Thirty One

1750 Words
I admit that Akira Kawahara really has what it takes to be a good leader. Walang kahirap-hirap niya kaming binigyan ng positions at roles na madali naming naintindihan because of how well she speaks and elaborates things. Since we are to play defense, we wouldn't attack the enemy's base first. Hindi kami aalis dito sa base namin at aatake lamang kapag umatake ang kabila. Napatingin ako kay Frician na nagdi-distribute ng isang vial na mayroong faint blue na liquid sa loob at isang syringe per magian. Ito ay potion na pampatulog na siya mismo ang ginawa. Mas mapapadali ang pagbawas namin ng bilang ng mga kalaban gamit ito. She really works harder than anyone else. Trevor and Damian, on the other hand, will be stuck with me. Kami ang magbabantay sa aming itim na flag na nakatayo sa pinaka-gitnang parte ng aming base, while Akira will be in the middle to give orders. "Are you good in a long-range battle?" Nagulat ako nang mayroong magsalita sa gilid ko. It was Frician, holding a bow, syringes, and a small vial of sleeping potion. "If so, you can use these from afar." "Uh... you can give them to Trevor and Damian," tugon ko at napakamot sa batok ko. "I suck at all those." Definitely not a fan of syringes, long-range battles, and potions! "Don't worry, we have enough bows to use," nakangiting sabi ni Frician at itinuro ang ilang teammates namin na may buhat-buhat na bows at pinamimigay sa iba pa naming kasama. "Here. A bag of syringes and vials." Matapos niyang ibigay sa amin ang mga armas na gagamitin namin, nilayasan na niya ako upang maghanda naman ng mga herbal niyang gamot. "I'm glad we have her," bulong ni Trevor nang makalapit sa akin at sinundan ng tingin si Frician. "It's impossible to win without these people." Inilibot ko ang tingin sa mga nagkalat naming teammates na abala sa paghahanda sa magiging atake ng kalaban. Ang iba ay nasa kani-kanila nang posisyon. I could say that our team was mentally, emotionally, and physically prepared for our game against the Mortal Seven, minus Cohen, Laura, and Emerald. Ipinikit ko ang mga mata upang mas pakiramdaman ang enehiya ng kalaban na papalapit sa base namin. And I felt plenty of them! "They're finally here," bulong ko kay Damian na pumwesto na sa tabi ko upang bantayan ang flag. Dali-dali siyang lumapit kay Akira upang sabihan ito. "Okay, position!" maotoridad na sigaw ni Akira dahilan upang magsibalik na sa orihinal na pwesto ang mga kasama namin. Ang team namin ay binubuo ng twenty four na miyembro. Tatlo kami sa base, plus si Akira na nasa gitna, si Frician at Ayesha sa medics, and the rest will be frontliners with Jan as their leader. Nakapalibot sa bungad ng gubat ang labinwalong miyembro ng team namin. Ang iba'y nakadapa sa sahig, nakatago sa likod ng puno, o nakaupo sa mga nagtataasang sanga ng puno. Lahat ay mayroong hawak na mga armas na komportable nila gamitin, pero mostly ay bows and syringes ang gamit. Hindi inaasahan ng kalaban ang tibay ng depensa namin, kung kaya't pagkasugod ng ibang miyembro nila'y natamaan kaagad sila ng syringes na mayroong potion na pampatulog. Otomatiko na nailabas sa laro ang anim na miyembro ng kalaban. "Six o'clock, there's three," anunsyo ko sa kanila dahilan upang mas nagimg focus pa ang mga naka-posisyon sa silangang parte ng gubat. Ngunit nagulat kami nang may isang miyembro namin ang nalaglag sa puno at bigla na lamang nawala—only means that he was already out of the game! "Cover your nose with whatever cloth you have! They are using powder bombs that cause one to fall asleep in an instant," sigaw ni Akira. I am surprised that she already figured that much by just seeing what happened to our fallen member. "Keep your focus!" muli niyang sigaw nang makitang nabahala ang ilang teammates namin sa nangyari. Muli naming itinuon ang atensyon sa paligid. I could feel their energy, but it was just weird that we couldn't see them with our eyes. Nagulat na lamang kami nang sunud-sunod na nagsilaglagan ang mga miyembro namin mula sa puno at lima sa mga iyon ang biglang nawala. "Damn it," naibulong ko sa sarili at pinulot mula sa lupa ang bows at syringes na ibinigay ni Frician kanina. Nang malagyan ko na ng potion ang syringes, itinutok ko ang bows sa kung saan at ipinikit ang mga mata. "Are you serious?" bulong ni Damian sa akin. "Focus on your own target," tugon ko sa kanya. "What if you accidentally shoot our teammates?" bulong din ni Trevor nang makita ang pagpikit ko. "Shut up, both of you," iritable kong sabi at itinutok sa ibang direksyon ang bow na hawak ko nang maramdaman ang enerhiya mula roon. "But, Lierre, how can you shoot with your eyes clothes-" Naputol ang sasabihin ni Damian nang lumapit sa amin si Akira. Hindi na ako nag-abalang lumingon sa kanya upang masiguro dahil nararamdaman ko ang kakaibang enerhiya na nagmumula sa kanya. "Let her be," madiin na sabi ni Akira sa dalawa dahilan upang manahimik sila. Muli kong naramdaman ang paggalaw ng lima hanggang walong katao sa iba't ibang direksyon ng gubat. It seemed like they were waiting for an opening to attack inside. "I got this," bulong ko at saka pinakawalan ang syringe sa kamay ko. Ito ang unang beses na aatake ako mula sa malayo na gamit ang armas na ito, kung kaya't hindi masyadong accurate ang shots ko. Fortunately, the accuracy of our shots isn't necessary in this battle. Kahit daplis lang ng karayom sa katawan ng kalaban ay kaagad na eepekto ang pampatulog. "Need more syringes with potion?" tanong ni Akira na nakaluhod sa tabi ko at nangangalkal ng mga gamit. She was calmer than I expected. "Yes, please." Itinutok ko ang bow ko sa pang-limang enerhiya na nararamdaman ko sa bandang timog at muling pinakawalan amg syringe mula sa bow. "Five magians down. Two syringes more, please." Ipinalad ko ang kamay ko sa direksyon ni Akira na mabilis niyang inabutan ng hinihingi ko. "Good. I'll build a little water barrier around our flag, to be sure," rinig kong sabi ni Akira sa dalawang kasama ko na nanonood lang sa amin. Matapos kong pakawalan ang pampitong syringe, inihagis ko sa lupa ang bow at napasalampak ako sa lupa. Oh, gods. I really can't stand long-range battles! Nang lingunin ko sina Akira, Trevor, at Damian, nakangiti lamang ang mga ito sa akin. "You did well," ani Trevor. "That reduces the number of our enemies into eleven," saad ni Akira. "Did we just provoke Primo Klausser just now?" singit ni Damian dahilan upang mapalingon kami sa kanya. I scoffed. "We should expect the worst, from this moment on—" Naputol ang sasabihin ko nang mayroong biglang sumabog sa hilagang parte ng gubat. Lima ang bumagsak at naalis sa game dahil doon. "That was fast," Trevor commented. Matapos ang pagsabog, biglang tumahimik ang paligid. Unti-unti na ring nawawala ang nararamdaman kong enerhiya sa paligid. "They're gone." Pagkasabi ko no'n ay otomatikong ibinagsak ng lahat ang kanilang katawan. Nilapitan kaagad sila nina Frician at Ayesha upang painumin ng kung ano. "There will be no more attacks tonight," ani Akira at dumiretso sa silong namin. Nagpahinga na rin sina Trevor at Damian sa silong namin, habang nanatili akong nakabantay sa flag na ngayon ay pinalilibutan ng tubig. But I noticed that the water isn't as strong and calm as what Akira used to form her water dragon. Out of my curiosity, I touched the water using my fingers, and to my surprise, the barrier had collapsed. Dali-dali kong nilingon si Akira, but she looked like she had also collapsed from exhaustion. I shrugged. I had no choice but to create a sturdier barrier with my own magaè. Pinaka-ayoko pa man din ang pag-produce ng tubig at paggamit ng mahika. Maging sa mga misyon ko kay Master Acius, iniiwasan kong gumamit nito. Maybe because I felt like I can win against anything and anyone even without using it. Yup, I am that proud and arrogant. I produced an immense amount of water on my both hands and blobbed the flag with it. I then tested its sturdiness by touching and hitting the water, but it remained steady. "It's my first time seeing something like that!" Napalingon ako sa nagsalita. Isang medyo mas mataas sa akin na babae na medyo chubby. Maputi siya at kapansin-pansin ang maganda niyang mukha. Miyembro siya ng team namin, obviously. Bakit ang hilig ng mga tao rito na sumulpot nang pabigla-bigla? "Real, living water!" "What do you mean by real, living water?" tanong ko sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali, Jamie ang pangalan niya. Isa siya sa mga gumagawa ng bows gamit ang mga kahoy. Isa ring nakapagtataka na nilapitan ako nito. Halos lahat ng estudyante sa Magi Academia ay tinatawag akong cursed child at takot lumapit sa akin dahil baka mahawaan daw sila ng sumpa. Nagulat ako nang hawakan pa nito ang kamay ko at hinila ako paupo sa lupa. "Ang tubig na nagmumula sa Mermaid's Pipe ni Akira ay artipisyal. The water does not listen to her, so she created another liquid that she could manipulate. I suspect she's using a dark magaè to force the water to respond to her will," bulong ni Jamie. "Your source?" taas-kilay kong tanong sa kanya. "Come on, Lierre. Naniniwala kang may dugo siyang Kingsley?" To clear confusion, Kingsley is the surname of the King of Kingdom of the Waves. So kapag tinawag kang Kingsley, kahit hindi mo iyon apelyido, ibig sabihin ay galing ka sa kaharian sa ilalim ng dagat. I shrugged. "Maybe." "You see, ang lolo ko ay isang wizard. So may dugong wizard din ako," muli niyang bulong. "I'm suspecting that Akira is a half wizard, like I am. And she's using dark sorcery!" Inirapan ko siya. "That's impossible, Jamie. Stop pestering me." Umiling siya at mahigpit na hinawakan ang braso ko. "Hindi ko pa nakukumpirma, but there's something weird about her. I've been keeping an eye on her since she came back." "There's no such thing as wizards—" Nahinto ako sa pagsasalita nang maalala ang isang kahindik-hindik na kuwento sa mga lumang History books, ngunit hindi matatagpuan sa orihinal na kopya ng Magus History. "The war in 2008!" naibulalas ko. Tumango siya habang seryoso pa ring nakatingin sa akin. "The Moon Rebels."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD