Twenty Nine

2141 Words
Lalong tumindi ang pwersa sa pagitan namin ni Akira. Nang tuluyan siyang bumitaw sa akin, sabay kami na tumalsik palayo sa isa't isa. Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa matigas na puno sa bungad ng gubat at bumagsak ako sa makakapal na mga ugat nito. Napamura ako nang maramdaman ang pagkabugbog ng likod at pwet ko. "What's wrong with you two? It's not the right time to fight," bulyaw ni Trevor na natigilan sa pagsibak ng napakaraming kahoy. But I know for sure that neither Akira nor I attacked each other. Nilingon ko si Akira na nakasandal sa isang matandang puno sa kabilang side ng gubat. Hinihingal siya at tila may iniindang masakit sa katawan, ngunit nagawa niyang ngumiti sa akin. "Nice meeting you, Lierre." "You, too," tipid na tugon ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag-iling ng dalawang ka-grupo namin at nagpatuloy na sa ginagawa. Nakipagtulungan ako kay Damian na gumawa ng apoy gamit ang mga tuyong dahon at kaunting kahoy. Ginamitan niya ito ng magaè niya upang mas mapadali ang trabaho namin. Kinuha ko ang tinatawag naming Life Fruit sapagkat walang tinatapon sa prutas na 'to, na nakuha namin kanina sa Nightmare Forest, at sinibak ang ibabaw na parte no'n. Inabot ko mula kay Damian ang mga ginawa naming baso gamit ang mga malalaking dahon at binuhos ang sabaw ng prutas. Pagkatapos no'n ay hinati ko sa gitna ang bilog na prutas at kinuha ang laman nito at itinusok sa mga ginawang stick ni Trevor kanina. Matapos ang mahabang proseso, inihaw na namin ang mga ito sa ibabaw ng apoy. Ang ibang puting laman ng prutas ay pinapak na namin ni Damian nang hindi iniihaw. Ang balat o shell naman nito ay gagawin naming baso at plato sa mga susunod naming pagkain. "Lunch is ready!" sigaw ni Damian matapos namin iihaw ang mga prutas na nakuha namin sa gubat. Pumaikot kaming apat sa apoy at pinagsaluhan ang mga pagkain. I'm surprised na hindi nag-inarte si Akira sa kinakain. Muli kong naalala ang nakita kong parte ng nakaraan niya. Nagtataka pa rin ako kung paano niya nagawang ipakita sa akin iyon. Hindi ko rin alam kung may nakita rin siyang parte ng pangit na nakaraan ko. Katulad kaya ito ng kaso namin ni Forest? "Water, please," hirap na sabi ni Damian at sinapak-sapak ang dibdib niya. Napataas ang kilay ko nang makitang inilabas ni Akira ang spiritual weapon niya na Mermaid's Pipe at ibinuhos iyon sa shell ng Life Fruit. Mula sa butas ng kabibe ay mayroong lumabas na malinis na tubig. She can also do stuff like that? I guess it's also true that she has an ounce of sea blood pumping in her veins. "You're amazing," ani Damian kay Akira matapos niyang lagukin ang tubig. Hindi ko alam kung bakit nakamasid ako sa mga galaw ni Akira sa buong oras ng pagkain namin. She gives off a strange vibe I could not fathom. Ngunit ang isang napansin ko sa kanya ay ang pag-alay niya ng pagkain para sa diyos nilang si Minth at ang mabilis na pagdadasal at pagpapasalamat bago siya kumain. I didn't know that she's a little too religious. Matapos naming kumain at magpahinga, bumalik na muli kami sa pag-aayos ng magiging silong namin. But this time, tumutulong na rin si Akira. Mabilis ang naging progreso namin sa pagtayo ng isang maliit na silungan, nang biglang umihip ang malakas na hangin dahilan upang mapagewang-gewang ang mga itinayo naming mga kahoy. Kasunod no'n ay ang pagbagsak ng napakalakas na ulan. "Oh, good gods," naibulalas ko habang yakap-yakap ang kahoy na halos mahugot sa pagkakabaon sa lupa. Although tubig pa rin ang ulan, hindi ako natutuwa na mabasa sa ilalim nito. Nang dahil yata hindi magkasundo sina Eldoris at Orion, hindi masyadong maganda ang dulot ng tubig-ulan sa mga tulad kong anak-tubig. Imbes na lumakas, pakiramdam ko ay mas lalo akong nanghihina sa bawat pagpatak nito sa balat ko. "What are you doing, Akira? Can't you protect us?" sigaw ni Trevor dahilan upang matauhan si Akira. Muli niyang inilabas ang Mermaid's Pipe at inilabas doon ang isang water dragon na lumipad sa ibabaw namin at ng itinatayo naming silungan upang maging panandaliang bubong namin. Ngunit sa hindi namin inaasahang pagkakataon, tila ba tinunaw ng tubig-ulan ang water dragon dahilan upang ma-disporma ito at bumagsak sa amin. "Oh, f**k-" Naputol ang pagmumura ni Trevor nang lunurin kami ng napakaraming tubig ng water dragon. Ako lamang ang hindi nagreklamo sapagkat kaya kong huminga sa ilalim ng tubig. Maging si Akira ay tila nalulunod sa sarili niyang tubig. Nang tuluyang humupa at sinipsip ng lupa ang tubig, halos mamatay sa paghahabol ng hininga ang tatlo at sinusuka ang tubig na nainom. Nanatili lamang akong nakaupo. Doon ko lamang napansin na huminto na rin ang ulan. "What the hell happened?" naguguluhang tanong ni Damian. Para kaming lahat basang sisiw. "It was an artificial rain. The facilitators might have put something on it that dispels the dragon," kalmadong paliwanag ni Akira. Basa ang mahaba niyang buhok, ngunit hindi niyon nabawasan ang ganda niya. Mababakasan din ng pagkapikon ang mukha niya. "Okay, enough," pagpapatigil ko sa nagbabadyang sagutan ng dalawa at itinuro ang mga kahoy na kanina'y buong lakas naming pino-protektahan. "We should fix our shelter first. You can continue your argument then," sabi ko bago pinulot ang mga natumbang mga kahoy. Kaagad naman ding nakalapit sa akin si Damian. "You're also cool," bulong niya sa akin dahilan upang mapalingon ako sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumiti. "My parents and siblings are missing from that night." "But you seem-" Nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko ang malungkot na pagkinang ng mga mata niya. "You're obviously not okay." Umiling siya, ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Thank you for risking your life to go on that dangerous mission. I heard you and Cohen got some leads about our village's case." "It was my duty-" Pinutol ni Damian ang sasabihin ko sa pamagitan ng pagtapik sa balikat ko. "You could've refused, but you bravely accepted the mission. For that, I am sincerely grateful." Matapos niyang sabihin iyon, tumayo na siya at nagtungo sa iba pa naming mga kagamitan. Naiwan akong nakatulala sa kawalan because I felt something strange within me. Something must be terribly wrong in me. My heart flutters that I have made a difference to someone's life. Muling bumalik sa akin ang tanong ni Frician. What keeps me going? Magdidilim na nang maitayo namin ang magsisilbing silungan namin. Tinapalan lang namin ng malalaking mga dahon ng Life Fruit ang mga itinayo naming mga kahoy at kawayan, just enough to keep us all warm. Laking pasasalamat namin na mayroon kaming dalang mga kagamitan na maaari naming magamit sa loob ng silong. "Will you sleep here?" tanong ni Trevor kay Akira na kaagad umirap. "What choice do I have?" "You can build your own house using your wonderful spiritual weapon," sarkastikong sabi ni Trevor. Hanggang ngayon ay hindi pa rin humihinto ang dalawa sa naudlot nilang bangayan kanina. "I helped you build that darned shelter," pikon na tugon ni Akira at humiga na sa kanyang pwesto patalikod sa direksyon ni Trevor. Matapos makinig sa nakakarinding sagutan ng dalawa, bumangon ako upang bumuhay ng apoy at magluto ng hapunan namin. Tulad kanina, mga prutas lang din ang iluluto ko ngunit nagpasya ako na iluto ang mga ito sa sabaw sapagkat unti-unti kong nararamdaman ang pagsiksik ng lamig sa balat ko. "Need me?" Umupo si Damian sa tabi ko at itinapat ang palad sa mga tumpok-tumpok na pira-pirasong kahoy upang sindihan ang mga ito ng apoy. "I wonder how Chantel is doing right now." Napatingin ako sa kanya na seryoso sa ginagawa. "She's braver than you think." Napalingon siya sa akin nang sabihin ko iyon. "Ha, Lierre, what would I do without you?" he joked and we both chuckled. Hindi kami sobrang close nitong si Damian kahit noong nakasama ko siya sa pag-cover ng news, kaya nagugulat pa rin ako sa mga kilos niya. I was glad to know that he already feels comfortable around me. He was only the second person to thank me for doing my job; first was Miss Thomnus. Nagising ako na papasapit pa lamang ang araw. Tulog na tulog pa rin ang tatlo. Si Trevor man ay naghihilik sa sobrang pagod na sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin na bahagyang sumasapul sa mga mukha namin. Bumangon ako upang maglakad-lakad muna sa labas. Laking-gulat ko nang makitang mayroong iba't ibang mga silong na gawa sa kahoy at dahon ang nagkalat dito sa labas. Nasa mahigit lima ang grupong nandito, but how? "They will be your new team." Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang mayroong nagsalita sa tabi ko. It was Mrs. Fairylade! Can't she freaking show up normally? "I'm sorry I surprised you, Lierre. How's your sleep?" nakangiting sabi niya at nagawa pang ngumiti sa akin. "What do you mean my new team? Are you going to shuffle us?" usisa ko. "Nope. We'll be emerging six teams into one," nakangiti niyang tugon. "It'll only be a total of two teams. Aigoo, I wonder who'll be on your team." Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya patungo sa kagubatan at hindi ko na siya muli pa noong umagang iyon. Naglakad-lakad na lang din muna ako sa bunagad ng kagubatan at tumingin-tingin ng pupwedeng makain. Nakakita ako ng isang hardin ng kabute na nakapalibot sa mga ugat ng mga puno, at ilang mga bulaklak na pupwedeng kainin. Hindi ko na namalayan ang oras sa sobrang pagkawili ko sa mga halaman na madadaanan, kung kaya't magtatanghali na nang makabalik ako sa area namin. Nahinto ako sa paglalakad at nabitawan ang mga dala-dala nang marinig ang isang nakabibinging sigaw. Nang sundan ko ang direksyon ng sigaw, una kong napansin ang isang babaeng umiiyak at nabaalutan ng sariling dugo. Tumakbo ako palapit sa babae. Narinig ko na rin ang paglabasan ng iba pang mga grupo sa kani-kanilang silong. "What happened?" tanong ko rito nang makita ang nagdurugong mga kamay, braso, at buong katawan. Sa sahig ay nakalapag ang isang pamilyar na palakol na mayroon ding bahid ng dugo. Napaawang ang bibig ko at hinarap muli ang babae. "Did you, by any chance, use this axe?" "Is that wrong?" humahagulgol niyang sagot habang pinagmamasdan ang nanginginig na mga kamay. "I-It suddenly attacked me. I didn't know how that happened." Pumunit ako ng tela mula sa suot kong damit at binalot ang mga parte ng katawan niya na nasugatan. "It's Trevor's spiritual weapon." Natigilan ang babae at nanlalaki ang mga matang napatingin sa axe. "I had no idea! I just wanted to help..." "It's okay," malumanay kong sabi habang binabalot ko ng tela ang tiyan niya. "You're still lucky that you didn't die." Napalunok siya ng laway. "That serious?" Tumango ako. "That's why you shouldn't touch what's not yours." Tumayo ako nang matapos kong itali ang mga sugat niya. Pagtalikod ko sa kanya ay napahinto naman ako sa kumpulang bumungad sa akin. Ngunit pansin ko na tila ba ayaw madikit ng mga ito sa akin. "What happened?" maingat na tanong ng isang lalaki. Kita ko ang pagdududa sa mga tingin nito. Alam ko na gusto ako nitong akusahan sa aksidenteng nangyari sa babae. "Get a medic," tugon ko at nilagpasan sila. Dali-dali silang napaatras nang maglakad ako. "I'll do it." Nahinto ako sa paglalakad nang marinig ang isang pamilyar na boses. Nang lumingon ako, nakita ko ang isang babae na mayroong dalang mga garapon. Nakalaylay ang mahaba nitong buhok sa kanyang balikat na sumasayaw sa tuwing gagalaw siya. Lumuhod siya sa lupa at tiningnan ang mga sugat ng babae. "Allow me to put some ointment on your wounds. Don't worry, it'll only hurt a little." She's really good at tending wounds. "Can I trust you... Frician?" Tumahan na ang babae sa pag-iyak at pinagmamasdan na lamang nito ang ginagawa ni Frician. Nakita kong kumurba ang isang ngiti sa mukha niya. "I made it myself. You'll be fine." Napangiti na lang din ako at nagsimula na ulit maglakad. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang nasa grupo ko si Frician. Pabalik na ako sa silong namin nang mamataan ko si Mrs. Fairylade sa bungad ng gubat, nagmamasid sa aming lahat. "You handled the situation calmly," aniya nang makalapit ako sa kanya. "It wasn't that bad," tugon ko at pinagmasdan ang maaliwalas niyang mukha. She must really like camaraderie. "Will you be staying here?" "Well... I'll have to." Nagulat ako nang bigla niyang ipatong ang palad niya sa balikat ko. "I want you to be the Captain of your team, Lierre. Are you willing to accept the responsibility?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD