Ever since the incident with MBO happened, my body felt strange for days. I should be fully recovered by now, but something seemed really off. Nangako na rin ako sa sarili at kay Vergel na lalayo na sa gulo, although alam ko naman na ang gulo ang lumalapit sa ’kin. Kinabahan din ako nang sabihin niya na magagalit si Gramps kapag nalaman niya ang tungkol dito.
Sabado na nang makapasok ako sa mga klase ko. Lahat ng mga estudyante ay nakatingin sa akin kasabay ng malalakas na bulungan.
Sa lecture hall, ipinapaliwanag ni Mrs. Fairylade, ang aming instructor sa potion-making class, ang tungkol sa iba’t ibang potions sa history ng Magus. Nabanggit din niya ang ilang pangalan ng potions na maaari niyang ipagawa sa amin mamaya at sa mga susunod pang mga araw.
“For today… I’ll give you a warm-up activity. You have exactly three hours to finish it.” Ngumiti siya sa aming lahat. Ngiting nagpakaba sa lahat, pati na sa akin. I’m not a fan of potions! “You’ll be making a love potion. Basic, right?”
Love potion? Basic? May lectures na kami noong high school about potions, pero hindi ko masyadong tinatak sa utak ko. Akala ko hindi importante.
May kaklase akong nagtaas ng isang kamay. “May I ask what kind of love potion we’ll be making, ma’am?”
“Good question, Esme! There are actually two types of love potion, but I’m asking you to make the common one. The effectivity should only last for twenty four hours.”
Kanya-kayang sulat ang mga kaklase ko sa papel ng mga sinasabi ni Mrs. Fairylade. Nagsulat na rin ako nang isa-isahin niya ang mga sangkap.
LOVE POTION
Ingredients
1. Grape juice
2. Crushed rose
3. A drop of tears from the potion-maker
4. Leaf from the Life Tree
5. Sparkling water
6. Sugar
The sweeter, the better![b1]
Ipinaliwanag din ni Mrs. Fairylade ang tamang paggawa nito. Pinaalalahanan niya rin kami na maging maingat sa pagluluto ng mga sangkap.
“Pupwede na kayong magsimula. Kapag nakumpleto na ninyo ang mga sangkap, pupwede na kayong dumiretso sa Potion Lab sa kabilang building. Nakaayos na lahat ng gagamitin niyong equipment doon. Remember, bawal lumabas ng academia para kumuha ng mga sangkap. Lahat ng nabanggit ko ay maaaring makuha rito sa loob at sa kagubatan na nakapalibot sa atin. Good luck!” Nagsitayuan na kaming lahat. Mayroon lamang kaming tatlong oras para gawin lahat iyon. “As much as I love camaraderie, I’m afraid you still have to do the activity individually.”
Nagsitakbuhan na ang mga kaklase ko matapos kumuha ng basket sa table ni Mrs. Fairylade, habang nanatili akong nakaupo at nakatitig sa listahan ng mga sangkap na isinulat ko. Saan ko kukunin ang mga ’to?
“Time is running!” sigaw ni Mrs. Fairylade dahilan upang mapatayo ako, tarantang mapakuha ng basket at mapatakbong lumabas ng lecture hall. Saan ako mauuna? Garden? Forest? Kailangan ko ng tulong!
Tumakbo ako papunta sa nakita kong mayroong arko na may nakasulat na Garden of Nature. Walang tao! Nilibot ko ang tingin ko, naghahanap ng rosas, ngunit wala akong makita. Naglakad-lakad pa ako hanggang sa malagpasan ko ang monumento ni Slate. Isang maliit na arko ang bumati sa akin: WELCOME TO THE GARDEN OF LOVE!
Pumasok na ako sa hardin na ’yon. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ang mga nagkukumpulang mga rosas na mayroong iba’t ibang kulay. Lumapit ako sa mga pulang rosas at akmang bubunot na ako ng mga ito nang biglang may sumulpot na matandang lalaki sa tabi ko. May suot siyang garden gloves at may hawak na shovel.
