Fourteen

2041 Words
Bumangon kaagad ako nang magising ako dahilan upang manlabo ang paningin ko. Napahawak ako sa ulo ko nang bahagya itong kumirot. Umupo ako nang maayos sa kama na mayroong asul na sapin. Mas malaki ito nang kaunti kumpara sa single beds. Inilibot ko ang paningin ko. Isang study table na nakaharap sa pader ang una kong nasilayan. Maayos at malinis ang pagkakalagay ng mga gamit sa ibabaw nito. Sa pader ay mayroong nakadikit na dalawang palapag na wooden shelf kung saan mayroong mga libro. Bumuntong-hininga ako. Nandito ako ngayon sa silid ni Primo Klausser. Matapos ang insidente kahapon, bumigay na nang tuluyan ang katawan ko. Hindi ko alam kung saan ako idinala ni Primo, ngunit nagpaubaya na rin ako dahil niligtas niya ako sa sitwasyon ko. Natigilan ako nang mapansin na tila ba wala akong nararamdaman na sakit sa katawan sa kabila ng mga sugat na natamo ko kahapon. Tiningnan ko ang mga braso ko pababa sa mga binti ko. Inangat ko ang manggas ng suot kong maluwang na pang-itaas na halos takpan na ang suot kong pang-ibaba. Nakabalot ang mga braso, sikmura, at binti ko ng mga benda, ngunit wala talaga akong maramdaman na kirot mula sa mga ito. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Primo Klausser mula roon. He looked tired, but never haggard. Nakasuot lamang siya ng purong puting t-shirt, itim na shorts, at puting tsinelas ngunit nagsusumigaw pa rin kung gaano siya kagandang lalaki. "Are you feeling okay?" pagbati niya sa akin bago sumilay ang kanyang nakakalokong ngiti. "You look cute under my clothes." Muli kong ibinaba ang tingin ko sa suot kong pang-itaas. Halos lumubog ako sa itim na t-shirt ni Primo na mukhang uniporme niya sa Academia. He probably lent it to me when I was still unconscious... but—halos lumuwa ang mga mata ko sa naisip. "Who changed my clothes?" naibulalas ko nang mapagtanto ang sitwasyon. Halos mapamura ako at mapasugod sa kanya nang biglang nawala ang ngiti niya at umiwas ng tingin. Binato ko siya ng masasamang mga tingin. "Primo Klausser!" Napatingin siya sa akin ngunit kaagad ding binawi. Napahawak pa siya sa door frame na tila ba gusto na niyang tumakbo palabas doon. "I-I had no choice. You were soaking in blood," halos pabulong na tugon niya nang hindi tumitingin sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "I-I live alone, and... I didn't have anyone to... to... ask..." Pakiramdam ko ay unti-unting nag-init ang mga pisngi ko. "Y-You did it yourself?" I was hoping that he'd just lie to break the awkwardness, but he seemed nervous. "As I've said..." Napalakas ang boses niya na parang naiirita na at napatingin sa akin, ngunit mabilis din iyong binawi. "I had no choice..." Halos ibulong na lamang niya ang sagot niya. Naipikit ko ang mga mata ko at huminga nang malalim. Nang muli akong magmulat, binigyan ko si Primo ng isang pamatay kong tingin. "Primo Klausser, run for your life, you p*****t!" Dinampot ko ang isang unan sa kama at buong pwersa na ibinato iyon sa kinatatayuan niya. Mukha naman siyang natauhan at dali-daling napatakbo palabas ng kwarto. Nang tuluyan na siyang makaalis, napahilamos ako ng mukha at napahiga ulit sa kama. "Did he see all of it?" Napasigaw ako sa inis at inuntog ang ulo ko sa tabing pader ng kama. Muli akong umupo at tiningnan ng masama ang pintuan kung saan siya nakatayo kanina. "I'll kill him, for sure!" Muli akong napahawak sa mukha ko. My cheeks were hot and all flushy. Gods, why is it so hot here all of a sudden? Lumabas ako ng silid para kumain ng almusal. Pagdating ko sa kusina, nakahanda na ang egg, bacon, at fried rice sa ibabaw ng mesa. Inilibot ko ang paningin ko sa kusina at sa sala na katapat ko lang, ngunit walang bakas ni Primo Klausser. Nasaan na ba yun? Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng sala at iniluwa si Primo roon. Wala siyang suot na saplot pang-itaas. Tanging tuwalya lamang na nakapatong sa magkabilang balikat niya at pantalon ang saplot sa katawan niya. I gulped. Wala siyang abs na madalas pagpantasyahan ng mga kababaihan, but for a reason, I felt really nervous seeing him half-naked. Inangat ko ang tingin ko sa mukha niya. He was also surprised to see me outside his room. Dali-dali niyang binalot ng tuwalya ang katawan niya. I scoffed. I've never seen him like this before. My impression about him being  cool and intimidating went away. He was still a normal teenager, after all. Matapos niyang magbihis, kumain na kaagad kami ng almusal. Halos isubsob ko ang ulo ko sa pagkain dahil sa gutom. Ngayon ko lamang naramdaman ang matinding pagkagutom simula noong magising ako matapos ang laban namin ng MBO. "Dahan-dahan," paalala ni Primo habang pinagmamasdan akong kumain. Natawa na lang din siya sa akin. Uminom ako ng tubig at nagpatuloy sa paglantak ng almusal. "Were you the one who brought me to the clinic that night?" biglaan kong tanong nang hindi tumitingin sa kanya. Imbes na sagot ang marinig ko, sunud-sunod na pag-ubo ang natanggap ko mula kay Primo. Napatingin ako sa kanya nang tunggain niya ang isang baso na puno ng tubig. "Are you okay?" tanong ko rito ngunit patuloy lamang itong umubo. "What are you talking about?" he said in between coughs and hand me an empty glass. "Water, please." Napakurap ako nang maraming beses. "Water?" Kinuha ko ang baso mula sa kanya at itinapat ang palad ko sa b****a nito. Naglabas ako ng tubig sa palad ko at pinuno ng tubig ang baso bago ibinalik kay Primo na halos isubsob ang mukha sa mesa kakaubo. Dali-dali niyang kinuha ang baso at ininom iyon, ngunit kaagad din niyang iniluwa ang tubig at tiningnan ako na parang naaasar. "Why the hell does it taste salty?" Matapos ang almusal namin ay lumabas kami ng bahay ni Primo Klausser. Ngayon ko lamang nalaman na wala pala kami sa Magi Island dahil idinala niya ako rito sa kalapit na village ng Zero Labyrinth. Noong una ay halos magwala ako sa ginawa niya, ngunit hinayaan ko na lang din dahil magsasayang lang ako ng laway. Wala rin naman siyang pakialam kahit anong panenermon ko. Maliit lang ang bayan na ito at halos dikit-dikit ang mga kabahayan, ngunit mapapansin ang creativity ng mga tao rito lalo na ngayong kapistahan. Kapansin-pansin ang mga matitingkad na kulay ng iba't ibang espada na nakasabit sa mga bahay at mga puno at nagsisilbing bandiritas. Habang naglalakad ay mayroon akong nakitang isang arko na may nakalagay na ZERO MARKET. Napalingon ako kay Primo na dire-diretso lang sa paglalakad. "Can we go there?" bulong ko sa kanya at itinuro ang arko. Napatingin siya sa itinuro ko at napangisi. "Shall we?" Tumango ako. "Do they sell cool stuff there?" "Like?" "Weapons," mabilis na tugon ko. "And foods." Humalakhak siya. "Sure, we can go splurge there tonight. But first, you should go wash up at the nearest falls." "And my clothes?" "I'll buy... No, I think you should come." Hinila niya ako sa ibang direksyon at napadpad kami sa isang lugar kung saan mayroong isang maliit na shop na mayroong tinitindang mga antigong gamit. Pumasok kami ni Primo roon, ngunit hindi pa man nakakabati yung tindera doon ay hinila na niya ako sa may hagdan pababa. Ibang shop muli ang bumungad sa amin. Ang tinitinda naman nito ay iba't ibang mga gamot at potions. Hindi na ako nag-abala pang mag-usisa dahil dumiretso ulit si Primo sa isang pinto at pumasok doon. Marami pa kaming pinto na nadaanan at halos mahilo na ako sa pasikot-sikot dito. Hingal na hingal ako nang sa wakas ay huminto na siya sa paglalakad. Napaawang ang bibig ko nang bigla niyang hawakan ang mga kamay ko at hinila papalapit sa tindera. Inilibot ko ang tingin ko sa shop at punong-puno ito ng mga saplot na para sa babae at lalaki. "Klausser!" naibulalas ng matandang babae nang makita si Primo. "Ngayon na lamang ulit kita nakita rito. Kasama mo na ba si—" "My woman needs clothes," pagputol ni Primo sa sinasabi ng matanda at nangiti. Wait, did I hear that right? "You look beautiful as always, Mrs. Lauzon. Nice to see you again." Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Naalala ko ang una naming pagkikita. May sinabi rin siya sa akin na tulad no'n. Ganyan ba siya sa lahat ng babae? "Ah! Bolero ka pa rin, batang Klausser," natatawang sambit ng matanda at itinuon ang pansin sa akin. "Ano ulit ang pangalan mo, hija?" Nag-aalangan akong ngumiti. "Lierre ho. Lierre Kingsley." “The sole survivor of the Kingdom of the Waves; granddaughter of the Lord of the Shadows,” singit ni Primo bago pa magtanong ulit si Mrs. Lauzon. Napataas ang isang kilay ko. Did he do a research on me? Duh! “Alright, so you’re that child.” I didn’t know what she meant when she said ‘that child,’ but I just shrugged it off since Primo told me to look around and pick clothes. Matapos kong mamili ng ilang pares ng damit, dumiretso na kaagad kami sa Minth Falls. Halos mapa-nganga ako nang maramdaman ang kakaibang ambience dito at nang makita ang napaka-gandang tanawin. Umihip ang malakas na simoy ng hangin na nakipaglaro pa sa lagpas balikat kong buhok. Nakapalibot sa lugar ang mga makukulay na bulaklak at dahon na siyang nagpaliwanag sa buong paligid. Hindi rin maitatangging kahali-halina ang tubig dito sapagkat para itong nag-i-sparkle. Naalala ko rito ang isang ingredient sa love potion na ginawa namin noon, ang sparkling water. Tinawag itong Minth Falls dahil ito raw ang kaisa-isang anyong tubig na iniregalo ni Eldoris kay Minth. Binuo niya raw talaga ang lugar na ito para lamang sa kapatid. Kaya siguro ganito na lamang ang epekto nito sa akin, tila ba bumalik lahat ng naubos na lakas ko mula noong tumapak ako sa Magi Island. Dahan-dahan akong lumapit sa tubig. May ibang mga tao na rin na nakababad doon bago pa kami dumating. Mukhang sikat itong paliguan sa mga taong ’to. Nang tuluyan akong lumubog sa tubig, halos makaramdam ako ng matinding antok sa sobrang kalmado ng tubig. Nararamdaman ko rin na pinalibutan ako ng mga maliliit na isda na ngayon ko lamang Nakita sapagkat patay na ang karagatan noong kupkupin ako ni Master Acius. Lumingon ako kay Primo na ngayon ay nakaupo sa isang malaking bato. Nakababad ang kalahati ng binti niya sa tubig. “Why don’t you join me?” tanong ko rito nang makitang nagmamasid lamang siya sa paligid. Halos pagsisihan ko na tinanong ko siya no’n nang makita ang pamilyar na kurba sa kanyang mga labi. “Nevermind, Primo Klausser. I don’t wanna hear it.” Humalakhak siya nang malakas nang makita ang iritable kong mukha. Tuwang-tuwa talaga siya kapag nasisira niya ang mood ko. “Alam mo ba kung bakit madalas maligo ang mga tao rito?” biglang tanong niya at nangiti, ngunit mukhang pilit na ito. “Kasi masarap ang tubig?” I guessed. Lalong lumapad ang ngiti niya. “Maganda ang paligid?” Napahalakhak muli siya at sinipa ang kanyang mga paa sa tubig dahilan upang tumalsik sa akin iyon. “Primo!” I groaned. “People believed that this water cleanse their souls and wash their sins away.” Natigilan ako nang marinig iyon mula sa isang Primo Klausser, the very great leader of Mortal Seven. Napansin ko na napatingin siya sa malayo, tila ba may iniisip. “Kaya mo ba ako idinala rito?” I joked which made him laugh so hard that he couldn’t breathe. I splashed water towards him. “If that’s the case, you should bathe here, too!” Lumangoy ako papalapit sa kanya at hinigit ang paa niya na nakababad sa tubig. Napasigaw siya nang dumulas siya sa bato at nalaglag sa tubig. Hindi ko mapigilang mapahalakhak dahil doon. Gano’n din naman siya. Ngunit nagulat ako nang bigla siyang yumakap sa akin at nagpalubog sa kailaliman ng tubig. We were both laughing underwater that he almost drank a barrel of water. Ako pa talaga ang hinamon niya, e batang tubig ako! Nang makaahon kami, halos maubusan ng hininga si Primo. Lumangoy siya papalapit sa mga bato at umaktong susuka roon. Tinapik-tapik ko nang malakas ang likod niya. “Mukhang sinusuka mo na ang mga kasalanan mo, a,” muli kong sambit dahilan upang matawa siya sa kalagitnaan ng pag-ubo at suka niya. Malapit nang magdilim nang umahon kami sa tubig. Sa tabi na lang din kasi kami kumain ng lunch dahil mayroong nagtitinda ng mga pagkain sa b****a ng lugar. Sa tagal ng pagbabad ko sa tubig na ito, baka magmukha na akong bagong silang na sanggol sa sobrang linis ko. Napangiti ako nang mapait sa naisip.  “I really hope this water could cleanse my soul and wash my sins away.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD