Twenty Five

1694 Words
Nandito ako ngayon sa Garden of Nature kung saan ako madalas magpunta upang makamit ang panandaliang kapayapaan. Nagpaalam kasi kanina sina Elijah at Frician na uuwi muna sa sari-sariling teritoryo na kinabibilangan nila matapos naming gawin ang trabaho namin sa taniman. "Baka huling uwi ko na ito ngayong school year," ani Frician habang nag-iimpake ng kaunting kagamitan sa kanyang backpack "What do you mean huli?" nagtatakang tanong ni Elijah sa kanya. "May nabalitaan kaming itatayo na ang Border sa pagitan ng Terra City at ng iba pang teritoryo," malungkot na saad niya ngunit ngumiti pa rin sa amin. She truly is a brave woman. "Border?" tanong ko. "I haven't heard about that. Why so sudden?" "It's to prepare for the upcoming war and to protect everyone from Shiro's gang." Bumuntong-hininga si Frician. "I really have to work hard and become a great magian, so I could save our territory from the evil, manipulative man." Punong-puno pa rin ng pag-asa ang kanyang mga mata. "I will also work hard for that goal." Elijah beamed brightly. "We both share the same goal, anyway. To save our loved ones from evil." Pinagmamasdan ko lamang silang mag-usap nang bigla silang lumingon sa akin nang sabay. Sa mga tingin pa lamang nila ay kinabahan na ako. "Ikaw, Lierre, ano ang goal mo? As you, a! Hindi as a magian," tanong ni Elijah na nagpatigil sa mundo ko. Hindi ko pa napag-iisipan ang mga ganoong bagay. Basta ang alam kong purpose ko lamang sa Magus ay ubusin ang masasamang loob sa pamamagitan ng paggawa ng mga misyon mula sa itaas o kay Master Acius. Wala akong pansariling plano para sa sarili kong hinaharap. "Let me rephrase it!" pagsingit ni Frician at binigyan ako ng isang matamis na ngiti na punong-puno mg pangarap. "What keeps you going?" Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang sagot ko sa tanong na iyon. It was an honest question that only requires my own honest answer. Ngayon ko lamang din naisip na itanong iyon sa sarili ko. What keeps me going? "Magus." Nagulat ako nang biglang magsalita si Pizselior sa likod ko. Sumalampak siya sa damuhan sa tabi ko at tumingala sa kalangitan na tila ba mayroong malalim na iniisip. "Ano'ng sinabi mo?" tanong ko sa kanya nang lingunin ko siya. "Ang ganda ng Magus," he replied with a glittering smile. Para siyang isang maamong tuta kapag nangingiti. Naalala ko tuloy 'yong batang siya na lumalaban sa Arena ng Ace Tower. Bold, yet innocent. Nangiti ako. "Do you think so?" Tumango siya nang hindi nawawala ang ngiti sa labi. "I realized it when I was on a mission at the top of Mount Blaze. Less than a year ago." "Is that why you're crazy about dangerous missions?" pang-asar ko sa kanya dahilan upang mawala ang ngiti sa mga labi niya at nilingon ako. "Who said that?" I shrugged. "You're pretty famous around here, you know." Saka ako napahalakhak nang makita ang tila nalugi niyang mukha. Totoo namang narinig ko iyon sa mga estudyante rito sa Magi Academia. Tinatawag din siyang Rebel dito dahil ginagawa niya lahat ng gusto niyo, ngunit nagiging seryoso siya pagdating sa mga misyon. Inismiran niya ako at muling ibinalik ang tingin sa harapan. "I'm desperate," halos pabulong na sabi niya. "About?" "Saving Magus and protecting its magians." Lumingon siya sa akin at muling nangiti. His eyes pierce into my soul as if he has the ability to look through it. "How about you? Isn't that your reason why you became an assassin under Lord Acius?" Natigilan ako sa sinabi ni Pizselior. Hindi na ako nagulat na alam niya ang tungkol sa pagiging assassin ko, ngunit bumagabag sa akin ang tanong niya. Do we share the same goal? "We're quite different." Nilingon ko siya at nginitian nang mapait. "Being an assassin wasn't my choice, but an only option that I had to choose." Lalong tumitig sa akin si Pizselior. "But you eventually chose it, didn't you?" "So I could live," mabilis na sagot ko sa kanya at napatawa nang mahina. "If I had to choose between being Harold Grenvoir's granddaughter and Lord Acius' assassin, what do you think would I choose?" Hindi nakasagot si Pizselior kung kaya't nginitian ko na lamang siya at tinapik ang balikat, ngunit nagulat ako nang bigla siyang magsalita. "You have to choose being you," saad niya dahilan upang matigilan ako. "You're Lierre Kingsley before anything else. So always choose to be you, love." I was actually moved on what Pizselior said. Bakit nga ba laging ang maging apo ni Gramps at assassin ni Master Acius lamang ang pagpipilian? "Thanks, Pizselior," maluwag sa dibdib na sabi ko at sinuntok ang braso niya nang mahina. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol sa engkwentro natin with Shiro? Iyon ang una nating pagkikita." I chuckled. Naalala ko rin ang dahilan ng pagtawag niya sa akin ng love noon. Hayop na 'yan, sarap bigwasan. Napalingon siya sa akin. "You remember now?" Tumango ako. "That's why you met us before we went to our mission in Terra, right?" "Ayoko lang maulit yung nangyari noon," tugon niya at yumuko upang paglaruan ang mga d**o. Ngumiti lamang ako sa kanya. Halos mapalundag siya nang tusukin ko ng hintuturo ko ang tagiliran niya. "The hell!" naisigaw niya. Napahalakhak ako sa reaksyon niya. "I'm just glad that I made friends with The Great Pizselior," pang-asar ko sa kanya, but I really was glad for having him as a friend. Pizselior scoffed. "It's Primo's title!" Humalakhak muli ako. "Is it?" Sobrang gaan talaga ng pakiramdam ko tuwing kasama itong si Pizselior. Hindi ko alam na magagawa ko pang humalakhak nang malakas at totoo matapos ang insidente sa village nina Cohen. Ligaw na ligaw na ako. Ano ba talaga ang role ko sa Magus—wasakin ito? Maggagabi na nang pabalik ako sa Krymmenos upang magpahinga at matulog dahil may pasok na kinabukasan. Lutang talaga ako nang mga oras na iyon at hindi na makita ang mga tao sa paligid. Kaya nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko at kinaladkad ako papunta sa isang lugar na hindi ko pa napuntahan. Nakita ko na lamang na pumasok kami sa isang mataas at eleganteng gate. Sa bungad noon ay mayroong maliit na kahoy na mayroong nakasulat na Magi Academia Extension. Kumunot ang noo ko. Yun na 'yon? Nasa taas na kami? Bakit noong unang akyat ko rito ay hindi ganito kadali at kabilis? "Cohen, saan mo ba ako dadalhin?" usisa ko nang manatili siyang tahimik. "May sasabihin lang ako sa 'yo," seryoso niyang sabi. Ano kaya yun at hindi na lang niya sabihin? Nang makita ang reaksyon ko, rumehistro ang pagkairita sa mukha niya. Wow, as if masaya magpahila sa kanya. "Patience, please," kalmado pa rin na sinabi niya. Mas lalo akong kinakabahan sa ganitong istilo ng taong 'to. Napunta kami sa isang maliit at makalat na hardin. Punong-puno ng mga tuyong dahon sa damuhan na nagsasayaw sa mga paa namin sa bawat paghakbang na aming gagawin, sapagkat pinalilibutan ito ng kalbong mga puno. Sa gitna niyon ay isang lawa na Malabo na ang tubig