"Masama ang kutob mo sa kanya?"
"I'll really kill myself if something bad happens..."
Matapos naming gumayak ni Cohen ay lumabas na kami ng Academia. Nagpaalam muna kami kay Ms. Thomnus sa paglabas na gagawin namin at dahil good shot kami sa kanya, mabilis lang namin siyang napapayag.
Habang naglalakad, ilang beses kong narinig na bumuntong-hininga itong si Cohen. Balisa rin siya at hindi makausap.
Nakarating kami sa isang village kung saan katamtaman ang laki ng mga kabahayan. Hindi ito tulad ng northern village na magkakadikit ang mga bahay. Ang mga nakatira dito ay mukhang may kaya sa buhay.
Tinahak namin ang kahabaan ng nayon. Ayon kay Cohen, nasa bandang dulo pa ang bahay na ibinigay niya kay Kroye. Halos maubusan ako ng hininga sa hingal sa layo ng paglalakad namin, ngunit mukhang walang ibang napapansin si Cohen. Malalim ang iniisip niya at diretso lang ang tingin sa harapan. I could feel fear and doubt within him, but I don't quite understand why he felt such emotions.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. I felt some faint energies from around us, probably from magians who were at home in that moment. Ngunit nang marating namin ang mismong bahay ni Cohen, biglang mayroon akong naramdaman na kakaibang enerhiya.
Nang makita kong papasok na si Cohen sa bahay, hinawakan ko ang braso niya upang pigilan siya.
"Will you be okay?" bulong ko sa kanya. Sandali siyang tumitig sa mukha ko na tila ba sinusubukan niyang memoryahin iyon, pagkatapos ay kaagad din siyang tumango.
Binitawan ko si Cohen at hinayaan siyang buksan ang pinto gamit ang kanyang susi. Pagbukas na pagbukas nito, bumungad sa amin ang mukha ni Froye na halos lumuwa ang mga mata nang makita kami. Sa isang iglap, nawala ang kakaibang enerhiya na kanina lang ay naramdaman ko.
"What's going on, Kroye?" kalmado na tanong ni Cohen nang makita ang bata. Nagulat kami nang bigla itong lumuhod at umiyak.
"Patawarin ninyo ako, Ate, Kuya." Bakas sa boses ng bata ang pagsisisi at pagdalamhati. "Napag-utusan lang talaga ako. Papatayin nila ang Lola ko."
"What did you do?" tanong ko rito at ipinatong ang palad ko sa balikat niya. "Tell us, so we can help you."
Umiling-iling si Kroye. "It has started now."
The moment he said that, it was as if some strange energy crept into my body up to my head. Then I felt my whole body burning up, as well as my right eye. I was literally engulfed by dark flames, but I felt strangely safe.
"Lierre..." I heard Cohen mumbled while staring at me. His eyes were filled with nothing but worries.
"What—" Sinubukan kong magsalita ngunit milyon-milyong imahe ang rumagasa sa utak ko, ngunit ni isa ay wala akong maintindihan. "What's happening to me?"
Halos mapa-nganga sina Cohen at Kroye nang makita ang kalagayan ko.
"Your eye turned red," tanging nasabi ni Kroye habang nakatulala sa akin. Ngunit nagulat ako sa susunod niyang sinabi. "The prophecy has started." Nang mapagtanto niya ang kanyang sinabi, rumehistro ang takot sa kanyang mukha at walang sabi-sabing tumakbo palayo habang paulit-ulit na sumisigaw ng the prophecy has started. Has it, really?
Muli kong tiningnan si Cohen. Nakatitig lamang siya sa akin, ngunit walang bakas na takot sa mukha niya.
"Please run," bulong ko sa kanya at ipinikit ang mga mata ko. Ramdam ko ang kakaibang enerhiya na pumapalibot sa buong katawan ko. Hindi pamilyar sa akin ang enerhiya na ito. Ngayon ko lamang naramdaman ang ganitong klaseng enerhiya. "Run, please," I almost begged.
"Shh. It's okay," bigla niyang sabi. Naramdaman ko ang unti-unting paglapit niya sa akin, kung kaya't napaatras ako. Natatakot ako sa pupwede kong magawa sa kanya.
"Leave, Cohen!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi siya natinag.
Umiling siya. "Never."
"Please leave me alone!" hiyaw ko at muling umatras. Ngunit namayani ang pagkagulat sa buong pagkatao ko nang biglang tumakbo papalapit sa akin si Cohen at niyakap ako nang mahigpit. Naimulat ko ang mga mata ko at nakita ang pag-inda niya ng init na nagmumula sa katawan ko. He might be a fire user, but this dark flame could still hurt and burn him. "Cohen!" I groaned as I burst into tears.
"It's okay," bulong niya at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Lahat ng takot at pag-aalala ko ay biglang napawi. Kasabay no'n ang unti-unting paghupa ng itim na apoy na bumabalot sa buong katawan ko. Halos maubos ang lahat ng lakas ko nang biglang kumawala ang makapangyarihang enerhiya mula sa katawan ko. Muntik na akong matumba, buti na lamang ay nasalo ako ni Cohen.
"I didn't know," napapaos kong bulong sa kanya habang yakap pa rin niya ako. "I never had any intention to destroy Magus."
"I know. It's not your fault," bulong niya pabalik at marahan na hinaplos ang ulunan ko. "It's not yet confirmed."
"And if it is?"
"I'll make sure to change the outcome."
Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa mga bisig ni Cohen. He made me feel warm and secure. Miss Thomnus was right. We have this siblings-like closeness, even though this jerk announced that it already ended on our mission at Terra.
Sabado na nang makabalik ako sa Krymmenos. Ayoko munang umuwi sa Gremvoir Residence at hindi ko pa kayang harapin si Gramps. Ilang araw ko na ring hindi nakikita si Uncle Vergel.
Pagbukas ko ng main door ng Krymmenos, nagulat ako nang makita sina Frician at Elijah na nakaabang sa akin. Hindi ko inaasahan na pipiliin nilang manatili rito at hindi umuwi upang makita lamang na mabuti ang kalagayan ko.
"Welcome back, Lierre!" masayang bati ni Frician na ikinagulat ko. She's not usually hyper.
"I heard you stayed in Cohen's room," mapanuyong sabi ni Elijah dahilan upang mapairap ako.
"So?" iritable kong sabi. Ngumiti lang siya nang nakakaloko sa akin. "Ang dumi ng utak mo."
"Ano ba'ng sinabi ko?" nangingiting sabi niya at lumingon kay Frician. "Cian, may sinabi ba ako?"
Umiling si Frician. "Mukhang defensive lang si Lierre."
Hindi ko na lamang pinansin ang pang-aasar nila. Wala rin akong mapapala kung papatulan ko sila. Ngunit akmang papasok na ako sa loob ng gusali, nang mapansin ko ang suot nilang mga damit. Asul na long sleeves na mayroong tatlong butones pababa sa dibdib, abot-tuhod na malambot na pang-ibaba, at mga tsinelas. Mayroon ding mga nakasabit sa leeg nila na salakot.
"Ano'ng meron?" kunot ang noong tanong ko.
Nangiti nang malapad si Elijah. "Since hindi tayo kumpleto kahapon, naisipan naming ngayon gawin ang mandatory service ng house natin—farming at harvesting."
"Seriously, Eli?" Nilingon ko si Frician. "You agreed to this nonsense?"
"Well... you haven't done any work since you've moved here," nangingiting sabi niya, tila ba natutuwa pa siya sa mga nangyayari.
"I just fixed the garden—" Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko dahil pointless lamang iyon. "Oh, nevermind. I'll just go change," sabi ko na lamang at nilagpasan sila upang umakyar sa kwarto ko.
"Sure! We'll wait for you here!" sigaw ni Elijah at bumulong pa kay Frician. "This will be fun."
Pagkababa na pagkababa ko, hinila na ako ng dalawa papunta sa likod ng Mortal House kung saan matatagpuan ang napakalawak na taniman. Hindi ko pa rin mapigilang mamangha kahit na ikalawang beses na akong nakapunta rito. Bukod sa napakasariwa ng hangin na bumungad sa amin, napakasarap dim sa mata ng mga halaman na sagana sa bunga. Noong pumunta kami rito ni Forest, hindi pa ganito ang hitsura ng mga ito. Mukhang mayroon ding mahika ang lupa rito sa Magi Academia dahil mabilis at maganda ang tubo ng mga gulay at prutas.
"Mukhang masarap ang ulam natin mamaya, a?" nakangiting sabi ni Elijah habang hawak-hawak ang pinitas niyang repolyo. Nakangiti rin si Frician habang maliksing pumipitas ng mga gulay at inilalagay sa nakahilerang mga basket. Mukhang ito ang paborito nilang trabaho bilang residente ng Krymmenos.
Sumunod na rin ako sa pagpitas nila ng mga bunga. Nagsimula ako sa mga prutas na halos kuminang sa sobrang sariwa. Kumagat ako ng isang cherry tomato na kakapitas ko lamang. Napangiti ako nang malasahan ang kakaibang tamis nito.
"I can do this forever," nangingiti kong sabi at masiglang naghanap pa ng mga hinog na bunga. Nahinto ako sa isang puno na hanggang baywang ko lamang, ngunit makakapal at matitibay ang mga sanga nito. Dalawa lamang ang kulay itim na bunga nito na tila ba mahirap talagang magbunga ang ganitong puno.
Akmang pipitasin ko na ang mga ito nang nang biglang nagsalita si Frician sa tabi ko. Halos mapatalon ako sa gulat. "Careful, Lierre. They might explode."
Inismiran ko siya. "Kaya 'wag mo akong gulatin. My gods."
Ngumiti si Frician. "They explode when handled roughly, but they're edible." Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya sa tabi ko at nagpunta sa ibang mga tanim.
Pinagmadan ko ang mga itim na prutas. How are we supposed to eat them when they are explosives? What if they explode in our stomach? Umiling ako sa naisip ako at maingat na pinitas ang mga ito. Dahan-dahan din ang paglapag ko sa basket, nang...
"Boom!" Nahagis ko ang huling itim na prutas sa pagkagulat ko. Nang bumagsak ito sa lupa, bigla itong sumabog at nagtalsikan sa mukha at katawan ko ang malagkit na asul na likido. Narinig ko na lamang ang malakas na halakhak ng isang lalaki na apat na hakbang lamang ang layo mula sa akin.
Pinunasan ko ang mukha ko gamit ang dalawang palad ko at inis na nilingon ang pinanggalingan ng tawa. "Damn you!"
Mas lalong lumakas ang pamilyar na tawa ng lalaki. Nang tuluyan kong makita ang postura at ang hitsura nito, halos mabitawan ko ang hawak na basket. Sobrang bumilis din ang t***k ng puso ko nang makita ang pagporma ng isang ngisi sa mga labi niya.
"I miss you."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa basket at nanatili lamang na nakatingin sa kinatatayuan niya. Hindi pa rin matigil ang mabilis na pagtakbo ng kabayo sa dibdib ko.
Napasinghap ako. "Primo Klausser."
Sumalampak kaming dalawa sa lupa at ilang minutong natahimik. Nabigla na lamang ako nang ipinunas ni Primo ang hintuturo sa malagkit kong mukha at dinilaan ang daliri. "A little sour," nang-aasar niyang sabi.
Sinimangutan ko siya. "Did they punish you?"
Natigilan siya sa sinabi ko, ngunit kaagad niya ring pinalitan iyon ng isang ngisi. "Were you worried?"
