Thirty

2075 Words
Habang inaanunsyo ni Mrs. Fairylade ang tungkol sa pagiging Team Captain ko sa bagong grupo mula sa anim na pinagsama-samang teams, lumilipad ang isip ko sa mundo ng kawalan. Tumingala na lamang ako sa matalim na pagkagat ng dilim sa kalangitan at hinayaan ang sarili na lamunin ng malalim na pag-iisip. I've been struggling to survive in this cruel and unfair world of Magus these past years, blindly contented being around Master Acius as my father or grand father, but things suddenly turned the opposite the moment I set foot in Magi Island. "The game will start tomorrow morning, so both teams could attack anytime then. Did you understand the rules and mechanics?" tanong ni Mrs. Fairylade sa lahat na naka-indian seat sa harapan niya. Binuo ang dalawang team para sa larong Capture the Flag kung saan ang team na makakakuha ng flag ng kabilang team at maibabalik sa sariling base ang mananalo. Dito pa rin ang base namin at sa kabilang dulo naman ang sa kalaban na team. Ito ay magsisilbing training namin sa ikatlong araw namin dito sa kampo or simulation. Ang laro ay hindi matatapos hanggang walang nananalo. Kahit umabot pa ng isang buwan, which I wouldn't recommend, hahayaan daw kami ng facilitators dito. Ang mananalo sa laro ay mabibigyan ng hindi basta-bastang premyo na manggagaling pa mismo sa Commitee--weapons! If we're lucky enough, they could provide spiritual ones depending on the result of the said game. Isang estudyante ang nagtaas ng isang kamay. Siya yung na-injure na babae kanina. "Ang unfair naman po yata ng groupings. Wala ni isang Mortal Seven sa grupo namin. Commoners versus Mortals ba ang tawag sa larong ito?" Marami ang humagalpak ng tawa sa tanong at marami rin ang sumang-ayon. Kaagad akong napatingin isa-isa sa mga miyembro ng team namin. Tama siya, wala ngang ibang miyembro ng Mortal Seven sa team namin. Muli kong ibinalik ang tingin kay Mrs. Fairylade. Walang nagbago sa reaksyon niya, bagkus ay mas lumapad pa ang ngiti niya at lumapit pa sa babaeng nagtanong. Napasinghap ang lahat nang isinakbit ng instructor ang ilang hibla ng buhok ng babae sa tainga nito. "Wala ka bang tiwala sa sarili, Ayesha hija?" walang halong panunuya na tanong nito, just a plain question. Umiling si Ayesha, nagbabadya ang luha sa mga mata. "I'm sorry, ma'am." Muling tumayo at bumalik sa harapan si Mrs. Fairylade. "If you aren't confident in winning against the other team, you should step out of the team now. You wouldn't want to burden other determined players during the game." Nanatiling tahimik ang lahat. Why become a magian if they do not even have the guts to face the Seven Idiots? Bad mouth! I'm friends with the other members, but I just can't stand how they look down on others just because they're considered the strongest in the Magi Academia. "You shouldn't worry too much. We have Akira Kawahara, the former leader of Seven Mortals!" biglang sabi ng isang lalaki na mukhang nirerespeto ng mga estudyante. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Jan at underling daw siya ng kasalukuyang Mortal Seven. Thanks to his statement, nabuhayan ang loob ng mga miyembro ng team namin. Napangisi lang si Akira sa narinig, obviously flattered on what the Jan guy said. Matapos ang diskusyon tungkol sa laro, muling nagbigay pa ng ilang kaalaman si Mrs. Fairylade bago kami iwan. "Dreame Falls at the East, fresh foods in North, weapons will be at the South, and the enemies on the West," paalala ni Mrs. Fairylade sa aming lahat. "Always remember." Matapos ang salu-salong hapunan, dumiretso na kaagad ang halos lahat ng miyembro ng team namin sa South kung saan matatagpuan ang mga armas. That was the one thing in Magi Academia that amused me until today, the students were hard-working and dedicated when it comes to training. Nabigla ako nang biglang mayroong umakbay sa akin. Napatawa ako nang makita si Frician. "Will you go on a training?" tanong niya sa akin na mabilis kong tinugunan ng pag-iling. "Good. Samahan mo na lang ako sa training ko." "Medicine herbs and such?" I asked. "Yes. I'll also teach you a lot," excited na sabi niya at kinaladkad na ako patungo sa silong nila bago pa ako makasagot. Alas dos ng madaling araw nang malingat ako nang dahil sa mahinang tunog na narinig ko hindi kalayuan sa silong namin. Noon ko lang din naramdaman talaga ang napakaraming enerhiya na pumapalibot sa amin. Kaagad akong bumangon at ginising sina Akira, Trevor, at Damian. Antok na antok pa ang mga ito at halos ayaw akong pansinin. "May ibang tao sa base natin. Wake up! Before they find our flag," bulong ko sa kanila at tumakbo na palabas ng silong. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. Naimulat ko ang mga mata ko nang mayroon akong naramdamang enerhiya sa kaliwa ko. "Gosh, why didn't they clear the instruction? I thought it starts tomorrow morning, not dawn?" rinig kong reklamo ni Trevor habang palabas ng silong. Natigilan ito nang makitang tumakbo ako sa kaliwang parte ng gubat. "Lierre, saan ka pupunta?" May narinig akong mga kaluskos, ngunit masyadong mabilis ang mga galaw kung kaya't hindi ko iyon nakita. Idagdag mo pa na masyadong madilim sa loob ng gubat. "I'm sure you're still here," malakas na sabi ko habang nakabantay pa rin ang mga mata ko sa paligid. "Tell the Great Primo Klausser to watch his back. I'll go catch him!" Tumalikod na ako at akmang lalabas na ng gubat nang biglang mayroong yumakap sa akin mula sa likod ko. Ramdam ko ang mainit na hininga nito sa leeg ko. "No need, my dear. I'll catch you instead," he whispered in my ears that brought chills down my spine. Damn you, Primo Klausser. Inikot niya ako at hinarap sa kanya. The faint light of the moon poured on the beautiful face of the man in front of me, which exposed his playful smile that made my bones wiggle and dance. "I came to see you, Lierre. I missed you." Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahinang kaluskos sa kabilang parte ng gubat. It seemed like Primo's members were off to go back to their base, since they were done with their work here. I smiled at Primo. "Really?" Marahan siyang tumango. "Really." Ngumiti ako sa kanya at tumango-tango, as if naiintindihan at pinaniniwalaan ko ang sinasabi niya. Pasimple kong iginapang ang kanang kamay ko sa bulsa ng pantalon ko upang abutin ang punyal na nakasuksok doon. "So you came here alone?" nakangiti kong tanong sa kanya. Alanganin siyang umiling at pilit na tumawa. "Not really. I have some company." Muli siyang pilit na tumawa. Napangiti ako. At least he did not lie. Tumango ako. "I see, then. You should go now." Mukhang nakahinga siya nang maluwag nang sabihin ko iyon. Muling bumalik ang nakakaloko niyang ngiti. "Won't I get a peck?" "How about a peck from my fist?" I offered. "No, thanks. I'll see you later, then," aniya at paatras na naglakad palayo sa akin. "Sure, let's fight well later," pahabol na sabi ko sa kanya dahilan upang mapalingon siya, kasabay ng paghagis ko ng hawak kong punyal sa direksyon niya. I was impressed by how fast he countered the attack. Nadaplisan ang pisngi niya dahil sa hindi inaasahang atake, ngunit kaagad siyang nakahugot ng armas upang protektahan ang sarili. "What? Want to fight now?" paghahamon ko sa kanya. Ibinaba niya ang kamay niya na may hawak na patalim. "Let's not take this game personally, hmm?" pakiusap niya at akmang lalapit sa akin nang maglabas ako ng tubig mula sa palad ko. Mabilis siyang umatras at itinaas ang dalawang kamay na tila sumusuko. "I'll withdraw for now, okay? I missed you!" sigaw niya bago tumakbo nang mabilis palayo. Bumuntong-hininga ako at napahawak sa dibdib. This stupid heart of mine kept pounding so fast! Nang bumalik ako sa base namin, lahat ay gising na at nasa labas na ng sari-sariling silong. Ang iba ay hihikab-hikab pa na tila kakabangon lang. "We were attacked while we're deep asleep," anunsyo ni Akira sa mga ito dahilan upang magising ang mga diwa nito. "It's a good thing that Lierre woke us up. We have prevented them from stealing our flag," pagpapatuloy niya at sinulyapan ako. Nagsimula ang mga bulungan mula sa mga miyembro ko. Mukhang hindi rin nila inaasahan na aatake ng gano'ng oras ang kabilang team. "We need a plan, obviously," said Jan and turned his gaze on me. "Do you even have a strategy?" "Yes. Winning the game alone, or at least fight without a jerk who churn and threw complaints all the time?" I rolled my eyes at him before walking towards my original teammates. This is also the real Lierre Kingsley that I used to know. Hindi ko alam kung paano ko napagpasensyahan ang pang-aapi ng mga ito sa akin. Maybe it's time to stop pretending to be someone else and become totally independent. Ngumisi sa akin si Akira. She still looks good even without washing her face in the morning. "So what's the plan?" Umupo ako sa bungad ng silong namin at diretsong tiningnan ang mga miyembro ko na natahimik nang barahin ko ang nirerespeto nilang si Jan. "Can you repeat the rules and mechanics of the game?" I asked Akira. "The goal is to capture the flag," tipid na tugon niya. "Not that." Lumingon ako kay Trevor upang humingi ng tulong dahil nakalimutan ko ang importanteng mechanics ng laro. "The rules when you are hit or something?" "Ah! When you are knocked down by the enemy, you will be automatically sent outside of the simulation," pag-alala ni Trevor. "It means we should put our enemy into sleep, so we could send them out of the game." "That means we could reduce or wipe out the enemy," singit ni Damian at nilingon ako. "Then we could win!" "The question is how could we put someone like Primo, Cohen, Forest, and Elijah into sleep without putting up a tough fight?" asked Ayesha with a huge doubt in her voice. Tumango ako. "So we need to choose how we are going to play the game." "Since you are Lierre Kingsley, it's suitable to play offense," suhestiyon ni Damian. "You're an offensive type of magian, aren't you?" Sandali akong natahimik at wala sa sariling nailagay ang aking hinlalaki sa bibig upang ngatngatin ang kuko nito. "But Primo Klausser is also the offensive type. I suppose he already assumed that I'll be choosing offense over defense, so we couldn't possibly win against him or his genius tactics." "Then what should we do?" tanong ni Trevor habang nakatingin sa akin. "You can't play defense. It's not your specialty." "You're right," I agreed. "That's why I need the opposite type of magian to lead us." "Who do you mean-" Natigilan ang lahat nang makita kung kaninong direksyon ako nakatingin. "And we have the best magian in our team who's more than qualified for the job." "Will you really-" Ngumiti ako. "Will you accept the responsibility, Akira Kawahara?" Lahat ng miyembro ng team namin ay napatingin kay Akira na hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Hinihintay ng lahat ang isasagot niya. "What the hell, Kingsley?" naibulalas niya nang tuluyang mag-sink in sa kanya ang sitwasyon niya. "Will you lead us?" tanong ni Trevor sa kanya dahilan upang mapabuga siya ng hangin at tila hindi makapagsalita. "I'll form a small team for offense so we can support you from the inside," muli kong sabi sa kanya. "If you agree to lead us, I will never get in your way. I'll do as you order." Mahabang katahimikan ang bumalot sa aming lahat. Hindi pa rin mahanap ni Akira ang tamang mga salita na bibitawan niya. Sandaling bubuka ang kanyang bibig, pero kaagad din niya iyong isasara. "What's your decision, Akira?" Trevor pressed her once again. He must be really desperate to win the game. It'll be a huge victory on our side since we'll be going head-to-head against the famous Mortal Seven. Sa huling pagkakataon, bumuntong-hininga si Akira na tila ba wala na rin siyang choice. Hanggang sa mag-desisyon siyang magsalita, finally. "I need you to give me your both full ears and listen carefully to my plan because I won't repeat it twice," she said with a hint of annoyance in her voice. "Got it?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD