Matapos ang mga klase ko sa umaga, minabuti kong lumayo-layo na muna sa mga estudyante rito sa Academia. Nauubos na rin ang pasensya ko sa mga tinginan at bulungan ng mga ito sa tuwing madadaanan nila ako.
Ilang araw bago ako tuluyang magkamalay, naririnig ko sa tabi ko na nag-uusap sina Frician at Elijah. Binabantayan nila ako noon sa clinic. Sandali akong napapagising ngunit hindi pa rin ako makagalaw sa mga sugat na natamo ko mula sa laban namin ng MBO. I didn't remember what happened after I blacked out that night. Maraming mga tanong ang gumugulo sa isipan ko. How's Devon? What the hell did I do that night? Kaya siguro ganoon na lang ako tingnan ng mga estudyante rito, baka may nagawa akong hindi maganda unintentionally.
Nagtungo ako sa Garden of Nature dahil sa payapa nitong ambience. Wala rin halos estudyanteng nagpupunta rito. Dahan-dahan akong humiga sa damuhan at pumikit upang damhin ang sariwang simoy ng hangin.
Gabi bago ako tuluyang magkamalay, nagising ako na nasa tabi ko pa rin sina Frician at Elijah. Mukha silang mga bangag na walang tulog habang tahimik na nag-uusap.
"Didn't you feel like time stopped that night?" asked Frician. "I just can't believe that Lierre just disappeared in a blink. It's not possible."
"I also noticed that." May pagdududa sa boses ni Elijah. "Hindi ko pinansin kasi Lierre was safely sent here. Ang tanong, sino ang nagdala sa kanya rito?"
Nagkibit-balikat si Frician. "Hindi rin alam ng nurse."
Kinabukasan ng hapon, nakaya ko nang bumangon mula sa ilang araw kong pagkaratay sa kama. Kumikirot pa rin ang halos buong katawan ko, ngunit nakiusap ako na sa Krymmenos na lamang magpahinga. Hindi ako komportable na pupwede akong bisitahin ng kahit na sino rito. Gusto ko na lang munang magpahinga sa isang tahimik na lugar. Krymmenos is the perfect place for resting, though it sometimes triggers worst nightmares.
Matapos kong magbihis at mag-ayos ng sarili, I slid the right side
curtain so I could come out. To my surprise, I saw another patient lying on a single white bed. She was unconscious. She looked like a princess even when asleep. Ang nakakuha ng pansin ko ay ang isang mabalbon na aso na nakahiga sa gilid ng tagiliran niya. I've met them before at the Arena! What happened to her?
Nagulat ako nang bumukas ang kurtina sa kabilang side ng bed niya. Napatingin sa akin ang nurse nang makita ako.
"This is Akira. She's also a transferee like you," said the nurse. "She fell sick the morning after you were sent here."
Tumango ako. "I see. Uh... I should go."
Ngumiti siya. "Sure. Your friends are waiting outside to fetch you." Up until my last day in the clinic, Frician and Elijah were there.
Pagmulat ko ng mga mata ko, dali-dali akong bumangot at bumagsak ulit nang makitang may nakatayo sa harapan ko at pinagmamasdan ako.
"The f**k?" naibulalas ko nang makaupo ako. Napakagat na lamang ako ng labi nang maramdaman ang pagkirot ng puwetan ko.
"Ha, look who's here. My Ace Tower friend," nakangiting sambit ni Pizselior bago naupo sa tabi ko at pabagsak na humiga sa damuhan. Umirap ako sa kanya at nanatili lamang na nakaupo. "That night... you were amazing."
Napalingon ako sa kanya nang marinig ang sinabi niya. He looked really sincere and proud. "What?" iritable kong tanong.
Bigla siyang natigilan nang mapagtanto ang kanyang sinabi. Kumalat ang pamumula ng mukha niya hanggang sa tainga niya. "Your battle with the MBO, I meant."
I rolled my eyes. "I almost died, you know."
"Almost." Tumingin siya sa akin at nangiti. "You withstood those five MBO men, in an unfair battle, while holding back."
Tumaas ang isang kilay ko. "Holding back?"
"You barely utilized your magaè and didn't even use your spiritual weapon. You fought bare-handed. You're a god." He chuckled.
I stopped for a moment. I didn't? Right, I didn't. But I couldn't feel proud about that since I was totally beaten into a pulp. Annoying.
Pizselior and I spent our lunch break talking about our gambling habits at the Ace Tower of Terra City. It felt good that someone was able to relate with my previous life. Thanks to this rebel, gumaan talaga ang loob ko. I was also relieved that he didn't ask anything about how I ended up here.
Nagtatawanan kami ni Pizselior na naglalakad pabalik sa Lecture Building. Kinukwento niya kasi ang mga karanasan niya sa Ace Tower kung saan may isang nakalaban siya na hinabol siya ng itak nang matalo niya ito sa sugal.
"I ran, of course! The old man had no chill, he literally searched around the neighborhood for one whole month." Sabay kaming humalakhak ni Pizselior nang dahil sa kwento niya. Pakiramdam ko ay lahat ng bigat sa katawan ko ay unti-unting nawawala nang dahil sa kanya. We weren't actually close, but I am strangely comfortable with him.
Hinatid ako ni Pizselior sa assigned lecture hall para sa aming Control and Magical Ethics class at nagpaalam na. Ginantihan ko lamang iyon ng isang ngiti at pumasok na sa hall. Sa pagkakataong ito, hindi ko na pinapansin ang mga bulungan ng mga estudyante tungkol sa akin. Maybe I could say that I'm finally back to my old self?
But another bomb exploded once again right in front of me. May isang estudyante na nagmamadaling pumasok sa hall at tumayo sa harapan. "Have you heard about the prophecy? The Lord was trying to hide it from us!"
Nagkaroon ng mga bulungan sa apat na sulok ng silid. Halata sa mga mukha ng iba ang pagpa-panic. Ngayon na lamang kasi muling nagkaroon ng propesiya. At madalas masamang balita ito para sa magians.
"What about it?" tanong ko. Where the hell did they hear it from? Ang alam ko ay i-a-announce pa lamang ang tungkol roon bago matapos ang linggong ito.
Tumahimik ang lahat nang mapagtantong ako ang nagsalita. What the heck is their problem? Hindi ko iyon pinansin at itinuon na lamang ang atensyon ko sa nasa harap.
"T-The cursed child will come back and destroy Magus!" Maging ang boses ng nagbabalita sa amin ay nanginginig. Napahawak siya sa desk na tila nanlalambot ang kanyang mga tuhod at anytime ay pupwede siyang matumba. "We're all gonna die! But what's worse was the Lord and the Academia keep lying to us; hiding the truth to us!"
Nagkagulo na sa loob ng silid. Mayroong sumasang-ayon at nagagalit. Ang ibang mga babae ay nagsi-iyakan na rin. It was a mess!
Then finally, may isang estudyante na naglakas-loob magsalita. "Can you recite it?"
Napalunok ang estudyanteng lalaki na nasa harapan. Gulo-gulo ang buhok nito, lukot at madungis ang uniporme na tila ba binugbog ito bago nakarating dito. Pansin ko ang panginginig ng mga labi at mga kamay niya.
"Chaos after chaos,
Another prophecy was born.
Grim, bloody, red eye
Burning with dark, threatening flames.
Cursed, venomous blood
Flows in through thy veins.
When the darkness awakened;
The seal shall break,
The power shall breakthrough
With the dark stone of death,
And overthrow the sun.
Sleeping beast
Of forgotten past.
A gleam of light
Will end the moon,
Hatred in heart,
And the aching soul.
Whichever shall prevail
Lies on the hands
Of the last child of prophecy."
Sandaling natahimik ang buong silid, tila ba hinahayaan muna nilang mag-sink in ang bawat salita sa kanilang mga isipan. Ilang sandali pa, nakabibinging sigawan at iyakan ang pumuno sa mga tainga ko. May mga hinimatay pa sa sobrang iyak at takot. Hindi ko na alam ang mga nangyayari, tila ba na-blanko na ang utak ko sa nakaririnding ingay at sigawan.
Hanggang sa mas lumala ang ingay. Nadagdagan pa iyon ng mga sunud-sunod na pagsabog at mga pagdaing at pagsaklolo, ngunit alam kong hindi na 'yon dito sa silid. Nanggagaling iyon sa isang parte ng utak ko kung saan nakakarinig ako ng mga ingay sa gitna ng giyera.
"Lierre, bakit mo ginawa sa ‘min to?"
“Tinuring ka naming isang pamilya, Lierre.”
“Bakit kailangang mamatay ni Tatay Mario, Lierre?”
Napatakip ako sa tainga ko. Wala na akong maintindihan. Basta ang alam ko lang, gusto kong tumakas. Gusto kong mawala ang mga boses. Gusto kong kumaripas ng takbo at kumawala sa bangungot na ito.
“Please stop…” naibulalas ko habang mas lalong tinakpan ang mga tainga ko. Unti-unting binabalot ng kirot ang dibdib ko. What the hell did I do in the past? Just what the f**k did I do?
Bumalik ako sa reyalidad nang maramdamang mayroong matulis na bagay na dumaplis sa pisngi ko. Rumagasa ang dugo pababa sa leeg ko. Napatingin ako sa paligid. Nandito pa rin ako sa lecture hall, ngunit iba na ang ambiance dito. Kung kanina ay may mga nag-iiyakan, ngayon naman ay nagbabaga ang mga mata ng mga kaklase ko sa galit.
Nabigla ako nang isa sa kanila ang nagbato na naman ng isang punyal. Mabuti na lamang ay mabilis ang reflexes ko at nakaiwas ako.
Napalingon ako muli sa harapan nang muling magsalita ang estudyante sa harapan. “I heard them talking… the cursed child of prophecy is either Lierre Kingsley or Akira Kawahara. But they said they were certain that it’s that woman!” Nanlaki ang mga mata ko nang makitang itinuro ako ng lalaki. Me? Cursed child?
Napahawak ako muli sa ulo ko nang biglang napuno iyon ng ingay. Nagsimula ulit na kumirot ito at ang dibdib ko. Muling nanlabo ang paningin ko at tanging naririnig ko lamang ay mga pagsabog at pagmamakaawa ng mga tao sa ’kin. Was I really that bad of a person? Am I really the cursed child? Kaya ba ako nandito? Hindi ko na makilala ang sarili ko. Sino ba talaga ako? Am I really ready to know that?
Ramdam ko ang pagbato sa ’kin ng mga kaklase ko ng kung anu-anong matitigas at matutulis na bagay. Hindi ko na masyadong napapansin iyon dahil mas nangingibabaw ang ingay at sakit sa ulo ko.
“Lierre, why did we have to die?” Paulit-ulit ang boses ng dalawang bata sa ulo ko. Lalong tumindi ang pagkirot ng ulo ko. Muli kong tinakpan ang tainga ko at kumaripas ng takbo upang matakasan ang mga boses, ngunit lalo lamang lumakas ang mga iyon. Halos mabangga ko na ang mga estudyante sa hallway ngunit wala na akong pakialam. Napahinto lamang ako nang makasalubong ko si Harold Grenvoir, seryoso ang mukhang nakatingin sa akin.
Hindi ko namalayan ang pagtakas ng mga luha sa mga mata ko. “Gramps?”
I was expecting a pair of comforting hands on my back, but I was surprised to receive deadly harsh words. “You’re a disappointment.” When I thought that those words were the worst thing that I ever received today, Gramps exceeded that expectation. Naramdaman ko na lamang ang paghapdi ng pisngi ko at ang pagbagsak ng nanlalambot kong mga tuhod. My ever lovely Gramps slapped me, harder than you could even imagine, in front of all these students that mentally murder me.
Hindi ko pa lubusan na nararamdaman ang sakit ng sampal at ng mga salita ni Gramps ay muli na namang kumirot ang ulo ko, kung kaya’t napahawak ako kaagad roon. Nakita ko na lamang na nilagpasan na niya ako at tuluyang iniwan, habang si Vergel ay humabol sa kanyang ama upang kausapin ito.
Ilang minuto akong nanatiling nakasalampak sa sahig. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong pakiramdaman. Sobrang kumikirot ang buong katawan ko—ang ulo ko, dibdib, at ang mga parte ng katawan ko na pinagbabato ng mga kaklase ko kanina.