dahil sa dumi, Binitawan lamang ako ni Cohen nang makarating kami sa gilid ng lawa at tumalikod sa akin. “I’ll be leaving for another mission.” “Alone?” kaagad na tanong ko. “Why didn’t they ask me—” Pinutol kaagad ni Cohen ang sasabihin ko. “The cursed kingdom under the ocean. Naalala mo yung mga kasabay nating tumanggap ng misyon noon doon? Hindi na rin sila nahanap pa.” Namilog ang mga mata ko sa narinig. It’s too dangerous! They should’ve asked me to come! Binalot ng takot ang dibdib ko. Ngayon ko na lamang naramdaman muli ang ganito. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. “I wanted to inform you in person.” Mahigpit na hinawakan ko ang braso niya. Hindi siya umiimik. “Don’t do it.” Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa kanya. “Don’t go, you dumbass!” Hindi ko namalayan ang mabilis na pagtulo ng mga luha ko. “Lierre.” Akmang haharap sa akin si Cohen nang pigilan ko siya. “’Wag kang haharap.” “Lierre, ano bang–” Pilit siyang lumingon kung kaya’t nabitawan ko ang braso niya. Napayuko na lamang ako at hinayaang sunud-sunod na tumulo ang luha ko. Natigilan siya nang makita ako. “Lierre.” Marahan kong sinuntok ang dibdib niya. “Don’t go, Cohen.” Naramdaman ko ang kamay niya sa baba ko. Inangat niya ang ulo ko at pinagmasdan ako. Nagkatinginan kami. Alam kong bahang-baha na ng luha ang buong mukha ko pero wala akong pakialam. Lalo akong naiyak nang makita ang maaliwalas niyang mukha. Ngumiti siya. “Kailangan kong gawin ’to, para sa kaligtasan ng buong Magus. Personal na inutos sa akin ito ni Lord Kira. Hindi ko iyon matatanggihan.” Hinaplos ng hinlalaki niya ang pisngi ko, pinunasan ang luha at isinakbit ang magulo kong buhok sa tainga ko. “Babalik ako, Lierre.” “E ’di yung Lord Kira mo ang pumunta ro’n!” bulyaw ko sa kanya. Humalakhak siya. “Nang ituring ako ni Lord Kira bilang isang tunay na anak, ipinangako ko sa sarili ko na pagisisilbihan ko siya at ang buong Magus.” Umiling ako. “Delikado ro’n. Baka mawala ka rin tulad nila. May sumpa ang tubig, Cohen! At natatandaan mo naman siguro ang nangyari kay Laura at Emerald, ’di ba? Hanggang ngayon hindi pa rin sila matino!” Tumawa lang siya. “Aah, I finally saw you concerning yourself about me. Ngayon pang aalis ako.” Hinampas ko siya nang malakas sa dibdib. “Ouch! Ikaw papatay sa ’kin, e!” Muli na namang pumatak ang mainit na likido mula sa mata ko. I can’t control it, damn it. Cohen is my closest friend, kahit na sa sandaling panahon ko lamang siya nakasama. Alam niya ang lahat tungkol sa akin, ngunit hindi niya ako tinrato nang masama dahil sa mga iyon. “Cohen, don’t go.” Napahagulgol na ako. Parang may pumipiga sa puso ko. Hindi ako makahinga. Hindi siya nagsalita. Nawala na rin ang ngiti niya sa labi. Alam kong alam niyang maaari siyang mamatay sa misyon na gagawin niya, pero pinili niyang itago yung takot na nararamdaman niya. This idiot is good at pretending. He’s even better than I am. “Don’t do it, Cohen,” paulit-ulit na bulong ko habang hindi matigil sa paghikbi. I don’t want to lose another friend. Nilunok ko na ang pride ko. “Please stay.” Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Naramdaman ko na lang ang palad niya sa ulo ko. Isinubsob niya ako sa dibdib niya at ikinulong sa mga bisig niya. Hindi pa rin mapakali ang puso ko. Alam kong aalis pa rin siya kahit anong sabihin ko. “Babalik ako, Lierre. Pangako.” It felt warm, but my chest ached a lot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD