Sofia ♕ Olivia “I need a family meeting after” sabi ko sa lahat habang nasa dinner table kinagabihan ng panunugod ni Samuel sa akin “What about?” sabi ni Papa “Something important” balik ko sa kanya “What Important?” si Papi naman “Please after ng natin kumain baka mawalan pa tayo ng gana ang sarap pa naman ng luto ni Mama” sabi ko sabay ngiti sa kanilang lahat… “Sofia, Lead the Prayer na” sabi naman ni Mama sa anak ko para tumigil na sa pagtatanong ang dalawang lalaki Masaya naman ang kwentuhan namin, napunta sa kambal ang usapan nasa last year na kasi ng Senior High School ang mga ito at tinatanong na ni Papa at papi kung gustong sa abroad mag si college. Nakakatuwa na napaka down to earth din ng mga kapatid ko, saludo talaga ako kay Mama sa pagpapalaki sa amin. “Carl, Anton…

