“We’re going to Mount Blaze!” masiglang anunsyo ni Elijah pagpasok niya sa kwarto ko. Hindi pa man ako nakaka-move on sa pag-alis ni Cohen sa isang delikadong misyon ay may bago na namang pakulo ang Academia. Ito ay malamang upang makalimutan ng mga estudyante ang tungkol sa propesiya. “Nag-impake ka na ba, Lierre? Mamayang madaling araw na ang alis natin.”
“Keep it down, will you?” bulyaw ko sa kanya dahil mukhang balak na niya ako ipang-impake sa excitement niya.
Huminto siya sa kakagalaw at lumapit sa akin. “Cohen will be fine, you know. Bukod kay Pizselior, siya ang pinaka-obsessed sa missions.” Hindi ako sumagot at sinimangutan ko lang siya. “Believe me, okay? Matagal ko rin siyang nakasama.”
“Ha! Just stop talking,” pagsuko ko sa kadaldalan niya. Hindi talaga siya titigil.
Maya-maya pa ay nakita ko nang bitbit niya ang isang duffel bag na mayroong tatak ng Magi Academia. Nagsimula siyang umikot sa kwarto ko at nag-impake ng mga kagamitan.
“Hindi ka pwedeng maiwan. Masaya ro’n!” tuwang-tuwa na sabi niya. “We’ll go camping for one week straight! Can you imagine that?”
Pabagsak akong humiga sa kama ko. Hindi yata alam ni Elijah na parati ako sa kampo tuwing Summer. Ipinapadala ako ni Master Acius doon upang magsanay matapos ang madugong pagsasanay namin sa kuweba. Ang buong buhay ko talaga e dedicated sa trainings at missions.
“Ano namang gagawin natin doon?” tanong ko sa kanya na nakasalampak sa sahig at nagtutupi ng damit ko. Para siyang nanay na nag-iimpake ng damit ng anak na sasama sa field trip. “At saan? Dito lang yata sa likod ng Academia, e.” Ang tinutukoy ko ay ang Magi Camp. Isa itong malaking espasyo sa likod ng Magi Academia. Madalas ay ginagamit iyon ng mga estudyante.
“Gagi, syempre doon tayo sa malupit na venue. Sa Mount Blaze,” excited na sagot niya. Lalo lamang akong nalungkot nang maalalang doon nakatira si Cohen, pero hindi siya makakasama sa camping.
“Si Frician?” pag-iiba ko ng usapan. “Wala pa ba siya?” Pagkatanong na pagkatanong ko no’n ay pabalang na bumukas ang pinto ng kwarto ko at iniluwa niyon si Frician na hingal na hingal habang bitbit ang isang asul na maleta.
“Ha, muntik na akong hindi makapasok sa Capital,” she said, still panting. “Itinayo na talaga ang Border. As of today, hindi na parte ng Magus ang Terra City!”
Napabangon ako sa pagkakahiga nang marinig ang anunsyo ni Frician. “What?”
“They only provide passes for a few selected magians,” malungkot na saad niya. “I really am worried about my family.”
Kinalkal ko ang maliit na cabinet sa tabi ng kama ko at kumuha ng nakaboteng tubig. Hinagis ko kay Frician ang isa habang kumuha ako ng iinumin ko.
“And the Kingdom of the Waves?” nag-aalalang tanong ko.
Uminom muna ng maraming tubig si Frician bago muling sumagot. “Itinayo ang Border sa ibabaw ng tubig. Malapit sa pampang ng Magi Island.”
Nilagok ko ang hawak na isang bote ng tubig. What the hell is happening in Magus? Nagsimula ang lahat ng ito nang lumabas ang propesiya. Sigurado akong pressured si Lord Kira ngayon—but he should’ve handled it carefully! Ang daming magians na apektado sa mga desisyon niya.
“Makakasama ka ba sa camping?” muli kong tanong kay Frician.
Tumango siya. “Yes. Magandang oportunidad ang camping na iyon para sa nameless at powerless na tulad ko.”
Nangunot ang noo ko. “What do you mean?”
Alas dos pa lamang ng madaling araw ay binulabog na ako nina Frician at Elijah upang gumayak na. Saktong alas tres nang marating naming ang matayog na gate ng Magi Academia kung saan nakahanda na ring umalis ang mga estudyante. Kanya-kanyang mga maleta at bagahe ang dala-dala nila.
Nang magawi ang tingin ko sa labas ng gate, nakita ko sina Cohen, Vergel, at Trese na papaalis para sa isang misyon. Sila pala ang kasama ni Cohen! Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko sa pag-aalala. Hindi pa kami nagkakausap pa ni Vergel simula noong eksena namin ni Gramps sa lecture hall. Hindi ko alam kung abala siya sa mga gawain niya sa opisina nila at sa pag-aaral niya o iniiwasan niya lang ako a) dahil nahihiya siya sa nangyari o b) dahil disappointed din siya sa akin tulad ni Gramps.
Napapitlag ako nang makitang lumingon sa direksyon ko si Cohen. Nagtama ang mga mata namin ng tatlong minuto, bago naming parehong binawi ang mga tingin namin. Huminga ako nang malalim. They’ll be okay. Silang tatlo ay malapit sa akin kung kaya’t mas lalong tumindi ang pag-aalala ko. Ngunit kailangan kong magtiwala sa kanila.
Napalingon ako kay Elijah nang ipatong niya ang palad niya sa balikat ko. “Babalik sila.”
