kung ano pa mang kahulugan yun. Ganyan na siya noong mga bata kami pati ng si Roman Magsasaka siya at kami lang dalawa nakaka alam nun, kaya naninibago ang iba. And I’m hoping against hope that I would not fall again for those antics of him. Pinatawag si Samuel ni SVA sa last day ko ng pagiging Executive Assistant ko dito... “Mom, you wanted to see me?” tanong ni Samuel sa Nanay niya… kasunod niya lang ako papasok ng opisina ni SVA “Yeah! I need to tell you something… sit there” turo niya sa Lounge Area “You too Ms. Robles, please do sit” magkasunod kaming naupo ni Samuel, pinili ko ang single seater lounge chair… Ang CEO kasi naka hawak sa sandalan ng sofa ang mga braso, kapag umupo ako doon parang naka akbay na siya sa akin at alam ko ang kapilyuhan niya na yun. Naka busangot niya akong tiningnan saka tinapik ang sofang kinauupuan, gustong tumabi ako sa kanya. Umiling lang ako saka ngumiti… na lalo niya pang ikinabusangot, kakatawa parang batang hindi napagbigyan. Ng makalapit si SVA naka busangot pa rin ang anak niya… “Why are you looking like that?” tanong ni SVA “Nothing Mom, what do you want to tell me?” pormal niyang tanong “Well, Ms. Robles here have agreed to be your EA” parang nagulat naman tong si Samuel pero sandali lang yun biglang naging poker face, hindi ko tuloy alam kung natutuwa or nagagalit siya “But Mom” reklamo nito “Samuel, you asked for it remember” parang natauhan naman yung isa… “Oh yeah! That so long ago… Sorry I forgot about it… Is she amenable with it now” tanong niya sa Nanay niya… saka napatingin sa akin, parang nagtatanong kung pumayag na nga ako. Tumango at ngumiti lang ako. “See, she is but please be polite and respectful… you’re both professional” paalala sa kanya ni SVA “Mom, do you really have to say that, we are friends now… Isn’t it Livi” sabay ngiti niya sa akin… tipid lang ako ngumiti “Samuel, No funny business or shenanigans too” banta pa rin sa kanya ni SVA, na ikinatawa ng malakas ni Samuel “Mom!” natatawa niyang singhal sa Nanay niya “I am a fine gentleman… a cavalier. I don’t do hanky-panky or trickery” depensa niya sa sarili niya… Yeah, gentleman but very very flirty and naugthy sometimes. Sarap isumbong sa Nanay niya ang kapilyuhan. “Fine, I hope I won’t hear that you are mistreating her” hindi pa rin nagpapa awat si SVA sa pangaral sa anak niya “Don’t worry SVA, I won’t let that happen… I’ll fight back if I have to” nangingiti kung sabi para matigil na rin sila “See! Mom, she’s the one who bully me sometimes” sabi naman ni Samuel “Well, you deserve that” natawa na rin ito That's the start of my Executive Assistant journey with the CEO… the arrogant man, the ruthless businessman, the very naughty boy named Samuel Roman Valmonte Aguila…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD