Bagong Opisina
♕ Olivia
“Baby girl, why don’t you just stay in our house in the Metro” pakiusap ni Papa sa akin ng pinaalam ko sa kanila na hired na ako.
“Pa, iniiwasan ko nga muna ma expose na ako ang tagapagmana mo… mamaya kidnapin pa ako.” natatawa kung balik sa kanya.
“Olivia, tama naman si Papa mo, mas safe doon sa bahay… walang kahit sinong makakapasok basta basta” si Mama naman
“Mama alam ko naman po yun, huwag po kayong mag alala safe po doon sa condo na titirhan ko” pag alo ko sa kanya… I bought that condo with my own money while working abroad, naipon ko ang lahat ng sinahod ko kasi nga binibigyan pa rin naman ako nila ng allowance noon kahit tapos na ako mag aral. At ngayon naman sabi ko kay Papa basta na hire na ako, putulin na niya ang allowance ko. Ginagawa kasi akong batang di allowance… kakaloka.
“No Te Preocupes” sabat ni Papi, napa Spanish pa... Don't Worry daw
“She’ll be safe in the Metro, I’ll take care of it” ayan na naman ang Lolo mo… ang ‘I’ll take care of it niya”… lalagyan niya na naman ako ng shadow bodyguard. Hayyyuuu!
“Papi!” pinandilatan niya pa ako
“That or you’re not going to work there” napa tango nalang ako, lumapit na rin ako sa kanya at yumakap
“Make sure I will not see them” bulong ko sa kanya… natawa nalang siya
“What is that” sabat ni Papa sa bulungan namin… na inggit na naman, mas Love ako ng Tatay niya kesa sa kanya…
“It’s our secret!” natatawang sabi ni Papi
“Papa naman anak ko yan!” sungit ni Papa sa kanya… tinawanan lang siya ni Papi
Naka busangot tuloy si Papa… kakatawa ang mag ama nag pa power trip pag tungkol sa akin. But in the past three years naging close na rin kami ni Papa dahil na rin siguro pinapasok ko na ang mundong ginagalawan niya. And he’s such a very good teacher, adviser and a confidant. Basta tungkol sa trabaho hindi ako nag aatubiling humingi ng advice sa kanya.
Nagkataon lang na mas maraming taon na nakilala ko si Don Carlos (Papi) kahit noong hindi ko pa alam na apo niya ako. Even Mamita… they’ve both have been a guiding hands noong nagsimula ako sa Hacienda. Kaya naging mas close nga ako sa kanila pareho. Sila ang nagturo sa akin paano makitungo sa mga tauhan at pati na rin sa mga ka transaksyon ng Hacienda. At ng magka alaman na apo nila ako… etiquette of being a noble heiress naman ang itinuro ni Mamita sa akin, nga lang mas normal na tao talaga ako… kaya pa minsan minsan ko lang ginagamit ang pagiging aristokrata ko.
I hope I am making them proud of what I’ve achieved before the world knows who I really am. Before pa maging Haciendero si Papi he is a well known businessman too, a very respected one… sumunod sa mga yapak niya ang lahat ng anak niya. Pero si Papa talaga ang pinaka malawak ang naging sakop… mula ng bumalik siya from abroad at nakaka kaba na hindi ko maabot ang expectations nila for me. I hope I can be part of the cruel and beautiful world of the business community.
My other grandparents have always been proud of what I’ve achieved… wala akong kailangan patunayan sa kanila. Kahit naman mag asawa na sila Papa at Mama, ang mga Robles kailanman ay hindi humingi ng kahit ano sa mga the Guevarra pabor man or materyal. Kaya naman ang respeto nila Papi sa kanila lampas langit… sabi nga niya dati pwede naman sila magalit pero wala silang narinig na masama sa mga ito.
Kaya mahal na mahal ko ang mga pamilya ko, malayo man ang agwat sa kabuhayan hindi yun naging hadlang na magkakasundo sila, may respeto sa isa’t isa. Kaya nakaka inis minsan ang kayabangan ni Mr. Aguila. Haayyy!!!
~~~~~~~~~~
I haven’t seen the arrogant man since that fateful day in his Mom’s office, ang sungit sungit… apektado masyado eh may girlfriend naman. Isa yun sa dahilan sa pagtanggap ko sa alok na trabaho ng Nanay niya. Marami naman kasing ibang kumukuha sa akin… nga lang sa pinaka established na ako at mas ok na kilala ko magiging Boss ko. Ma pa practice ko ang mga pinag aralan ko pati na ang experience ko. And I can’t wait to start working...
First Day… new workplace, new people to work with. This should be fun… tormenting the arrogant man showing him the new confident me. Wala naman talaga akong balak na mag cross ang landas namin marami namang paraan para maiwasan siya, nga lang dahil sa kasungitan na naman niya… na buhay na naman ang pagiging maldita at demonyita ko. Aasarin at iinisin ko talaga siya kapag ako hindi niya tinigilan sa kasungitan at kayabangan niya.
I know I’ll be seeing the high and mighty CEO, I’ll be introduced to the executives today. I hope he is in his right mind not to show his snobbish side. Baka mapatulan ko na talaga siya...
Before lunch we are knocking at his door… after I was introduced to his secretary Gia and the assistant Jude. Both are so welcoming, I can see them both becoming my friends already...
“Good Morning SRA” bati sa kanya ni Mrs. Angeles
"Good Morning Mr. Aguila" bati ko din sa kanya
“I just would like to introduce Ms. Olivia Robles, Mrs. Aguila’s new Executive Assistant” pakilala niya sa akin sa mamang ka gwapo sa kanyang charcoal grey suit with a immaculate white undershirt and a querky tie… red, yellow, neon green checkered with a charcoal grey base. Playful!
“Pleasure to meet you Ms. Olivia” nilahad niya ang palad for a handshake took his hands kahit kabado ako sana hindi mapansin. My hands are cold I know… maka ngiti ang loko, ngiting Roman Magsasaka. - “Puso naman kalma lang, handshake lang yan at ngiti papadala ka na naman sa kagwapuhan” kausap ko sa sarili ko… Makatitig naman kasi ang gwapo, Bwisit! May kuryente pa rin ang titig at hawak niya sa akin… My heart is over the moon to see him, he will always be someone dear, no matter what.
“Same here, Mr. Aguila” tipid kung sagot sa kanya
“Please do sit” paanyaya niya sa amin ni Mrs. Angeles… - Ano etey kakausapin niya pa kami… aba lunch break na ah!!! Walang balak kumain?
“So, how’s your first day so far” kausap niya sa akin, naupo na din siya sa swivel chair niya... pinatong ang mga kamay sa lamesa at pinagsiklop ang mga daliri. - Pa sweet ang loko… pinagsabihan siguro ng Nanay na maging professional sa pakikitungo sa akin
“It’s OK I think… everyone have been nice and Mrs. Aguila’s schedule is not that full today so I am doing well for now. Thank you Sir for asking” naka ngiti kung sabi, hindi ko mapigilan ang pagtaas ng kilay ko… Bait baitan ang peg ng loko, pangiti ngiti pa…
“Sir, If I may butt in… she is something… I have not even started my formal orientation with her, just some little talks last week and today she came in with Mrs. Aguila’s schedule, sorted out and organized already.” natatawang kwento ni Mrs. Angeles, - Naku po huwag niyo na akong i-build up diyan, baka masungitan lang ako lalo…
“Oh Well! Looks like Mrs. Aguila has hired a gem. She will be in a very good hands then when you work for me” sabi niya kay Mrs. Angeles
“SRA, Why not let her work for you… I think she is very capable being an EA to the CEO” balik sa kanya ni Mrs. Angeles na ikinalaki ng mga mata ko pati na rin kay Samuel.
“I don’t think I can do that Mrs. Angeles… I’m still a newbie in this industry, I would not like to embarrass the CEO with my inexperience.” sabat ko, naku po gulo ang papasukin kapag nagkataon.
“Why not, I’ve read your file, you've trained and work under a CEO, Dear… you are just too humble” sabi sa akin ni Mrs. Angeles. Napa tungo nalang ako, ayokong tingnan ang loko, baka panlisikan pa ako ng mata.
“Anyway, not that I don’t like to work with you SRA… I just thought this girl has so much potential.” habol na paliwanag ni Mrs. Angeles
“Oh well, Let’s see… it’s just her first day, so much to learn, so much to do” balik sa kanya ni Samuel. Tumayo na rin ito, buti naka pansin na lunchtime na. Tumayo na rin kami para umalis.
“Nice meeting you, Mr. Aguila” sabi ko sa kanya, putting up my hand for another handshake.
Hindi pa kami nakakalabas ng opisina niya ng pumasok ang isang magandang dilag, mukha itong isang modelo. Matangkad, payat, maputi at puno ng make up ang mukha. Diretso siyang lumakad papunta kay Samuel, saka umabrisiete at humalik sa labi. Para lang kaming mga langaw sa kanya… ito yata ang girlfriend na sinasabi ni Mam Samantha. - Wow naman Ateng maka deadma ka sa amin, talagang walang pakialam kahit may tao pang iba.
Kita sa mukha ni Samuel ang pagka ilang at gulat… rinig ko rin ang bulong niyang “What are you doing here?”
“I am picking my boyfriend for lunch” malakas na boses naman niyang sagot sa bulong ng isa… napatingin sa akin si Samuel. - Yeah, aaminin ko ang sakit sa puso… pero I have to live with it, alam kung nakakakita ako ng mga tagpong ganito ng pumayag akong magtrabaho para sa Nanay niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay! Saka nagsalita
“We will go ahead Sir?” napa tulala na kasi si Mrs. Angeles dahil sa PDA moves ni Ate girl… walang lingon lingon kaming lumabas ng opisina niya.
Sa cafeteria ng kumpanya na kami dumiretso ni Mrs. Angeles para mag tanghalian.
The day went well… First Day done!
~~~~~~~~~~~~
First week went very well… I did my best to be out of the arrogant man’s way. Last ko siya nakita noong last day ng first week ko, sinadya niyang ipatawag ako. I needed to be away from him for my peace of mind and to stop myself from overthinking with too many what ifs. Work is why I got here so work is what I will do. Madali lang naman ang trabaho kay Mam Samantha… ganito rin naman ang ginagawa ko dati mas malawak pa nga sakop ko sa dati kong trabaho. Nag upgrade lang ako sa scheduling niya… I have it all now in her new iPad with all the notes and reports attached to it that she will use during each meeting. Isa yun sa unang ginawa ko para sa kanya at ginagawa ko ang mga e-files ng mga paper files niya. Kailangan kasi nga si Mr. CEO ganun na kaya gusto ng Nanay niya siya rin mag upgrade na rin.
Weeks went by without me noticing it...
Panay panay ang tawag ni Mrs. Angeles para magpa tulong sa mga reports na pinapagawa ni CEO. Nanibago kasi siya, kawawa naman kaya tinutulungan ko nalang pero patago baka may masabi pa ang Boss niya. In weeks that pass she became a friend pati na rin sina Gia at Jude, sila kasi ang lagi kong kasama sa lunch break.
“Olivia, Salamat sa tulong ha! Hindi ko na alam kung paano ko magagawa yun kung wala ang tulong mo. Si Boss naman kasi… pati reports sa akin pa.” si Mrs. Angeles
“Ewan ko ba kay Boss bakit pati yun binigay sayo Mam, dati siya gumagawa nun” sabat ni Jude
“Eh kasi nga, may Law School pa siyang extra… hindi ko na nga alam kung saan pa kumukuha ng lakas at talino yang taong yan” sali naman ni Gia sa usapan
“Kung may maitutulong ako sabihin niyo lang, basta kaya ko… I’ll help.” sabi ko sa kanila
“Thank you Oli… Anghel ka talaga, palit na kasi tayo ikaw na kay CEO” hirit na naman ni Mrs. Angeles
“Tutulong nalang po ako” pag iwas ko sa gusto niya… kahit na nag suggests na rin si Mam Samantha ng ganun, dahil nga nag aaral si Samuel. Kaya nga napilitan na siyang kumuha ng bagong EA para magamit ni Samuel si Mrs. Angeles pihikan daw kasi ito sa EA. Si Atty. Tyron lang daw talaga ang tumagal dito dahil na rin siguro mag bestfriend yung dalawa. Ang mga pumalit walang tumagal sa kasungitan at ka-pihikan ni Samuel.
