Twenty Seven

1353 Words
Inilapag kami ng Griffon sa parte ng kampo na walang tao. Isa itong napakalaking espasyo na pinalilibutan ng mga puno. Sunod na lumapag ay ang water dragon ni Akira na kaagad ding nag-evaporate. "Where are they?" tanong ni Trevor na unang beses ko pa lamang narinig na nagsalita. Mataas ito, matipuno ang pangangatawan, at kayumanggi ang balat. Kung tatabi ako sa tatlong ka-grupo ko, baka magmukha akong nakababata nilang kapatid. Ilang sandali pa, biglang mayroong nagsalita mula sa kung saan. "Your first task is to build your shelter. And we need you to do this as a team." Umalingawngaw sa buong kapaligiran ang boses ni Mrs. Fairylade. Sinubukan naming hanapin siya sa pamamagitan ng paglinga at pag-ikot ng tingin sa paligid ngunit walang bakas na ibang tao sa lugar na ito. "I'll find the others," rinig kong sabi ni Damian bago iniwan ang kanyang dalang bag at tumakbo sa kanang parte ng kagubatan. Gano'n din ang ginawa ni Trevor at walang sabi-sabi na kumaliwa. Isinawalang-bahala ko na lamang ang mga katanungan ko at akmang tutungo na sa gubat upang maghanap ng mga magagamit namin sa pagtatayo ng shelter namin, nang mapansing nanatiling nakatayo si Akira at nakamasid lamang sa akin. Nahinto ako sa paglalakad at nilingon siya. "May gusto ka bang sabihin?" diretso kong tanong sa kanya. "This is a simulation," tanging tugon niya at sumalampak sa maalikabok na lupa saka bumuntong-hininga. "Another child play. It sucks, I know." "And their goal?" muli kong tanong. Tumingala siya sa akin at tipid na nangiti. "To play with us?" She then chuckled. "Camaraderie isn't my thing if not for Mortal Seven. Just do your business and I'll do mine." Muli kong narinig sa utak ko ang boses ni Mrs. Fairylade tungkol sa paggawa ng task as a team. Mukhang kulelat kami sa larangang iyon. I shrugged. "Sounds perfect to me." Ibinaba ko sa lupa ang duffel bag na dala ko at nagsimula na ulit maglakad patungo sa kagubatan. Kung anong ikinaganda ni Akira, iyon naman ang ikinasama ng kutob ko sa kanya. Kanina pa rin ako binabagabag ng nag-uumapaw na enerhiya niya. What's with her magaè? Sobrang dilim sa loob ng gubat kahit na papasapit na ang araw. Nakabibingi rin ang sobrang katahimikan. Napayakap ako sa sarili ko dahil na rin sa malamig na hangin na bumabati sa akin. Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may yumakap sa braso ko. “Lierre, what are you doing here?” bulong ni Damian na nanginginig sa takot habang kapit na kapit sa akin. This guy acts cool, but he wasn't fun at adventures. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang si Damian lang pala ang humawak sa akin, pero siniko rin kaagad siya dahil sa panggugulat niya. “I'm trying to fulfill the task," tanging tugon ko at muling naglakad kahit na hindi ko gaanong makita ang dinadaanan namin. “Well, I'll have to trust you on this. But not this place," sabi pa nito at sumiksik na naman sa akin. “Para kang hindi lalaki, dude.” Napaatras ako nang marinig ang isang pamilyar na boses sa kabilang gilid ko. Halos mabingi rin ako sa biglaang paghiyaw ng katabi ko. Kumalma lamang ako nang marinig ang isang malakas na halakhak sa kaliwa ko. "The hell, Trevor dude, aatakihin kami sa puso sa 'yo," bulyaw ni Damian nang makilala ang boses ng lalaki. "It's too dark. Wala ba kayong dalang lampara?" pag-iiba ko ng tanong. Kahit gaano kasanay ang mga mata ko sa dilim, hindi ko pa rin talaga makita nang maayos ang loob ng kagubatan. Tila ba mayroong mga kamay na nakatakip sa mga mata namin at nagmistulang kaming bulag na naglalakad sa gitna ng kapahamakan. Hindi rin maganda ang pakiramdam ko sa gubat na ito. "I don't like using my magaè, but this will do," nahihiyang sabi ni Damian at naglabas ng apoy sa kanyang palad, ngunit sabay na nangunot ang noo namin ni Trevor nang makita kung gaano kalamlam ang apoy. "Don't look at me as if I'm a pariah. I never trained my magaè and