Pero iba ang kutob ko. Hindi ko na lang sinabi kay Elijah ang naiisip ko at tumango na lamang. Alam kong gusto lang niya na gumaan ang pakiramdam ko habang wala sina Cohen.
Dahil madami kaming pupunta sa kampo, nagdesisyon ang Magi Committee na isakay kami sa mga Griffon na mayroong karwahe sa likod. Ngunit sa pagkakataong ito ay lumilipad ang mga nasabing nilalang sa ere.
“We’re going to fly to the Blazed Training Camp by groups. We have prepared a list of groupings, so each group should stick together until our very last day at the camp. Alright?” anunsyo ni Mrs. Fairylade, ang instructor namin sa Potion Making.
Maya-maya pa ay inanunsyo na ang mga grupo at mga miyembro. Sa kasamaang palad, nagkahiwa-hiwalay kami ng grupo ng mga kasama ko sa Krymmenos. Mukhang sinadya nilang ilagay kaming apat sa iba’t ibang grupo.
“Akira Kawahara, Lierre Kingsley, Trevor Maxgull, and Damian Hunter for Group Fifty. And I guess that’ll be all,” pagtapos ni Mrs. Fairylade at nauna nang lumabas ng gate.
Nagtipon ang bawat grupo upang makipagkilala sa isa’t isa. Gano’n din ang grupo namin, ngunit mayroong presensya ng awkwardness sa pagitan naming apat. Mabuti na lamang ay magkakilala na kami ni Damian, kundi ay mapapanis talaga ang laway ko.
Lumapit sa amin ang isang matangkad at magandang babae na mayroong karga na tulog na aso. Kilala ito ng lahat. Kaunting galaw lamang niya ay pinagtitinginan siya ng mga kapwa namin estudyante. Ngunit ang mga tingin na natatanggap niya ay punong-puno ng admirasyon, kabaliktaran sa mga nagbabagang mga tingin sa akin ng iba na halos sugurin ako at sakalin dito sa kinatatayuan ko.
“Hi, I’m Akira Kawahara,” nakangiting bati niya sa amin. She looks really nice and… perfect. Who wouldn’t admire and adore a woman like her? Kahit isa siya sa suspetya ng mga tao na tinutukoy sa propesiya na cursed child, hindi pa rin siya magawang batikusin ng mga tao.
“You’re the former leader of the Mortal Seven, right?” diretsahang tanong ni Damian dahilan upang malaglag ang paa ko. Sa ganoong paraan pala sila related ng Mortal Seven! Hinanap ng mga mata ko si Elijah sa kumpol-kumpol na mga estudyante upang samaan lang ng tingin. Hindi niya nabanggit sa akin ang tungkol doon!
“Yes, but only for a month,” she humbly replied and switched her stares on my direction. Nagulat ako nang mas lumapad ang ngiti sa mga labi niya. “We’ve met before, right?”
Hindi ako kaagad nakasagot. I was mesmerized on her beautiful smile! “Y-Yes, we have.” I f*****g stuttered!
“I heard you’re also friends with the other Mortals,” malumanay na sabi niya habang hindi pinuputol ang nakaka-conscious na mga titig niya. Marahan lamang akong tumango bilang tugon. “It’s nice to meet you, Lierre Kingsley.”
Wala sa sarili akong tumango. “Yeah.”
Matapos ang mabilis na pagpapakilala sa isa’t isa, nagsidatingan na sa bungad ng gate ang mga nagliliparan at naghihiyawang mga Griffon. Isa-isang lumading ang mga ’yon na mabilis na sinasakyan ng bawat grupo, saka ’yon mabilis na lilipad paalis pagkapuno ng karwahe.
Pinasakay ang grupo naming sa huling Griffon maliban kay Akira na nanatiling nakatayo sa bungad ng gate.
“I don’t ride Griffons,” tila nahihiyang sabi niya nang makitang nakasilip kami sa kanya mula sa karwahe. “I’ll use my spiritual weapon.”
Namilog ang mga mata ko nang ilabas ni Akira ang isang kapalad na puting seashell at hinipan iyon sa loob dahilan upang mag-produce iyon ng kakaibang awit sa mga tainga namin.
“How—” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makita ang kakaibang tingin sa akin ni Akira, tila ba natutuwa siya sa naging reaksyon ko. Ilang sandali lamang ay mayroong lumilipad na isang dragon na gawa sa tubig ang lumapit sa kanya na tila ba pinapasakay siya nito.
“It’s the Mermaid’s Pipe. It has the ability to communicate with any bodies of water,” paliwanag niya habang pinagmamasdan ang hindi maipinta kong mukha. Of course, I know that! Only the sea children could summon that kind of spiritual weapon, so how!
“What’s going on?” tanong sa akin ni Damian, habang ang isa naming kagrupo na si Trevor ay walang reaksyon.
“You know her well, right?” I asked him. “Was she also a sea child?”
“No. She holds the power of Time and Space,” nag-aalangan na tugon niya. “May problem ba?”
Lumingon ako sa kanya. “That spiritual weapon… that Mermaid’s Pipe…” Napabuntong-hininga ako. “It only works when used by a sea child.” Rumehistro ang gulat sa mukha ni Damian nang sabihin ko iyon. Mukhang hindi siya aware doon.
Muli kaming lumingon kay Akira na nakasakay na sa water dragon. Palipad na ito nang muli siyang magsalita.
“Don’t be confused, Kingsley. I have a drop of sea blood flowing through my veins.” Then the water dragon flew high up the sky with her on its back, while the puppy on her shoulder turned to me and barked a few times.
A sea child other than me? “This is insane,” I groaned.