I rolled my eyes. "I'm serious."
Humalakhak siya. "It's something physical. Easy-peasy for me."
Pinagmasdan ko ang maaliwas nitong mukha na nagsusumigaw ng walang katapusang otoridad. He seemed okay to me, but I'm not really sure.
"Are you sure about that?" paniniguro ko. Nangiti siya sa akin at bigla akong hinila dahilan upang mapasubsob ako sa dibdib niya. "Ya! Bitawan mo ako, Primo!" halos pasigaw na bulong ko habang pilit na kumakawala sa kanya, ngunit lalo lamang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.
"What can I do? I missed you like crazy," bulong niya pabalik. Sa pagkakataong ito, hindi na nang-aasar ang tono ng boses niya kundi seryoso at sinsero na ito. Nahinto ako sa pagpupumiglas at ipinikit ang mga mata ko upang pakiramdaman ang mabilis na pagkabog ng dibdib niya.
Matapos naming magpitas ng mga bunga ay nagpahinga kami sa isang malapit na picnic table. Inihilera namin ang halos labinlimang basket na punong-puno ng iba't ibang gulay at prutas. Napabilis ang trabaho namin dahil sa pagtulong ng Mortals na sina Primo, Pizselior, Forest, at Cohen. Ngunit kaagad ding umalis ang tatlo dahil may dapat pa silang asikasuhin sa labas ng Academia at naiwan si Forest sa amin.
Habang nakaupo kami ni Frician sa picnic table at kumakain ng mga prutas na itinabi namin para sa amin, sina Elijah at Forest ay bumuhay ng apoy ilang metro ang layo sa amin at sa taniman. Napagdesisyunan kasi namin na rito na magluto at kumain.
"How's your mission with Cohen?" pangungumusta sa akin ni Frician bago kinagat ang malutong na mansanas.
"Good. He's someone I would like to be teamed with in my every mission," nakangiti kong sabi habang inaalala ang mga pangyayari sa Terra City at sa insidente sa village nila sa Capital.
Nangiti rin si Frician. "He's that good?" tanong niya na tinugunan ko lamang ng isang tango, saka rin ako kumuha ng isang mansanas sa mesa at hinahagis-salo iyon gamit ang isang kamay ko. "Maybe that's why he was chosen."
Nahinto ako sa paglalaro sa mansanas at napatingin kay Frician. "What do you mean he was chosen?"
Tumaas ang dalawang kilay niya na tila ba hindi inaasahan ang naging sagot ko. "You didn't know? Nakilala talaga si Cohen bilang bata ni Lord Kira."
"You mean he's close with The Lord?" gulat kong tanong. Hindi ko inaasahan ang impormasyon na iyon. Come to think of it, wala pa naman talaga akong alam tungkol kay Cohen. Alam niya ang mga sikreto ko, ngunit hindi pa siya nagkuwento kailanman sa akin.
"You really didn't know?" hindi makapaniwalang sabi ni Frician. "He's the closest person to Lord Kira. I could never imagine the pressure."
Is this also why he wanted everything to turn out perfectly? Wow, Cohen! Ano pang hindi ko alam tungkol sa 'yo?
Habang tahimik na nag-iisip tungkol sa rebelasyon na nalaman ko, nagitla ako nang biglang mayroong saplot na pumatong sa ulo ko.
"Punasan mo muna ang sarili mo bago ka kumain," natatawang sabi ni Forest. "Just look at yourself. Mukha kang naligo ng dugo ng halimaw."
"Blame your fellow Mortal," nakasimangot na tugon ko at pinunasan ang buhok at mukha ko gamit ang puting tela na ibinigay ni Forest. "It was the explosive fruit. It's my first time seeing one."
"That's a surprise for someone who used to live in Terra City," komento ni Elijah bago inihapag ang umuusok na palayok sa ibabaw ng mesa. "It's a soup I made from the explosive fruit."
Sinimangutan ko siya. Seriously.