Hirap man ay pinilit kong tumayo at maglakad sa hallway. Hindi pa rin nawawala ang tinginan at bulungan sa paligid. May ilang nagpatuloy na muli sa pagbabato sa akin. Hindi ko na halos maramdaman ang pag-agos ng dugo sa katawan ko.
Nakalabas ako ng lecture building at nagpatuloy lamang sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan patungo ang mga paa ko. Gusto ko na lang umalis dito at magpakalayo.
“We must kill the cursed child of prophecy, so we could prevent her from destroying our world!” rinig kong sigaw ng isang estudyante bago ako pinaulanan ng mga bato, punyal, apoy, at hangin na sinalo lahat ng katawan ko dahilan upang tuluyan akong bumagsak sa damuhan. Karamihan sa kanila ay gumamit na ng kanilang mga mahika. Ang iba ay naglabas na rin ng kanilang spiritual weapon.
Tumingala ako sa kalangitan. Asul na asul ang kulay na ito ngayon na tila ba napaka-ganda ng araw na ito. It was the exact opposite for me.
Idinura ko ang nagbabadyang dugo sa lalamunan ko. “You didn’t learn your lessons. I just said last time that my blood is venomous,” bulong ko nang maramdaman ang isang lawa ng dugo na umagos mula sa dibdib ko nang ibaon doon ng isang estudyante ang kanyang spiritual weapon na punyal.
Nagmistulang bingi ang mga estudyante. Tanging ang takot at galit na lamang nila ang pinakikinggan nila. Muli akong napaubo ng dugon ang mayroong muling sumaksak sa sikmura ko. Pilit akong umupo upang sumuka ng dugo, hindi alintana ang pag-agos na tila ilog sa bilis ng mga saksak na natamo ko.
“This final blow will definitely finish her,” saad ng isang babaeng estudyante at pinosisyon nang maayos ang kanyang bow at arrows. Kapansin-pansin ang nagliliyab na apoy na nakapalibot sa mga ito. Ipinikit ko ang mga mata ko. This wasn’t the death that I was dreaming of, but I guess this is for the best. Kung totoong ako nga ang cursed child sa prophecy, nararapat lang talaga akong mamatay rito.
Naimulat ko ang mga mata ko nang marinig ang pagkabali ng animo’y isang kahoy. Nakita ko na lamang na bumagsak ang bali-baling bows at arrows hindi kalayuan sa akin.
“What the f**k do you think you’re doing!” I could feel the wrath in the speaker’s voice, but it sounded a sad melody to me that I unsciously burst into tears. “Who the f**k told you that this woman…” Inangat ko ang tingin ko sa lalaking nagsasalita. Nagtama ang mga mata namin at halos maubusan ako nang hininga nang malunod ako sa mga tingin niya na punong-puno ng emosyon. “—that this woman right here is the f*****g cursed child of the f*****g prophecy? Not even the gods could tell that, so who!”
The students flinched as they listen to the authoritative man’s cursing and unending wrath. Lahat ay gusto na lamang lamunin ng lupa dahil para silang lalamunin ng buhay ng nagsasalita. Maski ako ay nakaramdam ng matinding pagkagulat dahil ngayon ko lamang nakitang nagkaganyan ang lalaking ’to. When I first saw him, his smile alone holds power, superiority, and danger. But the serene aura of his was gone—all I see and sense was danger. Ni hindi ko na namalayan na huminto na ang ingay at kirot sa ulo ko nang dahil sa kabang ibinibigay sa akin ng mga tingin niya.
“I will never forgive anyone who lays a finger on her again. Not even Master Harold nor the Lord—and not even the gods.” Hindi ako makagalaw nang naglakad siya papalapit sa akin habang hindi pinuputol ang mga tingin niyang tumatagos sa kaluluwa ko. Mas lalo pang bumilis ang pagkabog ng dibdib ko nang dahan-dahan niya akong ibuhat mula sa damuhan at kinarga sa mga bisig niya na tila isa kaming bagong kasal. “I shall give death to anyone who messes with this woman.”
Nagsimula na siyang maglakad papalayo sa mga estudyante. Wala na akong ibang makita pa kung hindi ang perpekto niyang mukha—kunot ang kilay at nakaigiting ang panga.
“Primo Klausser,” I breathed.
And for the first time today, I saw a sincere yet devilish smile that lit up my whole life.