Pristine "Bakit hindi mo sinabi sa akin? K-Kumusta ka? Nahuli daw ba ang may gawa?" pagkatanong non sa akin ni Esther ay hinawakan niya ako sa mga braso ko. Mukhang tinitingnan niya kung nakatamo ba ako ng sugat. Pero dahil nga nakarating rin agad si Elijah ay wala naman akong kahit anong paso na natamo. Nahirapa lang ako na makahinga dahil napupuno na ng usok ang nasusunog na comfort room kahapon. "Kaaway na naman ng lolo mo ang nag-utos?" dagdag na tanong niya pa sa akin. Nasa mukha niya ang pag-aalala. Salubong rin ang mga kilay niya at napabuntong hininga siya ng malalim nang hindi ako sumagot. Mamaya ko pa dapat talaga sasabihin kay Esther ang nangyari sa akin kahapon pagkatapos ng klase namin pero narinig na niya 'to na binanggit ng ibang mga estudyante pagkapasok pa lang daw niy