“Bakit ba parang iwas na iwas ka kay Boss? Crush mo?” bulalas na tukso ni Jude sabay tawa niya ng malakas… Lang yang baklitang to!
“What the F! Jude! Hindi magandang biro yan” balik ko sa kanya
“Ano naman ang masama sa crush, madami noon dito may crush kay Boss” si Gia naman
“Hindi ko po siya crush or anything period.” pagtatapos ko sa usapan
Buti na lang hindi na rin sila nagpatuloy sa usapang crush na yan… Umiiwas na nga ako para malayo sa gulo at sakit ng ulo, pati na ng puso.
** Ng pinatawag niya ako nung first week ko akala ko kung ano…
“Hi!” bati niya sa akin ng makapasok ako sa opisina niya, nakatayo siya sa malapit sa lounge area ng opisina niya kung nasaan ang sofa and cowhide egg lounge chair… it’s a statement chair, kay Mam Samantha Bloom Chair naman. Naka pamulsa siya titig na titig sa akin… Hayy naku Mr. Aguila you can’t intimidate me now…
“Mr. Aguila? You ask for me?” habang nakatingin rin sa mga mata niya, siya rin nag iwas ng tingin…
“We need to talk… let’s sit” sabay turo niya sa sofa
“What about?”
“The past, I know you told Mom that you don’t want to talk about it anymore… but we have too, especially now that you’ll be working here. I don’t want any bad blood between us” paliwanag niya… tumahimik lang ako
Sabi niya nakita niya mga sulat ko kay Mam Samantha noon at nagpunta sa Hacienda para humingi ng sorry… pero wala na nga ako. Naibalita na sa akin ni Doc Zane ang pag uusap nila kaya nga ayaw ko na sanang ungkatin pa, masakit pa rin kasi… He only wanted to apologize but he doesn’t want anything to do with me anymore.
“Livi, I am truly sorry for what had happened… for the hurtful words, for the way I treated the situation. Please do forgive me, I need that” hingi niya ng tawad…
“Oh God! You regretting what happened is the worst insult I could get from you. I just thought what happened mattered to you even just a little, God! I was so wrong. Anyway! That’s already in the past… we shouldn’t be talking about it, we’ve both moved-on. I know my faults then and I’ll stand by it. You don’t need to apologize, it’s all my fault anyway” balik ko sa kanya… gusto kung maiyak sabi ko nga dati “I hope he too doesn’t regret it… it would hurt me the most if he does.” and this hurts like hell!
“But! Livi” tinaas ko na kamay ko
“Please let’s forget about it, I can see you are happy now… so stop looking back” tumayo na ako… alam kung mag mumukhang bitter ako... pero hindi ko kailangan itago sa kanya ang nararamdaman ko… nanahimik lang siya
“Can I go now?”
Tumayo na rin siya at tumapat sa akin… hinawakan niya ang magkabila kung upper arm, nanlaki ang mata ko sa ginawa niya… paatras na ako ng kabigin niya ako sa dibdib niya. Gusto kung mag pumiglas sa yakap niya… but this feels home! I wanted to get drowned in his arms… “God! Olivia get hold of yourself” saway ko sa sarili ko
“I am so happy to see you, see you like this… very confident and sure of yourself. Beautiful, Gorgeous, Hot, Sexy… God! I miss you! But please stay away from me, really far away… You don’t deserve a man like me” bulong niya sa tuktok ng ulo ko… saka ako inilayo sa kanya, umatras na rin ako palayo sa kanya…
“Yeah! I will never be enough for the high and mighty Mr. Samuel Roman Aguila” balik ko sa kanya, saka ako tuluyan ng umalis sa harap niya
“Livi! That’s not what I meant” sigaw niya ang bilis ko kasing maka layo sa kanya… nasa may pinto na agad ako, Hindi na ako lumingon… rinig ko ang pag habol niya sa akin. But then the girlfriend is at the door too… Nginisian ko lang siya saka lumabas pagka pasok ng babae niya.
That’s the reason why I’ve been avoiding him, he wanted that… kahit na gustong mag maldita ng makulit kung utak, “Akitin ko daw ang mayabang”. Ayoko nga sakit sa bangs yan pag nagkataon.