“Hija, anong ginagawa mo rito?”
Inabot ko sa kanya yung listahan ko ng mga sangkap. “Kailangan ko ng rosas. Anong kulay po ba ang ginagamit para sa love potion?”
“Pula at puting rosas ang sumisimbolo ng pag-ibig, ngunit kung sa klase mo lang ito gagamitin, pupwede na itong pula.”
Bumunot siya ng isang pulang rosas at inabot sa akin. Pinagmasdan ko ang bulaklak sa palad ko. Kumikinang-kinang pa ito!
“Nakasalalay sa nararamdaman ninyong mga estudyante ang buhay ng mga bulaklak dito. Sa oras na mabahidan ng galit ang mga puso ninyo, maaaring malanta ang lahat ng ito.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ng matandang hardinero. Inangat ko ang ulo ko upang tingnan siya ngunit wala na siya! What the fudge?
Pinulot ko ang listahan ko sa kanina’y kinatatayuan ng matanda at patakbong umalis doon. Espirito lang kaya siya? Inilagay ko sa basket na dala ko ang rosas kasama ng librong hiniram ko sa library kanina.
Sunod kong pinuntahan ay ang gubat na pumapalibot sa academia. Ngayon ko lang napansin ang mga sukal nito. Ang mga puno rin ay sobrang kukulay na para bang buhay na buhay ang mga ito. Pakiramdam ko nga ay gumagalaw ang mga ugat nila na parang ahas na pagapang-gapang lang.
Narating ko yung lugar kung saan ako dinala ng mga kampon ni Laura kahapon. May grapes kaya rito? Nandito kaya yung Life Tree?
“Binibisita mo ba ako?” May biglang bumagsak na isang lalaki sa harapan ko.
“Forest!” naibulalas ko nang makita ang nakakalokong hitsura niya. Inabot ko sa kanya ang listahan ko. “Saan ko mahahanap ang mga ’to?”
“Love potion, huh? Last year, hunger potion ang ipinagawa sa amin. It was a mess!” Humalakhak siya. “This will be interesting. Kanino niyo ipapainom ang mga ’to?”
Tumaas ang isang kilay ko. “Ipapainom namin ang mga ’yan?”
“Yes! It’s either pipili si Mrs. Fairylade o kayo ang pipili.”
“So saan ko mahahanap ang mga ’yan?”
Bumalik siya sa punong parati niyang tinatambayan at biglang may hinagis na isang backpack sa akin. Nang bumalik siya sa tabi ko, binuksan namin iyon.
“Parati akong may dalang ganito sa tuwing ipinapadala kami sa mga misyon.” Naglabas siya ng isang pakete na mayroong mga dahon na may matitingkad na kulay. Mga dahon ng Life Tree! “Nagsisilbing gamot ang mga ito. Nguyain mo lang, babalik ang lakas mo.”
Whoa, may ganoon pala? Naglabas siya ng tatlong pirasong dahon na may kulay na asul, dilaw at berde at inabot sa akin.
“Tatlo lang?” reklamo ko.
Natawa siya nang mahina. “Isa lang naman ang gagamitin mo.” Inilagay niya sa basket ang tatlong dahon at muling tiningnan ang listahan. “Grape juice? Sugar? Madali lang ’to. May tanim na mga prutas at gulay sa likod ng Mortal House. Sparkling water? May balon malapit sa mga templo.”
“Thanks!” Hahablutin ko na sana yung listahan sa kanya nang pigilan niya ang kamay ko.
“Wait lang. May isa pa!” Inangat niya ang tingin sa akin at pinagmasdan ako. “Ito ang pinaka-mahirap hanapin na sangkap.”
Nangunot ang noo ko. “Alin?”
“Luha.” Inabot niya sa akin ang listahan at nginitian ako. “Nakadepende ang potion sa luha ng gumagawa, lalo na at love potion iyan.”
“So anong dapat kong gawin?”
Ngumiti siya nang nakakaloko. “Una, kunin muna natin ’yong ibang mga sangkap tapos balik tayo rito para sa training!”
“Anong training?”
Nagtungo kami ni Forest sa likod ng Mortal House. May malawak na taniman pala rito ng mga prutas at mga gulay. Mula rito ay kitang-kita kung gaano kaprestiheyo ang House ng Seven Idiots. Ngayon ko lang din nalaman na dalawang beses sa isang buwan, inaatasan ang mga residente ng Krymmenos na mag-ani at magtipon ng mga hinog na bunga. The fudge?
Pumutol ng isang sugar cane si Forest at inilagay sa basket. Siya na raw ang bahalang mag-crush no’n para makuha yung juice. Itinuro niya rin sa akin kung anong dapat gawin para maging sugar siya.
Kumuha rin kami ng dalawang tumpok ng ubas. Ang isa ay inilagay ko sa basket habang ang isa ay pinapapak namin habang naglalakad papunta sa mga templo. Ngayon lamang ako nakatungtong dito. Mayroong apat na chapel na nakatayo rito na maaaring puntahan ng mga estudyante upang magdasal sa kani-kanilang mga diyos. Fortunately, walang templo si Eldoris dito kung kaya’t hindi ako mao-obligang bumisita.
Sandaling bumisita si Forest sa diyos ng kalikasan, na kilala sa tawag na Slate, habang kumukuha ako ng tubig mula sa balon at inilagay sa pinahiram niya sa aking lalagyan. Namangha ako nang makita ang tinatawag nilang sparkling water. Literal na nag-i-sparkle ito!
Matapos iyon, bumalik na kami ni Forest sa gubat. Isang sangkap na lang ang kailangan. Luha. Bakit ba kasi kailangan ng luha rito? Hindi sa pagmamayabang, pero hindi pa ako umiyak!
“Ang luha ng potion-maker ang nagsisilbing activator ng potion. May alternatives naman, pero kailangan mong sundin itong nasa listahan. ’Yon kasi talaga yung challenge ng activity,” paliwanag ni Forest.
“What are the alternatives?”
“Mahahanap lang sila madalas sa Forest of Life and Death kaya ’wag mo nang isiping mandaya.” Sinimangutan ko lang siya dahilan para mapahalakhak siya. “Kung love potion ang gagawin mo, dapat yung luha mo e galing sa puso. Isipin mo na lang yung mga alaala niyo ng mga magulang mo, gano’n!”
Hindi ako nakaimik. Since wala akong magulang, si Master Acius na lang ang isipin ko. Ano ba yung mga alaala namin na pwede kong iyakan?
“Pupwedeng tears of joy ’yan! Basta dapat positive!” dagdag niya.
Tears of joy? Hindi ko alam kung paano ako magpo-produce no’n. Hindi ba pwedeng tusukin ko na lang ’tong mata ko para maluha ako?
Lahat ng paraan ay sinubukan namin ni Forest. Kiniliti niya ako para maiyak daw ako sa sobrang katatawa, pero nasusuntok at natatadyakan ko lang siya nang malakas sa tuwing ginagawa niya ’yon kaya sumuko siya. Sunod ay nagpatawa siya nang nagpatawa. Nagbato ng jokes, nagpapangit ng hitsura, sumayaw! Lalo lang akong nairita sa ginawa niya.
Dahil fail ang training kuno namin, tinrabaho na lang niya ang paggawa ng asukal gamit ang sugar cane.
“May isang oras ka na lang para lutuin ang mga sangkap. Ano, kaya mo na bang lumuha?” Pinaningkitan ko lang siya ng mata. Napangiti siya. “Siguradong tutulungan naman kayo ni Mrs. Fairylade. Tara, hatid na kita sa Potion Lab.”
Habang naglalakad kami, binibigyan niya ako ng tips. Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman yung mga sinasabi niya dahil nagtutugma ang mga ’yon sa mga sinabi ni Mrs. Fairylade sa lecture kanina.
Nang marating na namin ang lab, nag-iwan pa siya ng isa raw importanteng tip.
“Ang huling sangkap na ilalagay mo ay ang luha mo. Katumbas ng isang patak ng luha ay bente cuatro oras na effectivity ng potion.”
“Paano ko malalaman na effective yung luha na pumatak?”
“Magiging pula yung tubig. Ibig sabihin no’n, kumpleto na ang love potion! May mahika ang mga equipment sa lab kaya ’wag kang mag-alala. Sundin mo lang ang mga sinabi ko.”
Huminga ako nang malalim bago tuluyang pumasok sa Potion Lab. Halos nandoon na lahat ng mga kaklase ko. Dumiretso ako sa bakanteng mesa sa likod at ipinatong doon ang bitbit kong basket.
Kumpleto na rito ang mga gamit. Cauldron, stirring rod, ladle, knife at pessel and mortar. Una kong kinuha ang cauldron at ipinatong sa lutuan na nasa paanan ng mesa. Pagkapatong na pagkapatong ko, biglang umapoy yung lutuan. Isa lamang itong kahon na gawa sa bato na may lamang mga kahoy.
Ibinuhos ko sa cauldron ang sparkling water. Habang hinihintay na kumulo iyon, nilagay ko sa mortar ang pulang rosas at dinurog iyon doon. Ganoon din ang ginawa ko sa dahon ng Life Tree. Matapos ’yon, yung grapes naman ang piniga ko. Inipon ko yung juice sa kanina’y lalagyan ng sparkling water.
Nang kumulo na ang sparkling water sa cauldron, nilagay ko na ang katas ng sugar cane na inipon ni Forest. Hinalo ko iyon ng tatlong beses. Sunod do’n ay ang grape juice at crushed rose na nagsabog ng makaagaw-pansin na halimuyak sa buong lab. Ibinuhos ko na rin ang dahon ng Tree Life na nagbigay buhay sa loob ng cauldron. Hinalo ko muli iyon ng tatlong beses. Ayon kay Forest, kailangan din daw tantiyahin ang paghalo.
Habang naghihintay ng tatlumpung minuto, sinubukan ko nang magpaiyak. Masasayang alaala? Kaunti lang ang mayroon ako no’n. Hindi na ako mapakali. Paikot-ikot na rin si Mrs. Fairylade sa amin, pinapanood ang ginagawa namin.
“Mayroon ba sa inyo na nahihirapan sa huling sangkap?” tanong niya.
Marami ang mga nagtaas ng kamay at nagsabi ng kanilang saloobin, ng rason kung bakit hindi sila maluha. Tahimik akong sumasang-ayon sa kanila.
“I did see this coming.” Ngumiti si Mrs. Fairylade at may isang pot na ipinatong sa kanyang mesa. “I boiled a periwinkle that helps trigger sweet and lovely memories of yours! Who wants a cup?”
Pumila ang mga kaklase ko sa mesa ni Mrs. Fairydale para inumin ang inaalok niya. Mukhang effective ang kanilang pag-inom dahil pagbalik nila sa kanilang mesa, nakangiti na silang lumuluha. What a bunch of weirdos!
Lumapit na rin ako kay Mrs. Fairylade. Sinalinan niya ang isang cup at pinaubos ito sa akin. Naghintay ako ng ilang segundo pero wala akong nararamdamang pagbabago.
“It’s not working.”
Tumaas ang kilay niya. “You sure, sweetie?”
Ibinaba ko ang cup. “One more, please.”
“It’ll taste bad if you drink too much,” she warned.
“It’s fine.”
Nagsalin siya muli sa tasa ko. “It’ll taste really, really bitter.”
Walang alinlangan kong ininom ang laman ng tasa. Noong una ay manamis-namis pa rin ito, ngunit nang kalaunan ay bigla itong pumait. Halos masuka ako sa lasa, pero hindi ko ito malabas.
Bumalik na ako sa mesa ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang biglang rumaragasang bumalik sa akin ang lahat ng mga alaala ko mula noong limang taong gulang pa lamang ako.
“Lierre!” Dalawang batang pamilyar ang mukha ang nakikita at naririnig kong tumatawag sa pangalan ko. Maaliwalas ang kanilang mga mukha, kumakaway sa akin. “Kakain na raw sabi ni Tatay Mario!”