only used pens and papers in battles," depensa niya. Halata kasing hindi niya kayang gamitin nanf maayos ang kanyang mahika. "Do you compete in quiz bees or something?" tanong ni Trevor na ngayon ay nasilayan na namin ang mukha dahil sa kaunting liwanag na binibigay ng apoy ni Damian. Napahalakhak ako nang unti-unti kong na-realize ang seryosong tanong ni Trevor, ngunit kaagad ko iyong pinigilan nang simangutan kami ni Damian. "I'm a journalist," iritableng tugon niya. "At least read our school paper, dude!" Napatawa na lang din si Trevor nang marinig ang sinabi ni Damian. Habang iniikot ang gubat, nagkakwentuhan pa kaming tatlo at nakapag-palagayan ng loob. Tinulungan na rin nila akong maghanap, magputol, at magsibak ng mga punong-kahoy upang ipantayo namin sa gagawin naming tuluyan. Umakyat din si Trevor sa mga puno upang kumuha ng mga makakain. Kung hindi pa kami gumamit ng ilaw, baka nadapa na kami rito o baka kung ano pang maapakan namin. Nagkalat kasi ang mga malalaking ugat ng mga puno at ilang animal traps dito. "Hindi niyo ba nakita ang iba?" tanong ko sa dalawa habang kumukuha ako ng sa paanan ng mga puno ng mga dahon-dahon na sa tingin ko ay mga halamang gamot. "Sinabi niyo kanina na hahanapin niyo sila." Sabay na umiling ang dalawa. "The forest is endless." "I think so, too. Ilang beses na ako nag-ikot pero bumabalik lang ako sa dati kong lugar," ani Damian na mukhang nahihintakutan na sa lugar. Nagulat kami nang biglang mayroong marinig na bumagsak sa sanga ng puno na nasa tapat namin. "I told you, this is a simulation." It was Akira, standing on a long tree branch, gazing at us. Bahagyang natigilan ang dalawa naming kasama, ngunit kaagad ding nakabawi. "Whoa, that's why," sabay nilang sabi at bumalik na sa kani-kanilang ginagawa. Nang makuha na namin ang sa tingin namin ay mga kakailanganin namin, naglakad na muli kami pabalik sa parte kung saan walang mga puno. Walang choice si Akira kung hindi sumama sa amin. Napahinto ako sa paglalakad nang may maramdaman akong ibang presensya sa lugar bukod sa amin. Huminto rin ang tatlo nang dahil sa ginawa ko at sabay-sabay akong nilingon at kinunutan ng noo. “Uh... guys?” pagtawag ko sa kanila. Mataman nila akong tiningnan. Nagbilang ako ng tatlo sa isip ko at halos humiyaw ng, “Run!” Sabay-sabay kaming tumakbo palayo. At tama nga ako, may ibang tao rito. Pero hindi pala sila tao, kundi mga hindi malaman kung anong klaseng creature. Mga halimaw! “Oh, gods! Ano ba 'to!" sigaw ni Damian na hinihingal na sa sobrang takbo. Hindi ako umimik. Nanlaki ang mga mata ko nang malinaw na nakita ko ang mga naglalakihang lobo na pasalubong sa amin. They were not as cute as Master Acius' wolves, so welcoming them with open arms was not a good idea. Siguradong lalapain nila kami! “Liko!” sigaw ni Akira at kanya-kanyang liko naman kami. Nagkahiwa-hiwalay kaming apat dahil doon. Si Akira kasi ay sa kanan siya nagtungo samantalang kami ni Trevor ay sa kaliwa, at ang tatanga-tangang si Damian naman ay sa may likod. Di ata niya alam ang liko. Rinig na rinig namin ang nakakapanginig-laman na mga ungol ng halimaw at mga hayop na makakasalubong namin. Napahinto ako sa pagtakbo at napahawak sa tuhod ko sa sobrang hingal. Pinapalibutan na nila kami ni Trevor. Ang mga halimaw na humahabol sa amin kanina, ang mga lobo, at ilan pang mga hayop na handa na kaming gawing almusal. Ilang mga paniki pa ang pumaikot sa may ulunan namin na pinagbabato ko na lamang ng water bullets ko kaya mabilis na nawala. Pero ilang sandali lang, mas madaming mga paniki ang dumumog sa amin kaya wala akong nagawa kung hindi maupo, takpan ang tenga ko at iub-ob ang mukha ko sa tuhod ko. Hanggang sa maramdaman ko ang isang mainit na palad na humawak sa braso ko. Dahan-dahan ko iyong nilingon at halos mapamura ako nang malutong nang makilala ang taong nasa likuran ko. "Master?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD