"What are you doing? Akin na ang libro. Nagbabasa ako," I said. Nag-iisang linya ang mga kilay ko. Nakita niya ba ako kanina? Sinundan niya ako agad? Bakit nung sa silid ko ay hindi? Hinintay ko rin kung aakyat siya! "Elijah!" kuha ko sa atensyon niya. Pero hndi siya sa akin nakatuon kung hindi sa libro. Gosh. Medyo kinabahan ako dahil hindi nga 'yon katulad ng mga libro na nakikita niyang hawak ko. "G-Give it back!" I tried to get it but he just took a step back and avoided me. Tinitigan nya ang cover ng libro at ilang segundo lang ang nakalipas nang magsalubong ang mga kilay niya. I swallowed hard, nervously. At nang basahin naman niya ng malakas ang title sa harapan ko ay napangiwi ako dahil mabigat ang bawat salita niya. "Carve your name on my back. I want you to do that while I'm

