Pristine Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kanina. Nasa sasakyan pa lang ako ay ilang mensahe na ang ipinadala ko kay Esther. Humingi ako ng tawad sa inakto ni Elijah kanina. At nakaramdam ako ng kaba at pag-aalala dahil sa limang mensahe na ipinadala ko ay wala kahit isa pa ang nasasagot ni Esther. Malalim akong napabuntong hininga at napaupo sa gilild ng kama. Nakatitig ako sa cellphone ko, sa iba't-ibang mensahe na ipinadala ko. May pagitan naman ang oras at hindi sunod-sunod. "Siguro hahayaan ko na lang muna siya," ibababa ko na sana ang cellphone ko sa gilid ng kama nang tumunog 'yon. Ang bilis ko na inangat muli sa pagaakala na si Esther 'yon pero nadismaya ako nang makita ang ang pangalan ni Sebastian. Sinagot ko naman ang tawag dahil baka tungkol ito sa project namin. "Est