Nakita ko rin ang mukha ng batang kilalang-kilala ko, ngunit punong-puno ng kainosentihan at kalayaan ang mga mata nito na hindi ko na makita ngayon sa tuwing humaharap ako sa salamin.
“Hoy, Mara! Zalchad! Hintayin niyo ’ko!”
Tumakbo sina Mara at Zalchad kaya napilitan ang batang si Lierre na tumakbo upang makahabol sa kanila. Dinambahan niya ang dalawa nang maabutan niya at sabay-sabay na nagtawanan.
Naramdaman ko ang pagkawala ng luha mula sa mata ko. Sunud-sunod na pumatak ang mga iyon sa cauldron at unti-unting naging pula ang laman niyon. Kusa na ring namatay ang apoy ng lutuan. Ibig sabihin, kumpleto na ang love potion.
Ngunit hindi pa rin tapos ang pagbaha ng mga alaala sa ulo ko. Muli kong nakita ang imahe ng isang matandang lalaki na sumusuka ng dugo dahil sa pambubugbog at pagpapahirap na ginagawa sa kanya. Umusbong ang matinding galit sa dibdib ko.
“Tatay Mario,” bulong ko.
Parang sasabog ang puso ko nang makita ang isang ngiti sa labi ng matanda. Naikuyom ko ang palad ko. Nagngitngit ako sa sobrang galit.
Napalitan ang imahe. Nakita ko ulit sina Mara at Zalchad, umiiyak, nagbabaga sa galit ang mga tingin sa akin. Hanggang sa napunta ang senaryo sa pagbigti kay Tatay Mario at pagsaksak sa munting mga katawan ng dalawa kong kaibigan. Gusto kong magsisigaw at magwala upang maibsan ang sakit at galit sa dibdib ko.
Nagulat ako nang makitang nasa harap ko na si Mrs. Fairylade. Pinitik niya lamang ang kanyang mga daliri at sa isang iglap, bumalik ako sa katinuan. Para akong nagising mula sa isang bangungot.
“I told you, you won’t like the taste.” Gamit ang kanyang hinlalaki, pinunasan niya ang luha na muli na namang nagbabadyang tumulo sa mata ko. Ngumiti siya sa akin. “This is the tears of pain, sorrow and hatred. Quite powerful. You wouldn’t want it to be mixed in your love potion, sweetie.”
Umalis na siya sa tabi ko at bumalik sa harapan. Nangunot ang noo ko nang maramdamang lahat ay nakatingin sa akin.
“Uh… listen, class. It is partly my fault for letting her drink periwinkle tea more than necessary. I’ll take responsibility for the damage, so don’t blame her.” Muling ngumiti sa amin si Mrs. Fairylade. I admit that she’s the nicest and the prettiest instructor I’ve ever met in my life. Mayroon siyang maliit na mukha, mapungay na mga mata, matangos na ilong at mapulang mga labi. Hindi mo aakalaing may asawa’t anak na siya. But… what damage is she talking about?
Inilibot ko ang tingin sa buong lab. Nagulat ako nang makita ang pader sa likod ko na mayroong malaking butas.
“What… when… who the fudge–”
Natigilan ako nang muling maramdaman ang kakaibang titig sa akin ng buong klase. Nilingon ko ang lalaking nasa tapat ko. “Was this my doing?” Dahan-dahan siyang tumango.
“Since tapos na kayong lahat, ilipat niyo na sa bote ang potions ninyo. I will collect them afterwards. Don’t forget to attach your names, okay? Also, clean your tables before you go. We’ll continue the activity next meeting.”
Habang naglilinis na kami ng mga pinagkalatan namin, biglang may isang matanda na aligagang pumasok sa lab. Nangunot ang noo ko nang makilala siya. Ang matandang hardinero!
“Mrs. Fairylade! May problema tayo!”
“Sir Albous, ano ho iyon?”
Sumeryoso ang mukha ng matanda. “Halos kalahati ng mga bulaklak sa hardin nalanta!”