Twenty Eight

2172 Words
I couldn't move my body. Ngunit naririnig ko ang pagsigaw ng mga tao sa tainga ko at nararamdaman ko ang pagyugyog nila sa katawan ko. "She's not breathing!" sigaw ni Trevor at muling tinapik ang pisngi ko. "It's the Forest of Nightmare, I knew it!" Damian groaned. "Why aren't you waking up, Lierre?" "Move," Akira said, then I felt her hit my chest a little too hard that I literally jumped out of paralysis. "Water," unang lumabas sa bibig ko nang umupo ako at makita ang tatlo na nakapalibot sa akin at pinagmamasdan ako. Unang gumalaw si Trevor upang magbigay ng tubig sa akin. Kaagad ko iyong nilagok. "I don't want to go back in that forest again," komento ni Damian at itinuro ang gubat na pumapalibot sa amin. "Yeah, nightmare sucks," segunda ni Trevor. "Like drowning in a sea of dark pasts you desperately try to escape from," sang-ayon ni Akira sa dalawa at tumingin sa akin na tila ba sa akin niya sinasabi iyon. "I didn't dream anything," tugon ko at tumayo na upang simulan ang trabaho namin. Of course, it's a lie. That damned forest just tortured me to death about some painful past that I couldn't remember when I woke up. But the pain of my chest being penetrated by thousands of needles stayed until now. Ever felt excruciating pain because of something you couldn't remember? Lumapit sa kinaroroonan ko sina Trevor at Damian upang tulungan akong magbuhat ng kawayan. "You kept screaming names in your sleep," ani Damian nang kunin sa kamay ko ang mga hawak kong kahoy. Sinamaan ko siya ng tingin. "I don't remember doing that." Tumawa si Trevor. "Because you're deeply asleep." Hindi ko na lamang pinansin ang pang-aasar sa akin ng dalawa. Nagsimula na ring magsibak ng kahoy si Trevor habang iniipon ko naman ang mga nasibak niya, saka ko inayos ang mga prutas at mga dahon na nakuha namin. "You're good at this, bro," puri ni Damian kay Trevor habang pinapanood niya itong magsibak ng napakaraming kahoy gamit ang isang mabigat na axe. Spiritual weapon ito ni Trevor. "It's my first time, dude," natatawang sabi ni Trevor at sandaling huminto sa ginagawa upang punasan ang tumagaktak na pawis sa mukha. "I'm using my Junior, so I'll be fine." Napalingon kami kay Akira nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Nakasalampak siya sa sahig at naglalaro ng baraha. "You call your spiritual weapon your Junior?" natatawa-tawa niyang tanong at nilingon si Trevor. "You're a weirdo." Napangiti si Trevor sa tinuran ni Akira, ngunit kaagad din iyong napalitan ng isang kunot-noo. "Where's your puppy? I haven't seen him since you came into the forest." Akira shrugged. "I missed my King, too. But I sent him out, so he could be taken care of better." Tumango-tango si Trevor. "I see. But... you know, Akira..." "Yep?" sagot ng huli habang nakatuon na muli ang atensyon sa mga hawak na baraha. "Can you at least help us here? The task is to work as a team," nakasimangot na sabi ni Trevor at nagsimula na muling magsibak. Kami naman ni Damian ay sinubukan nang magtayo ng apat na kawayan. Bumuntong-hininga si Akira at binulsa ang hawak na mga baraha. "I don't intend to work with you, but it seemed like you desperately need my help." "Yeah right," Damian murmured. "Just cook food for our lunch. Catch a pig or something in the forest." "And who are youto order me around?" nakataas ang dalawang kilay na tugon niya kay Danian bago nag-martsa patungo sa dala niyang pink na maleta. Kinalkal niya ang mga pagkain niya roon at inilapag sa lupa. "These will do, right?" tukoy niya sa mga de lata na dala. We were just about to talk when the canned goods suddenly disappeared into a thin air. "I guess they would like us to catch our own foods in the wild," nakatulala sa nawalang de lata na sabi ni Damian. Lahat kami ay napa-buntong hininga. They were not going easy on us. What kind of games are they playing? "But we're fine. May mga nakuha tayong prutas..." Nahinto si Trevor sa pagsasalita nang ma-realize ang sasabihin. "We only have fruits, for Pete's sake!" Hindi na ako nagsalita pa at nakidaing sa kanila. Sumalampak na lang ako sa sahig at dumampot ng isang prutas na hindi ko mawari kung anong kulay. Parang berde kanina ito, na naging pula, ngunit ngayon ay nahaluan na ng iba't ibang kulay. Walang sabi-sabing kinagat ko iyon upang ibsan ang kumakalam na sikmura. It tastes sweet... and familiar! Nang paubos na ang bilog na prutas, unti-unti kong nalalasahan ang kakaibang pait sa dila ko. Halos isuka ko ang lahat ng kinain ko dahil sa papagapang na pait papunta sa lalamunan ko. "That's a periwinkle fruit!" naibulalas ni Damian nang makita ang reaksyon ko. Nangunot ang noo ko. Periwinkle... aha! Kaya pala pamilyar ang lasa nito. Ang bulaklak na iyon ang ibinigay sa amin ni Mrs. Fairylade sa Potion Making upang ma-trigger ang masasayang memorya namin... ngunit kapag sumobra iyon, nagiging mapait ang lasa at ang alaala. Nabitawan ko ang hawak na prutas nang dahil sa naalala. "Periwinkle has fruits?" hindi makapaniwala kong tanong. Hindi ba't bulaklak lang iyon? "Ipinangalan nila iyon sa bulaklak dahil pareho sila ng lasa, amoy, at epekto sa magians," paliwanag ni Damian. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Walang bahid na lungkot at sakit doon simula kaninang nakasama namin siya. Siguro ay nasa mabuting kalagayan na ang pamilya niya sa northern village. Hindi ko na magawang magsalita nang rumagasa ang isang tren ng alaala sa ulo ko. The memory was vivid as if it was happening again right in front of me... which makes it more painful for me. Nang imulat ni Lierre ang kanyang mga mata, tanging ang pangalan niya ang natatandaan niya. Mayroon din siyang naririnig na boses sa kanyang tainga na hindi niya maintindihan dahilan upang sumakit ang ulo niya. Umupo siya. "She's awake!" Umalingawngaw sa ulo niya ang matinis na boses ng babae. Napangiwi at napahawak siya sa sentido nang lalong kumirot ang ulo niya. Naiwan sa kanyang tabi ang isang batang lalaki na manghang-manghang nakatitig sa kanya, tila ba hindi ito makapaniwalang gising na siya. "Sleeping beauty!" naibulalas nito. Nangunot ang noo ni Lierre. "Sino ka? Nasaan ako? Anong nangyari sa akin?" sunud-sunod na tanong niya sa kanyang paos na boses habang nililibot ang kanyang tingin sa makipot na silid na kinaroroonan niya. "Ako si Zalchad. Nandito tayo sa Terra City, malapit sa Zero Labyrinth. Nakita ka ng tatay ni Mara sa abandonadong isla noong nawasak ang kaharian sa ilalim ng karagatan. Ang suspetya nila, ikaw lamang ang nakaligtas sa trahedyang iyon. Sobrang malubha ang kalagayan mo nang dalhin ka nila rito. Halos hindi ka na humihinga." Bumuntong-hininga ang batang lalaki sa pagitan ng kanyang pagkukwento. "Mahigit isang buwan kang walang malay." Nanlaki ang mga mata ni Lierre. Sinubukan niyang tumayo ngunit naramdaman niya ang muling pagkirot ng kanyang ulo at dibdib. Mula sa maliit na pinto ng silid, patakbong pumasok ang isang matandang lalaki. Sa likod nito ay nakasunod ang batang babae na mayroong matinis na boses. "Kumusta ang pakiramdam mo, hija?" tanong ng matandang lalaki kay Lierre. "Maayos naman ho, ser," magalang niyang tugon. Ngumiti ang matandang lalaki sa kanya at ginulo ang kanyang buhok. "Tawagin mo na lang akong Tatay Mario. Ano namang maitatawag namin sa iyo?" Marahan siyang ngumiti. "Lierre." "Magpahinga ka muna, Lierre, anak. Magpapahatid ako rito ng pagkain." Tumango si Lierre nang maramdaman ang labis na pagkagutom. Ngunit hindi niya maitatangging masarap sa pakiramdam na matawag na anak at may matawag na tatay. "Salamat ho." "Tay, pupwede na ba naming makalaro si Lierre?" tanong ng batang matinis ang boses. "Kailangan pa niyang magpahinga, Mara," tugon ni Tatay Mario sa bata at nahihiyang nilingon si Lierre. "Pasensya ka na sa dalawang ito, matagal ka na kasi nilang hinihintay na magising." Mabilis na lumipas ang limang buwan. Naramdaman ni Lierre na bahagi na siya ng pamilya nina Tatay Mario at Mara. Ganoon din si Zalchad at ang iba pang pamilya na kasama nilang naninirahan sa dulong parte ng siyudad. Noong una ay nagtataka na si Lierre kung bakit limitado ang paggalaw nila sa lugar na iyon. Hindi niya alam na hindi pala biro ang sitwasyon nila at ng buong siyudad. Nalaman niyang bihag silang lahat ng mga rebelde at balak ng mga ito na bumuo ng isang malaking hukbo para sa plano nilang giyera laban sa iba pang lugar ng Magus. Mayroon ding kakampi ang mga ito na galing sa Zero Labyrinth kung kaya't malakas ang loob nilang sumabak sa giyera. Ang mga magians sa Zero Labyrinth ay mahusay sa paggawa ng mga armas at mga gamit bukod sa kanilang abilidad na kontrolin ang oras. Nang dahil sa kanilang hilig sa paggawa ng mga bagay-bagay, may mga halimaw silang nabubuhay nang hindi nila sinasadya. Maaari nilang isabak sa giyera ang mga iyon, kung gugustuhin. Hindi sinabi ni Lierre ang mga natuklasan sa dalawang kaibigan. Ayaw niya kasing takutin at biglain ang mga ito. Wala rin siyang kakayahan na pigilan ang papalapit na giyera. Napasinghap ako nang matapos ang alaala na bumaha sa ulo ko. Mukhang nakalimutan kong huminga. Naramdaman ko na lamang ang paghagod ni Damian sa likod ko upang pakalmahin ako. Walang nagsasalita ni isa sa kanila na tila ba naintindihan nila kung ano ang nangyari sa akin. We all have a dark past that we wanted to escape, after all. Napalingon ako kay Akira nang maramdamang nakamasid siya sa akin. Mayroon talagang kakaiba sa mga tingin niya na hindi ko mahinuha. There was a spark of amusement, pity, and disgust. Ibang-iba siya noong unang beses ko siyang makita. "Do you have anything to say?" tanong ko sa kanya sa paos kong boses. Ngumiti siya at umiling. "Na-realize ko lang na hindi pa ako nakapagpakilala sa 'yo nang maayos." Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lupa at lumapit sa akin. "What are you doing?" iritable kong tanong sa kanya. Napataas ang isang kilay ko nang bigla niyang inilahad ang palad niya sa akin na tila ba gustong makipagkamay. "I'm Akira Kawahara of Zero Labyrinth," she said and gave me a sincere smile this time. Wala akong nagawa kung hindi tanggapin ang kamay niya. "Lierre Kingsley of Kingdom of the Waves," pagpapakilala ko rin, ngunit hindi ako nag-abala pa na bigyan siya ng isang pekeng ngiti. Ngunit ilang segundo pa lamang ang nakakalipas nang bigla kong maramdaman ang napakalakas na pwersa na naghihiwalay sa aming dalawa, ngunit naramdaman ko na mas hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko habang diretso niya akong tinitingnan. Then another series of images flashed in my head. But this time, it wasn't my past or forgotten memories. It was Akira's. "Tulungan ninyo ako..." Umiiyak ang batang si Akira habang nakahiga sa lupa at nakatingala sa madilim nang kalangitan sa gitna ng kagubatan. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya kasabay ng pagbulwak ng dugo sa iba't ibang parte ng kanyang katawan. "Gusto ko pang mabuhay. Oh, great god, Minth... hear my prayer. Please let me live." Kung wala pang tutulong sa kanya, tiyak na mauubusan siya ng dugo at mamamatay. Nahihirapan na rin siyang huminga at nakakaramdam na ng matinding antok, ngunit pinipigilan niya sapagkat naniniwala siyang hindi na siya magigising pa sa oras na bumigay siya sa bigat ng talukap ng kanyang mga mata at ng kanyang katawan. "I still have a dream that I want to pursue. Please let me live," paulit-ulit na dasal niya. Sa boses at mapapait na luha niya na pumapatak sa lupa, ramdam na ramdam ko na desperado siyang mabuhay. Na iniisip niyang hindi fair na mangyari sa kanya ang bagay na iyon. Nang biglang mayroong kakaibang enerhiya na bumalot sa buong kagubatan. Itim ito at nagbabaga. Noong una ay natakot si Akira sa enerhiya na iyon kahit na alam niyang mamamatay na siya sa lagay niya na iyon. Ngunit kaagad niyang napansin na ang itim na enerhiya ay nagbibigay gaan sa kanyang katawan. Naramdaman din niya ang pag-ibsan ng hapdi ng mga saksak na natamo niya sa katawan. Hinayaan niya na pumasok ang enerhiya sa kanyang bibig, at hindi siya nagkamali ng desisyon. Tuluyang nawala ang sakit na nararamdaman niya matapos niyang langhapin at tanggapin ang hindi niya matukoy kung anong klaseng enerhiya. It was a miracle that she felt fine after being possessed, as how she would describe it, by the dark energy. Nakita na lamang niya ang sarili na pilit tumayo at tumakbo palabas ng kagubatan. The god of time and space heard her prayers; she could still live for a long time! Nahinto siya sa paglalakad nang marating ang bungad ng gubat. Mayroong batang babae roon na mag-isang nakatayo, duguan, at punong-puno ng galos. Sa paligid ng bata ay daan-daang nagkalat na mga bangkay. Napatakip si Akira sa bibig. Ang itim na enerhiya na pumalibot at bumuhay sa kanya ay nanggagaling sa batang babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD